17
Banghay-Aralin sa Filipino 8 Paksa: Ang Sanaysay Bilang ng Araw: 3 I.Mga Layunin Sa pamamagitan ng larawan, ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ay inaasahang: a. Nakapagbibigay-kahulugan sa mga mahihirap na salita; b. Nakapagtutukoy ng teoryang panliteratura na ginamit sa akda; c. Nakapagpapahayag ng mga sariling paraan ng mga sariling paraan ng pagpapadama ng pag-ibig; at d. Nakapagsisipi ng mga pahayag mula sa sanaysay. II. Paksang-Aralin Paksa : “Ang Pag- ibig” ni Emilio Jacinto Sanggunian : Badayos, Paquito B. Yaman ng Pamana III. Pp. 162-169 Kagamitan : larawan, hugis pusong cartolina, graphic organizer (positive-negative chart) Pagpapahalagang Moral : Paggalang sa damdamin ng iba Kasanayan : pagsang-ayon at pagsalungat III. Pamamaraan A. Pangganyak Sa araw-araw nating pamumuhay, hangad natin ay kapayapaan at katahimikan. Ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang pangyayari, pag-uugali at kilos. Magpapaskil ng dalawang larawan ang guro sa pisara. Pansinin ang dalawang larawang pinaskil ko sa pisara. · Ano ang makikita sa unang larawan? Sa ikalawang larawan? · Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng larawan?

Revised banghay

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Revised banghay

Banghay-Aralin sa Filipino 8

Paksa: Ang SanaysayBilang ng Araw: 3

I.Mga Layunin            Sa pamamagitan ng larawan, ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ay inaasahang:

a.     Nakapagbibigay-kahulugan sa mga mahihirap na salita;b.     Nakapagtutukoy ng teoryang panliteratura na ginamit sa akda;c.     Nakapagpapahayag ng mga sariling paraan ng mga sariling paraan ng pagpapadama ng

pag-ibig; atd.     Nakapagsisipi ng mga pahayag mula sa sanaysay.

II. Paksang-Aralin            Paksa                            : “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto            Sanggunian                    : Badayos, Paquito B. Yaman ng Pamana III. Pp. 162-169            Kagamitan                     : larawan, hugis pusong cartolina, graphic organizer (positive-negative chart)            Pagpapahalagang Moral : Paggalang sa damdamin ng iba            Kasanayan                    : pagsang-ayon at pagsalungat

III. PamamaraanA.     Pangganyak

Sa araw-araw nating pamumuhay, hangad natin ay kapayapaan at katahimikan. Ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang pangyayari, pag-uugali at kilos.

Magpapaskil ng dalawang larawan ang guro sa pisara.

Pansinin ang dalawang larawang pinaskil ko sa pisara.·         Ano ang makikita sa unang larawan? Sa ikalawang larawan?·         Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng larawan?B.     Paglalahad

Ang kapayapaan ay nakakamit dahil sa pagmamahal na namamayani sa bawat isa. Kung nagmamahal ka, igagalang mo ang iyong mga magulang, tutulungan ang iyong kapwa at lilinisin ang iyong kapaligiran. Kasamaan naman ang dulot ng kawalan ng pagmamahal. Naiinggit ka sa iyong kapwa, sinusuway ang mga magulang at kaligayahan mo ang kapahamakan ng sangkatauhan. Nagkakaiba an gating palagay sa kahulugan ng tunay na pagmamahal. Tunghayan natin ang pagpapakahulugan at pagpapahalaga ni Emilio Jacinto sa pagmamahal sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang Pag-ibig.”           

C.      Pagbibigay ng Pangganyak na TanongAlam kong may ideya na kayo tungkol sa sanaysay pero sa kabilang banda may

mga katanungan din kayong gusting mabigyang-linaw.Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong ukol sa sanaysay na “Ang

Pag-ibig”.·         Bakit pinamagatang “Ang Pag-ibig” ang sanaysay ni Emilio Jacinto?

Page 2: Revised banghay

·         Paano inilarawan ng may-akda ang pag-ibig?·         Ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?·         Ano ang maaring mamayani kung walang pag-ibig?

D.    Pag-alis ng SagabalBibigyan ko ang bawat isa ng mga papel na hugis puso. Nakasulat sa mga puso

ang mga mahihirap na salitang kailangan niyong itapat sa mga kahulugang ipapaskil sa pisara.

NANGANGATAL        panginginig ng katawan o tinig kapag nagagalit natatakot o nagiginaw

NALIPOS                    ganap na natakpanPITA                           ibig; matinding pag-asamABA                           dukhaMANAMBITAN         pagsusumamo; pagmamakaawa

E.     PagtatalakaySa mga hugis pusong ibinigay ng guro kanina, ipapangkat ang klase sa tatlo. Ang

nakakuha ng malalaking puso ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliliit na puso ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliit na puso ang ikalawang pangkat. Ang nakakuha naman ng mga pusong may hugis tao sa loob ay ang ikatlong pangkat.

Unang PangkatSumipi ng mga pahayag na naglalarawan o kakikitaan ng mga positibong dulot ng

pag-ibig. Isulat sa cartolina.·         Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?·         Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?·         Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto?

Bakit?Pangalawang PangkatSumipi ng mga pahayag na naglalarawan ng mga negatibong pangyayari dahil sa

kawalan ng pag-ibig. Isulat sa cartolina.·         Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?·         Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?·         Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto?

Bakit?Pangatlong PangkatSumipi ng mga pahayag na nasasangkot ng mga taong may magagandang dulot o

may masasamang dulot ng kawalan ng pag-ibig. Pangalanan ang bawat isa. Isulat ang pahayag at ang mga tao sa cartolina.

·         Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag namayani ang pag-ibig?·         Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag walang pag-ibig?

Bibigyan lamang ng 10 minuto ang mga mag-aaral upang magawa ang mga iniatas sa kanila. Magbabahaginan ang bawat grupo sa harap ng klase.

F.      Pagsagot sa Pangganyak na TanongMula sa binahagi ng bawat pangkat sa klase, ilahad muli ang inyong tanong

kanina at sagutin ninyo pagkatapos.Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong at sagot.

Page 3: Revised banghay

G.    PagpapalawakMananatili ang mga mag-aaral sa kanilang mga pangkat. Bawat pangkat ay pipili

ng angkop na awit na naglalarawan sa pag-ibig ng Poong Maykapal (Pangkat 1), pag-ibig sa Magulang (Pangkat 2), at pag-ibig sa kapwa at bayan (Pangkat 3). Aawitin ito ng bawat pangkat sa harap ng klase. Bawat sa ay kailangang maglahad ng mga paraan paano ipapadama ang pag-ibig sa Poong Maykapal, magulang, kapwa at bayan.

H.     PaglalapatPansinin ang pahayag na ito.    “Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang maging alalay at tungkod sa katandaan? Ang kamatayan ay lalo pangn matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakayat at makaaaliw sa kanyang kahinaan.”

·         Sinu-sino ang pinag-uusapan sa pahayag na ito mula sa sanaysay?·         Paano umikot sa mga taong ito ang Pag-ibig?

          Ang mga taong ito na binanggit sa sanaysay ang sentro ng pag-ibig. Samakatuwid nakatuon ang pag-ibig sa mga taong  binanggit. Kung gayon anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa sanaysay na ito?

Teoryang Humanismo                  Ano ang teoryang Humanismo?                                  Ang tao ang sentro ng pagsusuri sa akda.

        I. Paglagom ng Seleksyon                  Ang mga siniping pahayag ng bawat pangkat ay ilalagay sa loob ng graphic organizer (positive-negative chart) na ipapaskil sa pisara.

NEGATIBO                        Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto                      POSITIBO                                                 MGA PANGALAN

Anu-ano ang mga magagandang dulot ng pag-ibig?Ano-ano ang maaring ibunga ng kawalan ngn pag-ibig?Sinu-sino ang nakadama ng pag-ibig?

        J.Ebalwasyon                Sa isang kalahating papel sagutin ang mga sumusunod na tanong:                              Ibahagi ang iyong karanasan sa pag-ibig.                              Paano mo ito pananatilihin?                              Ibahagi ang iyong karanasan sa mga bunga ng kawalan ng pag-ibig.                              Paano mo ito maiiwasan?

IV. Takdang-Aralin               Sumulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa pag-ibig. Ang sanaysay na gagawin ay dapat sumunod sa mga pamantayan.

Page 4: Revised banghay

May 3 talata (simula, katawan, wakasMay 5 pangungusap bawat talataMay organisado at malikhaing ideya/kaisipanDapat malinis at maganda ang sulat kamayIsulat sa short bond paper

Banghay Aralin sa Filipio 8

Page 5: Revised banghay

Paksa: Maikling kwentoBilang ng araw: 3

. LAYUNIN:Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:a. Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento.b. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.c. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro.

II. PAKSANG ARALIN:Paksa: ‘Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza MatuteSanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25)Kagamitan: Yeso, libro, scotch tape, pentel pain

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawaina. Panalanginb. Pagbatic. Pagtala ng mga lumiband. Pagbabalik-aral

B. Panlinang na Gawaina. Pagganyak- Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang “Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay maaari nang maupo, samantalang ang makabunot ng “Gwapo ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng ideya tungkol sa salitang “mabuti”.

b. Pag-alis ng Sagabal- Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:1. Karakter - hautan -2. Paksa - amte -3. Labanan - tngglnuaia -4. Burador - aabnghy -5. Tipanan - tgaupan -

c. Pagbasa sa Kwento- Tatawag ng isang mag-aaral na siyang babasa ng kwento sa harapan.

d. Pagtatalakay sa Nilalaman ng Kwento- Dito tatalakayin ang gabay na mga katanungan.- Tatalakayin ang kaisipang ipinahihiwatig ng kwento.

e. Pagtatalakay sa Kwento bilang Akdang Pampanitikan- Ano nga ba ang kwento?

Page 6: Revised banghay

 

- Anu-ano ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento?- Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong buhay?

f. Pagpapahalaga- May naging guro ka na ba na laging nagpapayo sa klase? Ano ang mga payo niyang kinalulugdan mo?- May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante?

g. Malikhaing Gawain- Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula:

Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?Pangalawang Pangkat - Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa niyong guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo niyang German. Balak daw nilang manirahan na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa isa’t isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang mga narinig mo?Pangatlong Pangkat - Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa pamamasyal?

IV. PAGTATAYA:- Kumuha isa’t kalahating papel.

Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga pangungusap.1. Siya’y tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya’y nakatalikod.2. Ang ama ng batang may kaarawan ay konduktor.3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng kwento.4. Si Mabuti ay balo.5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus.6. Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti.7. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan” ay pangungusap ni Mabuti.8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain.

Page 7: Revised banghay

9. Ibig nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro.10. Ang salitang mabuti ay palaging binabanggit ng guro.

V. TAKDANG ARALIN:- Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gusting-gusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper). Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang guro

Page 8: Revised banghay

Banghay-Aralin sa Filipino 8

Paksa: Walang sugat ni Severino ReyesBilang ng Araw: 4

Proseso nag Pagkatuto

A. Panimulang Gawain Isangguni sa Banghay-aralin 4, pahina 70B . P a g l a l a h a d Pangkatang Pag-uugnay1. Paglalarawan sa uri ng pamahalaan o mga namumuno noong panahon ngkastila.2.Paglalahad kung papaano ang pakikitungo ng mga kastila sa Pilipino.3.Pagtukoy sa mga minanang kaugaliang kanais-nais/di kanais-nais ngmga Pilipino sa mga kastila.4.Pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino at nagging tanyag sa panahon ngkastila.. Isulat ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.. Isalaysay kung paano sila nakikipagtunggali sa mga kastila.5.Pagbibigay hinuha sa pamagat ng akdang babasahin “Walang Sugat”.C .Pag papa bas a s a una ng bahag i ng du l a . Ebalwasyon Pagpapabuod sa unang tagpo ng dula at kaisipang napapaloob. Takdang-aralinPaghahanda para sa isang malikhaing pagbasa

Ikalawang ArawI- Paksa/ Kasanayan/ KagamitanPaksa : PagbasA/Pagsususri sa Akdang Rhiyunal sa Teoryang sosyolohikal Susuriing Genre : DulaHalimbawang Akda : “Walang Sugat “ni Severino ReyesMga Kagamitan : larawan, tsart . editorial cartoon, tv, VCD player Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa akda batay sa tiyak na kamalayangPanlipunanKasanayang Pangkaisipan: Pagsusuri II- Mga Inaasahang BungaA.Mga L ayu n ing Pam pa t a l a kayA.1 Pagsusuring Panglingwistika Nasusuri ang pagkakabuo ng mga pangungusap na ginamit sa dula.A.2 Pagsusuring pangnilalaman Naipapaliwanag ang bisa ng akda sa lipunang ginagalawan.A.3 Pagsususring pampanitikan Napapahalagahan ang akda sa tiyak na kamalayang panlipunan.

III- Proseso nag Pagkatuto

Page 9: Revised banghay

A. Panimulang Gawain Isangguni sa Banghay-aralin 4, pahina 70D . P a g l a l a h a d Pangkatang Pag-uugnay1. Paglalarawan sa uri ng pamahalaan o mga namumuno noong panahon ng kastila.2.Paglalahad kung papaano ang pakikitungo ng mga kastila sa Pilipino.3.Pagtukoy sa mga minanang kaugaliang kanais-nais/di kanais-nais ng mga Pilipino sa mga kastila.4.Pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino at nagging tanyag sa panahon ngkastila.. Isulat ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.. Isalaysay kung paano sila nakikipagtunggali sa mga kastila.5.Pagbibigay hinuha sa pamagat ng akdang babasahin “Walang Sugat”.E .Pag papa bas a s a un ang b ahag i ng d u l a .IV- Ebalwasyon Pagpapabuod sa unang tagpo ng dula at kaisipang napapaloob.V- Takdang-aralinPaghahanda para sa isang malikhaing pagsulat 

Ikatlong ArawI- Paksa/ Kasanayan/ KagamitanPaksa : PagbasA/Pagsususri sa Akdang Rhiyunal sa Teoryang sosyolohikal Susuriing Genre : DulaHalimbawang Akda : “Walang Sugat “ni Severino ReyesMga Kagamitan : larawan, tsart . editorial cartoon, tv, VCD player Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa akda batay sa tiyak na kamalayangPanlipunanKasanayang Pangkaisipan: PagsusuriII- Mga Inaasahang Bunga Naipapaliwanag ang mga tiyak na kaisipan, ideya, opinion, at paniniwalanginilahad sa akda.III- Proseso nag PagkatutoA. Panimulang Gawain Isangguni sa Banghay-aralin 4, pahina 94B.PaglalahadPangkatang Pag-uugnayIsangguni sa pahina 95-96C.Pagbabagahinan ng napag-usapan.D.Pagkuha ng feedback F. IV- EbalwasyonPagbubuo ng sintesis ng napag-usapang paksa.V- Takdang-aralinPagsaliksik ng editorial cartoon na tumutuligsa sa pamahalaan

Page 10: Revised banghay

Banghay Aralin sa Filipno IV

IKALAWANG ARAW:

I. Layunin- Nakapaglalagom ng mga mahahalagang pangyayari sa

binasang akda.- Nakapagtitimbang-timbang ng karapatan ng mga babae at

lalaki sa lipunan.- Nakapaghahanda sa mga gawaing nakaatas matapos basahin

ang akda.

II. PaksaSi Kesa at si Morito: Pagsusuri

III. PamamaraanA.) Gawain sa araw-arawB.) Pagbabalik-aralC.) Pangkatang gawain

1. Pagsusuri ng Akda2. Katanggap-tanggap ba ang pagpapakamatay dahil sa

kahihiyaan?3. Subukang hanapin sa akda ang mga pahayag na

nagbibigay suporta sa mga opinyon ng tao.4. Gamit ang Venn Diagram, itala ang pagkakaiba at

pagkakatulad ng mga babae at lalaki sa lipunan.5. Saan ninyo maiuugnay sina Kesa? Morito? Gawin ito

sa paraang pagsasatao

IV. Kasunduan- Maghanda para sa pagpapakita ng mga nagawang output

Page 11: Revised banghay

IKATLONG ARAW:

I. Layunin- Nakatatalakay nang may katalinuhan sa mga gawaing

nakatakda na may kaugnayan sa binasang akda.- Nakapagbibigay galang sa karapatan at katayuan ng mga

kasarian sa lipunan.- Nakabubuo ng mga kaugnayan ng akda sa kasalukuyang

panahon at sa sarili.

II. PaksaSi Kesa at Si Morito: Pakikisangkot at Paghahambing

III. PamamaraanA.) Gawain sa araw-arawB.) Pagpapakita ng output ang bawat pangkatC.) Karagdagang puna ng guroD.) Pakikisangkot

1. Dapat bang magkaroon ng pantay na karapatan ang mga babae at lalaki? Paano mo ito maipapakita bilang tao?

2. Paano mapapataas ang katayuan ng mga kababaihan sa Filipinas?

E.) Paghahambing Umisip ng akda/pelikulang nabasa/napanood na hawig sa akdang binasa.

F.) PagtatayaIbigay ang mga natutuhan mula sa binasang akda sa pamamaraang 3,2,1...

IV. KASUNDUAN Maghanda ng mga kagamitang pansining.

Page 12: Revised banghay

IKA-APAT NA ARAW

I. Layunin- Nakikipagpalitan ng kuro-kuro hinggil sa isyung pangkasarian sa

bansa.- Nakapagbibigay galang sa katayuan ng kasarian ng bawat tao sa

Filipinas.- Nakapaghahanda ng sariling organisasyon/batas/samahang tutugon at

tutulong sa mga isyung pangkasarian sa Filipinas sa pamamagitan ng paglikha ng output.

II. PaksaSi Kesa at si Morito: Paglikha

III. PamamaraanA.) Gawain sa araw-arawB.) Panimulang tanong

1. Anu-ano ang mga isyung pangkasarian ang talamak sa mga Pilipino ngayon? Paano mo maipapakita ang respeto mo sa mga taong may iba’t ibang kasarian?

C.) Paghahanda para sa paglikha1. Pagpapaliwanag ng mga pamantayan2. Bumuo ng sariling batas/samahan/organisasyong tutugon

at tutulong sa mga isyung pangkasarian sa Filipinas.

D.) Paglikha

IV. Kasunduan Hanapin sa internet/libro at basahin ang “Aanhin Ninyo Iyan”