26
Magasin Halina’t Alamin…

MAGASIN FILIPINO

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAGASIN FILIPINO

MagasinHalina’t Alamin…

Page 2: MAGASIN FILIPINO

Alam mo ba kung ano ang magasin?

May kaunting alam po ako

ngunit hindi po ito ganoon

kalawakNais mo pa bang mapalawak pa ito?

Opo nais ko po

talagang mas

mapalawak pa

ito!Kung gayon ay

makinig ka at sisimulan na natin

ang diskusyon

tungkol sa komiks.

Page 3: MAGASIN FILIPINO

Magasin• Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng

maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

• Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan.

• Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.

Page 4: MAGASIN FILIPINO

Mga Halimbawa ng Magasin

Mga Magasin NOON at NGAYON

Page 5: MAGASIN FILIPINO

Mga Kauna-unahang Magasin sa PilipinasLipang Kalabaw (1907)

- Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos. Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong iyon. Ayon sa mga mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay iginuhit ni Jorhe Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa.

- Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-1924, 1947-1948 dahil sa paulit-ulit na pagpapatigil dito.

- Ilan sa mga tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood.

- May mga komiks din na nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa sa pamumuno ng mga Amerikano.

Page 6: MAGASIN FILIPINO

Lipang Kalabaw

Page 7: MAGASIN FILIPINO

Telembang (1922-1924)-ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya

noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado.

- Ang magasing ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento mga caricatures at mga cartoons.

- Ayon sa mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha nina Fernando Amorsolo at Jorge Pineda.

- Ang magsing ito ay naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa mga Amerikano at mga pederalista.

- Mayroong 111 isyu ang magsing ito.

Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas

Page 8: MAGASIN FILIPINO

Telembang

Page 9: MAGASIN FILIPINO

Liwayway (1922)

- Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong wika. 

- Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. - Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika.

- Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.

Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas

Page 10: MAGASIN FILIPINO

Luma (1931) Bago (2015)

Liwayway

Page 11: MAGASIN FILIPINO

MAGASIN PRESYO BILANG NG MGA WIKA

Lipang Kalabaw 14¢ 3 wika

Telembang 14¢ 3 wika

Liwayway 12¢ 1 wika

Page 12: MAGASIN FILIPINO

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa.

Dahil sa pagbabagong nagaganap naghanap ang mga tao ng ibang uri nang mga magasin na sasakto sa kanilang panlasa at mga hinanahanap.

At dahil sa mga ito umusbong ang industriya ng mga makabagong magasin.

Page 13: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay

tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

Page 14: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

 Cosmopolitan - Magasing

pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

Page 15: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

Good Housekeeping - Isang magasin para

sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.

Page 16: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.

Page 17: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

Metro - Magasin tungkol

sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

Page 18: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

Candy Binibigyan ng pansin

ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa

Page 19: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

Men’s Health - Magasin na nakatutulong

sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.

Page 20: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

T3 - Isang magasin para

lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

Page 21: MAGASIN FILIPINO

Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan

Entrepreneur -Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

Page 22: MAGASIN FILIPINO

Ngayon sa tingin ko’y sapat na ang iyong nalalaman

Ngayon oras na para sa pagsusulit. PAGSUSULIT?

Syempre HANDA NA

AKO!

Page 23: MAGASIN FILIPINO

PAGSUSULIT…1. Ang ________ ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng

maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

2. Ito ay ang kauna-uanahang magasin na lumabas noong 19073. Ang magasin na Telembang ay nagsimula noong taong __________

at natapos ang paglalathala noong __________.4. Ang Magasing telembang ay may ilang isyu?5. Sa anong pangalan unang nakilala ang Magasin na Liwayway?6. Magkano naibebenta noon ang magasing Lipang Kalabaw?

Page 24: MAGASIN FILIPINO

PAGSUSULIT…7. Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. Ano ang magasin na ito?

8. Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. Anong magasin ang tinutukoy sa pahayag?

9. Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Ano ito?

10. Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ano ang magasing sinasabi sa pahayag?

Page 25: MAGASIN FILIPINO

MGA KASAGUTAN

Page 26: MAGASIN FILIPINO

1.Magasin 7.Candy

2.Lipang Kalabaw 8.FHM / For Him Magazine

3.1922-1924 9. Entrepeneur

4.111 na isyu 10. T3

5.Photo News

6.14 ¢