68
KABANATA I Ang Suliranin at ang Pinagsimulan Nito Panimula Nilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahing pagkakakilanlan. Ang ating kaugalian ay mababakas sa ating mga kwentong bayan, alamat, epiko, kantahing-bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan at sinaunang dula. Ayon sa mga mananakop na dayuhan, ang ating mga ninuno ay mayaman sa mga katitikan na nagbibigay ng kasiyahan at nagtatampok sa kalinangan at kultura ng ating lahi. Ang mga ito ay gumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng punungkahoy bilang mga sulatan habang ang ginamit nilang mga panulat ay matutulis na kahoy, bato o bakal. Ibat' iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan. Ayon kay Arrogante (1983), ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Samantala, ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong gumahis o

Kabanata i

Embed Size (px)

DESCRIPTION

educ filpino 2

Citation preview

KABANATA I

Ang Suliranin at ang Pinagsimulan Nito

PanimulaNilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahingpagkakakilanlan. Ang ating kaugalian ay mababakas sa ating mga kwentongbayan, alamat, epiko, kantahing-bayan, kasabihan, bugtong, palaisipanat sinaunang dula. Ayon sa mga mananakop na dayuhan, ang ating mganinuno ay mayaman sa mga katitikan na nagbibigay ng kasiyahan atnagtatampok sa kalinangan at kultura ng ating lahi. Ang mga ito aygumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng punungkahoybilang mga sulatan habang ang ginamit nilang mga panulat ay matutulisna kahoy, bato o bakal.Ibat' iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sapanitikan. Ayon kay Arrogante (1983), ito ay talaan ng buhay sapagkatdito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng buhay, angbuhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan atpinapangarap.Samantala, ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay siyanglakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito aybunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mgaulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isangkasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya'ymagpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolinang porma at istruktura. Sa isang banda, maituturing ang panitikan naisang kakaibang karanasan. Ito ay naglalantad ng mga katotohanangpanlipunan, at mga guniguning likhang-isip lamang. Hinahaplos nito angating mga sensorya tulad ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa atpandama. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag-iisip at magingsasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang atingnahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sapamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa atingkatawan, diwa at damdamin (Villafuerte, 2000). Ang panitikan ay buhayna pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat

nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sasangkatauhan. Kaugnay ng pag-aaral ng panitikan ay ang pagsusuri ng mga akdangbahagi ng panitikan tulad ng tula, dula, katha, maikling kwento at mganobela. Ang nobela at katha ang nais bigyang diin ng tesis na ito,sapagkat ang nobela ay kakaiba sa ibang mga uring naisulat na, dahilito ay higit na mahaba, kawing-kawing ang mga pangyayari at higit namarami ang mga tauhan, gayundin naman ang mga katha dahil sa ito aykalibang-libang dahil maikli lamang ito.Sa tesis na ito ay makikita ang maigting pagsusuri ng ilang pilingnobela at katha ni Edgardo M. Reyes, isang manunulat ng maiklingkuwento at nobela na may sariling tatak sa pagsusulat. Bukod pa ditoipaparating ng tesis na ito sa ibang mag-aaral na may asignaturangFilipino, ang mga aral, mensahe at implikasyon ng mga nobela ni E.MReyes.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na matuto ang mgamag-aaral na gumamit ng proseso sa masusing pagsusuri sa ilang pilingnobela at katha.Ang tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay upang makalikom ng mgakasagutan sa mga sumusunod na suliranin.

1. Anu-ano ang mga kahalagahang moral at panlipunan na makukuha sa mganobela at katha ni Edgardo M. Reyes?2. Anu-ano ang mga katangian ng mga piling nobela at katha sa pag-aaralna ito ayon sa mga sumusunod:2.1 Mensaheng hatid ng mga nobela at katha sa mga mambabasa atimplikasyon ng mga mensahe sa pamumuhay ng mga Pilipino;2.2 Naging pape! ng mga pangunahing tauhan sa paghahatid ng mensahe ngnobela,at2.3 Bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa?Inaasahang Katugunan sa mga SuliraninAng mga inaasahang katugunan para sa mga nabanggit na suliranin aypinagsikapang saliksikin upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito.Nawa'y ang mga nobe!a at kathang pinag-aralan dito ay magigingmalaking tulong sa mga mag-aaral at maging sa mga guro upang makamit

ang mga katugunan na isinasaad sa paradim o batayang teoriya at maginggabay nila sa kasalukuyang pamumuhay. Bunga ng layang ibinigay ng mgaAmerikano sa mga Pilipino, isinilang ang pahayagan. Sa mga pahayagangito inilimbag ang maraming nobela at mga katha na, naging bahagi na ngating lipunan. Ito ay may layuning lumibang, magturo o magbigay kaya ngisang aral. Gayundin ang mapagyaman ang ating karanasan sa pamamagitanng paglalahad ng mga pangyayaring tumutugon sa karanasan ng tao,gumigising sa diwa at damdamin at nanawagan sa talino at guni-guni.Mula sa mga nasulat natinag ang panlipunan at kasaysayang kahalagahan.Mga Kahalagahan ng Pag-aaralAng panitikan ay may malaking kaugnayan sa kasaysayan. Kung sakasaysayan ay nasasabi ang tiyak na panahon at pangyayari, angpanitikan naman ay naglalarawan ng buhay, kultura, tradisyon,kaugalian, at karanasan. Nagpapahayag ang panitikan ng damdamin ngbawat indibidwal, gaya ng pag-ibig, kabiguan, tagumpay, lungkot, tuwa,at marami pang mukha ng buhay na inilalarawan ng bawat panitik.Pinapaksa ng panitikan ang ating pinagmulan kung kaya't ito aytinaguriang salamin ng buhay. Nasasalamin dito ang pinagmulan ng isanglahi, ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa sa bawat panahongkanyang dinaanan at pagdadaanan pa. Ang kahalagahan ng tesis na ito ayang pag-unawa sa uri ng panitikan sa bawat lahi o lalawigan mataposmaibalangkas ang pinanggagalingan at malaman kung ano ang naging buhayat kung paano sila namuhay. Gayundin ang pag-unawa sa dalangimpluwensiya sa lipunan, relihiyon, edukasyon at kultura na maaaringisinasabuhay pa natin hanggang sa kasalukuyan.Isa pang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri ngkasaysayang pampanitikan ng isang lahi o mga lahi, ang matunghayan angmga makahulugang pangyayari sa tiyak na panahong sinusuri o nabasaupang mapag-ugnay sa isipan ang mga pampanitikan at pangkasaysayan natunay sa ganitong lohika ay magiging malinaw sa mga mag-aaral o mga

mambabasa ang bawat pinag-ugat ng hilig, takbo, at uri ng mga nobela oakdang pampanitikang tinatalakay.Saklaw ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri at pagbibigay haiaga sailang piling nobela at katha ni Edgardo M. Reyes. Ang mga nobelangpinili sa pag-aaral ay ang mga sumusunod:A. Mga NobelaLaro sa BagaSa Kagubatan ng LunsodSa mga Kuko ng LiwanagB. Mga KathaAng Gilingang BatoDi-Maabot ng Kawalang MalayEmmanuelLugmok na ang Nayon

Ang mga nobelang ito ay galing sa Koleksyon ni Edgardo M. Reyes nanalathala sa aklat na may pamagat na "Pagsusuri at Pagbubuod ng mgaNobela, (Villafuerte, 2000). Ang mga katha naman ay nalathala sa aklatna "Mga Agos Sa Disyerto", Ikatlong Edisyon (Abueg, et.al 1993).Gayunman, hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang paggamit ng istatistikasapagka't ang layunin ng pag-aaral ay suriin ang mga nobela at kathaayon sa kahalagahang moral at panlipunan, mensahe at implikasyon sapamumuhay ng mga Pilipino, papel ng mga tauhan sa paghahatid ngmensahe, at bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa.Mga Kinalabasan ng ProsesoA. Mga Nobela· Laro sa Baga· Sa Kagubatan ng Lunsod· Sa mga Kuko ng LiwanagB. Mga Katha

· Ang Gilingang Bato· Di-Maabot ng Kawalang malay· Emmanuel· Lugmok na ang NayonMga Nobela at KathaProseso BATAYANG TEORIYA· Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan· Mensahe at Implikasyon Kasalukuyang Pamumuhay ng mga

Pilipino

· Papel ng mga Tauhan sa paghahatid ng mensahe· Bisa sa Isip at damdamin ng mga mambabasaPasuri atPalarawang

Pagsusuri

Ang Batayang Teoriya ng Pagsusuri sa mga Piling Nobela at Katha niEdgardo M. ReyesAng pag-aaral na ito ay gumamit ng pasuri at palarawang pagsusuri upanghigit na maipaliwanag ang mga kahalagahang pangmoral at panlipunan ngmga nobela at kathang ginamit. Ang mga mensahe at implikasyon nito sakasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino ay binigyang diin sa pagsusuringginawa upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang kahalagahan ngnobela at katha. Ang mga mensaheng hatid ng bawat nobela at katha aymay mga bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa.Sa bawa't kuwento o nobela ay may malaking papel na ginagampanan angmga tauhan sa paghahatid ng mga mensahe o kaisipan. Sa mga nobela atkathang ito ni Edgardo M. Reyes ay tinalakay din ang mga naging papel o"role" lalo na nang mga pangunahing tauhan, sapagkat sa kanilanakasalalay ang buhay ng nobela at katha . Hindi rin kinaligtaan angestilo ng manunulat sa paghahabi o pagsulat ng bawat kabanata sakanyang mga nobela at katha. Sa pamamagitan ng pag-analisa sa estilo aymalalaman natin ang lalim ng ambag nito sa ating Panitikang Pilipino.Katuturan ng mga KatawaganEpiko May kahabaang salaysay na patula sa mga kabayanihangnagawa na kadalasan ay may uring angat sa kalikasan.Kabanata Bawat isa sa mga yugto o bahagi ng nilalaman ng alinmangaklat, ayon sa pagkakabukud-bukod ng mga isipan o mga pangyayaringisinalaysay.Kaisipan Ideya; kuru-kuro; palagay; pag-iisipKatha Maikling kathang pampanitikan na may isang tema

lamang; payak ang paksa at kakaunti lamang ang mga tauhan na gumagalawsa katha. May layunin itong libangin ang mga mambabasa.Manunulat Sinumang sanay at dalubbhasa sa pagsulat ng mga artikulo,kuwento, nobela, tula at iba pa.Mensahe Aral na gustong ipaabot ng manunulat sa mambabasa.Nobela Mahabang kathang pampanitikan naglalahad ng isangkawil ng mga pangyayaring pinaghabi-habi sa isang mahusay napagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalaban nghangarin ng bayani sa isang dako at ang hangarin naman ng kanyang mgakatunggali sa kabila.Pagsusuri Opisyal na pagsisiyasat at pagpapatunay sa mga tala.Teorya Makatuwirang pagpapaliwanag sa anumang palagay.Yugto Dibisyon o bahagi ng isang nobela, bahagi ng isangserye. Saglit na pagtigil o paghinto.KABANATA IIMga Akdang may Kaugnayan sa Kasalukuyang Pag-aaralAng mga sumusunod na mga artikulo at mga sulatin ay pawang maykaugnayan sa pag-aaral na ito, na lahat ay nauukol sa mga nobelangisinulat ni Edgardo M. Reyes.Deskripsyon ng NobelaKung ibig mong makabasa ng isang akdang maituturing mong masalimuotdahil sa tuwirang tumatalakay sa buhay ng tao, sa mgapakikipagsapalaran, sa mga nakakatawang pangyayari, sa paghubog ngpagkatao, sa mga nakakabagabag na pangyayari sa isang bansa at iba pangmga bagay na may nakatutuwang paksa, ay bumasa ka ng nobela. (Devesa,1982)Tinatawag na isang kathang pampanitikan na binubuo ng maramingpangyayaring magkakasunod at magkakaugnay-ugnay. Ang pangyayari rito aymay kanya-kanyang tungkuling ginagampanan upang mabuo ang isang matibayat kawili-wiling mga pangyayari ng isang nobela.Tinatawag ding kathang buhay, ang nobela sapagkat ito ay naglalahad ngmaraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahingtauhan at iba pang mga katulong na tauhan at ang buong pangyayari ay

sumasaklaw nang higit na mahabang panahon.Ayon kay Rufino Alejandro (Perez, 1991)," Ang nobela ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wilingpangyayari na pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagkakabalangkas,naang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalaban ng hangarinng bayanisa isang dako at ng hangarin ng kanyang katunggali sa kabila. Ang mgakatunggali niya ay maaaring mga tao ring katulad niya o kaya ay mgakasalungat na pangyayari, kabilang diyan ang sarili niyang pag-uugaliat pagkatao. Tumutugon ito sa karanasan ng tao at matapat nananghahawak sa buhay, gumagamit ng guniguni datapwat hindi napatatangaydito, gumigising sa diwa at damdamin, at nananawagan sa ating talinogayundin sa ating imahinasyon. Katangian ng tao ang pinagkukunan ngpaksa ng isang nobela. Ito ay naglalarawan din ng pagkatao bukod pa sapaglinang ng isang balangkas na mga pangyayari."Ayon naman kay Tiangco et.al, (1976 & 1981), ang nobela ay naglalahadng isang kawil ng kawili-wiling pangyayari na pinaghabi-habi sa isangmahusay na pagkakabalangkas. Ang binibigyang diin ay ang pagtutunggaling hangarin ng bayani sa isang dako at sa hangarin ng kanyang mgakalaban sa kabilang dako. Ang katunggali ng pagunahing tauhan aymaaaring ibang tao o kaya'y mga salungat na pangyayari o ang sariliniyang pag-uugali at pagkatao.Ang isa pang deskripsyon ng nobela ay mula naman sa panulat ni Casanova(1984). Ayon sa kanya ang nobela ay isang mahabang pagkukuwento na maykabanata, laging itutuloy at may karugtong. Hango ito sa talagangpangyayari sa buhay ng tao. Tumatalakay din ito ng mahabang panahon atmaraming tauhan ang nagsisiganap.Sa isang aklat na isinulat ni Mag-atas et.al, (1994) ang nobela aytinatawag ding mahabang kasaysayang tuluyan sa panahon ng kastila. Angsabi naman ni Roman Reyes (1908), ang nobela ay naglalarawan ngsariling pag-uugali, mga kilos, at damdaming katutubo ng bayangpinaghanguan ng matiyagang sumulat. At hindi lamang ganyan, kundigumagamot din naman sa maraming sakit sa pag-uugali, rnaling paniniwalaat masasagwang kilos na nagpapapusyaw sa dapat na magningning ngkapurihan ng tao kung kaya nabubuhay.

Ayon kay Faustino Aguilar (Mag-atas et.al, 1994), ang salitang"nobela", na hiram natin sa kastila ay hiram sa Italyanong "novella" naang ibig sabihin ay isang katha na nagsasalaysay ng anumang bagay na sakabila o sa isang bahagi ay hinango sa isang pangyayari. Ito ayisinulat sa isang paraang kaaliw-aliw at kakikitaan ng ugali ng mgataong pinagagalaw ng mga pangyayari.Kasaysayan ng Nobelang PilipinoPinakaugat ng nobela (Mag-atas et.al, 1994)Marami ang nagsasabi na ang pinakaugat ng nobelang Pilipino ay angepiko. Ito ay mahabang salaysay na tungkol sa kabayanihan ng bida, kungminsan ay hango sa mga karaniwang pangyayari ngunit ang bida ay may dipangkaraniwang lakas, may engkanto. Patula ang mga epiko at sakasalukuyan ay mahirap nang makatagpo ng taong nakakasaulo ng kanilangmga epiko, bagamat sa ating mga tribo ay may mangilan-ngilan pa ringnakakatanda ng ilang bahagi nito (hindi na ang kabuuan) sapagkat angdaloy ng kabihasnan ay sumapit na sa kanilang pook.Kabilang sa mga epiko ang Hudhod at Alim ng Ipugaw, ang Darangan ngMuslim, ang Ibalon ng Bikol, at iba pa. Sayang at ang epiko ng Tagalogay hindi napangalagaan, dahil sa pagsapit ng kabihasnan buhat sa ibangbayan ay nawala ang katibayan ng pagkakaroon nila ng sariling epiko.Gayunman, sinasabing Kumintang ang tawag sa epiko ng mga Tagalog.Noong panahon na ng mga Kastila ang akda ni Antonio de Borja na Barlaanat Josaphat (1709) ang tinuturing na "Juan Bautista" ng NobelangTagalog. Tagapagbalita lamang ito ng tunay na nobelang Tagalog sapagkatito ay salin lamang buhat sa wikang Griyego ni Juan Damasceno. Angbuong pamagat ay Aral na Tunay Na Totoong Pag Acay sa Tauo, Ng MangaCabana lang Gaua Nang Manga Maloalhating Santo Na Si Barlaan NiJosaphat.Ito ay tungkol kay Josaphat na kahit na iniiwas na ng amang si Abenirng India sa pagiging katoliko, ang kagustuhan din ng Maykapal angnasunod sapagkat si Barlaan, isang pari, ang naatasan ng Panginoonupang gawing Kristiyano si Josaphat. Sa wakas, pati na si Abenir aynaging kristiyano.Ang isa pang pinag-ugatan ng nobela ay ang Tandang Basiong Macunat(1885) na tinaguriang akda sa loob ng isang akda, ni Miguel LucioBustamante.Dito ay inilalahad na hindi nararapat pag-aralin ang anak

saMaynila sapagkat nabubuyo ito sa masamang bisyo at hindi nakakatapos ngpag-aaral.Matatawag ding pinag-ugatan ng nobela ang Pasyon, tulad ng Martir saGolgota na salin ni Juan Evangelista. May salin din si Joaquin Tuazonng orihinal na Kastila ni Tomas Iriarte (1879-80) ng Bagong Robinson.May ibang mga salin at halaw ngunit hindi ito gaanong kilalangbabasahin at marahil ay wala naming makikitang patunay sa kasalukuyan.Ang mga komedya at moro-moro ay mga baytang din tungo sa pagkakaroon ngnobelang Tagalog. Hindi rin dapat kalimutan ang palitan ng liham naUrbana at Fetisa ni Modesto de Castro, tinaguriang "Ama ng Tuluyan", nakinapapalooban ng pagtuturo ng kagandahang asal.Bagamat nakasulat sa wikang Kastila ang Ninay ni Pedro Paterno,nakatulong din ito sa pag-unlad ng nobela, at naging batayan pa marahiini Rizal sa kanyang nobela sa punto ng katauhan ng mga gumagalaw sanobela.Ang realismo naman sa mga nobela ay matatagpuan sa mga akda ni JoseRizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na bagamat sa wikangKastila rin nasulat ay nagsilbing huwaran at inspirasyon ng mgamambabasa na masasabing nagtataglay ng tatlong bisang kinakailangangdapat taglayin ng isang nobela. Ang panahong ito ay nasa panahon na ngtinatawag na Propaganda at Himagsikan. Si Apolinario Mabini ay maynobela rin tulad ng El Desarollo y Caisa de la Repubiica Filipinas,lamang ito ay tungkol sa rebolusyon at sa wikang Kastila rin.Panahon ng NobelaAng masasabing tunay na panahon ng mga nobelang Pilipino ay nagsimulanoong 1900, batay nga sa mga pag-aaral at pagpapangkat-pangkat, nahatiito sa apat na panahon (Mag-atas et. Al,1994).Unang Panahon1900-1920 - Klasikal na RebolusyunaryoNapapaloob dito ang mga nobelang may binhi ng sosyalismo na akda ninaLope K. Santos (Banaag at Sikat, 1906) at Faustino Aguilar(Pinaglahuan, 1907). Narito rin ang mga haiimbawa ng impluwensya ng

klasiko, malawak na aral-Kastila at mga laban sa prayle. Masigasig angmga manunulat na makapagsulat ng nobela nang panahong ito.Kabilang sa mga manunulat noong panahong ito sina Valeriano H. Peña(Nena at Neneng, 1904, nalathala sa pahayagang Muling Pagsilang);Francisco Lacsamana {Anino ng kahapon); Roman Reyes (Bulaklak ngCalumpang, 1970); lnigo Ed. Regalado (Kung Magmahal ng Da/aga/1913) nasiyang taga panguna ng mga nobelang romantiko sa kanyang May pusongWalang Pag-ibig; Engracio Valmonte (Ang Mestisa); Pascual Poblete,Patricio Mariano.Masasabing si Lope K. Santos ang nagsimula ng paglalathala nangyugtu-yugtong kabanata ng mga nobela sa pahayagang "AngKaliwanagan", pagkatapos naman ay "Ang Kapatid ng Bayan", sakanyang "Salawahang Pag-ibig".Ikalawang Panahon1921-1944 - Romantiko-SentimentalSa panahong ito namayani ang mga nobelang nauukol sa pag-ibig atsentimentalismo kaya't sa mga sinehan ay dinudumog ng mga tao ang mgamay iyakang palabas. Sa panahong ito masasabing naiiba ang landasin niLazaro Francisco sapagkat may kamalayang panlipunan ang kanyang mgaakda.Kabilang sa mga manunulat dito sina Fausto Galauran, Nieves Baens-delRosario, Jose Esperanza Cruz, Garvacio Santiago, (sentimental namistisismo), Florentine Collantes, Servanto de los Angeles, TeofiloSauco, atbp.Ikatlong Panahon1945-1960 - Realistiko-NaturaIistikoSa panahong ito, malawak na ang naging impluwensya ng mga dayuhan, ngmga Amerikano, ng mga Ingles, ng mga Kastila, ng mga Pranses at iba pa.Kabilang sa mga manunulat ng panahong ito si Agustin Fabian na siyangkinikilalang tagapanguna ng panahong ito sapagkat naiiba ang istilo ngkanyang nobela. Mapapatunayan ito sa kanyang Timawa at Maria Mercedes.Isa pa si Amado V. Hernandez na naglahad ng mga realistikong ugnayan ngmatataas at maliliit sa kanyang Luha ng Buwaya at Mga Ibong Mandaragit.Nariyan din Alejandro Abadilla na naglaiarawan ng sex sa kanilang

nobela ni Capulong na Pagkamulat ni Magdalen at si AndresCristobal-Cruz, Liwayway Arceo na modernong realistiko at iba pa.Sa oryentasyon naturalismo natagpuan ang katayuang panlipunan namapagsamantala, maralita at marahas.Ikaapat na Panahon1961 - Proletaryat - RealistikoKabilang sa unang panahon nito ang mga manunulat na may kamalayangpanlipunang sina Edgardo Reyes, Efren Abueg, Rogelio Mangahas, RogelioSikat, at iba pa.Masasabing may pangalawang panahon ito sapagkat sa kasalukuyan, angrealismong ipinakikita sa mga nobela ay iyong mga buhay-buhay ng mganasa mababang antas ng lipunan, ang kanilang pakikipagsapalaran at angkanilang tagumpay. Iba ang pagkarealistiko rito sapagkat ipinakikita naang nasaputik ay maaaring mahango.Sa rebolusyunaryong realismo na pagsasadula ng tunggaliang makauri,optimista ang tono, may pananalig sa pagtatagumpay ng masa.Ang ibang manunulat ay nagbago rin ng tema nila dahil sa pagbabago nglipunang kanilang ginagalawan.Mga Uri ng NobelaAng nobela ay may iba't ibang uri upang hindi magsawa ang mga tao sapagbasa ng ganitong uri ng katha.Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Mag-atas et.al, (1994) may nobelanghistorikal, ito ay isang uri ng nobelang tradisyonal na binubuo ng mgaakdang hango sa mga pangyayaring naghanap sa kasaysayan. Pinapaksa ngmga manunulat ang mga palasak na paniniwala.Ang nobelang realistiko naman ay ukol sa mga kaisipang hango sa isangpartikular na paniniwala. Himig protesta ay nangingibabaw sa mga akdangrealistiko. Ito ay nagtutuon ng pansin sa mga umiiral na kalagayan,pagpuna at paglaban sa mga maling aspekto ng lipunan.Ang ibang uri ng nobela ay ang nobela ng pangyayari - Ito ay nagbibigaydiin sa mga pangyayari o kwento. Nandyan din ang nobelang tauhan - itoay nagbibigay pansin sa pangunahing mga layunin at pangangailangan ng

mga tauhan.Pag-iibigan at romansa ang binibigyang dim sa nobela ng romansa. Angnobela ng kasaysayan ay nagkukuwento ng tungkol sa mga pangyayaring maykaugnayan sa kasaysayan ng bayan at nagbibigay-diin ito sa mga nagwangkabayanihan ng kinikitalang mga bayani ng ating lahi bilang tanda ngkanilang pagtatanggol at pagmamahal sa bansa.Mga Sangkap ng Nobela, Tradisyon, at BisaMay tatlong sangkap ang mahusay na nobela. Ito ay ang kuwento okasaysayan, ang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ngsangkatauhan at ang paggamit ng malikhaing guni-guni (Perez, 1991)Ayon pa rin kay Perez (1991), bagamat ang pangunahing layunin ng nobelaay lumibang maaari rinitong magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sapamumuhay o sa lipunan o magbigay-aral sa di tahasang paraan maitataasdin nito ang panlasa ng mga mambabasa. Mainam ang nobela kung naipadamasa mambabasa na mayroon pala siyang natatagong kaisipang hindi niyaalam na mayroon pala siya.May tatlong bisang tinataglay ang nobela ayon kay Guaman (1989). Ito aybisa sa isip na nangangahulugan ito na sa pagbabasa ng nobela aymadaragdagan ang kaalaman ng mambabasa. Ang bisa sa damdamin naman aynakakapukaw ng damdamin o emosyon. Ang pagtuturo ng mabuti onakahuhubog tungo sa kabutihan ay ang bisa sa asal.Mga Tradisyong Matatagpuan sa NobelaMay mga tradisyong matatagpuan sa mga nobela at sa masusing pagbabasaat pagpapahalaga ng mambabasa. Ayon kay Mag-atas et.al (1994) isa samga ito ang tradisyong katutubo na kasasalaminan ng katutubongkaugaliang Pilipino. Ang mga diyoses at diyosa na tulad nina, Jupiter,Venus, Juno ay mga tradisyong klasiko naman. Sa tradisyongpangrelihiyon ay ang pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos, angpagmimilagro at tungkol sa kagandahang-asa! tulad ng nasa Urbana atFelisa.Ang tradisyong Romantisismo ay nagsimula sa Europa nang magkaroon nghimagsikan sa Pransya. Ang lungkot at kaligayahan, tulad din ngpantasya ay iniialarawan sa mga awit at korido. Noong ika-19 na siglo

naging industriyalisado ang mga bayan, nakapukaw ang pagpapahalaga sademokrasya at nasyonalismo. Mababasa ito sa mga nobela ni Dr. Jose P.Rizal na Noli MeTangere at El Filibusterismo.Ang mga Estiio sa Pagsulat ng NobelaMay ilang dahilan kung bakit hindi higit na sumikat ang maiklingkuwento kaysa ang nobelang tagalog. Una ay ang mabilis na takbo ngpanahon kung kayat kulang na ang oras at panahon ng mambabasa sapagbasa ng nobela. Nandiyan rin ang kasiyahan sa pagbabasa ng maiklingkuwento na matatapos basahin sa isang upuan na di makukuha sa pagbabasang nobela. At ang mahal na halaga ng nobelang isinaaklat. (Garcia,1989)Ngunit nalunasan ito ng mga nobelista, lalo na ng mga nasa patnugutanng mga pinaglalathalaang pahayagan o magasin. Inilathala nila ang mganobela nang kaba-kabanata, pinuputol nila ito sa bahagingkapana-panabik. Dahil dito ang mambabasa ay bumabasa ng limitadongnobela na kung saan ang bawat kabanata ay kasinghaba lamang ng isangmaikling kuwento. Dahil dito nakatitiyak ang mga tagasubaybay namaitutuloy nila ang pagbabasa sa nobela.Dahil sa pagpapalitan ng pagsulat na ito ng mga kabanata ay nawawalanng kaisahan ang estilo ng pagsulat ng nobela. May mga pangyayari nanapapalitan ng pangalan ang mga tauhan sa nobela.Naging mabagal ang pag-unlad ng nobelang Tagalog bilang akdangpampanitikan dahil sa "barkadahan" o pagsasamahan ng patnugutan at mgailang kasama sa labas ng patnugutan. Pinid sa mga di-kasama sabarkadahan ang pagkakataong makapaglathala ng isang nobela.Ang nobela noon ay karaniwan nang mga "pantakas" na akda. Iniaalis nitoang mga mambabasa sa pangit na katotohanan at dinadala sa maganda atkaaya-ayang daigdig ng mga guni-guni.Halos iisa ang paksa ng mga nobela noon at may iilang pagbabago lamangsa isa't-isa. Naroon ang tunggalian ng mayaman at mahirap na kung saankaraniwang sa dakong huli ay yumuyuko ang kapalaluan. Kung saan namumutiktik sa sentementalismo at panay ang agos ng luha. At ang

mgamambabasang di nakapagbabasa ng mga nobelang banyaga ay gumagawa ngisang sukatan: "Maganda ang kasaysayan - nakakaiyak."Karaniwan sa mga nobela noon ang may pangyayaring pilit napinapagkataon upang maiuwi ang takbo ng salaysay sa ibig mangyari ngmanunulat at ng mga mambabasa. Mabulaklak ang wika ng mga nobelistanoon, walang katipiran, walang katimpian kung kaya't dahil dito nagingmahina ang katunayan at paglalarawang tauhan.Walang tauhan ng alinmang nobelang Tagalog ang naging kahanay ng mgatauhan ni Rizal sa Noli at Fili o ni Balagtas sa Florante. Mga tauhanghalos paulit-ulit na natutukoy sa pagpapahayag ng mga diwa't kaisipangkaugnay o natutulad sa mga pinapel nila bilang tauhan sa akda. Ang mgatauhang Elias, Ibarra at Simoun, Maria Clara, Donya Victorina,Pilosopong Tasyo, Padre Damaso, Padre Salvi at iba pa ay wari bangtunay na tao sa kasaysayan at di likha lamang ng panitikan.ANG MAIKLING KATHAA. Mga Simula ng Maikling Katha

Ano ang Maikling Katha? (Paredes, 1989) Ang maikling katha o maikling kwento, gaya ng karaniwangtawag dito, ay sangay ng salaysay (narration) na may isang kakintalan(single impression). Ito ay may mga sariling katangian na ikinaiiba samga kasamahang sangay ng salaysay at dito'y kabilang ang mgasumusunod: (1) isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay, (2) isangpangunahing tauhang may mahalagang suliranin, at kakauntian ng iba pangmga tauhan, (3) isang mahalagang tagpo o kakauntian nito, (4) mabilisna pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinusundan ngwakes at (5) iisang kakintalan. Ang maikling katha ay hindi pinaikling nobela. Hindi rinito buod ng isang nobela o ng isang kuwento kaya.Mga Ugat ng Kasalukuyang Maikling KathaAng maikling katha sa kasalukuyan na siyang pinakamaunlad na sangay ngpanitikan ngayon dito sa atin, maging sa Tagalog o sa Ingles, ay tilamayabong na punungkahoy na may nararami't malalalim ha ugat. Kabilangsa mga ugat na ito ang mitolohiya, alamat, kuwentong bayan, pabula,

parabula, anekdota at karaniwang kuwento.Ang MitolohiyaAng mitolohiya ay katipunan ng iba't ibang paniniwala at mga kuwentotungkol sa .mga diyos at diyosa. Gaya ng mga Romano at Griyego, tayo aymay katipunan ng mga ganitong paniniwala at kuwento. Marahil,nakatulong nang malaki sa bagay na ito ang pangyayaring ang ating mganinuno ay pagano bago dumating ang mga Kastila. Sila'y naniwala samaraming Diyos, sa ispiritung mabuti o masama.Ang Alamat Ang alamat ay kuwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taongbayan, at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ito angkaraniwan nang kasagutan sa mga kababalaghan o mga pangyayaring maykaugnayan sa kalikasan na hindi maalaman sa agham. Marami tayong mgaalamat, nguni't makabuluhang pag-aaralan ang ilang naglalarawan sapaniniwala ng ating Ang Kuwentong BayanGaya ng mga alamat, ang mga kuwentong bayan ay mga kuwentongpasalm-salin sa bibig ng mga taong bayan. Kabilang dito ang mgakuwentong bayan tungkol kina Mariang Makiling, Mariang Sinukuan, JuanTamad, Juan Tanga, Suwan, sa Bulkang Mayon, at marami pang iba. Ang mgakuwentong bayan tungkol sa iisang paksa ay pabagu-bago sa iba't ibangpook sapagka't nararagdagan o nababawasan habang nagpapasalin-salin samga bibig. Kung ang nagkukuwento ay malilimutin, ang kuwentong bayan aynababawasan. Kung mayaman naman ang guniguni ng nagsasalaysay, angkuwento'y nararagdagan.

Ang PabulaAng pabula ay kuwento ng mga hayop na nagsisikilos at nangagsasalitangparang tao, at ang layon ay makapagturo ng aral sa bumabasa.Kilalang-kilala ang mga pabula ni Esopo, na noong pa mang una aynakatuklas nang ang tao'y ayaw panga-ngaralan nang tuwiran, kaya,marahil, dinaan niya ito sa tulong ng mga pabula.Ang ParabulaKaraniwang nanggagaling sa Banal na Kasulatan, ang parabula ay

kuwentong umaakay sa tao sa tuwid na landas ng buhay. Kabilang namarahil sa mga kinagigiliwang parabula ang mga sumusunod: "Ang MabutingSamaritano", "Ang Publikano at ang Pariseo", "Ang Manghahasik", at"Ang Lagalag na Anak". Magkatulad ang layunin ng pabula at parabula,ang magturo ng aral sa tao, bagaman magkaiba ang pamaraan.

Ang AnekdotaMaiikling kuwento ng mga tunay na karanasan ang anekdota na kungminsa'y katuwa-tuwa, at kung minsa'y "nag-iiwan ng aral". Kadalasannang kawili-wiling basahin ang mga anekdota tungkol sa mga bayani, mgadakilang tao, o mga kilalang tao. Mga halimbawa: ang tungkol sapagkahulog ng tainelas ni Rizal sa ilog, ang kakuriputan at pagkaselosoni Valeriano Hernandez Pena, ang mapagmahal na pag-iiringan ngmagkaibigan nguni't magkaagaw na siria Jose Corazon de Jesus atFlorentino T. Collantes.

Ang Karaniwang KuwentoKuwento ang tawag sa mga salaysay nasinulat ng mga paring Kastila upangmagbigay ng halimbawa sa kanilang mga pangaral gaya ng "Mga Buhok naNangungusap", at "Sa Kagalitan". At kuwento rin ang tawag sa mgasumusunod na salaysay na lumabas sa mga pahayagan noong mga unang taondito ng mga Amerikano. Kabilang dito ang mga dagli ni Lope K. Santos sapuhayagang Muling Pagsilanr!, at ng kanyang mga kapanahon sa pahayagangDeinocracia, Taliba. at Ang Mithi,B. Ang Simula at Pag-unlad ng Taal na Maikling KathaBuhat sa simu-simulang nabanggit na sa mga nakaraang dahon, ang kuwentoay unti-unting nagkaroon ng tiyak na anyo at tungkulin, hanggang satanghalin sa kasalukuyan na isang sangay ng salaysay na may sarili'tdi-mapag-aalinlanganang tatak at kakanyahan.Mga Unang Hakbang sa Pag-unladAng mga dagli (sketch) at mga tinatawag na kuwento ay nagsimulangmagkahugis at magkaanyo, sa tulong ng bagong kamalayan ng banghay(plot) na naging kapansin-pansin aa kuwentong "Bunga ng Kasalanan" niCirio H. Panganiban, at tinaguriang Katha ng Taong 1920. Nauna kaysaritong kinilalang Katha ng taon ang kuwentong "Elias" ni RosauroAlmario (1910). Ang Lingguhang Liwayway na sinimulan noong 1922

aynagpasigla sa pagsulat ng mga katha. Ang mga taga "Aklatang Bayan" at"Ilaw at Panitik", dalawang kapisanan ng mga mananagalog at manunulatng panahong yaon, ay nagpalabas ng kanilang mga akda sa nasabinglingguhan. Kabilang dito ang tinaguriang "Ama ng Maikling KathangTagalog", si Deogracias A. Rosario, Kung paanong naghimagsik .si JoseCorazon de Jesus sa matandang pamaraan sa tulang Tagalog, si DeograciasA. Rosario naman ang nagpabago'sa kinamihasnang pamaraan sa maiklingkuwento. Ang kuwentong "Walang Panginoon" ni DAR ay magpapatunay nito.K. Mga Uri ng Maikling KathaMahirap ang pag-uuri-uri ng ano mang bagay, at dito'y kabilang angmaikling katha. Karaniwan nang ang mabuting banghay, ang isang malakasat makulay na katauhan,, ang isang makabuluhang kaisipan, at iba pa, aysama-sama sa pagbubuo ng isang mabuting katha. Kaya't may kahirapan angpag-uuri sa akda kung ito'y pangkatauhan, ynakabanghay, at iba pa.Nguni't upang mapag-aralan ng isang baguhan ang mga sangkap ng isangmaikling katha, tila kailangan ang pag-uuri-uri ng sangay na ito.

Bilang tulong sa pag-aaral ng isang baguha'y uuriin natin ang maiiklingkatha sa lima: (1) Pangkatauhan - kung ang pinakamahalagangnangingibabaw sa katha ay ang katauhan, (2) Makabanghay - kung angmahalaga'y ang pagkakabuo ng mga pangyayari, (3) Pangkapaligiran -kung ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani, (4)Pangkatutubong kulay - kung ang pamumuhay at kalakaran sa isang pookang binibigyang diin, at (5) Pangkaisipan - kung ang paksa, diwa oisipan ng isang katha ang pinakamahalaga.Maikling Kathang PangkatauhanAng kathang pangkatauhan ay isa sa pinakamahalagang uri, kung hindi mansiyang pinakamahalaga, sapagka't higit na mahalaga ang katauhang iba'tiba sa bawa't tao. Ito'y maaaring sumatugatog ng kadakilaan; mamaya'ymaaari namang bumulusok sa kababaan ng kaimbihan. Maraming paraan ang

magagamit sa pagpapalitaw ng isang katauhan, kabilang na rito angkaraniwang paraan, ang paglalarawan ng may-akda sa kanyang katauhan satulong ng pag-uugali, isipan, mithiin at damdamin nito, gayon din sakanyang panlabas na anyo. Maaari ring lumitaw ang katauhan sa tulong ngpag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa kanya. Nguni't angpinakamabisang paglalarawan ng katauhan ay sa pamamagitan na rin ngtauhan; halimba-wa, sa kanyang paraan ng pagkilos at pagsasalita, athigit sa lahat, sa kanyang reaksyon (sa kanyang gagawin o magigingdamdamin) sa isang tiyak na pangyayari.Isang kahinaan sa marami nating maiikling katha ang paglalarawan ngkatauhan. Kung hindi napakabuti ang isang tao (na waia kahit kauntingkahinaan o karupukan')ito'y napakasama.Maikling Kathang Pangkapaligiran Pangkapaligiran ang ginagamit nating katumbas ng salitang ingles na"atmosphere", at ito ay hindi lamang sumasakop sa mga bagay na nadaramakundi sa damdaming namamayani sa isang katha. Ang- paligid na ginagamitsa isang katha ay nakatutulong nang malaki sa pagbubuo ng namamayaningdamdamin gayang kakanyahan o style ng sumusulat. Ang paligid aykadalasan nang' nakatutulong sa paglalarawan ng katutubongkulay,nguni't hindi dapat ipagkamali ang isa sa isa.Maikling Kathang Pangkatutubong KulayAng paligid, kaayusang panlabas, pag-uugali, mga paniniwala, mithiin,kakanyahang pampook (idiosyncrasies) at sariling tatak aynagkakatuhmg-tulong sa pagbubuo ng kathang pangkatutubong kulay.Bagaman ang mga pamantayang pandaigdig (umversality) ay kailangan sapagbubuo ng isang mabuting katha, ito'y higit na sumasakop sa kalamnan,sa mga bagay na natatagpuan sa lahat ng tao ano man ang lahi kulay,bayan o pananampalataya. Samantala, ang mga sangkap ng katutubong kulayay higit na pampalamuti kaysa kalamnan, nguni't mga pampalamutingnagtatatak ng kakanyahan.Maikling Kathang PangkaisipanSa mga akdang pangkaisipan, ang pangunahing katangiang taglay ay angkaisipan o ang diwang makabuluhan na binibigyang diin. Ang banghay,katauhan, at paligid ay mga sangkap na ginagamit upang mapalutang ang

kahalagahan ng diwang binibigyang diin.Ang kaisipan o diwang ito'y hindi dapat ipagkamali sa karaniwang aralng karaniwang kuwento. Ang masining na maikling katha'y nag-iiwan ngbisa sa bumabasa, sa diwa man o sa damdamin, nang hindi nangangaral.Sapagka't ang masining na katha, gaya ng iba pang sangay ng mining, ayhindi dapat gamiting sermon. Ang kalaliman o kababawan ng kaisipang tinatalakayayfa nasasaligsa sariling pilosopya ng manunulat.D. Mga Sangkap ng Maikling KathaAng maikling 'katha ay gumagamit, hangga't maaari, ng kakauntingtauhan, at kung minsan, ng iisa lamang. Ang pangunahing tauhan ay dapatmagkaroon ng balakid ohadlang, sapagka't kung wala ay walangpagtutunggali at kung walang pagtutunggali'y walang kuwento (samahigpit na pakahulugan ng kuwento o dula man.) Karaniwan nang kakauntiring pook, panahon at pangyayari ang ginagamit sa katha. Kung maaari,isang maikling panahon at isang madulang pangyayari ang dapat gamitin.| Ang lahat nang ito'y tumutulong sa pagbubuo ng iisang kakintalan(impression) na isang katangiang dapat taglayin ng maikling katha.Ang karamihan ng tauhan, pook, pangyayari at ang matagal na panahon aynagpapaligoy at nagpapasalimuot sa isang kuwento, at kadalasan aysumisira rito. Gaya nang nasabi na, ang pangunahing tauhan aybinibigyan ng may-akda ng isang mahalagang suliranin na bago niyamalutas o di-malutas ay may pagtutunggaling nagwawakas sa kasukdularigsinusundan agad ng pagtatapos ng kuwento.E. Mga Katangian ng Maikling Kathang PampanitikanAng maikling kathang pampanitikan ay naiiba sa karaniwang kuwentongkomersyal sapagka't ang una ay higit na masining at higit na mataas anguri. Tungkol sa sining, tunghayan natin ang sinabi ni Agoncillo sa AngMaikling Kuwentong Tagalog (1886-1948):"Ang alin mang sining, upang magkahalagaat magkabisa, ay kailangangmagtaglay ng kapangyarihang lumikom at humubog sa puta-putakingkaranasan ng isang katauhan at sa pamamagitan ng damdami't pag-iisip ng

manunulat ay yumari ng kabuuang may kaisahan, may kalamnan at may anyo.Ang sining 'ay hindi isang palamuti lamang na walang maganda kundi anglabas; lalong hindi isang larawan lamang. Ang sining ay buhay, at angbisa ng alin mang sining ay matatakal sa kung hanggang saan itomatatagpuan at nararapat bigyan ng kahulugan ayon sa pag-iisip atdamdamin ng manunulat. Ang ikinagaganda at ikinadadakila ng buhay aynasa pagkakaiba-iba ng anyo at kulay at pagpapakahulugan ng mgamanunulat hindi lamang sa magkakalayong panahon kundi.sa iisangpanahong kinabibilangan nila."F. Mga Tulong sa Pagsulat ng Maikling Katha1. Mga Dapat Tandaan sa Simula PaAng maikling katha ay maikling pagsasalaysay na may layon mag-iwan ngiisarig bisa sa tulong ng pinakamatipid na paraan. Ang kaiklian aymakatutulong nang malaki sa pag-iiwan ng iisang kakintalan, kungsusundin ang mga dapat malaman tungkol sa pagsulat.Bagaman nakahihigit ang kalamnan kaysa kaanyuan ng alin mang sulatin,ang kaalaman tungkol sa kaanyuan ay nakatutulong nang malaki samabisang pagpapahayag ng kalamnan. Ang wastong kaanyuan ay natututuhansa pag-aaral ng pamamaraan. Ang huli ay natututuhan at naaayos sapamamagitan ng paulit-ulit na paggamit at sa wastong pamamatnubay.Isang mabisang paraan ang walang sawang pagbabasa ng mabubuting kathana katatagpuan ng mahahalagang kalamnan at ng maayos na kaanyuan. Angisang baguha'y dapat ding magsanay sa maingat na pagmamasid sa tao atsa buhay. Dapat niyang sanayin ang sariling mag-isip tungkol sa mgaasal at damdamin ng mga tao, sa mga bagay na nangyayari sa kanila, atsa kanilang mga reaksyon sa mga ito.2. Kalamnan Laban sa KaanyuanAng mahalagang kalamnan na ipinaloloob sa mahusay na kaanyuan upangmalikha ang kakintalang ninanais na maiwan sa mambabasa, ay masasabingsiyang ulirang pagsasama ng dalawang sangkap na kailangang-kailangan ngisang mabuting maikling katha. Nguni't kung ang pagtataluna'y kung alin

sa dalawa ang higit na mahalaga, marahil ang maisasagot nati'y ito: satao, kailangan ang kaluluwa at katawan upang maging tao; ang kaluluwana walang katawan ay hindi tao, at ang katawan na walang kaluluwa ayhindi buhay na tao. Kailangan ang pagsasama ng dalawa upang magingbuhay na tao.3. Pagpili ng PaksaSa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang kahalagahan. - angmahalagang paksa ay tumutulong sa pagbubuo ng mahalagang katha. Walangpaksang masasabing ganap na orihinal na hindi pa natatalakay ng kahitsino. Nguni't ito'y maaaring talakayin sa naiibang paraan atkatatagpuan ng style o kakanyahan ng manunulat. Ang paksa'y dapatmagtaglay ng katangiang pangdaigdig (universality) upang maging tunayna makabuluhan - yaong hindi lamang totoo sa isang pook at sa isangpanahon kundi yaong totoo sa alin mang pook, sa ano mang lahi o bansa,at sa ano mang panahon.Kung mababaw ang paksa at di-mahalaga, damitan man ito ng marikit nakaanyuan, ang kathang malilikha'y magiging kaakit-akit, nguni't hindimakabuluhan. Ang kahalagahan o di-kahalagahan ng paksa ay siyangpinagsusumundan ng angkop napamamaraan, ng damdaming namamayani sapagkukuwento at ng isipang makikintal sa bumabasa.4. Ang Banghay ng KathaAng banghay ay siyang balangkas o pagkakatagni-tagni ng Mgapangyayaring buhat sa simula ay mabilis sa pag-akyat sa Kasukdulan, atbuhat doon ay mabilis sa pagtungo sa wakas. Noong unang panahon ngmaiikling katha, ang masasalimuot na Banghay ay ipinalagay nakailangan. Nguni't ngayon, ang higit na payak na banghay aykinagigiliwan ng manunulat at ng mam-babasa rin; kung minsan pa nga,halos wala nang banghay ang makabagong katha. Ang isang suliranin aysapat na, sa halip ng kawing-kawing na suliraning kailangang kalasingisa-isa ng manunulat bago siya matapos sa kanyang kuwento.Bago magsimula sa pagsulat kailangang buo na sa isip ng manunulat angkanyang balangkas. sa ganitong paraa'y halos nakikita na niya sa

kanyang isipan ang simulang mabilis na pumapaitaas hanggang sakasukdulan, sa halip na humaba pa nang walang kapararakan. Sa pagbubuo ng balangkas, kailangang isaalang-alang ngmanunulat ang mga sumusunod: ang bawa't pangyayari, kilos, usapan otauhan, ay dapat magpasulong sa kuwento, patungo sa kalutasan ngsuliranin, na siya ring kasukdulan na sinusundan agad ng wakes; angpagpapasok agad sa suliranin sa simula pa; ang pagtiyak na kailangangmay mangyari sa kuwento (kung hindi man nabigyan ng naiibang pagtinginsa pangyayari, ay natinag o nagbago ang damdamin ng bumabasa, sapamamagitab ng tauhan) Sa maikling panggungusap, may nangyari: ang mgabagay-bagay ay hindi na gaya noong simulang basahin ang akda.ANG PAGPAPAHALAGA SA KATHA Iba-iba ang persepsyon ng tao sa isang bagay, ideya okonsepto. Ang maganda sa iba'y maaaring hindi maganda sa iba.Maaaring naiibigan ng iba ang nakatatawang pelikula, ang iba naman angnakatatakot o madramang pelikula. Kaya iba't ibaang isinasagawa ngmga producer upang masagutan ang mga ninanais ng iba't ibang uri ngmamamayan. Nalalaman ninyong iba't iba ang hilig ng mga tao, iba'tiba ang mga ugali, ang mga pangarap. Mababakas ang pagkakaiba sa ganitong pagpapahalaga salarangan ng pakikipagtalastasan. Mapapansin ninyong kahit na iisangbulaklak ang nakikita ng sampung tao, iba't ibang deskripsyon angkanilang gagawin. Iba't iba ang bibigyang-diin sa kanilangpaglalarawan batay sa kanilang pagpapahalaga sa bagay na iyon. Ganito rin ang katha. Ang pagpapahalaga sa mga katha aynakadepende sa persepsyon ng bumasa o nakakita ng isang pagtatanghal.Maaaring makita ng magpapahalaga ang simbolismo ng katha, angpaglarawang-tauhan, ang akatotohanang tagpuan o ang paraan o istilo ngpagkakasulat ng katha.Ilang Bagay na Nararapat na Isaalang-alang sa Pagpapahalaga sa Katha1. Paglalarawang-tauhan Mahirap tiyakin kung paano nabubuo sa isip ng isangbumabasa ang malinaw na larawan ng tauhan. Kung minsan nama'ylipun-lipon na ang mga salitang nagagamit ng manunulat tungkol satauhan ay hindi pa rin lumilitaw ang larawan nito sa isip ng bumabasa.Sa maikling kuwento karaniwang inilahad na bigla at buo sa isangpangungusap ang paglalarawang-tauhan. Lumilinaw na lamang sa isip

ngmambabasa ang paglalarawan sa pamamagitan ng pananalita, mga kilos atng isipan ng tauhan inilalarawan. Noong unang panahon ng maikling kuwento ay laginginilalarawan ang mga pangunahing tauhan bilang maganda, mahinhin atmabait, gayon din ang mga lalaki na malusog, makisig at mabait din.Likas namang masama ang ugali ng mga kontrabida. Ito ang mganagsasagawa ng masasamang kaparaanan upang hindi magtagumpay ang bidasa hangaring kaligayahan.Sa kasalukuyang mga akda, karaniwang makikita sa lansangan, sa opisina,sa tirahan ng mahihirap, sa Tundo, sa bukid, sa bundok ang mga tauhan.Hindi mahalaga sa ngayon kung mabuti o masama ang tauhan. Angpinahahalagahan ngayo'y ang sanhi ng paggawa ng tauhan ng gayongpagkilos. Wala nang kapi-pitagang pagkilos, ang mahalaga'y angmaterial na kadahilanan ng gayong pagkilos.2. Pananalita o LengguwaheLahat ng akdang- sining ay akdang buhat sa wika, tulad ng isang nililokna maaring sabihing isang pirasong marmol na inukit. Kasama sapananalita ang tungkol sa usapan sa katha. Mahalaga ang pagigingnatural ng usapan kaya ang nararapat na pananalita'y malapit sa ayosng pagsasalita ng mga tao sa tunay na karaniwang buhay.May sarili ring lengguwahe ang simbolismong ginagamit ng mga manunulat.May matalik at realistikong pagkakilala ang mannunulat sa lengguwahengkanyang kasayang kasangkapan. Hindi napupugal ang manunulat sa himig athugis ng pagpapahayag ng makalumang manunulat noon na maligoy.3. Pamamaraan, Porma at Istilo Ang pamamaraan ang malimit na siyang kinasasaligan ngpagiging mabisa ng pagpapahayag ng isang kaisipan, ng pagtatanghal ngmga pangyayari, ng paglalarawan ng mga tauhan at ng pangwakas nakabuuan at kasiyahang dapat maidulot ng isang katha. Ang pamamaraan ang kasangkapan ng manunulat sa pagtuklas atpagpapaunlad ng kanyang paksa pagpapahatid ng mensahe at sa pagpukaw ngpagpapahalaga ng mambabasa. May sariling kaanyuan ang mga katha, Angpangunahing layunin nito'y magdulot ng aliw sa pamamagitan ng isang

kapangyarihang paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ngpangunahing tauhan. Ito ang pinakakaluluwa ng katha. Ang kaisahan ngbisang kinikintal sa puso at diwa ng mambabasa ang tandang sukatpagkakilanlan sa katha. Nararapat ding makatawag-pansin ang panimula. Angpamukaw-sigla pangyayari'y nararapat na dumating nang maaga.Kailangan ding maging mabilis ang galaw ng pangyayari hanggang samakarating sa kasukdutan kung maikling kuwento ang pag-uusapan. Hindinararapat na itayo ang wakas. Kung istilo naman ang pag-uusapan, ang bawat manunulataymay kani-kaniyang istilo. Iyon ay kanilang kakanyahan, kanilangtatak. Ang paiba-ibang istilo ng manunulat ay higit na may kaugnayan sakaanyuan kaysa sa nilalaman. Ang kakanyahang pampanitikan ng isang akdaay nasa pang-isipan, nilalaman at maliliit na bahagi nitong kapagnabuo ay nagiging lakas na lumilikha ng kalamnan.4. Kalamnan o Paksang -diwaAng diwa noong mga unang panahon ng pangangatha'y nangangahulugan ngpangangaral, subalit sa ngayo'y nangangahulugan ito ng daloy nawalang patid sa loob ng katha, gayong hindi nakikita'y nasasalatnaman ng damdamin, Sa pamamagitaan ng diwa, nalilikha ng may-akda angkasiyahang pandamdamin at pangkaluluwa sa mambabasa. Sa gayon aynalalahiran ito ng kapangyarihan ng may katha bilang manlilikha.Mabibilang sa mga paksain sa kasalukuyan ang mga pakikibaka sa buhay.Nagsisimula sa mga pang-aapi sa mga busabos, pamamayani ng mgapanginoong piyudal, pamamayani ng puhunan, pakikisangkot sa kilusangpambayan, atb.Bago talakayin ang tungkol sa pagpapahalaga sa katha ang kabuuangpagpapahalaga muna sa romantisismong taglay ng nobela ang pupukaw sainyong isipan. Kabilang sa mabibigyan ng pagpapahalaga sa mga katha ayang tungkol sa mga tinatawag na romatisismo, klasismo, simbolismo orealismo ng katha.5. Ang Paggamit ng SagisagNakatutulong nang malaki sa pagiging masining ng isang katha angpaggamit ng sagisag. Ito'y umaakay sa guniguni ng bumabasa na

makibahagi sa pagiging manlilikha ng may-akda.Narito ang ilang halimbawa ng mga sagisag saating mga katha at ang mgabagay na kanilang sinasagisag:1. halaman (pagmamahal na dapat diligin) sa "AngHalaman ni Angela" ni Diego Atienza Quisao2. bangkang papel (karupukan ng pangarap sa kalupitanng katotohanan) sa "Bangkang Papel" ni Genoveva D.Edroza3. bahay na bato (tibay ng damdaming makatao) sa"Bahay na Bato" ni A.B.L. Rosales4. pusa (pag-uusig ng sariling budhi) sa "Ang Pusasa Aking Hapag" ni Jesus A. Arceo5. lunting halaman (diwa ng kabayanihan) sa "AtNupling ang Isang Lunting Halaman" ni Pedro S. Dandan6. luad (tigas ng kaloobang di pa nagdaranas ngkasawian) sa "Luad" ni Gloria VillarazaAng dahilan ng pagbabago sa katauhan, at hindi dahilan sa gusto lamangitong mangyari ng sumusulat, gaya nang madalas mangyari sa atingkuwento, nobela at pelikula. Ang paglutas sa suliranin ay dapat manggaling sa katauhanng pangunahing tauhan (tagumpay man o pagkabigo) at hindi sa bagay napanlabas. Isang tiyak na halimbawa: ang suliranin ni Maria ay angpag-aaruga sa mga kapatid o pag-iiwan sa mga ito upang tumakas nakasama ang katipang wala rin namang gaanong kaya sa buhay upang arugainsilang lahat. Ang paglutas ay dapat sa alin man sa dalawang ito: angpagpili ni Maria sa kanyang mga kapatid (magpapalitaw sa katauhangmapagpakasakit ni Maria), o ang patakas na kasama ang katipan(katauhang praktikal at makasarili). Isang masamang paglutas angsumusunod: sakay ng bus ang lahat ng mga kapatid ni Maria; ang bus ayinabot ng sakuna at namatay na lahat ang mga bata; si Maria ay Malayana ngayong pakasalan sa katipan sapagka't wala na siyan suliranin.6. Pagtutunggali Sa nasabing halimbawa, ang pagtutunggali'y nasa kaloobanni Maria. Noong mga unang panahon, ipinalagay na madula angpagtutunggali ng tao at ng kapalarang hinulaan na sa kanyangpagkapanganak; pagkatapos ay ang pagtutunggali ng tao laban sakalikasan; ng tao, laban sa kapwa tao (karaniwang idinadaan sa lakas ngkatawan). Ang makabagong pagtutunggali ay tao laban na rin sa damdaminlikas sa lahat ng tao, at timitinag sa pagkatakot, pagkahabag,

pagkapoot, paghanga at iba pang damdaming likas din sa lahat ng tao.7. Paglalarawang-Tauhan Kailangang pag-ingatan dito ng manunulat ang paglikha ngkarikatura (angbida ay bidang-bida at walang ano mang kahinaan okasiraan; ang kontrabida'y panay kasamaan at walang ano mang bahid ngpag-asa sa kabutihan; ang magsasaka;y masipag, matiyaga, matagal sahirap at iba pa.) Ang bawa't tao'y may mga katangiang tulad ng iba,nguni't may mga katangian ding ikinaiiba sa lahat, kaya nga't siyaay siya at hindi sila8. Paningin Ang paningin o point of view ay dapat ding isaalang-alangng sumusulat, sapagka't hindi dapat magpabagu-bago ito sa isangmaikling katha. May apat na uring mapamimilian ang manunulat, at kung alinman ditto ang kanyang mabutihing gamitin ay siya niyang dapat sundinmula sa simula sa simula hanggang sa katapusan ng akda. Naririto: 1. Ang katha ay isinasalaysay buhat sa paningin ng may-akdana nanonood sa mga pangyayari. 2. Ang katha ay isinasalaysay buhat sa paningin ngmay-akdang nakakakita sa mga pangyayari buhat sa paningin ngpangunahing tauhan (inilalagay niya ang kanyang sarili sa lugar ngpangunahing tauhan). 3. Ang katha ay isinasalaysay buhat sa paningin ng isangtauhan sa isang kuwento, tauhang hindi siyang pangunahing tauhan. 4. Ang katha ay isinasalaysay sa tulong ng unang panauhan(first person) na gumagamit ng ako, akin, ko. Ang unang panauhang itoay maaring siyang pangunahing tauhan, isang pantulong na tauhan sakuwento, o isang tagapanood sa mga pangyayari.KABANATA IIIPamamaraang Ginamit sa Pag-aaralSa kabanatang ito nalalahad ang mga pamamaraang ginamit upang higit namaunawaan ng mga mambabasa.1. Paraang Ginamit sa Paglutas ng SuliraninAng mananaliksik na ito ay gumamit ng paraang pasuri (analytical) atpalarawan (descriptive) sa pagsusuri ng ilang piling nobela at katha niEdgardo M. Reyes. Ang paraan ding ito ang nakatufong sa paglutas ng mgasuliranin gaya ng pag-unawa sa kahalagahang pangmoral at panlipunan,mensahing hatid ng nobela sa mga mambabasa at implikasyon ng mgaindibidwal sa pamumuhay ng mga Pilipino, and papel ng mga pangunahing

tauhan sa paghahatid ng mensahe at bisa sa isipd at damdamin ng mgamambabasaAng ilang bahagi ng nobela ay mahirap unawain kaya't ginamit din ditoang pamamaraang pahambing upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ngnobela.2. Pagpili ng Pamagat sa Napiling PaksaAng tesis na ito ay bunga ng pag-aaral ng mananaliksik ng aralin niyasa Filipino. Isa sa aralin ay sa pag-aaral ng mga nobela at katha angpagsusuri ng mga inilalarawan ng nobela at katha at mga aral o mensahepara samga mambabasa. Ang nobela at katha ay napili dahil sa aral na naiwannito, at sa kahalagahan nito at kaugnayan sa kasalukuyang pamumuhay ngmga Pilipino.Dahil sa mga kadahilanan na nabangit pinili ng mananaliksik ang pamagatna "Isang Masusing Pag-aaral sa Ilang Piling Nobela at Katha ni EdgardoM. Reyes."3. Pagtitipon ng mga KagamitanNang mapagtibay na ng gurong tagapayo ang paksa para sa tesis na ito aygumawa na ng matiyagang pananaliksik ang sumulat nito. Ang unanghakbang ay ang pagtitipon ng mga nobela ni Edgardo M. Reyes, mganobelang galing sa iba't-ibang akiat na ginamit ng mga mag-aaral sapangkolehiyo at pamantasan. Nakatulong din sa mananaliksik angpagbabasa ng may kinalaman sa panitikan at nobela.Ang mga talang naibigay ng mga guro sa Filipino ay tinipon at isinamadin sa tesis na ito sapagkat ang mga ito ay may kaugnayang.pag-aaral.4. PananaliksikAng tagapayo at mananaliksik na ito ay nagtungo sa iba't-ibang aklatanpara sa isinagawang pananaliksik ng mga tala na may kaugnayan sanobela, gaya ng Colegio de Los Baños, Aklatan ng ACCI, PambansangAklatan at sa Pamantasan ng Pilipinas sa Los Baños, at Unibersidad ngPilipinas NormalBawat nobela at katha na pinili para sa pag-aaral na ito ay ukol sakasaysayan kung paano at bakit naisulat ang akda. Ayon sa talambuhayni Edgardo M. Reyes, halos lahat ng mga nobela niya ay may malakingkaugnayan sa kanyang buhay at karanasan sapagkat ang mga nobelang itoay mas madaling suiatin dahil nakita niya at naranasan.

Ang lahat ng mga pananaliksik ay nakatulong ng malaki sa tesis na ito.KABANATA IVPAGSUSURI SA MGA PILING NOBELA AT KATHA NIEDGARDO M. REYESMaraming ibat-ibang pamamaraan ang maaring magamit upang masuri atmapag aralan ang isang akdang pampanitikan. Isa dito ay ang pag-uugnayng mga anyo, istilo at mga simbolismo na ginamit ng manunulat. Angtawag dito ay Marksista (Naval,1990). Sa pagsusuri ng mga nobela inEdgardo M. Reyes ay maaring magamit ang pamamaraang ito, sapagkatito'y nag inusisa rin sa kahalagahan ng kasaysayan na naglalarawan ngmga pwersa, salik at pangyayari na humuhubog at bumabago sa lipunan.PAGSUSURIMga Nobela:SA KAGUBATAN NG LUNSODA. Mga TauhanMina - ang babaeng namuhay sa kasalanan ngunit nagbago ng matutongumibig nang tapatPrimo - ang kinakasama ni MinaAngel - ang lalaking minahal ni Mina ngunit nagbago dahil sa pangitna nakaraan ni MinaLola Denang - ang lola ni Angel na namatayMercy - kaibigang matalik ni MinaB. Kahalagahang Pangmoral PanlipunanSa nobelang "Sa Kagubatan ng Lunsod" ay ipinakita ang epekto ngnakaraan ng isang tao sa kanyang pangkasalukuyang buhay. Si Mina ay isababaeng naging "prostitute" o taga-bigay ng aliw sa isang lalakikapalit ng salapi.Sa usaping panlipunan ay tila walang puwang ang ganitong uri ng babae,gayundin sa pangmoral na isyu. Ang pakiwari ng mga taong malilinis angpagkatao ay batik sila sa lipunan. Ngunit ang taong naghihirap aykumakapit sa patalim upang mabuhay; sundin sa tamang oras harapin angbuhay gaano man kababa ang kapalit nito. Mga mapapait na alaala ngnakalipas na upang hindi kamuhian ng lalaking mamahalin ay sadyangililihim. Pero sa ating lipunan ay walang lihim na hindi nabubunyag. Ang kahalagahang pangmoral at panlipunan ay madaramasabigat ng naging problema ni Mina noong siya ay umibig ng tapat sa isang

lalaki. Sa lipunang Pilipino ay lubhang mahalaga ang karangalan lalona ng mga babae.K. Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ngmga Pilipino.Ang Mensahe na nais iparating sa mga mambabasa ay dapat pag-ingatan ngmga babae ang kanilang puri at karangalan sapagkat ang mga katangiangito ang magdadala sa kanilang maligayang buhay pagdating ng araw. Maykasabihan nga ang mga Pilipino na "di bale na mahirap, bastanabubuhay nang may karangalan man lamang" Ang Paksa ng prostitusyon ay lagi na lamang pinagtatalunansa lipunang Pilipino. Laban dito ang simbahan at ang mga moralistangbabae, mga manang at mga nasa mataas na lipunan. Maging ang mgapahayagan na naglalathala ng malalaswang larawan ay sinisisi sapaglaganap ng prostitusyon. Sa usaping panlipunan ay malaki ang epektosa pagbaba ng moralidad sa ating lipunan at kapaligiran. Ang mensahe ng katha ay nauukol din sa tema ng pagbabago.Walang imposibleng makamtan ang katiwasayan at kaligayahan sa buhaykung taos-puso ang pagnanais na magbago alang-alang sa isang minamahal.D. Papel ng Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe Si Mina ang naging sentro ng nobelang ito, sapagkat alam niMina ang magiging kalagayan niya sa larangan ng pag-ibig. Lagi rinniyang sinasabi kay Mercy and kanilang kalagayan sa buhay dahil sila aymga babaeng bayaran. Matindi and pagtatalo ng kalooban ni Mina ngmakilala niya si Angel dahil noong una ay plano niyang takawin,paasahin at huthutan lamang ang lalaki. Pagtagal ng panahon aynapatunayan niyang talagang mahal niya si Angel. Kaya hindi nagawa niMina ang mga plano niya laban kay Angel. Naging maligaya naman ang pagsasama nila ni Angel hanggangsa makialam ang ina ni Angel. Dito naramdaman ang mensahe ngpangunahing tauhan. Handa siyang magsakripisyo alang - alang sapag-ibig niya sa lalaki. Hindi niya gustong bigyan ng problema angmag-ina dahil lamang sa pag-ibig niya.E. Bisa Sa Isip at Damdamin ng Mambabasa. Ang naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa sakathang ito ay ang paghanga sa katauhan ni Mina, handa niyangisakripisyo ang tunay niyang pag-ibig kay Angel upang hindi ito madamay

sa paglibak ng lipunan sa pagkatao niya. Ang nanay naman ni Angel ay nag-iwan ng pagkamuhi sa mgamambabasa dahil siya laging nagmumura kapag hindi siya nabibigyan ngpera ni Angel.

SA MGA KUKO NG LIWANAGA. Mga Tauhan at papel na ginampanan sa nobelaJulio Madriaga - isang mahirap na tao labis ang pagmamahal sa isangbabae lamang na humantong sa kanyang kamatayan.Ligaya Paraiso - ang babaeng minahal ni Julio, nagka-anak ng Intsik.Ahtek - ang salbaheng intsik na nagkulong kay Ligaya sa bahay niyahanggang magka-anak itoMr. Balajadia - ang switik na amo ni Julio.Mr. Manabat - may ari ng building na pinagtratrabahuhan ni Julio.Imo, Atong, Omeng - mga kasamahan ni Julio sa trabahoMisis Cruz- ang "recruiter" na nagdala kay Ligaya sa Maynila.Perla - Ang walang swerte ng dalaga mula sa Apog-SunogB. Kahalagahang Pangmoral at PanlipunanAng nobelang ito ay tumatalakay sa kalagayang pang-agraryo saprobinsiya at ang kaugnayan nito sa problema ng maralitang taga-lunsodsa Maynila. Sa nobelang ito, ang mga suliraning panlipunan ay hindilamang tumatalakay kundi iniugnay din sa kawalan ng hanapbuhay,prostitusyon at problema sa iskwater sa Maynila noong dekada sisenta(1960's). Ipinahiwatig dito ang kapangyarihan ng mga mayaman namay-ari ng mga lupa sa lalawigan ni Atoy, ang kaibigan ni Julio, dahilsila ay pinalayas ng mga ito sa lupang sinasaka ng pamilya ni Atong. Isa pang kahalagahang pagmoral at panlipunan ay angpagbanggit ng nobelista sa mga prostitusyon, na ipinakita sapamamagitan ng paggamit ng maruruming salita. Dito ay mararamdaman ngmga mambabasa ang kasawiang palad ng mga babaeng walang natapos nakurso; nahirapang humanap ng disenteng hanap-buhay kayat humantong saprostitusyon. Ang hindi pantay-pantay na pagtingin ng lipunan sa mahihirapat mayayaman at patutunayan ng diyalogo ng mga trabahador gaya ng"Alam mo yang batas, yan ay para sa maliit lamang. Sa malalaki, walasiyang batas-batas" Ang ibig sabihin nito ay mas nakakiling ang batassa mayayaman kaysa sa mahihirap.C. Mensahe sa Mambabasa

Ang pinakamahalagang mensaheng nais iparating ng manunulat sa mambabasaay ito sana magsikap ang tao na makapag-aral upang hindi siya abusuhino pagsamantalahan ng mga amo nila sa trabaho.Ipinakita sa nobela ang pagsasamantala kay Julio at sa iba pangtrabahador ang pagpapapirma ng kapatas na sila ay tumanggap ng halagangtatlong piso, ngunit sa katunayan ay dos singkwenta lamang ang talaganilang tinanggap.Isa pang mensahe dito ay ang maling palagay na ang Maynila ay isangparaiso. Sa lalawigan daw kapag ipinanganak sa araro, e tiyak mongdoon ka rin mamatay. Ang umiiral na sistemang panlupa noon angnagpapahirap sa buhay ng mga manggagawa sa bukid. Para sa kanila, angbabae ay mag-aasawa din lang ng mahirap kaya sa probinsiya mananatili.Magiging tulad din nila ito na magkakaroon ng mga anak na palalakihinsa paghihirap at pagtitiis. Para sa mga taga-lalawigan, kailangang lumuwas ng Maynilaat doon hanapin ang kapalaran. Mabisang ipinakita ni G. Reyes na maliang mga ganitong palagay dahil ang mga tauhan niyang kinatha aynapahamak dahil sa pagluwas sa Maynila. Ang uri ng produksyon na tinatawag na kapitalista na siyangbasehan ng lipunang Pilipino noong 1960's ay ipinakita rin ni G.Reyes sa mga mambabasa. Nagawa niyang ipahiwatig sa mga mambabasa atipaliwanag sa isang limitadong pamamaraan ang impluwesiya ng ekonomyangmetropolitan sa pambansang ekonomiya.D. Papel ng mg Tauhan sa Paghahatid ng MensaheSa lahat ng mga tauhan na gumalaw sa nobelang "Sa Mga Kuko ngLiwanag" ang papel na ginampanan nina Ligaya Paraiso at JulioMadriaga ang tumatak nang matiim sa puso at damdamin ng mga mambabasa,gusto ng mga magulang na umunlad si Ligaya ngunit napahamak lamang saMaynila. Si Julio Madriaga naman ang naging simbolo ng transpormasyonna nagaganap sa bawat tao na dulot ng mga di-maiiwasang pangyayari satakbo ng buhay. Mula sa isang kimi at mahiyaing probinsiyano na dumanas nglahat na yata ng klaseng paghihirap ay naging parang mabangis na hayop

siya. Ang pang-aabuso at pandaraya ng mga kapitalista sa mga pinasukanniyang trabaho ay nagpatigas sa kanyang puso at damdamin. Ngunit angpagkasawi niya sa pag-ibig kay Ligaya Paraiso ang talagang nagpabago sakanya hanggang sa mapatay niya si Ah-Tek ang lalaking tumangay kayLigaya. Sa nobela ay si Julio ang simbolismo ng pagbabago; na hindilahat ng tao ay kayang magpasensiya at darating din ang araw na siya aymapupuno at matututong gumanti. Si Ligaya naman ang naging simbolo ng kapalaran ng mgataga-lalawigan na ang kapalaran ay binago ng pagsunod sa gusto ng mgamagulang. Sa halip na bumuti ang buhay ay napahamak lamang. Gayundinang sinapit ni Perla na naging isang biktima ng prostitusyon dahil sakahirapan. Si Imo ang simbolo ng pagkagahaman sa mga biyayang dulot ngpera na sa akala ay sa Maynila talaga matatagpuan ang mga kapitalistangtulad ni Mr. Balajadia at Mr. Manabat; ang mga taong nagpapahirap sabuhay ng kanilang mga kababayan. Sa lahat ng mga ito, lumitaw angkahalagahan ng pera o ng magandang pwesto upang mabuhay ng marangal saloob ng isang lungsod na kung saan ang mga tao ay walang tigil nanakikipagsapalaran at nakikipagkompetisyon sa isat isa upang umasensoat umunlad. Si Ah-Tek ang kumakatawan sa mga dayuhan na dahil sa maypera ay nagawang pagsamantalahan ang katulad ni Ligaya.E. Bisa sa Isip at Damdamin ng MambabasaAng nagiging buhay ng mga taga lalawigan na nagpunta sa Maynila at angkanilang pagkapamak ay ipinakikitang kaisa sa isip at damdamin ng mgamambabasa. Hindi rin malilimutan ng mga mambabasa ang pagigingmapagsamantala ng mga taong nasa kapangyarihan o mataas na pwesto. Atlalong mahirap malimutan ang walang katuturang pagkamatay ni Julio -ay simbolo ng "sa Kuko ng Liwanag".Mga Katha:ANG GILINGANG BATOA. Mga Tauhan

Ina(Trining) - siya ang ina pitong anak na binuhay niya sa tulong nggilingang bato.AteDitseKuya magkakapatidDikoTagapagsalaysay (kapatid na bunso)B. Kahalagahang Pangmoral at PanlipunanAng kahalagahang pangmoral at panlipunan ng kathang ito any angipinakitang walang pasuhaling pagmamahal ng isang ina sa kanyang mgaanak. Sobrang hirap sa papaikot ng gilingang bato ang ina upang maymaipag-paaral sa kanyang mga anak, lalo na nang biglang mamatay ang amang mga bata.Sa lipunang Pilipino ay isa ng tradisyon ang pagpapaaral ng mga anak,mahirap man o mayaman ang angkan. Nagtutulong-tulong ang buong pamilyaupang may makatapos ng pag-aaral. Kung minsan ay napipilitan panghuminto ng pag-aaral ang ibang kapatid upang makatapos muna ngpag-aaral ang mga nakakatandang kapatid.Isang moral na obligasyon din ng mga magulang na kausapin ang mga anakkung may mahigpit na problema ang pamilya upang mapag usapan angsolusyon dito. Sa pamamagitan ng prosesong ito ay magkakaroon ngkalutasan.K. Mensahe at Implikasyon sa kasalukuyang Pamumuhay ngmga PilipinoAng mensahe ang kathang ito ay maliwanag; ang pagsalo ng ina sa lahatng responsibilidad na naiwan ng ama upang mapakain at mapag-aral angmga anak. At upang ang mga nasabing anak ay hindi mapahamak ang buhay. Ang paghihirap ng bawat isa tulad ng paggigiling ng ina,pagluluto ng kakainin, at paglalako ng mga bata sa iba't ibang lugaray simbolo ng implikasyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino.Ngunit ang isang mensahe na mahirap mawala sa mga mambabasa ay angtaglay na pagtitiis ng ina sa kathang ito. Dito masasalamin kung paanoniya sinikap na tulungan ang mga anak na maabot ang kani-kanilang mgapangarap sa buhay.

D. Papel ng Pangunahing Tauhan Sa Paghahatid ng MensaheAng gilingang-bato ang naging simbolo ng lakas ng ina, pansinin ang mgalinyang ito sa kwento; "makupad na at hirap ang kanyang mga kilos. May kinig naang kanyang kamay sa pagsusubo ng binabad na malagkit. Mabagal na angikot ng pang-ibabaw na taklob ng gilingang-bato. Pasaglit-saglit aytumitigil siya, maghahabol ng hininga wala na ang kanyang dating lakas,sigla at liksi" Ang anak na nagsasalaysay sa kuwento ay may malaking papeldin sa paghahatid ng mensahe ng kwento. Sa pamamagitan niya ay nalamanng mga mambabasa ang nilalaman ng puso ng bawat anak.E. Bisa Sa Isip at Damdamin Masakit sa damdamin ang naiwang bisa ng kathang ito,sapagkat namatay sa gitna ng hirap ang ina ng magkakapatid. At nangpaghati-hatian nila ang mga naiwang ari-arian ng ina ay wala man lamangnagpala sa gilingang-bato na pinanggalingan ng kanilang kabuhayan.DI MAABOT NG KAWALANG-MALAYA. Mga Tauhan Emy ang dalawang batang magkalaro na parehong nabibilang

Ida sa napakahirap na pamilya.Obet - kapatid ni Ida na may sakitNanay ni Ida - ginagawa ang lahat upang kumita ng pera para sadalawang anak nila.B. Kahalagang Pangmoral at PangsosyalAng kathang ito ay malaki ang impluwensya sa kahalagahang pangmoral atpangsosyal na ipinakita ng manunulat sa pamamagitan ng usapan nina Emyat Ida. Ang maaring paglalarawan sa kapaligiran na pinaglalaruan ngdalawang bata ay nakakahabag, tulad ng ganitong paglalarawan;"tumingin ang bata sa dram ng tubig sa may gripong labahan, sa yerongnakatabing sa naglalawa at mabahong pusalian, sa tanging tiklis ngtapunan ng mga basurang nilalangaw sa gilid ng eskinita, sa matayog naposte ng ilaw sa labas ng bakod na alambreng tinik."Sa pansosyal na aspeto ay ni hindi dapat sa ganitong pook maglaro angmga bata sapagkat makasasama sa kanilang kalusugan. Sa pangmoral naman

ay ipinakita nito ang pagpapabaya ng mga ina sa kanilang mga anaksapagkat abala sila sa pagbabaraha.Para sa mga mambabasa ng kathang ito, ang mga kahalagang pangmoral atpangsosyal ang dapat tandaan, sapagkat sa ibang kapus-palad na nilalangay waring sapat lamang na may tirahan sila kahit gaano ito kadumi.K. Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ngmga PilipinoAng kathang ito ay salamin ng mga nagaganap sa totoong buhay lalo na samga pook ng mga dukha at iskwater. Bagamat hindi tuwirang sinabi ngmanunulat kung ano ang trabaho ng nanay ni Ida, ay mahuhulaan sa siyaay isang prostitiyut o babaeng nagbibili ng aliw sa mga lalaki kapalitng salapi. Ito ay dahil sa pagbanggit ni Emy na tuwing "umaalis angnanay ni Ida ay ang ganda-ganda ng damit at umaga na kung umuwi". AngImplikasyon nito sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino ay matindi,dahil sa ito ay isang katotohanan. Ang mga babaeng labis ang kahirapanay talagang napipilitan na pumasok sa ganitong uri ng buhay upangmasuportahan ang pamilya niya.Ang mensahe naman dito ay ang pagbaling ng mga ina ng tahanan ngmagsugal dahil sa walang ibang magawa sa kanilang mga bahay. Isama narin dito ng hilig ng mga Pilipino o ng kahit anong lahi namakipagsapalaran upang kumita ng salapi.D. Papel ng mga Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe Sa kathang ito ay lumutang ang katauhan ni Ida, sapagkatang kanyang ina ang may matinding problema sa pananalapi.Si Ida ang nagkukuwento kay Emy ng mga paghihirap nila, tulad ngpagkakasakit ng kapatid, niyang si Obet; ang pagkakapos nila sapagkain, sa mga gamit sa bahay at sa gamot ni Obet.Binabanggit din niya ang tila pangungulila sa ama na maagang namatay.Si Ida ang tagapagpaalala sa mga mambabasa ng mga realidad ng buhay,kahit tila musmos ang istilo ng pagsasalita niya ay naroroon angmensahe; na mahirap mawalan ng ama ang isang tahanan. Lalong mahirapdin kung ang ina ay wala ring hanap buhay at wala ring tinapos sapag-aaral ay tiyak na magugutom ang pamilya.Sa parte ni Emy, ang kalaro ni Ida ay hatid din niya ang mensahe na samga taong walang tiyak na hanap buhay ay talagang sa pagsusugal,

pagkukuwentuhan at pag iistambay mauubos ang kanilang panahon. Ang matinding lungkot sa mukha ng ina habang kumakain ngpansit si Ida ay palatandaan ng pagkaawa niya sa anak. Ang papel ngginagampanan ng ina ng paghahatid ng mensahe ay epektibo, kahit hindisiya gaanong nagsalita ay naipaparating niya sa mambabasa angpaghihirap ng kanyang kalooban dahil sa dinaranas ng mga anak, atgayundin maaring napipilitan lamang siyang magtrabaho ng mababangtrabaho dahil sa tindi ng pangangailangan.E. Bisa sa Isip at Damdamin ng Mambabasa Ang mambabasa ng kathang ito ay maiiwanan ng malungkotbilang pakikiramay sa mga tauhan sa kwento. Awa o pagkahabag kay Obetang maiwang bisa sa damdamin, dahil hindi naman binanggit sa kwentokung gumaling ba siya o hindi. Ang isa pang pangyayari sa kwento na may "impact" obisa sa isip at damdamin ng mambabasa ay ang pakatapon ng pansit naipapakain sana ni Ida kay Emy dahil katulad nga din itong gutom palagi.Ang maiisip ay ito "sayang!nakakain sana ng masarap si Emy!"EMMANUELA. Mga Tauhan Emmanuel - ang bida sa katha; mayaman, malungkutin, athindi alam kung ano ang gusto sa buhay Brad - ang tagapagsalaysay sa katha; kaibigan at lagingkaramay sa bawat gawin ni EmmanuelB. Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan Ang kathang ito ay may kahalagahang pangmoral dahilan sakabila ng kayamanan ni Emmanuel at halos lahat ng katangian ay nasakanya na ay hindi pa rin siya maligaya. Si Emmanuel ay maputi, mataas,matangos ang ilong o sa madaling sabi ay magandang lalaki, mataas angpinag aralan siya ay doktor at napakayaman ngunit hindi siya masaya sakanyang buhay. Sa pangmoral at panlipunan na pamantayan ay medyokataka-taka ang inuugali ni Emmanuel sapagkat nasa kanya na ang lahat,ngunit ano pa ang dahilan ng kalungkutan niya? Sa kabilang banda, angkaibigan naman niya na nagsasalaysay ay katamtaman lamang ang kalagayan

sa buhay, ngunit naging matalik na magkaibigan sila. Ang kaibigang itoay katamtaman lamang ang kalagayan sa buhay kaya kalimitan ay siEmmanuel ang gumagastos sa mga lakad. Sa pangmoral na isyu ay tila hindi maganda ang ginagawa niEmmanuel na pagkuha ng mga bayarang babae upang makapag-aliw lamang.K. Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng mgaPilipino Ang mensahe ng katha ay maliwanag, ito ay angkawalang-kasiyahan ng tao sa buhay. Ang mahirap ay naghihimutok dahilsa hindi niya makamtam ang mga gusto niya sa buhay. Ang ibang mayamannaman ganoon din ang sitwasyon. Lahat halos ng mga bagay na maaringmabili ng salapi, karangyaan, luho at karangalan ay nasa kanila na perohindi pa rin nasisiyahan sa buhay. May implikasyon ito sa kasalukuyang pamumuhay ng mgaPilipino. Ang mayaman na hindi marunong masiyahan ay gumagawa ng mgamumunting krimen sa lipunan, tulad ng panggugulo, pananakit at iba papara makatawag lamang ng pansin sa lipunan. Halos ganoon din angginagawa ng mga mahihirap sa buhay. Ang iba ay napipilitang magnakawupang may maipakain sa pamilya o maipagamot ang anak o kamag-anak namay sakit. Ang mensahe dito ay ito, dapat magkaroon ng kasiyahan angmga tao anuman ang kalagayan nila sa buhay, upang magkaroon ngkatahimikan.D. Papel ng mg Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe Sa pagsulat at pagbasa ng maikling kwento, ang mga tauhanggumagalaw sa kwento ay sadyang pinanggagalingan ng damdamin na naisipaabot ng awtor sa kanyang mga mambabasa. Sa kwentong "Emmanuel"ang nanaig ay ang nadarama ni Emmanuel at ng kanyang kaibigan. Malayoang agwat ng kanilang kalagayan sa buhay. Ramdam ng mambabasa anddinaranas na lungkot at pagkabagot in Emmanuel ngunit wala siyangmagawa. Ang mga pagkakataong parang nawawala sa sarili si Emmanuel,

nakatanga at waring sakmal ng malalim na pagmumuni ay napapansin ngkaibigan niya. At kapag napuna nito na napapansin ng kaibigan ito ayagad na ngingiti. Mahusay magtago ng emosyon si Emmanuel kayat parangnakakaawa siya. Kung tutuusin ay nakakaawa talaga ang tauhan dito.Walang mangyaring maganda sa buhay niya, hanggang sa dumating ang arawna siya ay lumayo na lamang upang pumunta sa ibang bansa. Ang kaibigan din ay nakabagbag ng kalooban, pansinin angmga huling pangungusap niya "kung ako'y babae, marahil ay inayakanko ang paghihiwalay namin ni Emmanuel. Lumulubog na ang araw atmaipu-ipo sa paliparan. Nakangiti si Emmanuel ngunit hindi maganda angkanyang ngiti, at naisip ko na marahil ay gayondin ang pagkakangitiko."E. Bisa Sa Isip at Damdamin ng mga Mambabasa Ang naiiwang bisa sa isip at damdamin ay mahalaga sapagkatdito nakasalalay ang ganda o kapangitan ng kwento. Ang mga problema niEmmanuel ay tila hindi tama para sa kalagayan niya sa buhay. Kailangannatin bigyan ng pansin ang mga gawain sa araw-araw ni Emmanuel, tuladng pagpapasarap lamang sa buhay pero sa kabila ng lahat ay wala pa rinsiyang nakikitang kaligayahan sa buhay. Ang bisa sa isip at damdamin ngmga mambabasa ay ito; Ano nga kaya ang sukatan at saligan ngkaligayahan sa buhay ng isang tao?LUGMOK NA ANG NAYONA. Mga TauhanVic/Inte - ang taga-nayon na bumalik sa kanilang sinilangan upangmanghingi ng mga pwedeng ihanda sa kasal ng kapatid niya.Ang kaibigan ni Vic - siya ang nagsasalaysay sa kathang itoTata Pilo - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayonNana Buro - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayonOding - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayonIsing - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayonB. Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan Ang kathang ito ay nagpakita ng kahalagahang pangmoral atpanlipunan dahil sa pagnanais ni Vic na makahingi ng panghanda sa kasalng kanyang kuya, ngunit ayaw nilang ipakita o ipahalata na nais niyatalagang manghingi. Sa lipunang Pilipino ay sadyang isang kaugalianang paghahanda nang marami sa kasal. Kahit hindi kaya ay pilit

kinakayakahit manghingi o mangutang pa. Sa pangmoral na isyu naman ay talagang isa ring katangianng mga Pilipino ang hindi pagtanggi kahit hindi na nila kaya ang mgapangangailangan ng kanilang kamag-anak.K. Mensahe at Implikasyon sa kasalukuyang Pamumuhay ng mgaPilipino Ang buhay sa kasalukuyan ay sadyang mahirap, lalo na sa mganayon o baryo. Ang mga tagarito kasi ay walang tiyak na hanap-buhay atwalang sapat na salapi para sa kanilang pamilya, ngunit kapag maykamag-anak na humingi ng tulong ay buong-puso pa rin silang magbibigayng tulong. Ang katotohanang ito ay malaki ang implikasyon sakasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino. Parte ng ating kultura angpagiging marangya sa mga handaan kahit halos paghirapan ang pagkuha ngihahanda para sa mga panauhin. Ang mensahe nito na nais iparating sa mambabasa ay andbukal sa kalooban na pagtutulungan ng mga magkakamag-anak kung may mgaokasyon na mahalaga tulad ng kasal. Ang isa pang mensahe ay ang likasna ugali ng mga Pilipino na tumulong sa abot ng kanyang kakayahan kahitsakdal-hirap din ang pamilya.D. Papel ng mga Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe Sa kathang ito ay si Vic ang may maraming ginawa upangmakakuha ng ihahanda sa kasal ng kanyang kapatid. Ngunit ang naginginstrumental sa paghahatid ng mensahe ay ang naging tagapagsalaysay ngmga kalagayan ng nayon na pinuntahan nila ni Vic. Sa pagkukuwento niyaay mababagbag ang puso ng mga mambabasa dahil sa hirap ng mgataga-nayon. Maging ang itsura ng nayon ay nakakaawa din. Ang salitang"lugmok ang nayon" ay tamang-tama dahil sa kanyang paglalarawan.E. Bisa Sa Isip at Damdamin Ang naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa ayang pagkaawa sa kalagayan ng mga taga-nayon. Maging ang paglalarawan sakalagayan ng pamilya ni Tata Pilo na ang ulam ay talong at tuyo lamang.Ang bahay ay walang gamit o kasangkapan. Isa pang bisa sa isip at damdamin ay ang istayl ng mga

bahay; walang sariling silid ang mga babae at maging ang mag-asawa. Angtanong sa isip ng mga mambabasa ay paano ang sekswal na problema ng mgamag-asawa.KABANATA VBuod, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay nalalaman ng mga kabuuan ng pag-aaral, konklusyonat rekomendasyon.Kabuuan

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin namakapagsagawa ng masusing pagsususri sa ilang piling nobela at katha niGinoong Edgardo M. Reyes, isang mahusay at tanyag na manunulat sa loobng ilang dekada. Isa pang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mahanap angmga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin; anu-ano ang mgakahalagahang pangmoral at panglipunan ang makukuha sa mga nobela atkatha ni Edgardo M. Reyes; anu-ano ang mga katangian ng mga nobela atkatha ayon sa mga sumusunod;· Mensaheng hatid at mga implikasyon sa pamumuhay ng mgaPilipino· Naging papel ng mga pangunahing tauhan sa paghahatid ngmensahe· Naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasaAng pag-aaral na ito ay mahalaga sapagka't sa pamamagitan nito aymalalaman ng mga mag-aaral ang pinag-ugatan ng pampanitikan ng lahingPilipino. Mauunawaan din nila ang takbo rin ng kasaysayan ng bawa'tnobela at kathang sinuri sa pag-aaral na ito. Ang mga saklaw ngpag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:MGA NOBELA· Laro Sa Baga· Sa Kagubatan ng Lunsod· Sa mga Kuko ng LiwanagMGA KATHA· Di-Maabot ng Kawalang-Malay· Emmanuel· Ang Gilingang-Bato· Lugmok Na Ang Nayon

Ang mga nobela ant kathang saklaw ng pag-aaral ay galing sa mgakoleksyon ng autor . gayun man, hindi saklaw ng pag-aaral na ito angpaggamit ng statistika sapgka't ang layunin ng pag-aaral na ito aysuriin ang mga nobela para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mgamambabasa.Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng pasuri at palarawang pag-susuriupang higit na maipaliwanag ang mga kahalagahang pangmoral atpanlipunan, ang mga mensahe at implikasyon sa kasalukuyang pamumuhay ngmga Pilipino at iba pang mga kriterya.Binanggit sa kaugnay na mga literatura at pag-aaral ang deskripsyon ngnobela at katha, Kasaysayan ng nobelang Pilipino at katha, ang mgapanahon ng nobela, mga uri ng nobela at katha, mga sangkap ng nobela,tradisyon at bisa nito sa mambabasa at mga iba pang mga literature namay kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.Mga Kinalabasan ng Pagsusuri sa mga Nobela at Katha Ayon sa pagsusuring isinagawa sa mga saklaw na nobela atkatha ang mga sumusunod na natuklasan sa pag-aaral ay makikita satalahanayang ito:A. Mga Nobela Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng mga Pilipino Papel ng Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe Bisa sa Isip at Damdamin ng Mambabasa1. Laro Sa Baga · Ang pagkahilig ng mga lalaki sa pagpunta sa mga pook na maybabaeng nagbibili ng panandaliang aliw. · Ang paghahabilin ng isang ina sa isang taongpinagkakatiwalaan ng kanyang anak· Ang halaga ng pagtitiwala sa isang tao. · Ang marupok na pagkatao ni Ding dahil pati ninang niya aypinagsamantalahan niya. · Ang labis na panghihinayang sa kinabukasan ng isang bata namaagang namulat sa seks.· Ang pagkasira ng buhay ni Ding.2. Sa Kagubatan ng Lunsod · Ang taong nag hihirap, kahit sa patalim kumakapit.· Ang batik sa pagkatao ay hindi naililihim sa habang panahon.· Sa lipunang Pilipino ay lubhang mahalaga ang karangalan · Dapat pag-ingatan ng mga bababe ang kanilang karangalanupang hindi sila ikahiya ng asawa nila at mga kamag-anak· Ang pagbabago ng tao ay dapat hangaan. · Ang pagsisikap ni Mina na tulungan ang pamilya na makaahon

sa kahirapan kahit ipagbili ang kanyang sarili.· Ang pagbabago niya alang-alang sa isang minamahal · Paghanga sa katauhan ng isang babae ang naiwang bisa sa isipat damdamin ng mga mambabasa.3. Sa mga Kuko ng Liwanag · Ukol ito sa problemang pang agraryo at sa naging masamangkapalaran ng mga taong nagpupunta sa Maynila. · Dapat magsikap sa pag-aaral ang isang tao upang magtagumpaysiya sa buhay at upang hindi siya abusuhin ng mga nakakataas sa kanilasa trabaho. · Si Ligaya Paraiso at Julio Madriaga ang mga pangunahingtauhan na naghatid ng mensahe sa mambabasa; nakapatay si Julio dahil sapagmamahal kay Ligaya. Si Ligaya naman ang halimbawa ng babaengnapariwara dahil sa kahirapan ng buhay. · Ang miserableng buhay ng mga taong walang pinag-aralan atmahirap ang naiwang bias sa isip at damdamin ng mamababasa. Gayundinang pagkamuhi sa mga taong mapagsamantala sa kapwa.

B. Mga Katha Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng mga Pilipino Papel ng Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe Bisa sa Isip at Damdamin ng Mambabasa1. Ang Gilingang- Bato · Sa mga Pilipino ay isa nang banal na layunin ng mga magulangang magpatapos ng pag-aaral ang mga anak. Kahit magdanas ng matindinghirap ang mga magulang ay titiisin nila para sa layuning ito. · Ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya ang isangmagandang mensahe ng kathang ito.· Sa pamamagitan nito ay mayroong solusyon na magagawa angpamilya. · Simbulo ang gilingang- bato ang lakas ng isang inaalang-alang sa kinabukasan ng kanyang mga anak.· Lalo na sa kathang ito na patay na ang asawa ng inang ito. · Ang pagkamatay ng ina na wala manlamang nadamang ginhawa sabuhay ang naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga manbabasa.· At nang mapaghati-hatian ang naiwan ng ina ay wala man lamangsa magkakapatid ang nagdala sa gilingang- bato.2. Di-Maabot ng Kawalang Malay

· Hindi dapat magpabaya nag mga ina sa mga tungkulin nila sakanilang mga anak.· Hindi rin dapat itira ang mga anak sa isang napakarumingkapaligiran. · Salamin ng totoong buhay ang ipinakita sa kathang ito, tuladng matinding paghihirap ng mga magulang na nadadamay ang mga anak nawalang-malay. · Ang tono ng pagsasalita ni Ida kay Emy na salamin ngkawalang-malay ay matinding sundot sa puso ng mga mambabasa. · Ang ginagawa ng ina ni Ida ay tila ng prostityut na paramabuhay ang mga anak ay ang naiwang biss sa isip at damdamin ng mgamambabasa.· Ang isa pa ay ang katotohanan na hindi man lamangnakapag-aral ang ina ni Ida, Emy at Obet dahil sa kanilang kahirapan.3. Emmanuel · Sa pangmoral at panglipunan na pamantayan ay sadyangkataka-taka ang inuugali ni Emmanuel. Lagi pa rin siyang malungkot attila walang kasiyahan sa buhay, sa kabila ng kanyang mga katangian;mayaman magandang Lalaki at mataas ang pinag-aralan · Kawalang-kasiyahan ng mga tao. Ang mahirap ang naghihimutoksa buhay; pati ibang mayaman ay ganon din;· Mensahe: dapat magkaroon ng kasiyahan ang tao upang magkaroonng kapayapaan ang ating lipunan. · Si Emmanuel ang may hatid ng mensahe dahil sa tila pagkawalaniya sa wastong isipan.· Ang pag-aalala ng kanyang kaibigan ang isa ring magandangkatangian ng tao at tunay na kaibigan. · Dapat ay matuklasan ng tao ang kahalagahan ng pagkakaroonng kasiyahan sa mga bagay na ibinigay ng Diyos.4. Lugmok na ang Nayon · Mga kaugalian ng mga Pilipino sa nayon ang tinukoy sakathang ito. Sa pangmoral at panlipunan na aspeto ay talagangnanghihingi ng panghanda sa kasal o anumang okasyon sa mga kamag-anakansa nayon.

· Ang mga taga nayon ay hindi kaylanman marunong tumanggi sakahilingan ng mga kamag-anakan kahit sila man ay naghihirap din.· Talagang bukal sa kanilang kalooban ang pagbibigay. · Si Vic ang pangunahing may ginawa para maging marangal angkasal ng kaniyang kapatid.· Ngunit ang kaniyang kainigan ang nakapansin ng paghihirap ngkaniyang kamag-anakan ni Vic sa nayon ngunit todo bigay pa rin

· Pagkaawa sa kalagayan ng mga taga-nayon; naghihirap din peromatulungin at madamayin.· Ang istayl ng mga bahay sa nayon ay iisipin mo din; wala manlamang silid para sa mga mag-aasawa o anak na dalaga.

Mga Kongklusyon Ayon sa talahanayan ng kahalagahang pangmoral atpanlipunan, mensahe at implikasyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mgaPilipino, naging papel ng mga pangunahing tauhan sa paghahatid ngmensahe at bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa, ay nagawa niGinoong Edgardo M. Reyes na mapukaw ang kamalayan ng mga mambabasa ukolsa mga nangyayari sa ating lipunan. Nailarawan niya ang mga bunga ng kakulangan ng pinag-aralan,tulad ng walang-mabuting hanap-buhay at labis na paghihirap sa buhay.Ang mga dahilang ito ang nagtulak sa isang babae upang magbili nglaman, ang mga lalaki naman ay nakakagawa rin ng kasalanan sa lipunan.Hindi rin nalimutan ng autor na isama sa mga akda niya ang mga paalaalana dapat magkaroon ng kasiyahan ang mga tao kung ano ang bigay ngMaykapal sa kanila. Ang isang konklusyon ng pag-aaral na ito ay maganda angkontribusyon ni Ginoong Edgardo M. Reyes sa larangan ng panitikangPilipino. Ang mga paksa kasi niya any tumatalakay sa mga tradisyon atkaugaliaan ng mga Pilipino. Halos lahat ng mga nobela at katha niya ayng bigay ng aral na pwedeng pamarisan ng mga mag-aaral.Mga Rekomendasyon Inirerekumenda ng mananaliksik na ito ang mga sumusunod:1. Dapat isama sa mga paksang-aralin sa elementarya, hayskul atkolehiyo ang mga akda ni Ginoong Reyes.2. Magparami ng mga kopya ng mga nobela at katha ang mga paaralanupang ilagay sa mga silid-aklatan. Sa ganitong paraan ay higit namaraming mag-aaral ang makakabasa sa mga akda ni Ginoong Edgardo M.Reyes.3. Maaaring magdaos ng "seminar" o "workshop" ang mga gurosa Filipino at anyayahan nila si Ginoong Reyes na tagapagsalita.MGA TALASANGGUNIANAbueg, Efren R., Mirasol D., Ordoñez, R., Reyes, E., Sikat, R. 1993.Mga Agos Sa Disyerto. Solar Publishing Corporation.Arrogante, Jose A. 1983. Panitikang Pilipino: Antolohiva. Manila:

National Bookstore, Inc.Belvez, Paz M. 1994. Wika at Panitikan. Maynila, Quezon City. RexBookstore.Casanova, Arthur P. 1984. Kasaysavan at Pag-unlad ng Dulang Filipino.Maynila: Rex Printing Co., Inc.Devesa, Eduardo T. 1982. Panitikang Pilipino.Gamboa-Alcantara, Ruby V., Gonzales-Garcia, Lydia Fer. 1989. Nobela:mga buod at pagsusuri. Rex Bookstore.Guamen, Pructosa 1989. Tanging Gamit ng Pilipino. Manila: RexPublishing House.Iranzo, Berverly C. 2005. Isang Masusing Pag-aaral sa mga Pamamaraan saPagtuturo at Paggamit ng Wika ng Asignaturang Filipino ng mga Guro saB.N. Calara Elem School Los Baños Laguna. Los Baños Laguna. Colegiode Los Baños.Mag-atas, Rosario U. 1994. Panitikang Kayumanggi. Metro Manila.Maynila: Printing Co., Inc.Merciales, Loreta 2003. Isang Masusing Pag-aaral ng mga Piling Kwentoni Dr. Genoveva E. Matute. Los Baños Laguna: Colegio de Los Baños.Perez, Al Q. 1971. Mga Babasahin sa Panunuring Pampanitikan.Mimeographed.Ponciano, Pineda B. 1973. Ana Panitikang Pilipino. Kalookan City:Philippine Graphics Arts Inc.Reyes, Edgardo M. Laro sa Baga: a novel. San Juan Metro Manila: Bookfor Pleasure.Reyes, Edgardo M. Laro sa Baga: the screen play. San Juan Metro Manila:Book for Pleasure.Salazar, Evelyn 1995. Panitikang Pilipino. Manila: Phoenix PublishingHouse.Sta. Cruz, Lorna C. 2004. S&SCOM Internet Café. Cabanatuan City. TraceComputer & Business College.Tiangco, Norma de Guzman at T. Suarez, 1976 & 1981. Maikling Kasavsavanng Pilipino at Ilang Piling Akda. Maynila: Pamantasan ng Santo TomasPalimbagong Tanggapan ng UST.Villafuerte, Patrocino V. 2000: Panitikang Panrehivon sa Pilipinas.Valenzuela City: Mutya Publishing House.