10
Ang Alamat ng Mindanao Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino nguni't ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda. Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya't nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makaka-isang dibdib ng kanyang anak. Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin. Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamana ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Nguni't ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo. Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok nguni't natalo sa ikalawang pagsubok sapagkat ang kanyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang. Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay nag-isip siyang ma buti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto. Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat nasiguro niyang may pagtingin din sa kanya Prinsesa. "O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ng sultan kay Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, "Ilang tiklis na ginto ang dala mo, Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan? ang pagmamalaking tanong ng sultan. "Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon nguni't kung kulang pa ito ay handa akong, ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian," ang tugon ni Prinsipe Lanao.

Ang Alamat Ng Mindanao

  • Upload
    monving

  • View
    2.666

  • Download
    37

Embed Size (px)

DESCRIPTION

project

Citation preview

Page 1: Ang Alamat Ng Mindanao

Ang Alamat ng Mindanao

Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino nguni't ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda. Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya't nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makaka-isang dibdib ng kanyang anak.

Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin.

Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamana ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Nguni't ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo.

Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok nguni't natalo sa ikalawang pagsubok sapagkat ang kanyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang.

Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay nag-isip siyang ma buti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto. Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat nasiguro niyang may pagtingin din sa kanya Prinsesa.

"O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ng sultan kay Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, "Ilang tiklis na ginto ang dala mo, Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan? ang pagmamalaking tanong ng sultan.

"Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon nguni't kung kulang pa ito ay handa akong, ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian," ang tugon ni Prinsipe Lanao.

"Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pag ito'y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan. "Ang ikatlong pagsubok ay kinabukasan na natin itutuloy."

Umalis si Lanao napunong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa baging na sampayan. Ngunit lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at laki ng kanyang pag-ibig sa binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang ipinag-utosni Minda sa kanyang katulong.

Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya't ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging "Mindanao."

Page 2: Ang Alamat Ng Mindanao

Alamat ng Lindol

Noong unang panahon, may isang higanteng naninirahan sa isang malaking kweba sa mga lalawigang Bulubundukin. Siya si Indol. Titingalain mo siya sa tangkad niya. Katatakutan mo siya sa napakalaking pangangatawan niya. Lubos na mapang-api si Indol. Kung ikaw ay kaiinisan ay bubuhatin at ibabalibag ka niya. Masuwerte ka kung sa putikan ka babagsak. Kung sa batong nakausli ay magkakabali-bali ang iyong kaawa-awang katawan. Nakikisama na lahg ang mga tao kay Indol. Sa takot nilang mapaaga ang kamatayan ay pumapayag na silang paalipin sa buhong na dambuhala.

Araw-araw ay dinadalhan si Indol ng mga usang napapana, baboy-damong nasisibat, prutas na nasusungkit at mga gulay na naaani. Kailangang laging maraming handog sa mesang kainan ang mga tao upang hindi mag-alboroto sa galit si Indol.

"Ako ang pinakamakapangyarihan dito!" sigaw niya sa mga nanginginig pang nagsipaghandog. "Lahat ng maibigan ko ay kailangang sundin ninyo! Wala akong kinatatakutan. Babaliin ko ang leeg ng sinumang hindi magdala ng handog sa aking hapagkainan. Lahat ng masasarap na pagkain ay dapat ninyong ibigay sa akin. Ako ang bathala ninyo dito sa bulubundukin. Kapag sumuway kayo ay makikita ninyo ang hinahanap ninyo! Gigibain ko ang mga tirahan ninyo at ibabalibag ko kayo mula sa pinakamatarik na bundok dito!"

Nangangalog ang mga baba ng mga tao nang humalakhak nang malakas ang higanteng abusado. Isang gabi ay bumuhos ang malakas na ulan. Matatalim na kidlat ang gumuhit sa kalawakan na sinundan ng nakatutulig na dagundong ng kulog. Noon lamang nakakita ng ganoong katatalim na kidlat ang mga mamamayan. Kahit nakasara ang mga bintana ay nagliliwanag pa rin ang mga kidlat sa mga butas nilang dingding.

Sa bawat kislap ng kidlat ay nagtatalukbong sila ng kumot. Kung takot sila sa higante ay higit silang takot sa kislap ng kidlat na sa tingin nila ay tatama sa kanila sa isang iglap. Nagsipagdasal sila sa kanilang mga anito upang papalayuin ang matatalim na kidlat. Nang hutnupa ang malakas na ulan ay nakarating kay Indol ang labis na pagkatakot ng mga mamamayan.

"Ako lang ang dapat nilang katakutan!" galit na sigaw ng naiinggit na higante. Sa sobrang pagkainis ay hinintay na muli ni Indol ang malakas na pag-ulan. Matagal siyang naghintay. Lumabas siya sa kweba nang bumuhos ang malakas na ulan. Nang makita niya sa kalawakan ang pagguhit ng matatalim na kidlat ay hinabol niya ang mga ito. Nababali ang mga punungkahoy na kaniyang natitisod. Nagkakagiba-giba ang mga bahay ria kaniyang nasasagi. Nangamamatay ang mga baboy-damong kanyang natatapakan. Takbo rito. Takbo roon. Pero kahit anong bilis ang gawin ay wala ring saysay. Hindi niya mahuli kahit isa man lang sa mga kidlat na kumikislap sa kaitaasan.

Sa sobrang galit ay lalong binilisan ni Indol ang paghabol. Sa kasamaang palad ay napatid ang paa niya sa isang nakatumbang puno ng mangga at nahulog siya sa isang malalim na hukay. Pinilit ni Indol na makaahon sa hukay pero lagi siyang dumudulas sa mga batong tinutuntungan. Sa tuwing magpipilit siyang sumikad at lumundag ay yumayanig ang lupa na ikinahihilo ng mga tao sa kanilang bahay. "Si Indol yan na nahulog sa hukay. Nagdadadamba siguro kaya para tayong idinuduyan."

Sinasabing hanggang sa kasalukuyan ay naroroon pa rin sa malalim na hukay si Indol. Kapag nababasa ito ng ulan ay nagpipilit itong makaahon. Kapag nadudulas sa mabatong hukay ay nagdadadamba ito. Kapag naramdaman na ng mga tagabundok ang idinuduyang kapaligiran ay sasabihin na nilang: "Si Indol... si Indol." na nang lumaon ay naging Lindol! Lindol! Sa kasalukuyan, kapag umuuga ang lupang kinatatayuan natin o kinatitirikan ng bahay natin ay sumisigaw din tayo: "Lindol! Lindol! o Lumilindol! Lumilindol!"

Sa mga lalawigang bulubundukin nagsimula ang alamat ng Lindol.

Page 3: Ang Alamat Ng Mindanao

Ang Alamat ng Ahas

Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad.

Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.

Matapos ang kanilang pag-aaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang.

Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.

Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling. Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong palay.

Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga ahas.

Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.

Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.

Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.

Page 4: Ang Alamat Ng Mindanao

Ang Alamat ng Kawayan

Noong unang panahon, ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabang ito at laging taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang makinis na katawan.

Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang-sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.

Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at laging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalalaluan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya sapagkat tumatawag siya ng kaibigang handang maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito. Nilapitan nila ang puno ng Bayabas at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilapag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na Santol at berdeng-berdeng mga Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang mga Makopa. Hinog na hinog na rin ang mga Caimitong kulay lila.

Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang mga prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na maipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan. Sa galit ni Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin. Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Bayabas, Santol, Caimito at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan.

Minsan ay may nagawing magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapupupol sa puno ng Kawayan ay nilayuan nila ito. Natuwa sila nang malingunan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-daling namupol ng mababangong bulaklak ang binata. Ang mahalimuyak na Rosal at Sampaguita ay handog na nakapagpaligaya sa dalaga. Dahilan sa magagandang bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.

Inis na inis na naman si Kawayan. Wala siya kahit isang bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili, tinawag niya ang kaibigang si Ulan. Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak. Nasira sa mga tangkay ang magagandang bulaklak na Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.

Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka't makikitid ang mga dahon nito. Natuwa sila nang matanawan ang puno ng Banaba. Talagang malalapad ang mga dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitan ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lola Jovita at Lolo Guillermo ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno na lubhang ikinagalak ni Kawayan.

Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin at mapagmataas nito. Bilang parusa, ang laging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin. Ang pagyuko ni Kawayan ay pagbibigay halaga na anumang biyayang

handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso ninuman.

Page 5: Ang Alamat Ng Mindanao

Ang Alamat ng Pating

Ang kasabihang parang pating ka kung magpatubo ay batay sa alamat ng pating na kuwento ng mga taga-Palawan.

Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palaweño na kilala sa pagiging gahamang usurero. Siya si Kablan na lagi nang gustong pagtubuan ang lahat ng kapitbahay na mangingisda sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinauutang, galit na galit ang mga mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan. Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunud-sunuran sa napakatakaw na mangangalakal.

Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga pobreng mangingisda. Hindi sila makaangal sa di makatarungang pagpapautang.

Mahusay na mahusay kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda kung may sarili kang bangkang paghahanguan ng mga huling isda sa karagatan. Mas malaki ang bangka, mas malaki ang huli. Mas malaki ang huli, mas marami rin ang panindang maipapautang sa iyo ng ngingisi-ngising negosyante.

Isang magdadapit-hapon, habang nagpapasasa si Kablan sa marangyang hapunan, isang uugud-ugod na matanda ang kumatok sa kanyang bahay.

"O ano, tanda, may problema ba?""Na...nagugutom ako. Maaari po bang makahingi ng sobra sa hapunan ninyo?""Aba oo, yun lang pala," nakakunot-noong sagot ni Kablan. "Pero sa isang kondisyon, kailangang

bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat ay areglado. Kung wala kang pera umalis ka na dyan at baka hindi ako makapagpigil sa iyo."

"Maawa kayo, ginoo. Hindi ninyo madadala sa hukay ang yaman ninyo.""Aba makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na may isda

kang mahuhuli! Sige, layas! Layas!" pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang matanda na napasubsob sa tarangkahan ng malaking bahay.

Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit ang nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay. Nagbabala ito na may darating na lindol sa kapatagan at magbibitak-bitak daw ang lupa sa kapaligiran. Matapos magbabala ay itinaas ng matanda ang baston. Namangha ang lahat nang magdilim ang langit at gumuhit ang matalim na kidlat.

Sa pagpanhik ng matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang lupa. Sa matinding takot ay nagsunuran ang mga mangingisda sa di nila nakikilalang matanda.

Hindi natinag si Kablan sa loob ng kanyang tindahan. Tuwang-tuwa pa siyang humalakhak. Nakikini-kinita niya ang paghugos ng mga mangingisda. Tiyak daw na bibili sila ng mga paninda niya. Naglalaro sa isip niya na ngayong napakalakas ng ulan lalo siyang magtataas ng presyo. Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bultu-bultong nakaimbak sa kanyang lalo pang pinalaking bodega.

Sa panghihiyang ginawa ni Kablan, gumanti ang pobreng matanda sa pagsasabing, "Tulad ng takot na itinanim mo usurero sa lahat ng nangangailangan sa oras ng kagipitan, magiging isda ka rin na katatakutan ng lahat sa karagatan."

Sa muling pagtataas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at tumalim ang mga kidlat. Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas ng burol, tanaw na tanaw ng lahat na nagdudumaling lumabas si Kablan sa tindahan. Nanginginig ito sa sobrang takot. Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot siya ng rumaragasang tubig-ulan na lalong nagpalalim sa dagat-dagatan.

Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging mahabang isda na may matulis na nguso at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.

Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala itong parang bula.

Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari ng Karagatan na walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging usurero sa Palawan, ang pating naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan.

Page 6: Ang Alamat Ng Mindanao

Alamat ng Palay

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay.

Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga

hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-

kahoy sa parang. Sila ay maligaya roon.

Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang

ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot.

Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y

nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay

makapangyarihan subalit magagalang.

Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito

ay napakarami pala ang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan, at

nagsayaw.

Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito

ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng puting pagkain.

Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay naging bata. Sila ay lumakas. Sila'y pinainom

ng puting alak at sila'y at naging matalino.

Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, " Kayo'y bibigyan ko ng butil.

Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay

mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga."

"Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butil ay magiging bigas. Ito ay lutuin.

Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo."

Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Page 7: Ang Alamat Ng Mindanao

Ipinasa ni:

Grade IV

Ipinasa kay:

Guro

Page 8: Ang Alamat Ng Mindanao