Upload
shaina-mavreen-villaroza
View
2.857
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
Group 3
DARANGANMaranao
Ito’y isang pinakamahabang
epikong nasulat bago dumating ang mga kastila, ito ay may
dalawampu’t limang kabanata o istorya na kinapalooban ng mga tagpong may romansa
at adbentura.
Inilarawan sa Epikong Darangan ang
tungkol sa nawalang sultan ng Bumbaran sa Maranaw. Marami ang naniniwala na ang sultang ito ay
nakita sa kapuluang malapit sa
hangganan ng Lanaw at Cotabato.
Si Sultan Murog At si Bantugan
Ay may magandang kapatid na si
Prinsesa Lawanen
ang pinakamaganda
ng babae sa buong kapuluan ng Mindanaw
Siya ay ipinagkasundong ipakasal sa isangmatapang na prinsipe ng Kudarangan
Si Prinsipe Mabaning
Ugali noong panahong iyon na ang babaeng ikakasal ayhumihingi ng dote (dowry) sa lalaking mapapangasawa.
Prinsepe Mabaning, ninanais ko sanang magkaroon ng isang gintong manyikang
marunong sumayaw.
Ang hinihiling ng prinsesa ay matatagpuan lamang sa isang napakalayong lupain.
Prinsepe Mapondora, mga kawal, huwag na tayong
mag-aksaya ng panahon at atin ng tunguhin ang lugar na kinaroroonan ng gintong
manyika.
Sa paghahanap ng manyikang ginto ay nawala
si Prinsepe Mabaning at hindi kaagad nakabalik.
Isang araw na naliligo sa ilog si
Prinsesa Lawanen..
ay nakita siya ng isang mabagsik na datu ng Sagorongan-a-Ragat.
na si Datu Mapondi
Binibini, ang iyong
kagandaha’y hindi nararapat
dito. Ito’y nababagay sa
aking kaharian. Halika’t sumama
ka sa akin.
Nabighani si Datu Mapondi sa kagandahan
ng prinsesa kaya gayon na lamangang pamimilit niya na isama ito sa
kaniyang kaharian.
Nabalita sa pulo ng Bumbaran ang pagkawalang
ito ng Prinsesa.
Iba’t ibang pangkat ang pinakilos upang hanapin ang prinsesa.
may naghanap sa bundok
sa gubat
sa mga ilog
at dagat
Samantala, di nagtagal ay dumating
din si Prinsipe Mabaning na dala
ang gintong manyikang sumasayaw.
Ganoon na lamang ang
nadama niyang kalungkutan
nang malaman ang pagkawala
ng kaniyang minamahal.
Nang makita ni Prinsipe Mapondaran na nalulungkotang kapatid..
ay sumakay siya sa isang bapor.
Hinabol niya ang sinasakyan ni Datu Mapondi.
Hindi naman siya nabigo at inabutan niya
ang kaniyang hinahabol. Nagkaroon ng madugong paglalaban ngunit
nabigosi Prinsipe Mapondara at
ipinagpatuloyni Datu Mapondi ang paglalakbayna kasama si Prinsesa Lawanen.
Nang malaman ni Prinsepe Mabaning ang pagkamatay ng kaniyang kapatid ay gumawa siya
ng sariling misyon.
Babawiin niya ang prinsesa sa tulong ng mga diwata (kaluluwa).
Naligtasan niya ang lahat ng panganib at narating niya ang kaharianni Datu Mapondi.
Datu Mapondi, palayain mo si
Prinsesa Lawanen!
Hindi mo makukuha ang prinsesa,
papatayin kita gaya ng pagkakapatay ko
sa iyong kapatid.
Nagalit si Prinsepe Mabaning sa sinagot ni Datu Mapondi kaya siya ay napilitang lumaban kahit nag-
iisa.
Marami siyang napatay na mga kawal ng datu ngunit lubha silang marami, hanggang siya ay naubusan ng
lakas.
Nang siya ay magagapi na ay biglang nagdatingan ang mga kawal ng Bumbaran.
Nang mga sandaling iyon ay dumating din si Prinsepe Bantugan na may kasamang mga
kawal.
Sila ay nangasakay sa klongs (mahiwagang sasakyan).
Lalong naging madugo ang labanan. Naghambalang ang mga patay at ang dugo
ay umagos na parang ilog.
Ang labanan ay natapos at nagwagi si Prinsipe Bantugan at ang kaniyang mga kawal.
Si Datu Mapondi at ang mga tauhan nito ay ikinulong.
Si Prinsesa Lawanen ay ibinalik nila kay Prinsipe Mabaning.
Si Prinsipe Mapondora, ang napatay na kapatid ni Prinsipe Mabaning ay muling binuhay ni Madali.
Si Madali ay matalino at manghuhulang kapatid ni Prinsipe Bantugan.
Lumipas ang mga araw, si Prinsipe Mabaning at
Prinsesa Lawanen ay ikinasal.
Si Prinsipe Mapondora naman ay ikinasal kay Ikandara’an-Daw, ang
kapatid ni Datu Mapondi.
Ang sultan ng Sagorongan-a-Ragat ay ibinilang na ring sultan ng Bumbaran.
Tapos!