4
Paperless Session Isasagawa ng SP Taon 11 Blg. 2 Abril - Hunyo 2012 Sa malapit na hinaharap o anumang araw mula ngayon, ang Sangguniang Panlalawigan, sa hangaring makaagapay sa makabagong teknolohiya at bilang tugon sa layuning maitaas ang antas ng paglilingkod sa pamayanan bilang lehislaturang sangay ng pamahalaang panlalawigan, ay magsasagawa ng sesyon na hindi na gagamit ng maraming papel o yaong tinatawag na “paperless session.” Ito ang “Advanced Legislative Conferencing System,” isang makabagong pamamaraan ng pagsesesyon kung saan ang mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, sa halip na magdala ng makakapal na folders na naglalaman ng mga mahahalagang dokumentong tulad ng agenda, katitikan ng nakaraang sesyon, panukalang kapasiyahan at kautusan at iba pang katulad na dokumento, ay magbibitbit na lamang ng kani- kaniyang laptops o iPads” kung saan naka-stored na ang mga “digital images” at kopya ng lahat ng mga naturang dokumento na kanilang tatalakayin sa pagsesesyon. Kadalasan, umaabot halos Kadalasan, umaabot halos isandaang (100) pahina ang nilalaman ng isang folder na dala- dala ng isang kagawad sa sesyon. Ang makabagong sistemang ito na inisyatiba ng Pangalawang Punong Lalawigan, Kgg. Daniel R. Fernando, ay inaasahang magbibigay daan tungo sa mas episyente at epektibong pagsesesyon ng Sangguniang Panlalawigan at magdudulot din ng katipiran sa paggamit ng mga papel, tinta, kuryente, folders, at iba pang kagamitan at sa oras na gugugulin ng empleyado sa pagse-xerox at pagpo-folder ng mga dokumento. “Environment friendlydin ang nasabing sistema dahil makapag-aambag din ito sa pangangalaga ng ating kalikasan, lalo na sa pagpapanatili ng mga punong-kahoy kung saan nanggagallng ang papel. Upang maging maayos at episyente ang pagsasagawa ng naturang paperless session, sasailalim sa “orientation and familiarization workshopang bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan, kasama ang kanilang mga kawani, at ang tanggapan ng Kalihim ng Sanggu- niang Panlalawigan, sa pangunguna ni Kalihim Ma. Perpetua R. Santos, na siyang mangangasiwa at susubaybay sa maayos na pagsasakatuparan ng makabagong sistemang ito ng pagsesesyon. BOKAL ROBES NAGBITIW NA Opisyal na nagbitiw sa tungkulin bilang kagawad ng Sangguniang Panlalawigan si Bokal Romeo Allan Robes ng ikaapat na distrito ng lalawigan noong Mayo 15, 2012, sa pamamagitan ng isang liham na may petsa Mayo 11, 012 na naglalahad ng kanyang pagbibitiw (irrevocable resignation) bilang opisyal ng pamahalaang P. 2

L.D. Vol. 11 No. 2 - April - June 2012

  • Upload
    trannga

  • View
    239

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: L.D. Vol. 11 No. 2 - April - June 2012

Paperless Session

Isasagawa ng SP

Taon 11 Blg. 2 Abril - Hunyo 2012

Sa malapit na hinaharap o

anumang araw mula ngayon, ang Sangguniang Panlalawigan, sa hangaring makaagapay sa makabagong teknolohiya at bilang tugon sa layuning maitaas ang antas ng paglilingkod sa pamayanan bilang lehislaturang sangay ng pamahalaang panlalawigan, ay magsasagawa ng sesyon na hindi na gagamit ng maraming papel o yaong tinatawag na “paperless session.”

Ito ang “Advanced Legislative Conferencing System,” isang makabagong pamamaraan ng pagsesesyon kung saan ang mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, sa halip na magdala ng makakapal na folders na naglalaman ng mga mahahalagang dokumentong tulad ng agenda, katitikan ng nakaraang sesyon, panukalang kapasiyahan at kautusan at iba pang katulad na dokumento, ay magbibitbit na lamang ng kani-kaniyang laptops o “iPads” kung saan naka-stored na ang mga “digital images” at kopya ng lahat ng mga naturang dokumento na kanilang tatalakayin sa pagsesesyon. Kadalasan, umaabot halos isandaang (100) pahina ang nilalaman ng isang folder na dala-dala ng isang kagawad sa pagsesesyon.

Kadalasan, umaabot halos isandaang (100) pahina ang nilalaman ng isang folder na dala-dala ng isang kagawad sa sesyon.

Ang makabagong sistemang ito na inisyatiba ng Pangalawang Punong Lalawigan, Kgg. Daniel R. Fernando, ay inaasahang magbibigay daan tungo sa mas episyente at epektibong pagsesesyon ng Sangguniang Panlalawigan at magdudulot din ng katipiran sa paggamit ng mga papel, tinta, kuryente, folders, at iba pang kagamitan at sa oras na gugugulin ng empleyado sa pagse-xerox at pagpo-folder ng mga dokumento. “Environment friendly” din ang nasabing sistema dahil makapag-aambag din ito sa pangangalaga ng ating kalikasan, lalo na sa pagpapanatili ng mga punong-kahoy kung saan nanggagallng ang papel.

Upang maging maayos at episyente ang pagsasagawa ng naturang paperless session, sasailalim sa “orientation and familiarization workshop” ang bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan, kasama ang kanilang mga kawani, at ang tanggapan ng Kalihim ng Sanggu-

niang Panlalawigan, sa pangunguna ni Kalihim Ma. Perpetua R. Santos, na siyang mangangasiwa at susubaybay sa maayos na pagsasakatuparan ng makabagong sistemang ito ng pagsesesyon. BOKAL ROBES

NAGBITIW NA

Opisyal na nagbitiw sa tungkulin bilang kagawad ng Sangguniang Panlalawigan si Bokal Romeo Allan Robes ng ikaapat na distrito ng lalawigan noong Mayo 15, 2012, sa pamamagitan ng isang liham na may petsa Mayo 11, 012 na naglalahad ng kanyang pagbibitiw (irrevocable resignation) bilang opisyal ng pamahalaang

P. 2

Page 2: L.D. Vol. 11 No. 2 - April - June 2012

Bokal Robes…

Panlalawigan at kagawad ng SP bilang kinatawan ng ikaapat na distrito. Ang kanyang resignasyon ay malungkot na tinanggap ng kanyang mga kasama sa Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ng Pangalawang Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, sa ginanap na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Mayo 15, 2012.

Ito ang nilalaman ng kanyang liham:

It is with deepest sadness

and regret that I am constrained

to tender my irrevocable

resignation as Member of the

Seventh (7th) Sangguniang

Panlalawigan representing the

Fourth (4th) Legislative District of

the Province of Bulacan. This is

probably one of the hardest

things that I had to do which is

why this decision was reached

after much soul searching and

consultations with my family.

The trying period in my life

has necessitated me to direct

my attention outside the district

which I represent. I refuse to

continue to enjoy the privileges

accorded my position when I

cannot properly attend to the

needs of my constituents.

More importantly, I cannot be

an effective Member of this

August Body nor can I discharge

my oath and duties while my

attention is elsewhere. Therefore,

I am resigning. As much as I

would like to continue serving

my fellow Bulakeños, I can no

longer do so with my full

devotion and time.

Let me express my

gratitude to the residents and

my constituents in the Fourth

District of Bulacan for bestowing

upon me their trust and

confidence.

upon me their trust and

confidence..

I leave this institution with

a heavy heart but I must go and

live with my young family who,

at this time, needs me more. Si Bokal Robes sa kasalukuyan ay may kasong kinakaharap hinggil sa pagkamatay ni Noel Orate, Sr. na matatandaang naging laman ng mga pahayagan at balita noong mga unang bahagi ng taong ito. Ayon na rin sa pahayag niya, hindi niya magagampanang mabuti ang kanyang sinumpaang tungkulin dahil ang atensiyon niya ay nahahati sa pagitan ng

2

pagganap sa tungkulin at sa pagharap sa kanyang kinasasangkutang kaso at sa kanyang pamilya na unang-unang apektado ng naturang kaso. Alinsunod sa itinatadhana ng RA 7160, lalong kilala bilang Local Government Code of 1991, ang nabakanteng posisyon ni Bokal Robes ay mapupunuan sa pamamagitan ng pagrere-komenda ng Sangguniang Panlalawigan ng kanyang makakapalit at ng kaukulang paghirang ng Punong Lalawigan. Ang magiging kapalit ay ipaglilingkod ang natitirang panahon ng termino ni Bokal Robes.

Muli na namang isasakatuparan ng Sangguniang Panlalawigan sa taong ito ang proyektong GAWAD GALING SANGGUNIAN (GGS) upang bigyan mg pagkilala at parangal ang mga natatanging Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod, pangalawang punong bayan/lungsod, kagawad at kalihim bilang pagpapahalaga sa kanilang mahusay na pagganap ng tungkulin bilang lehislaturang sangay ng ating mga lokal na pamahalaan at kabalikat ng ehekutibo sa pagkakaloob ng mabuti at makabuluhang serbisyo sa ating mga kababayan. Kaya abala na sa paghahanda ang Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Bokal Ariel Arceo, pangulo ng Philippine Councilors League (PCL)-Bulacan Chapter at pangunahing tagapagtaguyod ng proyekto tungo sa higit pang ikagaganda ng pagsasakatuparan ng proyektong ito para sa taong ito.

GGS ISASAGAWANG MULI

Inaasahan na sa buwan ng Agosto ay hihirit na ang proyektong ito kung saan ang bumubuo ng Lupon sa Pagsala ay dadalaw sa mga sangguniang bayan at panlungsod upang obserbahan ang kanilang pagdaraos ng sesyon at suriin ang kanilang mga dokumento. Abangan!

MAKINIG AT

MAKISANGKOT!

sa Radio Program ng Sangguniang

Panlalawigan. Ito ang:

“SP Files”

na mapapakinggan tuwing araw ng

MIYERKULES, sa ganap na ika-9:00-

10:00 ng umaga sa himpilang Radyo

Bulacan, 95.9FM sa talapihitan ng

inyong mga radyo.

Hosted by Sec. Ma. Perpetua “Ua” R.

Santos at G. Jing Francisco

Page 3: L.D. Vol. 11 No. 2 - April - June 2012

Sulyap sa SP:

SIGNIFICANT

LEGISLATIONS for 2ND Quarter (April – June 2012)

KAPASIYAHAN BLG. 165-T’12 - ISANG KAPASIYAHAN NA HUMIHILING SA LAHAT NG MAY-ARI NG PANADERYA SA NASASAKUPAN NG LALAWIGAN NG BULACAN NA GUMAWA AT MAGTINDA NG “MALUNGGAY AT KALABASA PANDESAL”

KAPASIYAHAN BLG. 166-T’12 - KAPASIYAHAN NA NAGBIBIGAY NG PAHINTULOT SA PUNONG LALAWIGAN KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT FEDERALE 1ST MARKETING AND SERVICES CORPORATION NA KAKATAWANIN NI G. JOEL B. FABELLO, PRESIDENT NA MAY TANGGAPAN SA BLG. 81 EDSA, MANDALUYONG CITY, HINGGIL SA PROYEKTONG PROTEKTODA SA ATING LALAWIGAN

KAPASIYAHAN BLG. 169G-T’12 - KAPASIYAHANG NAGPAPATIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NG BUREAU OF SOILS AND WATER MANAGEMENT (BSWM) AT NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGIONAL FIELD OFFICE III (DA-RFO III) UKOL SA EXPANDED MODIFIED RAPID COMPOSTING TECHNOLOGY PROGRAM

KAPASIYAHAN BLG. 179-T’12 - ISANG KAPASIYAHAN NA MAGALANG NA HINIHILING SA LAHAT NG MGA PUNONG EHEKUTIBO NG BAWAT PAMAHALAANG BAYAN AT LUNGSOD SAKOP NG LALAWIGAN NG BULACAN NA BIGYAN NG PANGUNAHING PRAYORIDAD ANG MGA ANAK NG MGA “SOLO PARENTS” HINGGIL SA ANUMANG GAWAD NA LIBRENG EDUKASYON O SCHOLARSHIP GRANT NA UMIIRAL AT IPINAPATUPAD SA KANILANG KINAUUKULANG LOKALIDAD

KAPASIYAHAN BLG. 194-T’12 - KAPASIYAHANG NAGBIBIGAY NG PAHINTULOT SA PUNONG LALAWIGAN KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA LUMAGDA AT KATAWANIN ANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM, NA KAKATAWANIN NG KANILANG ADMINISTRATOR GERARDO A.I. ESQUIVEL, KAUGNAY NG PAGTATAGUYOD NG MWSS NORTH CONCESSION PARA SA PANUKALANG BULK WATER SUPPLY SCHEME PROJECT SA LALAWIGAN

KAPASIYAHAN BLG. 195-T’12 - ISANG KAPASIYAHAN NA NAGPAPATIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE-REGIONAL OFFICE 03 NA KAKATAWANIN NI DIREKTOR ANDREW B. VILLACORTA, HINGGIL SA PROYEKTONG “PROMOTION AND IMPLEMENTATION OF PRODUCTION-RELATED ACTIVITIES ON ORGANIC AGRICULTURE IN BULACAN”

KAPASIYAHAN BLG. 195-T’12 - ISANG KAPASIYAHAN NA NAGPAPATIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE-REGIONAL OFFICE 03 NA KAKATAWANIN NI DIREKTOR ANDREW B. VILLACORTA, HINGGIL SA PROYEKTONG “PROMOTION AND IMPLEMENTATION OF PRODUCTION-RELATED ACTIVITIES ON ORGANIC AGRICULTURE IN BULACAN” KAPASIYAHAN BLG. 205-T’12 - ISANG KAPASIYAHAN NA NAGBIBIGAY NG PAHINTULOT SA PUNONG LALAWIGAN, KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) NA KAKATAWANIN NI KALIHIM VIRGILIO R. DELOS REYES, HINGGIL SA PROGRAMANG PAGLILINGKOD PARA SA AGRARIAN REFORM COMMUNITIES NG ATING LALAWIGAN, SA PAMAMAGITAN NG FARM-TO-MARKET ROAD PROJECTS NA NAGKAKAHALAGA NG PHP150,000,000.00 NA IPAGKAKALOOB NG NASABING KAGAWARAN

KAPASIYAHAN BLG. 206-T’12 - ISANG KAPASIYAHAN NA NAGBIBIGAY NG PAHINTULOT SA PUNONG LALAWIGAN, KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) NA KAKATAWANIN NI KALIHIM PROCESO J. ALCALA, HINGGIL SA FARM-TO-MARKET ROAD PROJECTS NA NAGKAKAHALAGA NG PHP100,000,000.00 NA IPAGKAKALOOB NG NASABING KAGAWARAN SA LALAWIGAN NG BULACAN, BILANG BAHAGI NG PAGPAPATUPAD NG R.A. 8435 NA KILALA BILANG AGRICULTURE AND FISHERIES MODERNIZATION ACT (AFMA)

3

Ang Legislative Digest ay

inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa naturang tanggapan. Telepono Blg. – (044) 791-0019/ 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph

A. PLENARY AFFAIRS:

1. No. of Sessions Conducted: 26

2. No. of Resolutions/Ordinances Enacted:

a. Provincial Resolutions: 85 b. Provincial Ordinances: 14 c. Provincial Reversion Ordinances 1 d. Municipal/City Resolutions 10 e. Municipal/City Ordinances 112 ______ 222

B. COMMITTEE AFFAIRS:

1. No. of Committee Meetings Conducted: 214 2. No. of Committee/Public Hearings Conducted: 93

C. SIGNIFICANT ACCOMPLISHMENTS 1. Broadcast of radio program “SP Files” at Radyo Bulacan - 18 airings conducted 2. Publications and postings of ordinances – 11 ordinances posted and published in newspapers of general circulation 3. Updating and maintenance of SP website 4. Printing and distribution of Legislative Digest, the computer-generated newsletter of SP.

SP QUIKSTAT ACCOMPLISHMENT REPORT

(January - March 2012)

SP QUIKSTAT ACCOMPLISHMENT REPORT

January – June 2012

Page 4: L.D. Vol. 11 No. 2 - April - June 2012

Araw ng Watawat – Gen. Gregorio del Pilar Park May 28, 2012

Ground Breaking of the Bulacan Ecology Center June 4, 2012

Independence Day celebrations w/ Ms. World candidates, June 12, 2012

Launching of Mangrove Trees May 18, 2012

Talakayang Bulakenyo w/ BM Felix Ople June 12, 2012

Environmental Summit June 21, 2012