17
“Maging masaya ka habang ika’y nabubuhay minsan ka lamang mabuhay, sulitin mo” GROUP 6

Filipino Pre Zz

Embed Size (px)

DESCRIPTION

yes

Citation preview

Page 1: Filipino Pre Zz

“Maging masaya ka habang ika’y nabubuhay minsan ka lamang mabuhay, sulitin mo”

GROUP 6

Page 2: Filipino Pre Zz

ANG NAKARAAN…

Page 3: Filipino Pre Zz

Napangiti na lamang ako ng marahan…

Page 4: Filipino Pre Zz

Kasalukuyan…

Page 5: Filipino Pre Zz

Kinabukasan,pare muli ko siyang binalikan sa kanilang tahanan. Ngunit nabigla ako na sa mismong lugar ay wala akong nakitang anomang bakas ng pinagtayuan nito. Kathang isip ko lamang ba iyon? O sadyang may hiwagang nangyayari sa buhay ng aking minamahal na si Ederlyn?

Page 6: Filipino Pre Zz

Pare,kailangan ko siyang makita. Lumipas ang ilang araw at walang pag-uusap, hindi ko man lang siya nasilayan kahit anino niya. Pumasok ako sa paaralan, akala ko hindi ko na siya makikita muli, ngunit naroon siya. Pare, nandun siya sa katabing upuan ko at siya’y biglang lumapit at pabulong niyang sinabi sa akin, na “Magkita tayo kung saan kita dinala noon.” Wala akong nasabi pare, tila kasiyahan lang ang naramdaman ko.

Page 7: Filipino Pre Zz

Agad agad ako nagpunta pagkatapos ng klase. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kanyang mapang-akit na mata. Habang papalapit ako sa kanya, tila parang ibon, ako’y lumipad, sumabay sa hangin at ako’y napatigil. Nasa harap ko na pala siya pare. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman, parang may pumipigil sa aking magsalita.

Page 8: Filipino Pre Zz

•Pero bago pa man ako makaimik, inunahan niya na akong magsalita. “Alex, alam kong naguguluhan ka. Bago ko sana sabihin sa’yo nais ko lamang ipangako mo na anomang masabi ko, na walang magbabago sa pagtingin mo sa akin.” Pare, pero ‘di ako nakakibo, gulong-gulo yung isip ko.

Page 9: Filipino Pre Zz

Hinayaan ko lamang siyang ituloy ang kanyang sasabihin.”Maniniwala ka bang kung sasabihin ko sayo na hindi ako kagaya ninyo” at biglang akong napaisip pare at naalala ko lahat na nangyari ng gabing iyon. Wala na akong nasabi pare, at hinagkan ko na lamang siya dahil takot man ako ngunit nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya.

Page 10: Filipino Pre Zz

At nung naging kami ni Ederlyn ipinakilala ko siya sa aking Ama, pagbungad pa lamang naming ay napansin agad ng aking ama ang kwintas na suot suot ni Ederlyn. Ang daming niyang tanong tungkol dito. Kinabukasan ay magkikita sana kami ni Ederlyn ngunit ipinagbabawal na ako ng aking ama na makipag kita sa kanya.

Page 11: Filipino Pre Zz

Pare, lubha kong ipiniagtataka. Bakit pamilyar ang kwintas na iyon sa aking ama? Naguguluhan ako. Ano ang dapat kong gawin? Wala na si Ederlyn. Wala na ang magbibigay ng liwanag sa bawat pagmulat ng aking mata.

Page 12: Filipino Pre Zz

Kailangan kong kumuha ng lakas ng loob upang alamin ang tungkol sa aking ama. Natatakot man ngunit kailangan. Natapos ng ilang araw na hindi kami nagkapansinan nadatnan ko siyang may tinitignan na larawang kupas. Pare parang kilala ko yung babaeng nasa litrato. Pare, parang nakita ko na siya dati dati oo nga pare siya ang Ina ni Ederlyn ngunit bakit sila magkasama ng aking ama sa isang lumang litrato?

Page 13: Filipino Pre Zz

Hinarap ko agad ang aking ama at naglakas loob akong nagtanong kung anong ugnayan nila ng Ina ni Ederlyn. Nag kwento na sakin ang aking Ama at nalaman kong may nakaraan sila ng Nanay ni Ederlyn bagamat hindi sang ayon ang panahon sa kanilang pagmamahalan kaya hindi sila ang nagkatuluyan dahil ayaw dati ng magulang ng Nanay ni Ederlyn na makipag relasyon sa isang hindi kagaya nila.

Page 14: Filipino Pre Zz

Madali akong umalis at pinuntahan ko si Ederlyn at nagkita kami sa may puno kung saan kami’y nagkita dati. Pare may sasabihin si Ederlyn ngunit inunahan ko na siya at sinabi ko na ang tungkol sa aming magulang, alam na pala niya yun pare akala ko pinagbawalan din siya na mahalin ako pero sinabi niya sakin ang mga salitang ito “Sinabi sakin ni Nanang na ipaglaban kita Alex dahil ayaw niya na ipagkait sa kanyang anak ang dating pagibig na hindi niya naipaglaban noong may oras siyang gawin ito.”

Page 15: Filipino Pre Zz

Tila bang binunutan ako na isang malaking tinik sa aking dibdib akala ko mawawala ang taong pinakamamahal ko, Pare!

Hinagkan ko siya at hinawakan ko ang kanyang mukha at nagkatinginan ng malalim at palapit ng palapit na ang aming mga labi ng biglang…

Page 16: Filipino Pre Zz

“Hoy Alex gising na!! Alas Otso na ng umaga tanghali ka na! Lintik naman tong batang to wag kang papaog paog dali na KILOS!!”

At sa puntong iyon, ako’y napaluha at agad na tumayo para pumasok o kahit isang patong na panaginip na naman na aking naranasan, ay may napatunayan akong isang bagay – ang patuloy na maghintay at maniwala sa paparating na isang tunay na pag-iibig.

Page 17: Filipino Pre Zz

• Pumasok ako sa eskwelahan na tila walang nangyari at biglang kumatok. May bago kaming kakalase. “Makinig kayo.” sambit ng aming guro. “Mayroon kayong bagong kaklase, magpakilala ka iha.”

• “Magandang umaga ako po si Everlyn.”

• At ako’y napangiti na lamang…