Maikling Kwento

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Maikling Kwento Para Sa Mga Bata

Citation preview

Pardilla, Cleizl B.

Pardilla, Cleizl B.February 14, 2014

Kung Bakit Iwinawagwag ng mga Aso ang Kanilang BuntotMay isang matabang lalake na may-ari ng aso at pusa na maraming naitutulong sa kanya. Matanda na ang aso at maraming taon na itong nagsisilbi sa kanyang amo; samantala, bata, malakas, at matalino ang pusa. Malayo ang eskuwela ng anak ng matabang lalake, at inuutusan niya ang aso at pusa na magdala ng mga regalo para sa kanyang anak.Isang araw, iniutos ng lalake sa aso at pusa na dalhin ang isang makababalaghang singsing sa kanyang anak. Tinuruan ng lalake ang pusa na hawakan ang singsing, at sinabi dito na huwag na huwag nitong ihuhulog ang singsing. Sasamahan ng aso ang pusa at ipinangako ng dalawang hayop na gagawin nila ang lahat sa abot ng kanilang makakaya.Sa kanilang paglalakbay, humantong sila sa isang ilog na walang tulay na matatawiran. Sinabi ng aso sa pusa na siya na muna ang hahawak ng singsing kasi mas malakas siya at mas mahusay lumangoy kaysa sa pusa. Nag-alinlangan ang pusa sa simula, pero sa katapusan, ibinigay rin niya ang singsing sa aso.Nagsimula silang tumawid sa ilog, pero maya-maya, nagsimula ang pusang malunod. Sinabi ng aso sa pusa, Umakyat ka sa aking likod para makatawid tayong dalawa sa kabila.Nahirapan talaga ang asong dalhin ang pusa at nagsimula rin siyang malunod. Sinabi ng pusa sa aso na iwagwag ang buntot nito para makatulong sa paglangoy. Iwinagwag ng aso ang buntot niya at nakatulong ito sa pagtawid ng ilog at nakarating sila sa lupa. Nakarating sila sa patutunguhan at ibinigay nila ang mahiwagang singsing sa anak ng matabang lalake.Nang makabalik sila sa kanilang amo, ikinuwento ng mga hayop sa lalake ang nangyari sa paglalakbay nila, at namangha ang matabang lalake sa nagawang tulong ng buntot ng aso sa kanilang kaligtasan; kung kaya, ginamit niya ang kanyang mahiya para mapawagwag ang buntot ng mga aso.

Eskuwelang Pinoyni Anthony OcampoNoong unang panahon, may isang batang matalino na ang pangalan ay Sergio. Nag-aaral siya sa eskwelahan na Tsino para matuto ng wikang Tsino. Sinabi ng Nanay at Tatay niya, Anak, maganda kung marunong kang magsalita sa Tsino kasi maraming mga Tsino sa lahat ng panig ng mundo. Alam ni Sergio na totoo ang sinasabi ng mga magulang niya, pero sa isip niya, mas gusto niyang mag-aral ng wikang Filipino, pero nalulungkot siya kasi walang mga eskwelahan para matuto ng wikang Filipino.Pinapag-aral ng Nanay at Tatay si Sergio sa ibang eskwelahan. Hapones naman ang eskwelahan. Kahit hindi Filipino ang pinag-aaralan ni Sergio, masaya pa rin siya kasi marami siyang naging kaibigan sa mga klase niyamas marami kaysa sa mga klaseng Tsino. At saka maraming ibang mga tao roonmga puti, itim, Meksikano, at Asyano. Pero hindi talagang masaya si Sergio kasi talagang gusto niyang mag-aral sa eskwelahang Pilipino.Kinausap ni Sergio ang Nanay at Tatay niya, Mommy, Daddy, bakit wala akong opoturnidad para makapag-aral ng kulturang Pilipino sa eskwela? Alam kong nag-uusap tayo rito sa bahay sa wikang Filipino, pero wala akong alam tungkol sa kasaysayan at kultura natin. Nang gabing iyon, nag-usap ang Nanay at Tatay ni Sergio.Nang sumunod na araw, may nakita si Sergio na isang papel sa ibabaw ng mesa niya. May mensaheng nakasulat doon:Anak, alam namin na importante ang bayang Pilipino para sa yo; kaya binili namin ang lupang malapit sa bahay natin para patayuan ng eskwelahang Pilipino.Nagmamahal,Mommy at Daddy.Bumalik si Sergio sa kama niya, ipinikit ang kanyang mga mata, at natulog siya sa kamalayang napakalaki ng pag-ibig ng magulang niya para sa kanyaBakit Ka Lumilipad, GoraSaranggola?

Sa himpapawid ng Baryo Maulap, madalas nagkakasayahan ang lahat ng saranggola sa nayon. Pero ang kasiyahan ay napapalitan ng gulo kapag dumarating ang mayabang na si Gora Saranggola.Magsitabi kayo, ako ang hari dito sa kalawakan, ang sigaw ni Gora sabay ang pagsugod sa mga maliliit at mahihinang saranggola. Tinatawanan pa niya ang mga batang saranggola na hindi pa mataas lumipad.Pero nagsawa si Gora sa pang-aaway niya sa mga kapwa saranggola. Isang araw, pinilit niyang sumabay sa malakas na hangin para makawala at maputol ang kanyang pisi. Tuwang tuwa si Gora na lumipad sa Kanluran kung saan nakita niya doon si Agila.Hoy, panget. Saranggola ka ba? pagsusungit agad ni Gora.Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang ibon. Lumilipad ako upang maghanap ng pagkain para sa aking mga inakay. Mahal ko sila. E ikaw, bakit ka lumilipad? sagot ni Agila.Walang maisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Silangan. Doon niya nakita si Eroplano.Hoy, panget. Saranggola ka ba? pagsusungit agad ni Gora.Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang eroplano. Lumilipad ako para maghatid ng mga pasahero. Mahal ko sila. E, ikaw, bakit ka lumilipad? sagot ni Eroplano.Wala na naman naisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Hilaga. Doon ginaganap ang makulay na Kite Festival.Mga kapwa makikisig na saranggola, pwede ba akong sumali sa inyong paglalaro? bungad ni Gora.Ha? Saranggola ka nga pero hindi ka karapat-dapat, di hamak na mas malaki at mas maganda kami sa iyo, sagot ng hugis-spaceship na saranggola.Oo nga, isa pa, Lumilipad kami para magbigay ng kasiyahan sa mga kaibigan naming bata. E, ikaw, may kaibigan ka bang bata? wika naman ng hugis-paruparong saranggola.Natahimik si Gora. Naalala niya ang batang si Pepito. Si Pepito ang laging nag-aalaga sa kanya pero hindi niya naisip na malulungkot ito sa kanyang pagkawala. Hinahanap kaya siya nito?Nasa ganun siyang pag-iisip ng lamunin siya ng buhawi ng Timog. Hindi siya makatakas sa paikot-ikot na hangin ng buhawi. Nabali ang kanyang buto at napunit ang kanyang balat. Noon niya lang naisip na pagsisihan ang kanyang kayabangan.Mamang Buhawi, nakikiusap po ako sa inyo. Basura na lang po ako ngayon pero nais ko pong bumalik sa Baryo Maulap. sigaw ni Gora.Narinig naman siya ni Buhawi. Humahanga ako sa iyong pagsisisi. Ngunit huli na ang lahat. Hindi ako makakadaan sa iyong tahanan. Dito na lang kita iiwan.At iniluwa ni Buhawi si Gora sa isang puno. Agad na gumawa ng paraan si Gora. Nakipagkaibigan at inilipad siya ng hangin ng Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran hanggang sa makarating siya sa isang sampayan.Inay, Itay, tingnan ninyo, Bumalik ang aking kaibigan, tuwang tuwang kinuha ni Pepito si Gora sa sampayan. At sa tulong ng kanyang ama, muli nilang inayos ang hitsura ni Gora Saranggola.Muling nakalipad si Gora sa himpapawid ng Baryo Maulap. Ngunit ngayon, isa na siyang mabait na saranggola. Alam na niya ang dahilan ng kanyang paglipad. Iyun ay bigyan ng kasiyahan ang kaibigang si Pepito.

Bagong Kaibigan niMikani Linda ReyesSa isang bayan sa malayong-malayong lugar, may nakatira na isang babae na nagngangalang Mika. Napakayaman ng kanyang pamilya. Si Mika ay mayroong mga mahal na damit at bagong laruan.Lagi siyang nagyayabang tungkol sa kanyang mga gamit sa ibang mga bata. Lagi siyang humihingi sa kanyang mga magulang ng mas maraming mga bagay.Sa eskuwela, nakikipaglaro lamang siya sa mga batang mayayaman din. Matapobre sina Mika sa mga mahihirap na bata sa eskuwela, lalo na kay Anawin.Si Anawin ay mula sa isang mahirap na pamilya. Luma ang mga damit ng kanyang kapatid na babae at naglalaro lamang sila ng mga sirang mga laruan. Kahit na wala siyang bagong gamit, at mga mamahaling bagay, siya ay nagpapasalamat para sa nakayanang ibigay ng kanyang pamilya sa kanya.Isang araw, ang tatay ni Mika ay natanggal sa kanyang trabaho kung kaya ipinagbenta niya ang bahay at lahat ng mga mamahaling damit at mga laruan ni Mika.Sa eskuwela, sinubukan ni Mika na makipag-usap sa kanyang dating mga kaibigan, pero iba na ang kanilang pakikitungo sa kanya ngayon dahil mahirap na siya. Hindi nila nais makipaglaro sa isang mahirap na bata.Si Mika ay malungkot at mag-isang kumain ng tanghalian. Umupo si Anawin sa tabi ni Mika at nagtanong siya kung okey ito.Bakit ka malungkot? tanong ni Anawin.Dati, ako ang pinakahanep na babae sa eskuwela. Ngayon ni isa walang gustong maging aking kaibigan, sabi ni Mika.Sinong nagsabi na hindi ka hanep? Gusto kong maging kaibigan mo! Heto, may ilan akong sanwits, alok ni Anawin.Maraming salamat! Bakit mabait ka sa akin? tanong ni Mika.Dahil gusto kong nakikipagkaibigan! wika ni Anawin.Waw na waw. Ikinalulungkot ko na suplada ako sa iyo noong nakaraan. Napakabuti mo! sabi ni Mika.Walang anuman. Maglaro tayo!

Ang Batang Babae at ang Uodni Leslie Joy Cruz Noong unang panahon, may isang batang babae na gustong-gustong sumayaw. Palagi siyang sumasayaw sa bahay pero hindi siya magaling. Isang araw, dumungaw siya sa bintana at tumitingin lang siya sa halamanan noong nakita niya ang isang uod. Sinabi ng uod na tuturuan niya ang babae kung paanong magsayaw kung ipangangako niyang hahalikan niya ang uod pagkatapos ng mga klase. Duda ang babae pero umoo pa rin siya.Nag-umpisa agad sila sa pag-aaral ng sayaw. Araw-araw nagturo ang uod at araw-araw nag-aaral ang babae. Sa katapusan, magaling na magaling na ang babae! Masayang-masaya rin siya! Pinasalamatan niya ang uod nang isang halik at pagmulat niya ng mata niya naging malaking, magandang paruparo ang uod! Sinabi ng uod na hindi siya magiging paruparo kung hindi siya hinalikan ng isang babae na tinulungan niya dahil may masamang aswang na inihuagis ang isang masamang engkanto sa kanya noong siyay ipinanganak. May isang daang taon na siya na uod! Pagkatapos ng lahat ng ito, namuhay sila nang masaya at naging magkakaibigan sila sa mahabang panahon.