24
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin. Mga Uri ng Tayutay Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na SIMILE sa Ingles. Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit. 2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning. 4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan. 5. Si Maria na animo'y isang bagonh pitas na rosas ay hindi napaibig ng mayamang dayuhan. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Halimbawa: 1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 2. Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili. Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa

Filipino Topics

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino Topics

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

Mga Uri ng Tayutay

Simili o Pagtutulad  - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na SIMILE sa Ingles.

Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit. 2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning. 4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan. 5. Si Maria na animo'y isang bagonh pitas na rosas ay hindi napaibig ng mayamang dayuhan. 

Metapora o Pagwawangis  - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Halimbawa: 1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 2. Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili. 

Personipikasyon o Pagtatao  - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. PERSONIFICATION sa Ingles.

Halimbawa: 1. Hinalikan ako ng malamig na hangin. 

Page 2: Filipino Topics

2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin 3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap 4.Sumasayaw ang mga dahon sap ah-ihip ng hangin. 

Apostrope o Pagtawag  - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang taoHalimbawa: 1. O, tukso. Layuan mo ako. 2. Kamatayan, nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian. 3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian 4. Ulan, ulan kami'y lubayan na. 

Pag-uulit Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang

pahayag o ng isang sugnay. Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng

pahayag o sugnay. Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng

sunud-sunod na taludtod. Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang

pagbaliktad ng mga pahayag. Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang

panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

Halimbawa: 1. Ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang

mapatid. 2. Dito nakabangon ang naglulugami at napasa-tuwa ang napipighati. 3. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na pagpapasiya sa kanyang pusong umiibig. 

Pagmamalabis o Hayperbole  - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa: 1. Namuti ang kanyang buhok sa kakahintay sayo. 2. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan. 3. Bumaha ng mga dugo sa lansangan 

Page 3: Filipino Topics

Panghihimig o Onomatopeya  - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Halimbawa: 1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit ng kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat, 3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. 

Pag-uyam  - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Halimbawa: 1. Wala kang ganang kumain, kaya pala halos maubos mo ang ulam 2. Sa husay niyang kumanta, pampito siya sa pitong naglaban. 3. Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan. 4. Siya ay may magandang kasuotan, gawa sa basahan. 

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw  - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa: 1. Isinambulat ang ordeng mula sa dibdib ng taksil. 2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buahy alang-alang sa Inang Bayan 3. Walong bibig ang umaasa kay Romeo 

Paglilipat- wika  - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa: 1. Patay tayo dun.

Balintuna  - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

Pasukdol  - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

Pagtanggi o Litotes  - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Page 4: Filipino Topics

URI NG PANGUNGUSAP

May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit. 

1. Pasalaysay - o tinatawag ding paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.). 

hal. Ang puno ay matibay. 

2. Patanong - ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa tandangpananong (?).

hal. Paano ba gawin ito? 

3. Pautos - ang pangungusap kung ito ay nagtatanong at pakiusap naman kung ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos at pakiusap (.). 

hal. Mag salita ka nga ng maayos. 

4. Padamdam- ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). karaniwan at di-karaniwang pangungusap. ang karaniwang pangungusap ay mas nauuna ang panaguri kaysa paksa at ang di- karaniwan naman ay mas nauuna ang paksa kaysa panaguri. malalaman din na ang pangungusap ay di- karaniwan kapag mayroon itong pangawing na 'ay'.... 

Page 5: Filipino Topics

ex. Naku! na dulas ang bata 

5. Pakiusap- ito ay nakikiusap at ginagamitan ng paki"at nagtatapos sa tuldok (.) 

hal. Paki kuha nga ng bag ko. 

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal. 

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas. 

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.  Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina. 

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong

Page 6: Filipino Topics

hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura. 

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida. 

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat. 

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

Idyoma

- pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi kompusisyonal. Sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.

Halimbawa:Asong-pungge - susunod-sunod sa dalaga Balat-kalabaw - Matibay ang hiya; walanghiya Balat-sibuyas - maramdamin; madaling umiyak Basang-sisiw - api-apihan; kalagayang sahol sa hirap Buhay-alamang - laging nasusuong sa panganib; hikahos Buhay-pusa - mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib Buwayang-lubog - taksil sa kapuwa; hindi mabuti ang gawa Dagang-bahay - taksil sa kasambahay Kakaning-itik -api-apihan Kutong-lupa - bulakbol; walang hanapbuhay Lakad-kuhol - mabagal utusan; patumpik-tumpik kapag inutusan kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa. Maryakapra (marya-kapra) - babaing masagwa o baduy magbihis Mataas ang lipad - hambog Matang-manok - Malabo ang paningin kung gabi; Di-makakita kung gabi May sa-palos- Hindi mahuli. Mahirap salakabin. Madulas sa lahat ng

Page 7: Filipino Topics

bagay. Nagmumurang kamatis - nagdadalaga Nagmumurang kamyas - bagong naniningalang-pugad; bagong nanliligaw. Paang-pato - tamad; makupad; babagal-bagal kung lumakad Pagpaging alimasag - walang laman Puting-tainga - maramot Putok sa buho - Walang tiyak na ama nang isilang Salimpusa (saling-pusa) - hindi kabilang sa anumang panig; Sangkahig, sangtuka - Ginagasta ang siyang kinikita. Tagong-bayawak - madaling makita sa pangungubli Tawang-aso - tawang nakatutuya Talinghagang tinumbasan ng mga bahagi ng katawan o kaya'y kilos ng tao Bukás ang palad - magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot Kadaupang-palad- kaibigang matalik Kumindat sa dilim - nabigo; nilubugan ng pag-asa Lawit ang pusod - balasubas Ligaw-tingin - torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan Mababang-luha - iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak Mabigat ang dugo - kinaiinisan Magaan ang bibig - palabati; magiliw makipagkapuwa Magaan ang kamay - magandang magbuwana mano

Apat na Kayarian ng Salita

1. PAYAK-  salitang-ugat lamang 

Halimbawa: araw 

2. INUULIT - inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito. 

Dalawang uri ng pag-uulit:

a. pag-uulit na ganap - inuulit ang salitang-ugat

Halimbawa: araw-araw

b. pag-uulit na di-ganap - inuulit lamang ang bahagi ng salita

Halimbawa: kakanta

3. MAYLAPI

Page 8: Filipino Topics

- binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi

Halimbawa:unlapi - umayaw  gitlapi- sinulat  hulapi - patayinkabilaan (sa unahan at hulihan) - nagpatayan

4. TAMBALAN- dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita

Halimbawa: asal-hayop  bahaghari  silid-aralanhampaslupa

Mga Elemento ng maikling kwento at ang mga kahulugan nito?

Panimula - dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.

Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng

kwento. 

Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo

ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. 

Suliranin - problemang haharapin ng tauhan. 

Tunggalian - may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa

sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan. 

Kasukdulan - makakamtan ng pangunahing tauhan ang

katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 

Page 9: Filipino Topics

Kakalasan - tulay sa wakas. 

Wakas - ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento. 

Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga

aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan

naganap ang kuwento. 

Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kwento. 

Kaisipan - mensahe ng kwento. 

Banghay - pangyayari sa kwento.

Pangabay

Ang pang-abay ay isang bahagi ng pananalita/mga salita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwapang-abay. 

Mga Uri:1. Pamanahon - (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap

ang kilos

2. Panlunan - (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung

saan naganap ang kilos

3. Pamaraan - (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano

naganap ang kilos ng pandiwa

4. Pang-agam - pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng

isang kilos

5. Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pangabay na nagsasaad

ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng "affirmation" sa Ingles.

Page 10: Filipino Topics

6. Pananggi - (Adverb of Negation) pang-abay na nagsasaad ng

hindi pagsangayon

7. Panggaano - nagsasaad ng dami, halaga o timbang

8. Pamitagan - nagsasaad ng pagrespeto

9. Panturing - nagsasaad ng pagsasalamat

10. Pananong - pang-abay na ginagamit sa pagtanong

11. Panunuran - Pagsusunud-sunod ng mga salita

12. Panulad - (Comparative Adverb) pang-abay na nagsasaad ng

paghahambing

13. Ingklitik - mga pang-abay tulad ng ba, din/rin, daw/raw,

muna, lamang, yata, sana, tuloy, kaya, kasi at iba pa.

POKUS NG PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Narito ang mga pokus ng pandiwa:

1.) Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.

Halimbawa: Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismong bansa.

2.) Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap.

Halimbawa: Ginawa niya ang programang ito para sa ikakauunlad ng ating turismo.

Page 11: Filipino Topics

3.) Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.

Halimbawa: Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.

4.) Tagatanggap o Benepaktib - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa: Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin.

5.) Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.

Halimbawa: Ipinamili niya ang pera para sa eksibit.

6.) Sanhi o Kusatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.

Halimbawa: Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW.

7.) Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos.

Halimbawa: Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros.

Gamit ng Panandang Diskurso

Ang mga panadang diskurso ay nagpapakita ng pag-uugnayang

namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng texto.

Tatlo ang uri ng tungkuling ginagampanan ng panandang diskurso:

1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga

pangyayari o Gawain. Ang mga panandang ito ay pagkatapos, sakanang

sumunod na araw, sa dakong huli, at iba pa.

Halimbawa: Kaugnay nito, bawat pamahalaan ay naglalaan ng salapi,

panahon, at pagkilos nang sa dakong huli ay magkaroon ang lahat ng

Page 12: Filipino Topics

pagkakataong marating ang isang mataas na uri ng edukasyon.

2. Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskuros. Ang

panandang ito ay mauuri sa mga sumusunod:

a. pagbabagong-lahad (sa ibang salita, sa madaling sabi, sa ibang

pagpapahayag, kung iisipin)

Halimbawa: Sa madaling sabi, mapalad ang mga bansang maunlad na

sapagkat napagkalooban nito ng lahat ng pangangailangan ang bawat mag-

aaral tulad ng makabagong kagamitan sa pagtuturo.

b. pagtitiyak (katulad ng, tulad ng sumusunod, sa kanila)

Halimbawa: Ang Japan ay katulad ng iba pang mauunlad na bansa sa

daigdig na gumagamit ng teknolohiya sa impormasyon para sa pagpapabuti

ng edukasyon.

c. paghahalimbawa (halimbawa, nailarawan ito sa pamamagitan ng, isang

magandang halimbawa nito ay)

Halimbawa: Isang magandang halimbawa nito ay ang pagsisikap ng

mga guro at maging ng mga mag-aaral na makatugon sa nasabing

kurikulum.

d. paglalahat (bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa madaling salita,

anupa’t)

Halimbawa: Bilang paglalahat, iniaakma ngayon ng China sa

pagbabago at pangkabuhayang pag-unlad ang sistema ng edukasyon.

e. pagbibigay-pokus (Bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa,

magsisimula ako sa)

Halimbawa: Samantala, nanatili sa bernakular ang mga tungkol sa

pagtuturo sa mababang paaralan.

f. pagkakasunud- sunod ng pangyayari (una, sunod, bilang pagtatapos)

3. Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda. Ang mga

panandang ito ay sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, subalit, kaya

lamang, kung, bagaman, at iba pa.

Halimbawa: Kung may sapat at maayos na pasilidad ang isang bansa,

matagumpay nitong maisusulong ang pagtaas ng antas ng karunungan ng

bawat mamamayan.

PagPapanTIG

Page 13: Filipino Topics

Ang pagpapantig ay paraan ng pahahati-hati ng salita sa mga pantig.

Halimbawa:

pag/ka/in lu/to trans/por/tas/yon ba/ba/e la/la/ki

Mga Leksikal na Pag-uugnay

Page 14: Filipino Topics

1. Reiterasyon o Paguulit     -ginagamitan ng puro ano, kaya o tapos.     Halimbawa: Ano akala mo, ano ang gwapo mo.

2. Sinonim o Kasingkahulugan     -ginagamitan ito ng parehas ng kahulugan o salita.  Halimbawa: Di ka lang maganda, marikit ka pa.

3. Super Ordineyt o Kasing Katawagan     -sinasamahan ng isang salita sa isa pang salita

Halimbawa: Diyos = Ama

4. Pangkalahatang Tawag o General Item    - ginagamitan ng pangkalahatang salita.

Halimbawa: Ang mga ganyang tao ay di dapat tinutularan sapagkat nagbibigay sila ng maling halimbawa sa mga bata.

KAANTASAN NG PANG-URI

Page 15: Filipino Topics

1.      Lantay

Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip

na walang pinaghahambingan.

Halimbawa: Kabigha-bighani ang pook na ito.

2.      Pahambing

Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan

o panghalip.

Halimbawa: Ganggamunggong pawis ang namuo sa king noo.

a.       Pahambing na magkatulad

Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-/kasing-

/magkasing-/magsing-.

 Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng dalawang

bagay na pinaghahambingan.

Halimbawa: Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

b.      Pahambingna di-magkatulad

Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng

pinaghahambingan.

        Pahambing na palamang

May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan. 

Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutu

lungan ng kaysa o kaysa kay.

Halimbawa: Lalong kahali-halina ang mga bulaklak ditto kaysa sa

nakita ko sa Parke.

        Pahambing na pasahol

May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan. 

Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni, o tulad ng.

Halimbawa: Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig

kaysa sa mga makikita sa Zamboanga.

3.      Pasukdol

Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw

sa lahat ng pinaghahambingan.

Halimbawa: Ang ganda-ganda ng Palawan.

Walang kaparis sa ganda si Glenda.

Kategorya ng paggamit ng wika

Page 16: Filipino Topics

Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika.

Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:

1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.

2. Pampanitikan  o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan.

Narito ang mga uri nito:

1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.

2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.

3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Page 17: Filipino Topics

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 

1.      Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman

     kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.

Paalala:  Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ).Nilalagyan ng gitling ( - )  kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig. 

      Halimbawa:                        Pang + lunas = panglunas - panlunas                        Pang = baon = pangbaon - pambaon                        Pang + kulay = pangkulay                        Pang + isahan = pang - isahan 2.      Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang

ponema sa loob ng                             Salita

Halimbawa:                  Sunod + in = sunodin - sundin                  Takip + an = takipan - takpan                  Dala + han = dalahan - dalhan

 3.      Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago

sa pagbuo ng                        salita. Nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/                       ay nasa pagitan ng dalawang patinig.

Halimbawa :                  Ma + dami = madami - marami                  Bakod + bakudan - bakuran 

4.      Pagpapaikli ng salita - pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.

Halimbawa :                  Hinatay ka =  Tayka - teka                  Tayo na = Tayna - tena, tana

Page 18: Filipino Topics

                  Wikain mo = Ikamo - kamo                  Wika ko = ikako - kako               

KAGANAPAN NG MGA PAndIwa

-ito ay kaganapan sa pakilos na pamamaran pasalita, naaayon ito sa pamamagitan ng pagsasalita na kung saan ay isinasantabi sa pangungusap. Ang kaganapang ito ay na sisingit sa pangungusap sa pagiimbento ng kapwa-pandiwa -terrise bella go- pandiwa-salitang kilos

Mga Uri Ng Kaganapang Pandiwa 

1. Aktor - tagaganap ng kilos 

Halimbawa: Binasa ni Jiniva ang nobelang Noli Me Tangere. binasa nino? ni Jiniva na siyang aktor 

2. Layon - bagay na tinutukoy ng Pandiwa 

Halimbawa: Kumain ng keyk at puto si Lorraine. kumain ng anu? keyk at puto na siyang layon 

3. Ganapan - lugar na pinagganap ng kilos 

4.Tagatanggap - pinaglalaanan “para kanino? para saan?” 

5.Sanhi - dahilan ng kilos 

6.Instrumental - bagay na ginamit para magawa ang kilos. -palatandaan(sa pamamagitan) 

7.Direksyunal - mula sa salitang direksyon - may patutunguhan

Page 19: Filipino Topics
Page 20: Filipino Topics

Ano ang mga alituntunin sa paghihiram ng nga salita?

Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro dahil sa pagkakaiba-iba sa kultura ng mga bansa, may mga salitang banyaga na na hindi matatagpuan sqa salitang Filipino kapag isinasalin.sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay manghiram o dili kaya ay lumikha ng bagong salita. Walang masama sa panghihiram ng salita.hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman na mga salita; hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagktapos na hiramin hindi rin ito nakakahiya Ayon sa pag-aaral:Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.Tatlong libong salitang malay. Isang libo sa ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe, Sanskrito, Latin, Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa. Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang nga salitang ito. May mga salitang panteknikal at pang-agham ang Maugnayang Pilipino na ginagamit sa pinatatanyag ng araneta university, subalit ang mga ito ay hindi itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kaya hindi palasak na ginagamit sa mga paaralan.  Halimbawa:

Daktinig (mikropono) Agsikap (inhinyero)Miksipat (mikroskopyo)Batidwad (telegrama)Sipnayan (matematika)Liknayan (pisika)Dr. Alfonso Santiago ang nagtakda ng mga tuntunin o paran ng panghihiram sa Ingles sa aklat niyang "Sining ng Pananaliksik". 

Page 21: Filipino Topics

1.) Pagkuha ng katumbas sa Kasti8la ng hihiraming salitang Ingles at pagbaybay ditto ayon sap alabaybayamg Filipino.Halimbawa: Liquid=liquido=likidoCemetery=cementerio=sementeryo 

2.) Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles at baybayin sa paalbaybayang Filipino.Halimbawa: Tricycle=trisikelTruck=trakTrai=tren 3.) Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at walang pagbabagong gawin sa pagbaybay.Halimbawa: Manila Zoo = Manila ZooVisa = VisaXylem = XylemZygote = ZygoteXerox = XeroxSandwich = SandwichZamboanga = ZamboangaFrancisco = FranciscoRoxas = RoxasVilliviza = nilliviza