15
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I GRAMATIKA AT PAGBASA UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO I. ANG PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Paglalakbay at Kultura Pamagat ng Texto : Kaysarap Maging Pilipino Uri ng Texto : Textong Narativ Kagamitan : Tula, Teyp ng Awiting “Ako ay Pilipino” Gamit ng Wika : Paghahambing at Pagkokontrast Istruktura ng Wika : Mga Ponemang Suprasegmental Kasanayang Pampag-iisip : Pagpapasya Halagang Pangkatauhan : Paglalahad ng sariling kaalaman o opinyon nang may paninindigan sa sarili II. MGA INAASAHANG BUNGA (SA BAWAT ARAW) A. Nalilinang ang komprehensyon at kasanayan sa pagpapaliwanag ng ideya/kaisipang nais ipahatid ng paksa. B. Naipahahayag nang buong husay ang mga mahahalagang kaisipan at opinyong nakapaloob sa texto at ang sariling paniniwala tungkol dito. C. Natutukoy ang layon ng texto. D. Nakikilala ang tiyak na uri ng textong binasa. E. Nakapagbibigay-halaga sa mga ponemang suprasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin. F. Nakabubuo ng paghuhusga batay sa kabisaan ng pagkakagamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagkakasulat ng texto. G. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang textong tinalakay. 12

Banghay-Aralin

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Banghay-Aralin

Citation preview

Page 1: Banghay-Aralin

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO IGRAMATIKA AT PAGBASA

UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

I. ANG PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Paglalakbay at Kultura Pamagat ng Texto : Kaysarap Maging PilipinoUri ng Texto : Textong NarativKagamitan : Tula, Teyp ng Awiting “Ako ay Pilipino”Gamit ng Wika : Paghahambing at Pagkokontrast Istruktura ng Wika : Mga Ponemang SuprasegmentalKasanayang Pampag-iisip : PagpapasyaHalagang Pangkatauhan : Paglalahad ng sariling kaalaman o opinyon nang

may paninindigan sa sarili

II. MGA INAASAHANG BUNGA (SA BAWAT ARAW)

A. Nalilinang ang komprehensyon at kasanayan sa pagpapaliwanag ng ideya/kaisipang nais ipahatid ng paksa.

B. Naipahahayag nang buong husay ang mga mahahalagang kaisipan at opinyong nakapaloob sa texto at ang sariling paniniwala tungkol dito.

C. Natutukoy ang layon ng texto.

D. Nakikilala ang tiyak na uri ng textong binasa.

E. Nakapagbibigay-halaga sa mga ponemang suprasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin.

F. Nakabubuo ng paghuhusga batay sa kabisaan ng pagkakagamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagkakasulat ng texto.

G. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang textong tinalakay.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

1. Mga Panimulang Gawain

a. Pagganyak. Pangkatang Gawain. Pagpapakita ng isang FACSTORMING WEB. Pabubuuin ang bawat pangkat ng mga ideya/ kaisipang posibleng nakapaloob sa FACSTORMING WEB sa tulong ng mga sumusunod na tanong:

12

Page 2: Banghay-Aralin

- Anu-anong mga kaalaman na maaari ninyong mabuo mula sa FACSTORMING WEB?

- Bakit ganoong kaisipan ang inyong nabuo?

a.1 Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkata.2 Pagbabahagi ng lider ng bawat pangkat sa klase ng nabuong

kaisipana.3 Pagbibigay ng feedback sa mga nakinig. Naniniwala ka ba o

hindi? Bakit?

b. Paglalahad. Pagbibigay-pansin sa paksa “KAYSARAP MAGING PILIPINO”. Muli, pagbibigayin ng reaksyon ang bawat pangkat sa tulong ng mga sumusunod na tanong:

- Ano ang isinasaad ng pamagat?- Tunay nga bang maipagmamalaki at masasabing KAYSARAP

MAGING PILIPINO kapag pinag-uusapan ang kulturang Pilipino?- Magbahagi ng sariling karanasaan kung paano mo ipinagmalaki

ang sariling kultura

2. Pagbabasa ng textong lunsaran. “KAYSARAP MAGING PILIPINO”

13

Sining

Panitikan

Pagguhit

Sayaw

Musika

Pasyon

Pasko

Pista

Mahalna Araw Tradisyon

Kimona

Saya

Pantalon

Polo

Kasuotan

Waray

Filipino

Ingles

Ilocano

Wika

SaPamamanhikan

Sa Kasal

SaPanganganak

Pagtanggapng Bisita

Kaugalian

KULTURANGPILIPINO

Katoliko

Protestante

Iglesiani Kristo

Relihiyon

Page 3: Banghay-Aralin

KAYSARAP MAGING PILIPINOni Gng. Erlinda D. G. Antaran

IAng dakilang kasaysayan ng ating Inang-BayanPilit mong iwaglit sa puso’t diwa’y hindi maiaalisDangal ito ng ating lahi, mabuhay, mainitKaya’t halina’t gunitain ganda niya at taginting.

IIAng bansang Pilipinas na pinakatatangiSa silong ng araw ay nananahimikWala ni anumang pangamba sa dibdibPagkat ang mamamayani’y bayanihan at pag-ibig.

IIINgunit isang araw ang bayan ay nagdilimIba’t ibang kamay ng dayuhan humampas sa atinBatas nila at patakaran pili’t nilang ipinaaangkinAng karapatang pantao’y hinadlangan at pinigil.

IVAng bansang Pilipinas ay kanilang iginupoKalayaan ng ating bayan pili’t nilang iginuhoBibig ay may busal, mata ay may piringSinakatan ang damdamin, pinahirapan ang isip at puso.

VINoon din ang ating bayan, nagpumiglas at nag-isipIsinigaw ang katarungang kalayaan ay maibalikLahig kayumanggi, buong tapang na lumaban at humarapLaban sa mga dayuhang mapagkamkam at marahas.

VIMga bayani ng lahi isa-isang bumandilaSina Gat. Jose Rizal, A. Bonifacio, A. Mabini at iba paPagmamahal sa inang bayan kanilang ipinakitaNagbuwis ng buhay, makamit lamang ang kalayaan

ng bayang sinisinta.

VIIAnupat ang kasarinlan sa wakas ay nakamtanDahila na rin sa mga bayani at henyo ng bayanKinilala ang lahing kayumanggi sa kagitingan at katapanganNgayo’y may hihigit pa ba sa kulay at ganda

ng kahapong kinagisnan.

14

Page 4: Banghay-Aralin

VIIIAng maging Pilipino ay isang karanagalanSa ugat at laman ko’y nananalaytay ang kabayanihanHindi umuurong sa anubang labananTaas-noo at nangunguna sa bawat larangan.

IXAng wika ko’y Filipino sagisag ng kaisahanPwersang nagpapakilos sa pagsulong bayanFilipino rin ang kasangkapan sa tunay na kasarinlanTatak ito at simbolo ng ating kalayaan.

XAng kulturang minana ko’y katutubong talagaNatatangi, naiiba, ipinagmamalaki ng balanaAng mga paniniwala at tradisyon, kaugalian at kulturaKayamanang maipagmamalaki sa bawat bumibisita.

XISa lahat ng larangan. Pilipino’y kinikilalaAmbag nila sa ating sining, buong mundo ay humanga paMa-teatro, mapa-Sining, sa isport man ay nangungunaGaling ng Pilipino ay angat lagi sa iba.

XIIMga dayuhan ay nabighani rin sa mga gawain

at pagdiriwangMoriones, Ati-Atihan, Santa Cruz de Mayo at

pangkat Kawayan Maging Pasko at Bagong Taon ay kanilang kinagigiliwanHinahanap-hanap ang pagbisita sa ating inang-bayan.

XIIIO! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga!Ikinararangal ko ang aking lahi kahit saan mapuntaTaas noong ibabandila ang kalinangang nakilalaPagka’t ito’y sariling atin, simbolo ng demokrasya.

XIVO! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga!May kulturang marangal na ipinagmamalaki tuwinaIsa para salahat at lahat para sa isaAng dakilang layuning Pilipino na angat salba.

3. Pagbubuod sa textong binasa. Pagbubuod sa tulong CONCEPT MAPPING.

15

Page 5: Banghay-Aralin

IKALAWANG ARAW

Pagtatalakay sa Aralin

1. Panimulang Gawain

a. Pakikinig sa teyp ng awiting “AKO AY PILIPINO”

- Ano ang mensahe o nais ipahiwatig ng awit?

2. Pagpapabasang muli sa lunsaran. “KAYSARAP MAGING PILIPINO”. Pagpapabigkas nang may angkop na damdamin sa isang piling mag-aaral habang nakikinig ang klase.

3. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi naunawaan batay na rin sa pagkakagamit nito sa texto.

4. Pagpapalalim ng kaalaman. Papangkatin ang mga mag-aaral sa walo (8). Magkakaroon ng bahaginan batay sa mga sumusunod.

Pangkat 1 at 2:

16

KAYSARAP MAGING PILIPINO

MAY MGA KULTURANG IPAGMAMALAKI

MAGIGITING NA KAUGALIANG PILIPINO/ HENYO NG LAHI

WIKANG FILIPINONGIPINAGMAMALAKI

ATI-ATIHAN/MORIONES/ STA. CRUZ DE MAYO/ PASKO, BAGONG TAON

SINING/AWIT/ TEATRONG PILIPINO

1. bibig ay may busal2. mata ay may piring3. nananalaytay ang kabayanihan4. iba’t ibang kamay ng dayuhan humampas sa atin

Pagpili ng mga mahahalagangKaisipan sa texto

Page 6: Banghay-Aralin

Pangkat 3 at 4:

Pangkat 5 at 6:

Pangkat 7 at 8:

5. Pagbabahagi sa klase ng kinalabasan ng pangkatang talakayan

6. Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral

7. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan. “Anong pangkalahatang kaisipang ang maaari nating mabuo sa naganap na talakayan

IKATLONG ARAW

1. Panimulang Gawain

a. Ano ang inyong pananaw sa salitang “Tradisyon”. (Pagpapakita ng guro ng mga larawan hinggil sa tradisyon)

2. Pagpapabasa sa isang kaugnay na texto. Mula rito ay magbibigay ng input ang guro tungkol sa layon ng texto.

TRADISYONG PILIPINOni Gng. Erlinda G. Antaran

IAng tradisyong Pilipino kung pag-uusapanAng pagpapahalagang pantao’y buhay na larawanIsinapuspong palagi ang kagandaang-asalPagkalahi ng bayan, lubos na ginagalang.

17

Pagbubuo ng pansarilingPaniniwala sa texto

Pagpili ng mga opinyonsa texto

Pagbubuo ng mga sariling opinyon

Dapat nating ipagmalaki ang lahing Pilipino a lahat ng oras at panahon. Ikarangal natin, ipagmalaki at patuloy na pahalagahan ang sariling atin… ang KULTURANG PILIPINO.

Page 7: Banghay-Aralin

IITradisyong Pilipino noon at magpasahanggang ngayonIpinaglaban ng mga bayaning manatili sa bawat panahonMula sa katutubo, Kastila, Amerikano at HaponTradisyon natin ay nagningning at kinikilala sa lahat ng panahon.

IIIKaya nga’t tradisyong Pilipino ay maipagmamalakiTulay ito sa pagbabago at simbolong natatangiKaugalian at kilos, tunay na kawiliwiliHagdan ito sa tagumpay at kapayapaang minimithi.

Isa-isahin ang mga nais sabihin ng texto sa mga mambabasa.

3. Pagbibigay ng faynal input ng guro tungkol sa layon ng texto at uri nito.

4. Papangkatin muli sa apat ang klase. Ipasusuri ang textong lunsaran. “KAYSARAP MAGING PILIPINO” ayon sa layon at uri ng texto.

Gabay na Tanong:

Ibigay ang mga nais sabihin ng texto sa mga mambabasa.

Patunayan sa tulong ng mga tiyak na bahagi.

- Bakit tinawag na textong narativ ang tula? Magbigay ng patunay.

5. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri.

6. Pagbubuo ng sintesis.

18

Ang layon ng texto ay tumutukoy sa mga kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mga mambabasa. Ang mga kaisipang ito ay may tiyakang kaugnayan sa sarili, sa isang tiyak na personalidad at sa kalahatan.

Narativ ang texto kung ito ay nagpapakita ng mga kaalaman tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na panahon. Nagsasalaysay din ito ng mga magkakaugnay na kaisipan.

Page 8: Banghay-Aralin

IKAAPAT NA ARAW

1. Panimulang Gawain

a. Pagdadayalogo ng dalawang mag-aaral. Pag-uusap hinggil sa isang darating na okasyon. Pagbibigay-pansin sa kanilang pagsasalita (tono, haba, diin, at antala).

2. Pagbibigay ng guro ng kailangang input upang makilala ang mga hiram ponemang surpasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin.

19

Ang layon ng texto ay tumutukoy sa kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mambabasa.

Narativ ang texto kung ito ay nagpapakita ng mga informasyong tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na panahon.

TEXTONGTEXTONGNARATIVNARATIV

LAYONLAYONNG TEXTONG TEXTO

Tono - ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upag higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap.

Page 9: Banghay-Aralin

3. Muling Pagpapabasa sa textong lunsaran. KAYSARAP MAGING PILIPINO.

4. Pagsusuri sa texto batay sa mga ginamit na ponemang suprasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin.

Pangkat 1: Mga salitang/bahaging nagpapakita ng tono

Halimbawa:

ta la

ga

ta

la ga

Pangkat 2: Mga salitang nag papahiwatig ng antala

Halimbawa: Sinaktan angdamdamin/pinahirapan/ang puso at isip.

Pangkat 3: Mga ponemang suprasegmental na ginamit sa paniniwala

Halimbawa: Anupa’t ang kasarinlan sa wakas ay nakamtan. Dahilan na rin sa mga bayani at henyo ng bayan.

*Ang tono o pagtaas-baba ng bigkas sa taludtod na ito auy nanganga-hulugan ng isand matinding paniniwala at pagpapahalaga.

5. Pagbabahagi sa klase ng ginawang pagsusuri.

6. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong.

1. Makabuluhan ba ang pagkakagamit ng mga halimbawang ponemang suprasegmental sa texto?

20

Haba - tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol sa nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.

Diin - tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

Antala - saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.

* ang nagsasalita ay nagtatanong o nagdududa

* ang nagsasalita ay papatotoo o nagpapatunay2

13

12 3

Page 10: Banghay-Aralin

2. Mahalaga ba ang kaalaman sa paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagbubuo ng isang textong narativ? Patunayan.

7. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang pinag-usapan.

IV. EVALWASYON

IKALIMANG ARAW

1. Panimulang Gawain

a. Ano ang pagkakaalam mo sa “Ati-Atihan”?

2. Pagpapabasa ng isa pang halimbawang textong narativ. Paksa: “ATI-ATIHAN SA AKLAN”.

ATI-ATIHAN SA AKLAN

Ati-Atihan… isang pagdiriwang na hindi mapapantayan ng anumang bansa at ito’y sa Pilipinas lamang ginagawa taun-taon.

Subalit, ano nga ba ang Ati-Atihan? Saan at paano naganap ang unang Ati-Atihan?

Sa isang lugar sa Panay, ikalabintatlong daan taon na ngayon ay ipinagpalit ni Haring Marikudo ng mga Ati ang kanilang lupain sa mga Malay ng gintong salakot, batya at isang kondisyon na ang Malay ay hindi na pupunta sa kabundukan na kanilang tinitirhan. Subalit nilabag ito ng mga Malay kaya’t dito nagsimula ang alitan ng dalawang lahi.

Tumagal ang labanan hanggang pagpasyahan ng mga pinunong mag-usap para sa kapayapaan ng bawat lahi. Pumayag din naman si Haring Marikudo at ang kanyang Amang si Polpulan subalit pumunta silang may kasamang mga mandirigma pagkat hindi raw sila nakasisiguro sa kanilang kaligtasan.

21

EFEKTIVONG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

HABA AT DIIN ANTALATONO

- Sa efektivong komunikasyon, mahalaga ang pagkakaroon ng kaalamang panggramatika patungkol sa mga ponemang suprasegmental. Sa tulong ng nabanggit na kaalaman, magiging malinaw rin ang mensahe, damdamin o kaisipang nais ipahatid sa kausap.

Page 11: Banghay-Aralin

Sa Kalibo, ginawang lahat ng mga Malay ang lahat ng maaaring ikasiya ng mga Ati upang ipakita ang kanilang layunin. Sinimulan ang peace talk at pinakinggan ng parehong panig. Napagkasunduan nilang ang mga Ati ay maaari nang mangisda sa karagatan ng mga Malay.

Natapos ang usapan at ito’y sinundan ng napakasayang pagdiriwang. Nag-inuman sila ng tuba at sumayaw ang mga Ati upang ipakita ang kanilang kasiyahan. Umawit naman ang mga Malay na sinaliwan ng malalakas na tunog na ugong na nagsasaaf ng kanilang dakilang layunin sa mga Ati.

Nagsiuwian sa bundok ang mga Ati na may kasiyahan habang ang mga Malay ay kumakaway pa sa knila. Ang kanilang paghihiwalay ay simula ng kanilang pagsasamahan.

Hanggang sa ito’y maging kaugalian taun-taon, sa kabila ng pagbabago ng panahon. At ito ay isa na rin sa mga tourists attraction. Minsan pang napatunayan na ang naghahangad ng kabutihan ay nagdudulot ng kaayusan at kapayapaan.

3. Pagsusuri ng binasang texto batay sa mga tiyak na katangian.

b. Anu-ano ang mahahalagang kaisipan sa texto?c. Anu-ano ang mga opinyong matatagpuan sa texto?d. Ano ang pangunahing punto na nais sabihin ng texto sa mga

mambabasa?

4. Pagsusuri sa binasang texto batay sa mga halimbawang ponemang suprasegmental na maaaring magamit sa texto.

Halimbawa: ____________ Ati: Massaya?____________ Malay: Masaya.

____________ Malay : Hindi, maaring pumunta sa kabundukan.____________ Ati : Hindi maaaring pumunta sa kabundukan.

5. Pagpapasulat ng isang alamat.

Gabay : 1. Sumulat ng isang textong narativ.2. Pagtuunan ang layon ng texto.3. Isaalang-alang ang mga ponemang suprasegmental

6. Pagpapahalaga sa ilang isinulat ng mga mag-aaral.

7. Pagbibigay ng guro ng faynal input sa araling tinalakay “Ponemang Suprasegmental sa isang textong narativ.”

22