KALIGIRANG KASAYSAYANNG EPIKO
EPIKOIto ay nagmula sa sinaunang salitang Griyego (Greek) na ἐπικός (epikos),
at ἔπος (epos) na nangangahulugang "salita", "kuwento", o "tula". Ito ay mga
tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao (partikular sa isang
lalaki).
URI NG EPIKO1. Oral Poetry -> mga sinaunang
epiko na nabuo lamang sa pamamagitan ng pagkukuwento
sa iba't ibang tao.
• Oral Epic o World Folk Epic
Oral Epic o World Folk Epic Ito ay mahahabang tula na iniuuri-uri
(classifying) batay sa haba ng palabas, konsepto, interes, at kahalagahan.
Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasaulo at pagtanghal nito sa entablado o
sa harap ng maraming manonood.
2. Epyllion -> mas maiikling epiko kumpara sa Oral Poetry na nakilala
noong Hellenistic Period dahil sa taglay nitong tema. Bukod sa
kabayanihan ay ipinapakiita rin dito ang pag-ibig at romansa.
MGA KATANGIAN NG EPIKO1. Nagsisimula muna sa isang imbokasyon para kay Muse.
Imbokasyon o panalangin na iniaalay kay Muse bilang paggalang, si Muse ay isa sa siyam (9) na anak ni Zeus, ang pinaka-Diyos ng mga Griyego.
2. Sinusundan ng medias res. Ang Medias Res ay paraan o estilo
ng pagsusulat kung saan ay nauuna munang isinasalaysay ang gitnang
bahagi ng kuwento bago ang nakaraan (flashback).
3. Ang tagpuan ay napakalawak,
sumasakop sa maraming bansa, buong mundo man o
kalawakan.
4. Naglalaman din ng mahabang listahan na tinatawag na epic
catalogue. Ito ay listahan ng mga bagay, lugar, o mga tao sa kuwento na
nagpapakilala sa lugar kung saan ito nagmula o isinulat.
5. Nagsisimula rin sa paglalahad ng
tema ng epiko.
6. Ang mga pangalan ay sinasamahan ng paggamit ng mga epithet. Ang epithet ay mga pang-uri o salitang
naglalarawan na ikinakabit sa pangalan ng tauhan o sa isang bagay.
Halimbawa: "rosy-fingered dawn“, "wine-dark sea" at mighty Achilles mula
sa akda ni Homer.
7. Naglalaman din ng mahahaba at pormal na
mga talumpati o kawikaan mula sa mga tauhan.
8. Nagpapakita ng pangingibabaw ng
kapangyarihan ng mga Diyos o Diyosa
sa mga tao.
9. Nagpapakilala ng mga bayaning tunay na
nagpapahalaga o modelo sa sibilisasyon.
10. Kadalasan ding nagpapakita ng pagbaba
ng pagkatao ng isang bayani mula sa matayog
na katayuan nito.
A. Ano-ano ang sinasalamin ng mga epikong ito sa bawat pangkat o rehiyon kung saan
ito nagmula o naisulat?
B. Paano ba makatutulong sa iyo at sa iyong mga
karehiyon ang pag-aaral ng epiko?
MAIKLING PAGSUSULIT1. Ano ang tawag sa
epiko ng mga Manobo?
2. Ano ang pinakamahabang epiko ng Pilipinas?
3. Saan nagmula ang epikong Bantugan?
4. Ano ang epiko ng mga taga-Maguindanao?
5-6. Ano-ano ang 2 uri ng epiko?
7. Sino ang sumulat ng Iliad at Odyssey?
8. Ano ang ibig sabihin ng medias res?
9. Ano ang tawag sa mga pang-uring dinurugtong
sa pangalan ng mga tauhan sa epiko?
10. Ano ang pinakasimula ng isang epiko?
SUSI SA PAGWAWASTO
1. Tulalang2. Biag ni Lam-ang3. Maranaw4. Indarapatra at Sulayman
5. Oral Poetry6. Epyllion7. Homer8. Pagsisimula sa gitnang bahagi.9. Epithet10. Imbokasyon para kay Muse
TAKDANG-ARALINA. Basahin ang kuwentong “Tulalang: Epiko ng mga Manobo” sa pahina 235 – 238.B. Bilang isang lider, paano mo malalamang nagagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin lalo na sa mga taong iyong pinaglilingkuran?C. Dalhin ang PLUMA 7.
Recommended