11
I. LAYUNIN A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere. B. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula. C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Kabanata 7 ng Noli Me Tangere (Suyuan sa Asotea) Kompetensi: F9PB-IVd-58, F9PN-IVd-58 Sanggunian: Kagamitang Pampagtuturo: Lobo, laptop, ispiker, gitara, sipi, cellphone at visual aids III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Paghahanda 1. Panimulang Gawain Panalangin Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Pagbati Magandang umaga sa lahat. Magsiupo ang lahat. Pagtala ng Liban Sino ang liban sa umagang ito? 2. Pagbabalik-Aral Bago tayo dadako sa ating bagong talakayan ngayong umaga, ano nga ulit ang ating (Lahat ay tatayo) Sa ngalan ng ama, ng anak … Amen. Magandang umaga po Bb. Dela Cruz. Magandang umaga po mga guro. Magandang umaga mga kaklase. Salamat po. Wala po.

Filiipino 9 detailed lesson plan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filiipino 9 detailed lesson plan

I. LAYUNIN

A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere.

B. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula.

C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Kabanata 7 ng Noli Me Tangere (Suyuan sa Asotea)

Kompetensi: F9PB-IVd-58, F9PN-IVd-58

Sanggunian: Kagamitang Pampagtuturo: Lobo, laptop, ispiker, gitara, sipi, cellphone at visual aids

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Paghahanda

1. Panimulang Gawain

Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa

panalangin.

Pagbati

Magandang umaga sa lahat.

Magsiupo ang lahat.

Pagtala ng Liban

Sino ang liban sa umagang ito?

2. Pagbabalik-Aral

Bago tayo dadako sa ating bagong talakayan

ngayong umaga, ano nga ulit ang ating

(Lahat ay tatayo)

Sa ngalan ng ama, ng anak … Amen.

Magandang umaga po Bb. Dela Cruz.

Magandang umaga po mga guro.

Magandang umaga mga kaklase.

Salamat po.

Wala po.

Page 2: Filiipino 9 detailed lesson plan

tinalakay noong nakaraang araw?

Sige ikaw Eva Mae.

Tama! Paano nga ba inilarawan si Kapitan Tiyago sa kabanatang ito? Karylle.

Magaling! Ano pa ang mga mahahalagang bagay na natuklasan niyo tungkol kay Kapitan Tiyago at anak nitong si Maria Clara? Gabriel. Mahusay! Talagang nakinig kayo sa ating

talakayan kahapon.

3. Pagganyak (5-10 minuto)

Sa umagang ito ay magkakaroon tayo ng gawain. Meron akong apat na lobo dito. Sa loob ng lobo ay may mga hugis puso na may nakasulat na mga pick up line ng mga sikat na loveteam sa ating henerasyon ngayon. Ang gagawin niyo ay ipapasa niyo ito sa mga kaklase niyo habang may

ipinapatugtog akong musika. Kung sino ang may hawak ng pang-apat na lobo paghinto ng kanta

ay siyang magpapaputok nito. Pagkatapos ay pumili ng kapares upang isabuhay o isadula kung

ano ang nakasulat dun.

Maliwanag ba ang mekaniks sa gawain ninyo?

Kung ganon ay simulan na natin.

( Ang mga linyang isasabuhay ng mga mag-aaral: 1. Boy: Nag-review ka na ba?

Girl: Bakit?

Mam.

Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol

sa kabanata 6 ng Noli Me Tangere na

pinamagatang “Si Kapitan Tyago”.

Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang

isang magandang lalaki, may morenong

pangangatawan, pandak, at bilugan ang

mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng

pananabako at pag-nganga nito.

Ma’am!

Nalaman po namin na hindi pala tunay

na anak ni Kapitan Tiyago si Maria

Clara. Nang dahil sa ginawang

panggagahasa ni Padre Damaso kay

Donya Pia ay nagkaanak sila. Yun po ay

si Maria Clara.

Maliwanag po.

(Ipapasa ang mga lobo hanggang

hihinto ang kanta)

(Magsasadula)

Page 3: Filiipino 9 detailed lesson plan

Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita.

2. Girl: Alam mo, ‘pag kasama kita mayaman ako. Boy: Bakit?

Girl: kasi mahirap kapag wala ka.

3. Boy: KAPE ka ba? Girl: Bakit?

Boy: Kasi ginigising mo ang natutulog

kong puso!

4. Boy: Hindi mo na kailangan ng RELO, Girl: Bakit?

Boy: Kasi handa kong ibigay lahat ng

ORAS ko sayo!)

Ang unang pares na magsasadula ay sina Alyza at Pete. Tunghayan natin ang kanilang pagsasabuhay sa linyang nakuha.

Palakpakan natin ang mahusay na pagganap nina Alyza at Pete. Magaling!

Ang pangalawa… ang pangatlo…at pang-apat.

Palakpakan natin ang lahat ng mga nagsadula

dito sa harapan. Napakagaling ng kanilang pagganap. Ano ang naramdaman niyo habang pinapanood ang mga kaklase niyo na nagsadula kanina? Ikaw Marialyn?

Okay. Eh, ikaw naman Julie?

Syanga. Talagang nakakadala ang kanilang

kagalingan. Nakaramdam tayo ng kilig at saya habang pinapanood sila. Saan ba natin kalimitang

naririnig aat natutunghayan ang mga linyang ito?

Sige Marian.

Tama! Ano pa?

Ma’am.

Kinikilig po ako habang pinapanood ko

sila kanina.

Tuwang-tuwa po ako mam kasi nadala

talaga ako sa mga linya na kanilang

sinabi at nadala rin po ako sa kanilang

pag-arte. Sobrang galing po nila.

Mam!

Tuwing dumidiskarte po ang lalaki sa

babae.

Page 4: Filiipino 9 detailed lesson plan

Tumpak! Ano ba kalimitan ang ginagawa o sinasabi ng mga lalaki sa babae tuwing nanliligaw

o nanunuyo? Joy. Magaling! Ang ganitong uri ba ng suyuan ay ginagawa pa rin ng mga magkakasintahan ngayon o ng mga nagliligawan ngayon?

Tama! Ganun din ba kayo? Mabuti naman kung ganon. Kaya naman may ideya na ba kayo kung tungkol saan ang kabanata na tatalakayin natin ngayon? Tama. Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa

kabanata 7 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Suyuan sa Asotea”. Tunghayan natin ang

nilalaman ng nasabing kabanata. Alamin rin natin

kung paano nga ba naiiba ang pagsusuyuan noon at ngayon at tingnan natin anong kaugaliang Pilipino ang dapat nating panatilihin. B. Paglalahad

1. Pagahahawan ng Sagabal

Bago ninyo babasahin ang buod ng

Kabanata 7, bibigyan muna ninyo ng

kahulugan ang mga mahihirap na salita at

gamitin ito sa pangungusap. Tingnan ninyo

ang nasa pisara. Kung makikita ninyo, may

nakasampay na mga pang-itaas na damit na

may nakadikit na salita dito. Ang gagawin

niyo ay pipiliin ninyo ang kahulugan ng mga

salitang ito sa mga nakadikit na pang-

ibabang damit na nakadikit rin dito sa

ibabang bahagi ng pisara.

Tuwing nanliligaw o sinusuyo po ng mga

lalaki ang mga babae mam.

Sinasabihan po ng lalaki ang mga babae

ng mga matatamis na salita o di naman

kaya ay nagbibigay ng sulat, bulaklak at

hinaharanahan nila ang mga babae..

Hindi po lahat mam. Kasi ngayon isang

text o isang chat lang pwede na. Hindi

na gaanong pinaghihirapan pa nung

lalaki para maipakita niya ang

pagmamahal o sagutin siya ng babae.

Mam hindi po.

Opo. Tungkol po sa pagliligawan ma’am

at pagsusuyuan.

Page 5: Filiipino 9 detailed lesson plan

Sino ang gustong sumagot sa una?

Sige ikaw Charie.

Tama! Magaling!

2. Napatda –natigilan

3. Natatalos –nakaaalam

4. Mag-ulayaw –mag-usap

5. Nagtulos –nagtirik

Suriin natin kung tama ba ang inyong mga

kasagutan. Tama ba?

Okay, magaling!

Ngayon ay gagamitin naman natin sa

pangungusap ang mga salita.

Oh Arian.

Tama.

Sa pangalawa…pangatlo…

Magaling at nabigyan ninyo ng kahulugan

at halimbawang pangungusap ang mga

salita.

2. Pagbasa ng Kabanata ng Nobela

Meron akong mga sipi dito na ibibigay sa

inyo. Sa loob ng tatlong minuto ay

babasahin ninyo nang tahimik ang buod ng

Kabanata 7 ng Noli Me Tangere na

pinamagatang “Suyuan sa Asotea”. Pero

bago ang lahat ay basahin muna ninyo ang

idinikit kong mga gabay na katanungan dito

sa harapan upang magabayan kayo sa mga

dapat malaman at maunawaan habang

binabasa ang kabanata. Basahin ng sabay-

sabay.

Mam!

Nagpapasikdo-nagpapatibok.

Tama po.

Ang maamo mong mukha ang

nagpapasikdo ng malakas sa puso ko

tuwing nakikita kita.

(Magbabasa ang mga mag-aaral)

Page 6: Filiipino 9 detailed lesson plan

Mga gabay na katanungan:

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang kabanata?

2. Bakit maagang nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel?

3. Paano pinatuyan nina Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot ang isa’t-isa?

4. Anong pagpapahalagang Pilipino ang

ipinamalas ni Ibarra? Ni Maria Clara? 5. May pagkakaiba ba ang paraan ng

panunuyo noon at ngayon? Patunayan. Alin sa dalawang paraan ang higit na

kasiya-siya?

3. Pagtalakay sa Binasa

Tapos na ba ninyong basahin ang

kabanata?

Kung ganon ay tingnan natin ano nga ba ang naunawaan ninyo sa binasa. Sa ilalim

ng inyong mga armchair ay may nakadikit

na mga hugis puso. Kung sino ang nakakuha ng mga hugis puso na iba ang kulay bukod

sa pula ang siyang sasagot sa mga ibinigay kong katanungan. Paalala lang, huwag niyo

munang itapon ang mga hugis puso sapagkat may isusulat kayo diyan mamaya.

Ngayon ay simulan nating suriin kung ano

ba ang naintindihan ninyo sa binasa. Ang ating unang tanong ay, “Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang kabanata?” Sino sa inyo dito ang nakakuha ng dilaw na puso? Kung ganun, maaari mo bang basahin ulit ang unang katanungan at bigyan ng kasagutan?

Tama! Sino naman ang nakakuha ng berdeng puso?

Tapos na po.

Ako po mam.

Opo mam.

Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang

kabanata?

Ang mga tauhan po sa kabanata 7 ay

sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara,

Tiya Isabel at Kapitan Tiyago.

Mam.

Page 7: Filiipino 9 detailed lesson plan

Maaari mo bang sagutan ang pangalawang

katanungan?

Tama rin. Hana, dahil ikaw ang nakakuha ng hugis puso na kulay bughaw, paano naman pinatunayan ni Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot ang isa’-isa?

Magaling. Maaari niyo bang ilahad kung paano sinariwa nina Ibarra at Maria Clara ang kanilang pag-iibigan? Sige nga Angelika. Tumpak! Ganun nga. Sa nakakuha ng kulay puting puso? Pakibasa at sagutan ang mga

katanungan.

Tama! Ano pa?

Maaga pong nagsimba sina Maria Clara

at Tiya Isabel sa araw na iyon sapagkat

magkikita sila Maria Clara at kasintahan

nitong si Crisostomo Ibarra.

Sinariwa po nila ang mga alaala ng

kanilang pag-ibig.

Sinariwa po nina Ibarra at Maria Clara

ang pag-iibigan sa pamamagitan ng pag-

babasang muli sa sulat na bigay ni

Ibarra kay Maria Clara bago ito umalis

papuntang Europa at sinariwa din nila

ang mga alaala ng kanilang

kamusmusan. Yung pag-aaway at

pagbabati rin naman nila agad.

Ano ang pagpapahalagang Pilipino ang

ipinamalas ni Ibarra at ni Maria Clara?

Ang mga pagpapahalaga pong ipinakita

nina Maria Clara at Ibarra ay una, ang

pagkamatiisin ng mga Pilipino. Tiniis nila

ang pangungulila sa isa’t-isa upang

matupad ang pangarap nila sa buhay at

unahin ang kagustuhan ng kani-kanilang

mga magulang. Naghintay sila ng

mahabang panahon para magkitang

muli. Pangalawa po ay ang kakayahang

umangkop ng mga Pilipino saan mang

lugar mapadpad gaya ng ipinakita ni

Ibarra. Nakaya niyang makihalubilo sa

ibang lahi na hindi nawawala ang

pagmamahal sa bayan.

Mam. Naipamalas po nina Maria Clara

at Ibarra ang tunay at wagas na

pagmamahal sa magulang, sa

kasintahan at para po sa bayan.

Page 8: Filiipino 9 detailed lesson plan

Tama! Puntong-punto mo! Sa anong paraan ba nila ipinakita ang pagmamahal

sa bayan?

Sige Aristone.

Tama! Napakahusay! Para sa magulang naman? Magaling! Sa kasintahan naman? Ikaw Charie.

Talaga ngang napakawagas ng

pagmamahalan nina Maria Clara at Ibarra. Sino naman dito sa inyo ang sasagot ng panghuling katanungan?

Mam!

Malinaw po sa kabanata kung bakit

kailangang magpakasakit ang isang

Pilipino upang makapag-aral. Ito’y

upang harapin ang panahong darating o

isipin ang hinaharap at ang kanyang

tungkulin –ang pag-aralan ang

karunungan ng buhay at

mapakinabangan ng inang bayan balang

araw.

Ipinakita po ni Ibarra ang pagmamahal

sa magulang noon pong sinunod niya

ang kagustuhan ng ama na mag-aral sa

ibang bansa.

Nanatili po siyang tapat kay Maria Clara

kahit na wala ito sa kanyang tabi.

Napapaligiran man siya ng

magagandang babae ay si Maria Clara

pa rin ang laman ng kanyang isipan.

Ganun din po sa parte ni Maria Clara.

Ako po mam.

May pagkakaiba ba ang pagsusuyo

noon at ngayon? Patunayan.

Marami pong pagkakaiiba ang suyuan

noon at ngayon na ipinakita sa

kabanata. Una, noon, ang mga lalaki

ang kalimitang pumupunta sa bahay ng

mga babae sapagkat konserbatibo po

ang mga babae noon. Samantalang

ngayon, kalimitan ang mga babae na

ang pumupunta sa bahay ng mga lalaki.

Tapos, noon, mahiyain ang mga

babaeng magparamdam ng kanilang

mga damdamin samantalang ngayon

sila pa ang nanliligaw sa mga lalaki.

Page 9: Filiipino 9 detailed lesson plan

Kuhang-kuha mo! Sang-ayon din ako sa mga sinabi mo. Sang-ayon din ba kayo?

Natutuwa ako dahil napakahusay at napakagaling ng inyong mga kasagutan at

pagpapaliwanag. Talagang naunawaan ninyo ang inyong binasa. Dun naman sa mga hugis puso na nakuha ninyo ay mag-isip kayo ng isang pangungusap na maaari ninyong iugnay o natutunan sa binasang kabanata. Kung tapos na kayong magsulat ay ipasa niyo dito sa harapan.

C. Pagsasanay Ngayon naman ay magkakaroon tayo

ng pangkatan. Ito ang unang pangkat…

pangalawa … at pangatlo. Mag-isip kayo ng tila isang status update sa inyong natutunan sa binasang kabanata. Pero, ibabahagi niyo iyan sa pamamagitan ng isang yell o jingle. Ang isusulat niyo lang dito sa ibibigay kong facebook status box ay

ang malikhaing hashtag at hugot line na naisip ninyo para kay Maria Clara at Ibarra.

Maliwanag ba?

Mahusay naman kung ganun. Kaya, ang

Tatlong minutong paghahanda ninyo ay magsisimula na ngayon.

Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang

bawat pangkat na nagtanghal. Napakahusay ng inyong ginawa.

Kaya mas mainam po ang uri ng suyuan

noon kesa ngayon dahil makikita mo

talaga ang sinseridad ng lalaki kapag

nanliligaw kasi pumupunta talaga siya

sa bahay ng babae samantalang ngayon

sa text na lang o sa chat. Hindi na

pinaghihirapan ng mga lalaki ang

pangliligaw.

Opo mam.

Opo mam.

(Matapos ang limang minuto ay

nagkakaroon nang pagtatanghal ang

bawat pangkat)

Page 10: Filiipino 9 detailed lesson plan

D. Paglalapat Sa puntong ito ay hahatiin ko ulit kayo sa

dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay

magtatanghal ng dula-dulaan na

magpapakita ng pagkakaiba sa suyuan noon

at ngayon. Ang unang pangkat ay

magtatanghal ng halimbawa ng suyuan

noon samantalang halimbawa ng suyuan

naman ngayon ang pangalawang pangkat.

Kung makikita ninyo may dalawang

malaking strip ng Cartolina ako dito.

Nakasulat ang “NOON” at “NGAYON”sa

bawat isa nito. Ibibigay ko sa unang

pangkat ang “NOON’’ at “NGAYON” sa

ikalawang pangkat.

Mamarkahan ang inyong pagtatanghal sa

pamamagitan ng mga sumusunod na

pamantayan:

Rubriks sa Gagawing Pagtatanghal

Kagalingan sa

pagganap

50%

Angkop na

ekspresyon ng

mukha sa

ipinapakitang

emosyon o sa

damdaming

pinalilitaw.

15%

Nilalaman 25%

Mahusay at

malinaw na

pagkakabitiw ng

mga pahayag

10%

Kabuuan = 100%

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto

para makapaghanda.

Nakuha niyo ba klas?

Kung ganun ay simulan niyo na ang

paghahanda.

Opo mam.

Page 11: Filiipino 9 detailed lesson plan

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili

sapagkat napakagaling ng inyong ginawang

pagtatanghal.

D. Paglalahat Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay pagbabago. Sa pag-usbong ng bagong milenyo, maraming kapansin-pansing

pagbabago ang ganap na nangyari sa lipunan. At isa na rito ang panliligaw. Bagama’t maraming pagbabagong nagaganap sa istilo ng panliligaw mula noon hanggang ngayon, sana’y manatili ang

tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng manliligaw ang sinseridad at malinis na paghahangad sa kanyang nililigawan.

(Pagkatapos ng limang minuto ay

magtatanghal ang bawat pangkat)

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa kalahating papel.

1. Anong katangian ni Ibarra o ni Maria Clara ang nagustuhan at nais mong sundin? Bakit?

2. Inamin mismo ni Ibarra na iisa ang pag-ibig niya kay Maria Clara at sa bayan. Ano ang

pagkakatulad ni Maria Clara sa bansang Pilipinas?

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Magsaliksik at basahin ng pauna ang kabanata 8 ng Noli Me Tangere na pinamagatang

“Ang mga Alaala”.

Inihanda ni:

Bb. Krystal Pearl L. Dela Cruz