32
Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 1 LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE Guro: Bb. Cylome O. Ceriola Antas: Ikasiyam Asignatura: Filipino Termino/Blg. ng Modyul: Unang Kapatan Modyul Bilang 1 Paksa: Dulang Pantelebisyon at Pampelikula Mula sa Asya: Salamin ng Kabihasnan at Kulturang Asyano Blg. ng Sesyon: 34 Araw ng Pagkikita PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYANG PAGGANAP Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, Silangan, at Kanlurang Asya; at naipamamalas ang kakayahan sa pag- unawa ng iba’t ibang aralin sa gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng malalim na pag-unawa ukol sa konsepto ng mga akdang pampanitkikan mula sa iba’t ibang bansa sa Asya sa pamamagitan ng: nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano paggamit ng mga natutuhan sa gramatika sa pasalita at pasulat na pakikipagtalastasan. MGA KAUGNAY NA LASALYANONG PAGPAPAHALAGA / PANUNTUNAN Edukasyong Lasalyano ay dynamikong proseso na: Magsisilbing hamon sa mag-aaral upang matanto ang kanilang tunay na kakayahan Maipaabot ang tunay na kaalaman ng pagiging isang tunay na Kristiyano batay sa pang-unawa at pagpapahalaga. Mahikayat ang pagkakaroon ng pagkakaungnay-ugnay ,pagsasama, na may kapatiran,pakikitungo at respeto sa kapwa Maisalin ang natutunan ayon sa pangangailangan ng lipunan Maihanda ang mag-aaral na makilahok sa mga gawaing pampamilya,lipunan at simbahan. STAGE 1: INAASAHANG BUNGA PALIPAT NA LAYUNIN: Malayang nagagamit ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa… - masining at produktibong paglalapat ng mga matutuhan sa masusing panunuri ng iba’t ibang akda mula sa Asya sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling iskrip at pagbuo ng sariling dulang pampelikula na sasalamin sa mayaman na kultura ng mga bansa sa Asya. KAKAILANGANING PANG-UNAWA Maunawaan ng mga mag-aaral na… ang pag-aaral ng mga Dulang-Asyano ay nagiging daan upang higit na maging progresibo ang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino sa iba’t ibang bansa sa Asya gamit ang mga kapaki-pakinabang na impluwensyang nasuri buhat sa mga ito. ang ating kultura ay patuloy na napayayaman ng mga kapaki-pakinabang na impluwensiya mula sa iba’t ibang nasyon; ang mga kaisipan at paniniwalang nakapaloob sa mga akdang tinalakay ay maaaring may kaugnayan sa kasalukuyang panahon; mahalaga ang pag-aaral ng gramatika/retorika sa pagpapalalim ng kasanayan sa tamang paraan

LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 1

LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE

Guro: Bb. Cylome O. Ceriola Antas: Ikasiyam Asignatura: Filipino

Termino/Blg. ng Modyul: Unang Kapatan Modyul Bilang 1

Paksa: Dulang Pantelebisyon at Pampelikula Mula sa Asya: Salamin ng Kabihasnan at Kulturang Asyano

Blg. ng Sesyon: 34 Araw ng Pagkikita

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYANG PAGGANAP

Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

♣ naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, Silangan, at Kanlurang Asya; at

♣ naipamamalas ang kakayahan sa pag-unawa ng iba’t ibang aralin sa gramatika/retorika.

Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng malalim na pag-unawa ukol sa konsepto ng mga akdang pampanitkikan mula sa iba’t ibang bansa sa Asya sa pamamagitan ng:

♣ nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano

♣ paggamit ng mga natutuhan sa gramatika sa pasalita at pasulat na pakikipagtalastasan.

MGA KAUGNAY NA LASALYANONG PAGPAPAHALAGA / PANUNTUNAN

Edukasyong Lasalyano ay dynamikong proseso na:

Magsisilbing hamon sa mag-aaral upang matanto ang kanilang tunay na kakayahan

Maipaabot ang tunay na kaalaman ng pagiging isang tunay na Kristiyano batay sa pang-unawa at pagpapahalaga.

Mahikayat ang pagkakaroon ng pagkakaungnay-ugnay ,pagsasama, na may kapatiran,pakikitungo at respeto sa kapwa

Maisalin ang natutunan ayon sa pangangailangan ng lipunan

Maihanda ang mag-aaral na makilahok sa mga gawaing pampamilya,lipunan at simbahan.

STAGE 1: INAASAHANG BUNGA

PALIPAT NA LAYUNIN:

Malayang nagagamit ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa… - masining at produktibong paglalapat ng mga matutuhan sa masusing panunuri ng iba’t ibang

akda mula sa Asya sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling iskrip at pagbuo ng sariling dulang pampelikula na sasalamin sa mayaman na kultura ng mga bansa sa Asya.

KAKAILANGANING PANG-UNAWA

Maunawaan ng mga mag-aaral na… ♣ ang pag-aaral ng mga Dulang-Asyano ay nagiging daan upang higit na maging progresibo ang

interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino sa iba’t ibang bansa sa Asya gamit ang mga kapaki-pakinabang na impluwensyang nasuri buhat sa mga ito.

♣ ang ating kultura ay patuloy na napayayaman ng mga kapaki-pakinabang na impluwensiya mula sa iba’t ibang nasyon;

♣ ang mga kaisipan at paniniwalang nakapaloob sa mga akdang tinalakay ay maaaring may kaugnayan sa kasalukuyang panahon;

♣ mahalaga ang pag-aaral ng gramatika/retorika sa pagpapalalim ng kasanayan sa tamang paraan

Page 2: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

ng komunikasyon; ♣ ang kahusayan sa paggamit ng mga salitang hudyat sa pagsusunod-sunod at transitional

devices ay makatutulong sa mabisang pagpapaliwanag at pagbibigay ng mga panuto; ♣ ang mga pagsubok sa buhay ay dapat na kinahaharap ng tao nang buong tapang at sa tamang

kaparaan; ♣ ang anumang kakayahang bigay ng Panginoon sa atin ay maaari nating magamit sa pagdamay

sa kapwa; ♣ ang maayos na pagpapahayag ng mga opinyon o paninindigan ay daan sa matiwasay na

pagsasamahan; at ♣ ang pag-ibig sa kapwa ay mahalagang ibatay ng bawat isa sa pag-ibig ni Kristo upang

magkaroon nang matiwasay na pakikipagsalamuha.

MAHALAGANG TANONG

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2

♣ Bakit hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng modernisasyon, ay laganap pa rin ang kawalan ng hustisya sa lipunan?TP1.1

♣ Paano makatutulong ang pag-aaral ng dula upang mapakilala ang kultura ng isang bansa?TP1.2

♣ Paano makatutulong sa iyong pagyabong ang kahusayan sa paggamit ng iba’t ibang salitang hudyat sa pagsusunod – sunod? TP2.1

♣ Paano natin dapat kinahaharap ang mga pagsubok o suliraning dumarating sa ating buhay? TP2.1

♣ Bakit mahalagang matuto ang isang taong gamitin ang kanyang kakayahan sa pagdamay sa kapwa? TP3.1

♣ Bakit mahalagang marunong tayong magpahayag ng ating opinyon nang maayos at may paninindigan? TP3.2

♣ Paano tayo magiging larawan ng pag-ibig ni Kristo sa pamilya, kapwa, at lipunan? TP4.1

PAGTAMO NG MGA LAYUNIN/ KASANAYAN:

DepEd Code: 1. F9PT-Ia-b-39 2. F9WG-Ia-b-41

Kasanayan (KAALAMAN) 1. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari; 2. Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng

mga pangyayari

Page 3: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 3

DepEd Code: 1. F9PB-Ig-h-43 2. F9PS-Ia-b-41

3. F9PN-Ia-b-39

4. F9PB-Ia-b-39

5. F9PS-Ig-h-45

6. F9PD-If-42

7. F9PS-IIg-h-51

8. F9PD-Ia-b-39

9. F9WG-Ia-b-41

10. F9PT-Ic-d-40

11. F9WG-I-cd-42

12. F9WG-Ie-43

13. F9WG-Ie-43

14. F9PU-IIg-h-51

Kasanayan (PROSESO): 1. Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano, ang pangunahing kaisipan ng

dulang binasa 2. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:

a. Paksa b. Mga tauhan c. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari d. estilo sa pagsulat ng awtor e. iba pa

3. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda

4. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda;

5. Nabibigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula

6. Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito

7. Naisasadula nang madamdamin sa harap ng klase ang nabuong maikling dula

8. Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan

9. Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

10. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda;

11. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba pa);

12. Naipapahayag ang sariling emosyon/damda-min sa iba’t ibang paraan at pahayag

13. Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t ibang paraan at pahayag;

14. Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang grupo ng Asyano

STAGE 2: MGA PATUNAY NG PAGKATUTO / PAGTATAYA

INAASAHANG PRODUKTO / PAGGANAP NA NAGPAPATUNAY NG PAG-UNAWA AT PAGLILIPAT NG KAALAMAN

Nakasusulat ang mga mag-aaral makabuluhang maikling dulang pampelikula na sumasalamin sa gawi, kilos, at kabuuang kultura ng napiling bansa sa Asya at nabibgyang buhay ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang malikhaing produksyon.

SALAYSAY NG INAASAHANG PAGGANAP (GRASPS)

AsyaDULA: Masining na Pagtatampok ng Kulturang Asyano sa Pamamagitan ng Dulang Pampelikula

Kaalinsabay ng globalisasyon ay ang pagliit ng malawak na mundong ginagalawan ng mga kabataan. Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya ay nagiging madali sa lahat na tuklasin ang uri ng lipunang kinabibilangan ng ibang lahi at ang kulturang nakapaloob dito. Kaya naman ikaw bilang isang direktor at mamamayan hindi lamang ng Pilipinas ngunit ng buong Asya ay naglalayong mabatid ang mga kabataan sa kasalukuyan ang mayamang kultura ng

Page 4: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 4

kontinente upang kanilang maging gabay sa maaaring magiging pakikisalamuha sa mga ito at makapulot ng mabubuting gawi at asal ng mga naninirahan dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang dulang pampelikula. Bilang direktor ikaw rin ang magtatalaga ng iba’t ibang responsibilidad/ gawain para sa pagbuo ng inyong dulang pampelikula: aktor, manunulat, editor, tagapag-ugnay-teknikal at musikal, producer, at iba’t iba pang tungkuling mayroon sa pagbuo at pagtatampok ng isang pelikula. Ihahantad ninyo ito sa buong komunidad ng Paaralang De La Salle Santiago at sa mga naimbitahang manananghal at panauhin. Mamarkahan ang inyong nabuong dula batay sa sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Pinakamahusay ( 4 )

Mahusay ( 3 )

Katamtaman ( 2 )

Panimula ( 1 )

Pagganap at Pagdidirehe (20%)

Kahanga-hangang nagampanan ng mga napiling aktor ang kanilang karakter sa pamamagitan ng maayos at angkop na pagbigkas, interpretasyon, kasuotan, pagkakakilanlan, at bp. na kinakailangan sa eksena. Natatangi at epektibo rin ang naging kontribusyon ng direktor at iba pang tungkulin.

Mahusay na nagampanan ng mga napiling aktor ang kanilang karakter sa pamamagitan ng maayos at angkop na pagbigkas, interpretasyon, kasuotan, pagkakakilanlan, at bp. na kinakailangan sa eksena. Maayos at epektibo rin ang naging kontribusyon ng direktor at iba pang tungkulin.

Kinakitaan ng kahinaan ang paggampan ng mga napiling aktor sa kanilang karakter dahil sa ‘di-gaanong maayos at angkop na pagbigkas, interpretasyon, kasuotan, pagkakakilanlan, at bp. na kinakailangan sa eksena. Hindi rin masyadong naging epektibo ang naging kontribusyon ng direktor at iba pang tungkulin.

Kinakitaan nang lubos na kahinaan ang paggampan ng mga napiling aktor sa kanilang karakter dahil sa ‘di maayos at angkop na pagbigkas, interpretasyon, kasuotan, pagkakakilanlan, at bp. na kinakailangan sa eksena. Hindi naging epektibo ang naging kontribusyon ng direktor at iba pang tungkulin..

Sinematograpiya, Musika, Tunog, at Pag-eedit (20%)

Kahanga-hanga ang naging pag-iilaw, galaw ng kamera, effects, captions, bp at higit sa inaasahan itong nalapatan ng angkop na musika at tunog. Natatangi rin ang isinagawang pag-eedit dahil sa naging daloy o continuity ng mga eksena.

Mahusay ang naging pag-iilaw, galaw ng kamera, effects, captions, bp at maayos itong nalapatan ng angkop na musika at tunog. Kahanga-hanga rin ang isinagawang pag-eedit dahil sa naging daloy o continuity ng mga eksena.

Kinakitaan ng kahinaan ang naging pag-iilaw, galaw ng kamera, effects, captions, paglalapat ng musika at tunog, at bp at hindi masyadong naging maayos ang isinagawang pag-eedit dahil sa kakulangan sa daloy o continuity ng mga eksena.

Kinakitaan nang lubos na kahinaan ang naging pag-iilaw, galaw ng kamera, effects, captions, paglalapat ng musika at tunog, at bp at hindi naging maayos ang isinagawang pag-eedit dahil sa kawalan ng daloy o continuity ng mga eksena

Kaangkupan sa akda (Pagkamakatotohanan ng iskrip at diyalogo) (20%)

Natatanging nai-angkop ng pangkat ang nabuong iskrip, diyalogo, eksena, at bp ng pelikula sa orihinal na nilalaman at tema ng akda.

Mahusay na nai-angkop ng pangkat ang nabuong iskrip, diyalogo, eksena, at bp ng pelikula sa orihinal na nilalaman at tema ng akda.

Kinakitaan nang munting kahinaan ang ginawang pag-aangkop ng pangkat sa nabuong iskrip, diyalogo, eksena, at bp ng pelikula sa orihinal na nilalaman at tema ng akda.

Hindi nai-angkop ng pangkat ang nabuong iskrip, diyalogo, eksena, at bp ng pelikula sa orihinal na nilalaman at tema ng akda.

Organisasyon at Pagkamalikhain ng isinagawang pagtatampok (20%)

Kahanga-hangang natugunan ng pangkat ang mga gawain at tungkulin sa pamamahala ng pagtatampok ng pelikula at malikhaing nakapanghikayat ng mga manonood at nakapag-isip ng masining na patutunguan ng kinita.

Mahusay na natugunan ng pangkat ang mga gawain at tungkulin sa pamamahala ng pagtatampok ng pelikula at malikhaing nakapanghikayat ng mga manonood at nakapag-isip ng masining na patutunguan ng kinita.

Hindi gaanong natugunan ng pangkat ang mga gawain at tungkulin sa pamamahala ng pagtatampok ng pelikula at hindi masyadong naging malikhain ang panghihikayat sa mga manonood. Hindi rin produktibo ang kanilang naisip na patutunguan ng kinita.

Hindi natugunan ng pangkat ang mga gawain at tungkulin sa pamamahala ng pagtatampok ng pelikula at hindi naging malikhain ang panghihikayat sa mga manonood. Hindi rin kapaki-pakinabang ang kanilang naisip na patutunguan ng kinita.

Kaisahan at Pangkalahatang Dating sa madla (20%)

Kahanga-hangang naipakita ng pangkat ang kaisahan, paggalang, at katapatan at katangi-tanging nahati sa patas na paraan ang mga gawaing itinakda. Higit sa inaasahan ding natapos ito sa tamang oras, naisagawa

Mahusay na naipakita ng pangkat ang kaisahan, paggalang, at katapatan at maayos na nahati sa patas na paraan ang mga gawaing itinakda. Natapos din ito sa tamang oras at naisagawa sa tamang

Kinakitaan ang pangkat ng kahinaan sa pagkakaisa, paggalang, at katapatan at hindi gaanong nahati sa patas na paraan ang mga gawaing itinakda. Hindi natapos sa tamang oras at hindi naipasa sa tamang panahon at hindi

Hindi kinakitaan ang pangkat ng pagkakaisa, paggalang, at katapatan at hindi nahati sa patas na paraan ang mga gawaing itinakda. Hindi rin natapos sa tamang oras, hindi nakapagpasa sa tamang panahon, at hindi rin ito nag-

Page 5: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 5

sa tamang panahon, at nag-iwan sa mga manonood ng kapukaw-pukaw, kakaiba, kaiga-igayang dating.

panahon. Maayos din itong nag-iwan sa mga manonood ng kapukaw-pukaw, kakaiba, kaiga-igayang dating.

masyadong nag-iwan sa mga manonood ng kapukaw-pukaw, kakaiba, kaiga-igayang dating.

iwan sa mga manonood ng kapukaw-pukaw, kakaiba, at kaiga-igayang dating.

PAGHAHANDA PARA SA INAASAHANG PAGGANAP

LEVEL 1 Directed Prompt

LEVEL 2 Open Prompt

LEVEL 3 Guided Transfer

LEVEL 4 Independent Transfer

Kwento Nami'y Inspirasyon Ninyo

Pangkatang pagbuo ng kwento batay sa mga larawang ibinigay ng guro.

Lasalyano Tungo sa Pagkakaisa

Pagbuo ng advocacy video ukol sa paggalang at pagrespeto sa kapwa.

Iskrip ng Lasalyanong Asyano

Pagsulat ng iskrip para sa isasagawang dula.

AsyaDULA

Pagtatanghal ng dulang pampelikula batay sa bansa sa Asya na mabubunot.

ASSESSMENT TOOLS (Unit Assessment Map)

TYPE KNOWLEDGE PROCESS UNDERSTANDING PRODUCT/ PERFORMANCE

Pre-Assessment/ Diagnostic

K-W-H Tsart

Formative

- Stand Up

and Be Counted

- Whip

Around

- Fish Bowl Technique

- Pagsagot

ng mga pagsasanay sa aklat

- Pangkatang

Pagsusuri

- Venn diagram

- Pagsusunod-sunod

- Pangkatang pananaliksik

- A Minute to List It

- TUKLASkatauhan

- Pagsulat ng liham

- LarawanTISISMO GrouPIE Magkaibang Bansa Paghahambing

- Think – Pair –Share

- MAD (Make

A Decision)

- #ShoutOut / Opinyon Mo’y Ipahayag

- Pagninilay sa Pakikipaglaban

- Round Robin Debate

- Batang Bayani Paggamit ng mga Angkop na Salita sa Paglalahad ng Emosyon at Sariling Pananaw

- IsaDULA

- Redaers’ Theater

- Lasalyano Tungo sa Pagkakaisa (Pagbuo ng advocacy video)

Page 6: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 6

Summative

Pagbibigay ng Maikling

Pagtataya # 1

K = 5

Pagbibigay ng Maikling

Pagtataya # 2

K = 5

Pagbibigay ng Maikling

Pagtataya # 3

K = 5

Post Test

Pagbibigay ng Maikling

Pagtataya #1

P = 5

Pagbibigay ng Maikling Pagtataya # 2

P = 5

Pagbibigay ng Maikling Pagtataya # 2

P = 5

Post Test

Pagbibigay ng Maikling Pagtataya

#1

U = 5

Pagbibigay ng Maikling Pagtataya

# 2

U = 5

Pagbibigay ng Maikling Pagtataya

# 3

U = 5 Post Test

AsyaDULA: Masining na

Pagtatampok ng Kulturang Asyano

sa Pamamagitan

ng Dulang Pampelikula

Self-Assessment Pagsasagawa ng

repleksyon o pagninilay

Pagsulat sa Dyonal

o Learning Log

RELATED FACETS OF UNDERSTANDING

APPLICATION: Maiugnay sa kasalukuyang panahon ang mga paniniwala at kaisipang nakapaloob sa mga akda. Magamit ng wasto ang kasanayan sa mga tinalakay na aralin sa gramatika/retorika. EXPLAIN: Masuri ang kahalagahan ng mga mag-aaral at kaisipan na maisasagawa ang ating pamumuhay sa kasalukuyan. SELF-KNOWLEDGE: Makita at mailapat ang mahalagang ginagampanan ng panitikan sa ating pamumuhay.

BLENDED ACTIVITIES/TOOLS

ENVIRONMENT ATTRIBUTES FACE-TO-FACE E-LEARNING

ACTIVE The students investigate the EQ or a given situation, issue, or problem. The students research in different sources and activities for information related to the EQ, situation, or problem.

• Dyornal / Learning Log Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutuhan o saloobin ukol sa iba’t ibang paksa.

• Pagbibigay ng opinyon hinggil sa iba’t ibang napapanahong isyu na nakaaapekto sa iba’t ibang bansa sa Asya.

• Pagsusuri ng iba’t ibang isyu at pagbibigay ng opinyon hinggil sa mga ito.

• Paglalagay ng opinyon hinggil sa tema ng akda o aralin sa Edmodo o anumang networking site.

• Ang mga mag-aaral ay manonood ng iba’t ibang video batay sa iba’t ibang tema. Batay dito ay isusulat nila ang kanilang mga opinyon o repleksyon batay sa napanood.

Page 7: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 7

COLLABORATIVE The students work in groups and discuss their ideas, answers, or solutions to the EQ, problem, or situation. The students take on roles to complete a group work.

• Pagsasagawa ng iba’t ibang pangkatang Gawain gaya ng readers’ theater, pananaliksik, at iba pang pangkatang gawain.

• Pagpakatang paglikha at paglalahad ng isang makabuluhang maikling kwento

• Pag-upload ng maikling kwento sa isang social networking site at paggawa ng isang powerpoint presentation ukol dito.

CONSTRUCTIVE The students produce the content related to the knowledge and process competencies. The students form generalizations and conclusions based on different texts, situations, problems, and scenarios. The students answer the EQ, discuss the EU and justify their ideas with supporting examples.

• Paglahok sa isang debate kung saan batay sa mga nakalap na impormasyon o kaalaman ay kanilang bibigyang depensa ang panig na sa kanila’y napunta.

• Make a Decision (MAD) pagbuo ng mga tiyak na hakbang upang masugpo ang pagkagumon sa iba’t ibanng bisyong umaalipin sa maraming tao.

• Pagsasaliksik sa iba’t ibang networking sites paglalahad ng mga datos ukol dito at pagbuo ng makabuluhang mga opinyon hinggil sa mga ito.

AUTHENTIC The students transfer their learning to real life situations. The students in their performance task show practical applications and solutions to the EQ, issue or problem situation. The students manifest the 7Cs of 21st century learning in their performance and product.

• Pagbuo ng isang liham na nagbibigay kabatiran sa lahat upang bigyang halaga ang tinatamasang kalayaan.

GOAL-DIRECTED The students reflect on their learning process. The students manage their way of working. The students check every now and then how they are accomplishing the learning goals they set for themselves.

• Pagninilay sa pag-unlad ng pagkatuto at pag-unlad ng mga mag-aaral.

STAGE 3: BANGHAY NG ARALIN

PORMAL NA DALOY NG ARAIN

I. INTRODUKSYON ORYENTASYON (Hunyo 8–10) UNANG PAGKIKITA Gawain 1: Mapa ng Pagbabago ng Konsepto

- Pagsagot sa bahaging K ng K-W-H-+ upang mataya ang inisyal na kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa paksa.

Gabay na Tanong: - Ano – ano ang inyong mga nalalaman ukol sa iba’t ibang bansa sa Asya lalo na ukol sa

kanilang panitikan? Mahalagang Tanong:

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya partikular sa kanilang mga dulang pampelikula sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2

Page 8: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 8

Gawain 2: Pag-alam sa mga Kaalaman at Natutuhan ng nga Mag-aaral sa Filipino Stand Up and Be Counted

- Pag-alam sa mga kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino sa pamamagitan ng estratehiyang stand up ang be counted.

- Sa hudyat ng guro ay sabay-sabay na tatayo ang mga mag-aaral at pipili ng pahayag na pinakamalapit na naglalarawan sa kanilang kaalaman o personalidad.

Tunay na naunawaan ang aralin ukol sa…

Ang kasanayan sa Filipino na nangangailangan pa ng pagsasanay o tulong ay…

Ang kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino ay…

Ang pinakanais na gawain sa Filipino ay…

- Pagpoproseso ng mga nagging kasagutan. Gawain 3: Katauhan ay Isatitik… Isalarawan

- Pagpapakilala ng sarili sa pamamagitan ng alinman sa sumusunod: Pagguhit ng simbolismo at pagpapaliwanag ng iginuhit Pagbuo ng tulang may dalawang saknong at apat na taludtod bawat saknong

- Kung hindi na magiging sapat ang oras ay maaari na lamang itong gawing gawaing-bahay.

I R F

Nabasa at lubos na naunawaan ang Florante at

Laura

Nabasa ngunit ‘di naunawaan ang Florante at

Laura

Paborito ang aralin sa mga

gramatika

Ayaw ng mga

aralin sa gramatika

Nabasa at lubos na naunawaan ang Florante at

Laura

Nabasa ngunit ‘di naunawaan ang Florante at

Laura

Paborito ang aralin sa mga

gramatika

Ayaw ng mga

aralin sa gramatika

Pagbabasa

Pagsusulat

Pagsasalita

Pakikinig

Tunay na bihasa at matatas sa

pagsasalita

Mahusay magsalita

Marunong magsalita

Ayaw ng mga aralin sa

gramatika

Mag-ulat

Magbasa at magsalita

Magsulat

Magtanghal

Page 9: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 9

IKALAWA- IKATLONG PAGKIKITA Gawain 1: FILIPINO AKO’T ASYANO 4 Pics 1 Word Pagpapakita ng iba’t ibang larawang may kaugnayan sa mga paksang tatalakayin Gawain 2: Paglalahad ng Mahalagang Tanong at Inaasahang Pagganap Mga Mahahalagang Tanong:

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya partikular sa kanilang mga dulang pampelikula sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2

Singapore INDONESIA

MALAYSIA VIETNAM

Page 10: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 10

Paglalahad ng inaasahang pagganap sa pamamagitan ng powerpoint presentation. Gawain 3: Pagtalakay ng mga Panuntunan ng Guro

- Pagtalakay ng guro sa lahat ng mga panuntunan sa klase Paggamit ng MLD Pagkuha ng pagsusulit Pagpapasa ng mga proyekto o kailanganin Pananatili ng disiplina

Gawain 4: Pagbibigay ng Edmodo code ng bawat silid Hunyo 13-17 UNANG PAGKIKITA Gawain 1: PAGGANYAK / PANIMULANG GAWAIN Word Association

- Pagbibigay ng mga salita o pahayag na maiuugnay sa sumusunod na mga salita:

INA HUSTISYA PAGMAMAHAL ANAK PANANAMANTALA

- Pagbibigay ng mahalagang tanong ♣ Bakit hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng modernisasyon, ay laganap pa rin ang

kawalan ng hustisya sa lipunan? TP1

Gawain 2: PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN - Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga malalalim na salitang ginamit sa dula batay sa mga

letrang ginulo o jumbbled letters. 1. NAKADUKDOK KANAKOYU

AsyaDULA: Masining na Pagtatampok ng Kulturang Asyano sa Pamamagitan ng Dulang Pampelikula

Kaalinsabay ng globalisasyon ay ang pagliit ng malawak na mundong ginagalawan ng mga kabataan. Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya ay nagiging madali sa lahat na tuklasin ang uri ng lipunang kinabibilangan ng ibang lahi at ang kulturang nakapaloob dito. Kaya naman ikaw bilang isang direktor at mamamayan hindi lamang ng Pilipinas ngunit ng buong Asya ay naglalayong mabatid ang mga kabataan sa kasalukuyan ang mayamang kultura ng kontinente upang kanilang maging gabay sa maaaring magiging pakikisalamuha sa mga ito at makapulot ng mabubuting gawi at asal ng mga naninirahan dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang dulang pampelikula. Bilang direktor ikaw rin ang magtatalaga ng iba’t ibang responsibilidad/ gawain para sa pagbuo ng inyong dulang pampelikula: aktor, manunulat, editor, tagapag-ugnay-teknikal at musikal, producer, at iba’t iba pang tungkuling mayroon sa pagbuo at pagtatampok ng isang pelikula. Ihahantad ninyo ito sa buong komunidad ng Paaralang De La Salle Santiago at sa mga naimbitahang manananghal at panauhin. Mamarkahan ang inyong nabuong dula batay sa sumusunod na pamantayan: Pagganap at Pagdidirehe, Sinematograpiya, Musika, Pag-eedit, Kaisahan, Kaangkupan, at Organisasyon ng isinagawang pagtatampok.

II. INTERAKSYON

Page 11: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 11

2. NAIDLIP KANALOGTU 3. DADAGOK PASHAHAM 4. BALO YUDBA 5. KAALYADO MPIKAKA

Gawain 3: PAGSUSURI NG DULANG BINASA Pangkatang Gawain

- Pangkatang pagsusuri ng dula Pangkat 1 Mga ikinikilos ni Aida (panimulang bahagi ng dula)

Mga Gabay na Tanong: 1. Bakit tila nag-iba ang kinikilos ni Aida? 2. Ano ang naging reaksyon ni Regina sa ikinikilos ni Aida? 3. Bilang isang babae, paano mo dapat kinakaharap ang mga pang-aabuso at iba pang

pananamantala? 4. Bilang lalake paano mo dapat pinangangalagaan ang iyong pamilya o kakilala lalo na

ang mga kababaihan?

Pangkat 2 Reaksyon ni Tony 1. Ano ang naging reaksyon ni Tony bilang isang kapatid kaugnay ng naganap kay

Aida? 2. Nararapat ba ang kaniyang desisyon? Pangatwiranan. 3. May katwiran ba siya sa kanyang mga paninindigan at paniniwala? 4. Kung ikaw ay kapatid ni Aida, ano ang iyong mararamdaman?

Pangkat 3 Pag-aresto kay Tony

1. Nagaganap ba sa kasalukuyan ang ganitong sistema ng hustisya? 2. Sa anu-anong mga pagkakataon naipapakita ang kawalan ng hustisya sa bansa? 3. Bilang mag-aaral, paano tayo makikibahagi sa pagbabago sa kalakarang ito?

Pangkat 4 Pagpatay ni Aida sa sariling anak

1. Makatwiran ba ang ginawa ni Aida? 2. Ano ang naging reaksyon mo sa pangyayaring ito? 3. Ano kaya ang mensaheng nais ipabatid ng wakas ng dula?

Gawain 4: PAGLALAHAD NG INIHANDA NG BAWAT PANGKAT Gawain 5: PAGLALAGOM Whip Around

- Pagpapabasa ng berso ng bibliya na pinagkunan ng inspirasyon ng mga pangyayari sa akda at pag-uugnay nito sa tinalakay na akda. At pagpili ng mga mag-aaral na magbibigay ng saloobin ukol dito sa pamamagitan ng estratehiyang whip around.

“Mata sa mata, ngipin sa ngipin… Apoy sa apoy, sugat sa sugat at latay sa latay…”

IKALAWA - IKATLONG PAGKIKITA Gawain 1: PAGGANYAK SINE-SIKAT

- Pagbunot ng numero ng mag-aaral na magbabasa ng ilang sikat na linya o pahayag mula sa mga tanyag na pelikulang Pilipino

- Ang napiling mag-aaral ay kailangang basahin ang nabunot na pahayag nang madamdamin at buong husay. Ilang halimbawa ng mga pahayag ay:

Page 12: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 12

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga katangian ng isang magandang pahayag? 2. Bakit kaya nagging klasiko ang mga pahayag o linyang ito? 3. Naging madali ba para sa inyo na ipahayg ang mga ito?

Mahalagang Tanong

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Paano makatutulong ang pag-aaral ng dula upang mapakilala ang kultura ng isang bansa?TP1.2

Gawain 2: SINE-SURI

- Pagpapanood ng “Akin ang Pinas” ng produktong Pepsi Mga Pamprosesong Tanong:

1. Sa inyong palagay, bakit ganoon ang pagkakapresenta ng mga tauhan? 2. Paano ninyo nahulaan ang damdamin ng mga tauhan sa pinanood? 3. Paano ninyo ilalarawan ang tagpuang ginamit sa palabas? 4. Bakit kaya iyon ang napiling tagpuan? 5. Bakit mga gulay at prutas ang ginamit na armas ng mga siga at maton sa palabas? 6. Bakit mahalaga na gumamit ng idioma at simbolismo sa panitikan? 7. Ipaliwanag ang mga pahayag:

- Marami ka pang kanin na kakainin - Dadamputin ka sa kangkungan - Kahit butas ng karayom papasukin

Gawain 3: TUNGHAY-DULA

- Pagpapabasa ng ilang tanyag na pahayag mula sa mga likha ni Shakespeare

- Pagtalakay ng guro ng kasaysayan ng dula sa Pilipinas - Pagtalakay ng dula sa pammagitan ng pagpapanood ng iba’t ibang dula na susuriin ng

mga mag-aaral batay sa sumusunod: Damdamin Sangkap Elemento

Ang pera natin hindi basta – basta nauubos pero ang pasensya ko konting – konti na lang.

Anak mo lang siya hindi mo siya pag-aari! Hindi sa ‘yo umiikot ang mundo niya at hindi ito matatapos ‘pag wala ka.

Oh yes! Kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako! And that's all I ever was to you Ned. your bestfriend! And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!

"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik""

Pang-ugnay na Pahayag: Ang dula, ayon kay Aristotle, ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay. Ngayon nga matapos nating maglakbay sa Asya ay babalik tayo ng Pilipinas upang talakayin ang isang dulang tatalakay sa pagmamahal sa pamilya.

Page 13: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 13

Pagkakabuo

https://www.youtube.com/watch?v=86lczf7Bou8 https://www.youtube.com/watch?v=3PTVSoQeILE

https://www.youtube.com/watch?v=C8qs_Nv4fgw https://www.youtube.com/watch?v=dmSMBcOQbe0

Gawain 4: MGA PAGTATAYA Unang Pagtataya: Paghahambing Triad (Maaaring gamitin ng mga mag-aaral rito ang google docs)

- Ihambing ang nabasang dula sa iba pang dulang napanood Katangian at Elemento “Moses, Moses” Iba pang Dula:

Mga Pangunahing Tauhan Tagpuan

Galaw ng mga Pangyayari Simula Saglit na Kasiglahan Tunggalian Kasukdulan Wakas

Ikalawang Pagtataya: PANGKATANG GAWAIN IsaDULA

- Ang bawat pangkat ay magsasaliksik ng mga pahayag mula sa iba’t ibang pelikulang Pilipino at buhat sa mga linyang ito sila ay gagawa ng maikling skit na tatagal ng 2-3 minuto.

- Bibigyan ang bawat pangkat ng pamantayang gagamitin ng guro sa pagmamarka.

Gawain 5: PAGLALAHAD AT PAGPOPROSESO NG INILAHAD NG BAWAT PANGKAT Gawain 6: PAGLALAGOM Think-Pair-Share Pagsagot sa mga Mahalagang Tanong

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Paano makatutulong ang pag-aaral ng dula upang mapakilala ang kultura ng isang bansa?TP1.2

IKAAPAT NA PAGKIKITA Gawain 1: PAGGANYAK Pagbuo ng isang Origami

- Sa mga panutong ibibigay ng guro ay papatnubayan ang mga mag-aaral na makabuo ng isang origami.

- Paaalalahanan ang lahat na dalawang beses lamang uulitin ng guro ang panuto kaya kinakailangang makinig nang mabuti.

Page 14: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 14

Ang Sining ng Pagtiklop ng Papel, Sining ng Pagsunod

Pamprosesong Tanong: 1. Paano naging madali sa iilan ang paggawa ng origami habang ang karamihan naman ay

nahirapan? 2. Sa inyong pag-araw –araw na pamumuhay mahalaga bang marunong kayong gumamit ng

mga salita may kaugnayan sa pagsusunod – sunod ng mga bagay – bagay o pangyayari? Bakit?

Gawain 2: Paglalahad ng mga Mahalagang Tanong ♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2 ♣ Paano makatutulong sa iyong pagyabong ang kahusayan sa paggamit ng iba’t ibang salitang

hudyat sa pagsusunod – sunod? TP1.2 Gawain 2: Pagsasanib ng Gramatika Word Splash / Pagsusuri ng Dating Kaalaman

- Pagpapasuri ng ilang mga salitang ginamit sa pagbibigay ng panuto upang mabuo ang isang origami.

Pamprosesong Tanong: 1. Kailan natin ginagamit ang mga salitang ito? 2. Bakit mahalaga na matutunan natin ang wastong gamit ng mga salitang ito.

Gawain Bilang 3: Pagtalakay ng Guro

- Pagtalakay ng guro ng aralin sa pamamagitan ng powerpoint presentation.

Pang-ugnay na Pahayag: Sa maraming pagkakataon ay nagbibigay tayo ng mga pagkakasunod – sunod ng mga panuto, bagay, pangyayari, at ibapa. Mahalaga kung gayon na matutunan natin ang mga asalitang makatutulong sa atin upang makapagpahayag nang may kaayusan at kaisahan upang lubos na magkaunawaan ng. Ngunit bago iyon ay narito muna ang ilang mga mahahalagang tanong na nais kong sagutin ninyo pagkatapos ng talakayang ito.

Una Habang Panghuli Ikalawang hakbang

Page 15: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 15

Mga Salitang Hudyat sa Pagsusunod – sunod - Pang-uring Ordinal - Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod – sunod = una, kasunod - Salitang hakbang + pang-uring pamilang o ang salitang step

Gawain 4: Mga Pagtataya Bilang 1: Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ng dulang “Moses, Moses” Fish Bowl Technique

- Dugtungang ilahad ang mga pangyayari ng dulang “Moses, Moses” bubunot ang guro ng bilang ng mga mag-aaral na magkukwento gamit.

- Kinakailangang ang susunod na mabubunot ay wasto ang isusunod na pangyayari batay sa kung saan pahihintuin ng guro ang pagsasalaysay.

Bilang 2 Pagsagot ng pagsasanay sa aklat pahina 24-25 “Madali Lang ‘Yan Bilang 3 (Triad) Make a Decision (MAD) Panuto: Alalahanin ang tema ng dulang “Moses,Moses” at isipin kung paanong ang tulad mong isang mag-aaral ay makatutulong upang matamo ng lahat ang hustisya sa tama at tahimik na paraan. Tiyaking gumamit ng mga salitang hudyat sa pagsusunod – sunod. Bilang 4: Tayo nang Magluto Para sa Taong Nalulungkot! Triad

Si Aida sa dulang “Moses, Moses” ay lubos na nalulumbay at hirap kumain. Bilang isang mabuting kaibigan niya ay naisipan mong magluto ng sopas.

- Pagsusunod-sunod ng mga hakbang sa pagluluto ng sopas sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5.

Gawain 5: Paglalagom - Pagsagot sa mahalagang tanong. Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na sasagot sa mga

mahalagang tanong.

(MAD) Mga Hakbang sa Pagtatamo ng Hustisya

Ilagay ang sabaw na pinaglagaan ng manok at hintaying kumulo.

Ilagay ang chicken cubes at paminta. Tikman at i-adjust ang alat..

Sa isa pa ring kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting star margarine.

Sa isang kaserola, ilaga ang manok hanggang sa lumambot. Timplahan na ito ng konting asin. Palamigin ang manok at himayin. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.

Ilagay ang elbow macaroni at hinimay na manok. Palaging haluin para hindi mag-dikit-sikit ang macaroni hanggang sa maluto.

Page 16: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 16

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2 ♣ Paano makatutulong sa iyong pagyabong ang kahusayan sa paggamit ng iba’t ibang salitang

hudyat sa pagsusunod – sunod at transitional devices? TP1.2 Hunyo 20-24 UNA - IKATLONG PAGKIKITA Gawain 1: PANIMULANG GAWAIN Cadena De Istorya (Triad)

- Pagpapakita ng guro ng mga ginulong larawan ng akda, gawain, o pangyayari. Magpapaunahan ang bawat pangkat na maisaayos ang mga pangyayari at maisalaysay ito gamit ang mga natutunang transitional devices at salita sa pagsusunod – sunod.

Gawain 2: PAGSASALAYSAY Pass the Parcel

- Pagpapaikot ng bola habang mayroong awiting pinapatugtog ang guro. Sa paghinto ng awitin ang sinumang may hawak ng bola ay siyang magsasalaysay ng alinman sa sumusunod na mayroong tamang pagkakasunod-sunod:

Gawain Kwento

Dulang nabasa o napanood Lutuin

SCAFFOLDING ACTIVITY NO. 1:

Readers’ Theater / Kwento Namin ay Inspirasyon Mo!

Ang dulang “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat ay isang dulang may isang yugto tumatalakay sa mabigat na tema ukol sa hustisya. Ipinakita rin dito ang trahedya maaaring idulot sa isang pamilyang pinagkaitan ng hustisya dahil lamang sa higit na makapangyarihan ang sa kanila ay nang-abuso.

Sa gawaing ito ay bubuo ng sarili nilang kwento ang bawat pangkat batay sa mga larawang ipapakita ng guro. Malaya ang bawat pangkat na pumili ng tema kinakailangan lamang na sa wakas ng ito ay mag-iiwan ng inspirasyon sa lahat alalo na ukol sa patas na pagtrato sa lahat anuman ang antas sa buhay at pagmamahal sa pamilya. Ilalahad nila ito sa pamamagitan ng Readers’ Theater.

Alamat ng Marinduque

Page 17: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

Ang ilalahad ng bawat pangkat ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan:

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5 Makabuluhan ang tema at nag-iwan ng inspirasyon

May kaisahan, pag-uugnay at malinaw ang daloy ng mga pangyayari ng nabuong kwento

Wasto ang pagkakagamit ng mga salita

Naging kawili-wili at nahikayat ang lahat na making sa pamamagitan ng wastong tinig at damdamin sa pagbasa.

Kabuuang Puntos 20 5 – Napakahusay 4 - Mahusay 3 - Katamtaman 2 – ‘Di gaanong mahusay 1 – Sadyang ‘di mahusay

Gawain 3: Paglalahad ng inihanda ng bawat pangkat Gawain 4: Pagpoproseso ng nagging pagtatanghal

- Pagpili ng klase ng pinakanaibigan nilang presentasyon - Pagbibigay ng guro ng rekomendasyon, kalakasan, at kabuuang marka ng bawat

pangkat Gawain 5: Pagsagot sa mahalagang Tanong

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA 2

♣ Paano makatutulong sa iyong pagyabong ang kahusayan sa paggamit ng iba’t ibang salitang hudyat sa pagsusunod – sunod at transitional devices? TP1.2

IKAAPAT NA PAGKIKITA

Gawain 1: PAGGANYAK

- Pagtatanong sa mga mag-aaral: Paano ninyo ilalarawan ang isang kahanga-hangang babae at lalake?

- Pagpapanood ng maikling patalastas ukol sa kababaihan mula sa iba’t ibang bahagi ng

mundo na mayroong iba’t ibang uri ng kagandahan. https://www.youtube.com/watch?v=5o9Dp6D91fI

Page 18: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 3

Pagsagot sa Mahalagang Tanong ♣ Paano natin dapat kinahaharap ang mga pagsubok o suliraning dumarating sa ating

buhay? TP2 Gawain 2: PAGHAHANDA PARA SA PANONOOD

PAALALA:

Tandaan ang mga sumusunod na katanungan habang nanonood:

1. Paano ipinakita ng mga pangunahing tauhan ang pagtitiis at pagtitiyaga sa minamahal?

2. Bakit mahalagang bigyan ng panahon at debosyon ang iyong minamahal?

3. Paano pinakita ni Gyeon-Woo ang pagmamalasakit sa kanyang kasintahan?

Kilalanin at pag-aralan ang iba’t ibang sangkap ng dulang panonoorin:

Gawain 3: PANONOOD NG PELIKULA

- Panimulang panonood ng pelikula Hunyo 27 – Hulyo 1 UNANG - IKATLONG PAGKIKITA Gawain 1: PAGBABALIK-ARAL

- Pagtukoy sa ilang kultura ng Korea na naipakita na sa ilang bahagi ng pelikulang napanood.

Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano-anong bahagi o eksena sa pelikula ang kinakitaan ninyo ng mga natatanging kultura ng

mga Koreano? 2. Ano ang inyong masasabi sa mga kultura o kaugaliang ito?

Pagsagot sa Mahalagang Tanong

♣ Paano natin dapat kinahaharap ang mga pagsubok o suliraning dumarating sa ating buhay? TP2

Gawain 2: PAGPAPATULOY NG PANONOOD NG PELIKULA Gawain 3: PANGKATANG PAGSUSURI NG PELIKULA

- Pangkatang pagsusuri ng kultura ng Korea na nakapaloob sa dula batay sa pokus na ibibigay ng guro:

Pangkat 1 - Kasaysayan

- Pangkat 2 - Edukasyon

Pangkat 3 - Tradisyon at Paniniwala

Pangkat 4 - Pagkain at kasuotan

Pangkat 5 - Sistema ng edukasyon

Pang-ugnay na Pahayag: Maglalakbay tayo ngayon upang makilala ang makulay na kultura ng bansang Korea.Talasan ang mata at buksan ang isip upang maintindihan ang panonoorin.

Page 19: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 4

Pangkat 6 - Uri ng pamahalaan

Gawain 4: PAGPAPAHALAGA

Tunay na mahiwaga ang pag-ibig. Kung kayo ang tatanungin 1. Paano nga ninyo maipakikita ang pagmamahal sa kapwa?

2. Bakit dapat pakitaan ng pagmamalasakit ang mga tao na hindi natin kilala?

3. Paano masusukat ang pagmamahal na iyong ibinibigay at natatanggap?

Gawain 5: PAGLALAGOM

Dyornal Log Bilang 1

- Pagsagot ng mga mag-aaral sa mahalagang tanong sa kanilang dyornal.

Mahalagang Tanong ♣ Paano natin dapat kinahaharap ang mga pagsubok o suliraning dumarating sa ating

buhay? TP2 IKAAPAT NA PAGKIKITA Gawain 1: PAGBABALIK-ARAL

- Pagbabalik – aral sa mga paksang kasama sa pagsusulit Elemento ng dula Mga salitang ginagamit sa pagsusunod-sunod Kultura mula sa dulang “Sassy Girl”

Gawain 2: UNANG MAIKLING PAGSUSULIT

K – 5 PR – 5 PU – 5 HULYO 4 – 8

UNA - IKALAWANG PAGKIKITA

Gawain 1: PAGGANYAK GENERATION XYZ SUPER POWERS

- Pagpili ng mga mag-aaral ng kapangyarihan na nais nilang magkaroon kung sila ay bibigyan ng pagkakataon.

Page 20: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 5

Mga Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ito ang napili ninyong kapangyarihan? 2. Sino ang kauna-unahang taong pagsasabihan ninyo ukol sa kapangyarihang ito? Bakit 3. Sino-sino ang mga taong una ninyong tutulungan gamit ang kapangyarihang ito? 4. Ano ang handa ninyong ipagpalit na napakahalagang bagay magkaroon lamang ng

kapangyarihang ito? Pagsagot sa Mahalagang Tanong

♣ Bakit mahalagang matuto ang isang taong gamitin ang kanyang kakayahan sa pagdamay sa kapwa? TP2.3

Gawain 2: PAGPAPAKILALA NG BANSANG PINAGMULAN A Miinute to List It / Triad

- Sa hudyat ng guro ay paramihan ang magkakapangkat ng maitatalang salitang kaugnay ng bansang Hapon.

- Bibigyan lamang ang lahat ng 1 minuto matapos ang 1 minuto ang pangkat na pinakamaraming naisulat ay ang magwawagi.

- Paglalahad ng ilang impormasyon tungkol sa pelikulang “Rurouni Kenshin”.

Gawain 3: Panonood ng isang dulang pampalikula na pinamagatang “Rurouni Kenshin”.

Gabay na Tanong: “Bakit kailangan ng sariling desisyon para sa kanyang buhay ang isang tao?”

Mahalagang Tanong:

♣ Bakit mahalagang matuto ang isang taong gamitin ang kanyang kakayahan sa pagdamay sa kapwa? TP2.2

IKATLO- IKAAPAT NA PAGKIKITA Gawain 1: Pagbabalik-aral

- Pagsusuri ng ilang eksena ng pelikula na napanood. Gawain 2: Pagpapatuloy ng panonood

HAPON

Page 21: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 6

Gawain 3: Pagtalakay 1. Bakit mahalaga na ituwid ang maling pag-iisip ng isang tao? 2. Paano naipakita ni Kenshin Himura ang sariling desisyon para sa kanyang buhay? 3. Paano ipinakita ni Kenshin Himura ang pagmamalasakit niya para sa kaniyang

minamahal at mga kaibigan? 4. Paano ninyo ilalarawan ang tagpuang ginamit sa palabas? 5. Ilarawan ang mga itsura ng mga tauhan sa dula. 6. Bakit kailangang matuto ang taong tumulong sa mga taong hindi nila personal na

kakilala?

Gawain 4: Pagpapahalaga Dyornal Log Blg. 2

- Pagsagot ng mga mag-aaral sa sumusunod na mga tanong sa kanilang dyornal. 1. Bakit mahalaga ang pagiging matapang sa tamang panahon, tamang lugar, at tamang

rason? 2. Paano mo mawawasto sa maganda at epektibong pamamaraan ang maling pananaw

ng mga tao sa iyong paligid?

HULYO 11 –15 UNANG PAGKIKITA Gawain 1: Pagganyak TinigngKabataan/ Poll Survey

- Pagsagot ng mga mag-aaral sa poll survey na inilagay ng guro sa

- Matapos sumagot ng mga mag-aaral ay kaagad na makikita ang resulta ng poll. - Pagtalakay sa naging resulta ng poll survey.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang masasabi ninyo sa ibinahagi ng inyong mga kamag-aaral? 2. Sumasang – ayon ba kayo sa lahat ng kanilang mga opinyon? 3. Si Kenshin Himura, ano ang inyong opinyon sa kanyang paraan ng pakikipaglaban?

Mahalagang Tanong:

Bakit mahalagang marunong tayong magpahayag ng ating opinyon nang maayos at may paninindigan? TP3.1

Gawain 2: Pagsusuri

- Pagsusuri ng ilang mga salitang ginamit sa pagbibigay ng opinyon.

Pang-ugnay na Pahayag: Bahagi na ng araw – araw na buhay ng tao ang pagbibigay ng opinion. Sa pagpapahayag natin ng ating mga opinyon mahalagang may sapat tayong kaalaman sa paksa at maayos ang ating paraan ng pagpapahayag, upang maging katanggap – tanggaap ang ating paglalahad. Narito ang ilang pahayag na maaari nating gamitin sa pagbibigay ng opinyon.

Lubos kong pinaniniwalaan labis akong kung ako ang tatanungin sa tingin ko Palagay ko kumbinsido ako

Ano ang mabisang paraan upang harapin ang isang kaaway o katunggali?

LAKAS TALINO

Page 22: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 7

Gawain 3: Pagtalakay

Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon/Pananaw Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang iyong pananaw sa pananaw ng iba. Sabi nga ng isang kasabihang Ingles, “You can disagree without being disagreeable.” ✦ Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag mo rin ang iyong pinaniniwalaan. ✦ Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw. ✦Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling kailangan mo namang sumalungat. ✦ Makabubuti kung ang iyong ipahahayag ay nakabase sa katotohanan o kaya’y sinusuportahan ng datos. ✦ Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw. Kung sakaling magpapahayag ng opinyon sa isang pormal na okasyon, gumamit ka rin ng pormal na pananalita at huwag mong kalilimutang gumamit ng katagang “po” at “opo.” ✦ Makikita sa ibaba ilang angkop na pahayag na maaari mong gamiting panimula sa pagpapahayag ng iyong opinyon o pananaw Sa aking palagay . . . Sa tingin ko ay . . . Para sa akin . . . Kung akó ang tatanungin . . . Ang paniniwala ko ay . . . Ayon sa nabása kong datos . . . Hindi akó sumasang-ayon sa sinabi mo dahil . . . Mahusay ang sinabi mo at akó man ay . . . Nása iyo ’yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit . . . Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?

Gawain Bilang 4: Pagsasanay Bilang 1: Pagsagot ng pagsasanay sa batayang aklat (Pinagyamang Pluma) ukol sa paksa.

Bilang 2: #ShoutOut / Opinyon Mo’y Ipahayag Panuto: Pagmasdan mo ang sumusunod na mga larawan. Bumuo ka ng mga pangungusap na magpapahayag ng iyong opinyon at pananaw tungkol sa mga larawan. Maaaring i-post ito ng mga mag-aaral sa anumang social networking sites.

Page 23: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

Tauhan

Gawain 5: Paglalagom Dyornal Ilahad mo nga ang iyong mga natutuhan sa araling ito.

IKALAWA- IKAAPAT NA PAGKIKITA Gawain 1: Pagtalakay ng gagawing mga kolaboratibong gawain / Station Rotation

Pagpapaliwanang sa mga mag-aaral ng gagawing kolaboratibong Gawain sa pammagitan ng station rotation. - ayos ng silid - paraan ng pagpunta sa iba’t ibang station - pagsunod sa tamang oras na nakalaan sa bawat gawain - pagpapanatili ng desiplina sa kabuuan ng Gawain - paghahati ng pangkat sa pangkat

KOLABORATIBO AT INTERAKTIBONG GAWAIN Magkakaroon ng anim na istasyon. TUKLASkatauhan Pagsusuri ng Pangunahing Tauhan ng Pelikulang Napanood Si Kenshin Himura ang pangunahing tauhan ng pelikula ay mayroong napakakulay na buhay at personalidad na mag-iiwan sa lahat ng maraming kaisipan. Masusing suriin ang kanyang pagkatao gamit ang template

Napag-alaman

kong ....

Masasabi kong

Natuklasan

kong ….

Page 24: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

Silang Mga Nakaupo Pagsulat ng Liham Para Sa Mga Bagong Pinuno ng Bansa Katatapos lamang manumpa ng mga bagong pinuno ng ating bansa. At sila ay may kapangyarihan at posisyon upang tulungan ang mga mamamayang mahihina at naaabuso. Magsulat ng liham para sa sinumang pinuno na nais mong sulatan (pambansa at lokal man) at sabihin ang inyong saloobin ukol sa mga nagaganap na pang-aabuso at hingin na rin ang kanilang tulong ukol dito. Pagninilay sa Pakikipaglaban Panoorin ang sumusunod na video clip ng ilang palabasa sa Pilipinas. Suriin ang naging pakikipaglaban ng mga tauhan. Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba at ipadala sa guro sa pamamagitan ng Edmodo ang inyong kasagutan. Unang Palabas https://www.youtube.com/watch?v=3RI6FrEyiKg Ikalawang Palabas

1. Paano nagkakaiba-iba ang pakikipaglaban o tunggali ng mga pangunahing tauhan sa palabas?

2. Sino sa kanila sa inyong palagay ang mayroong pinakamahusay na pamamaraan? Bakit?

3. Ano-ano ang inyong napulot na kaisipan mula sa kanilang pakikipagtunggali?

Magkaibang Bansa Paghahambing Paghambingin ang kultura ng bansang Pilipinas at ang kultura ng bansang Hapon batay sa napanood. Kailangang maipasa ang kartolina sa guro pagkatapos ng oras. Pagkatapos ay sagutin ang mahalagang tanong. Mahalagang Tanong:

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

LarawanTISISMO GrouPIE Magsagawa ng isang groupie (isang miyembro lamang ang hindi kasama sa larawan upang siya ang kumuha ng larawan) na nagpapakita ng paggamit ng lakas, kakayahan, at talento sa pagtulong sa mahihina. Pagkatapos ay ilarawan ito sa loob ng 3-5 pangungusap. Huwag kalimutan ipadala sa Edmodo ang larawan.

Page 25: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 3

Batang Bayani Paggamit ng mga Angkop na Salita sa Paglalahad ng Emosyon at Sariling Pananaw Panoorin link sa ibaba ukol sa batang bayani na si Kesz Valdez pagkatapos ay ilahad ang inyong opinyon, naramdamang emosyon, at pananaw ukol sa napanood. https://www.youtube.com/watch?v=BXF68QqOqw4

Huwag kalimutang ipadala sa Edmodo ang awput.

HULYO 18- 22

UNA-IKATLONG PAGKIKITA

SCAFFOLDING ACTIVITY NO. 2:

Lasalyano Tungo sa Pagkakaisa

Ang pagtrato sa kapwa anuman ang kanyang antas at anyo ay kailangang isabuhay ng lahat. Ang pagrespeto sa lahat ay mabisang daan upang magkaroon ng kapayapaan at matiwasay na samahan ang lahat. Ang DLSZ ay isang institusyon na nagtataguyod ng pagpapahalagang ito. Ikaw bilang isang mag-aaral sa iyong simpleng paraan ay makaaambag ng malaki upang ang bawat isa sa DLSZ ay mamuhay ng may dignidad at kapayapaan.

Kaya naman kayo ng inyong pangkat ay naatasang gumawa ng isang simpleng video na naglalayong himukin ang lahat na makitungo nang may lubos na respeto sa kapwa . Pagsuporta rin ito sa anti-bullying campaign ng ating paaralan. Ang inyong advocacy video ay hindi maaaring lumampas sa 5 minuto.

Ang ilalahad ng bawat pangkat ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan:

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5 Makabuluhan ang tema

Nakahihikayat ang mensahe ng video

Wasto ang pagkakagamit ng mga salita

Kabuuang Puntos 15 5 – Napakahusay 4 - Mahusay 3 - Katamtaman 2 – ‘Di gaanong mahusay 1 – Sadyang ‘di mahusay

Page 26: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

IKAAPAT NA PAGKIKITA Gawain 1: Pagganyak

• Tukuyin ang larawang ipinapakita sa pamamagitan ng larong “PIRA-PIRASO” at ilahad kung anong anyo ng pag-ibig ang ipinapakita dito (Pag-ibig sa kasintahan, pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa pamilya/magulang, pag-ibig sa kapaligiran, at pag-ibig sa Maykapal)

Gawain 3: Pagpapanood ng dulang pampelikula na pinamagatang “A Little Thing Called Love”

Mahalagang Tanong:

♣ Paano tayo magiging larawan ng pag-ibig ni Kristo sa pamilya, kapwa, at lipunan? TP4.1

Gawain 4: Mga Gabay na Tanong: 1. Bakit napakahalaga kay Nam na mag-aral ng mabuti at maging pinakamagaling sa

klase? 2. Bakit hiniwalayan ni Nam ang kaibigan ni Shone kahit mahal na mahal siya nito? 3. Paano nagkaroon ng lakas ng loob si Nam na aminin ang kaniyang pag-ibig kay

Shone? HULYO 25-29

UNANG PAGKIKITA Gawain 1: Pagganyak

- Pagpapakita ng iba’t ibang datos batay sa mga saliksik na makapupukaw sa atensyon ng mga mag-aaral Hal:

Jakarta ay tinatawag ding “The Big Durian”

Si Adolf Hitler ay naging nominado sa “Nobel Peace Prize”

97% sa mga tao na bibigyan ng bagong ballpen ang isinusulat ay pangalan nila

Hang Son Doong ang pinakamalaking kweba sa mundo. Sa loob nito ay may dalawang gubat at mga ulap.

Sa paggising mo ikaw ay mas matangkad ng 1cm kaysa bago ka matulog.

Sa North Korea ang gumagamit lamang ng internet ay 605 katao (0.00%)

Page 27: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 3

Gawain 2: Paglalahad ng Mahalagang Tanong Paano makatutulong sa iyong pakikipagtalastasan ang kahusayan sa paggamit ng ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon? TP5.3 Gawain 3: Pagtalakay

- Mga paraan sa pagpapahayag ng opinyon at katotohanan Gawain 4: Pagsasanay Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon.

1. Sa palagay ko taon – taon ay napakaraming OFW na nagtutungo sa bansang Hapon. 2. Ang DOLE ay ang nangangalaga ng kapakanan ng mga OFW. 3. Ang ASEAN 2015 ang susi upang matapos na ang kahirapan sa Asya. 4. Marahil ay matatapos lamang ang diskriminasyon kung ang lahat ay matututong gumalang sa

karapatan pantao ng lahat. 5. Sa Asya 80 – 90 % ng mga tao ay nakatira sa pook rural.

Gawain 5: Pagpapahayag Gamit ang mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon Diad Panuto: Magpahayag ng katotohanan at opinyon batay sa mga sumusunod na larawan. Ang unang kapareha ay katotohananat ang ikalawa ay opinyon. Sa susunod na larawan ay magpapalitan naman ang magkapareha. Gawain 6: Pagsasaliksik (WIKI, Google, yahoo, atbp.)

- Magsaliksik sa iba’t ibat site ukol sa mga napapanahong isyu sa Timog-Silangang Asya. Bumuo ng 5 katotohanan at 5 opinyon ukol dito. Hal.

Gawain 1: Mapa ng Pagbabago ng Konsepto - Pagsagot sa bahaging W ng K-W-H-+ upang malaman ang pinagyamang kasagutan ng

mga mag-aaral sa mahalagang tanong. Mahalagang Tanong:

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya partikular sa kanilang mga dulang pampelikula sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2

K W H

Pang-ugnay na Pahayag: Bahagi na ng buhay ng tao ang makarinig o makakuha ng mga impormasyon, kaalaman at iba pa. kaya marapat lamang na maging maingat sa pagpili at pagtanggap ng mga ito.

Page 28: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 4

IKALAWA - IKATLONG PAGKIKITA Gawain 1: Panimulang Gawain

- Pagkakaroon ng maikling diskusyon at pagpapaliwanag tungkol sa “Meteor Garden”.

Gawain 2: Panonood ng isang dulang pantelebisyon na pinamagatang “Meteor Garden”. - Panimulang katanungan: “Bakit mahirap aminin sa isang iniibig ang iyong pagmamahal?”

- Pagpapanood ng isang episode ng dulang pantelebisyon na pinamagatang “Meteor Garden”.

Mga Gabay na Tanong: 1. Bakit mahalaga na ipagtanggol ang isang kaibigansa pang-aapi ng ibang tao? 2. Paano naipakita ni Shan Cai ang pagpapahalaga sa kaibigan?

3. Paano ipinaglaban ni Hua Ze Lei ang kanyang pagmamahal kay Shan Cai.

A. Integrasyon sa Pagpahalaga:

1. Paano naging mahalaga ang pakikipaglaban para sa iyong mga karapatang pantao?

2. Paano ang magagandang pamamaraan upang maipaglaban at maprotektahan ang iyong minamahal?

3. Sa paanong paraan naging makabuluhan ipaglaban ang sariling karapatang pantao at pagmamahal?

Gawain 3: Malalimang Pagsusuri

Pagsagot sa Gabay na Tanong

A. Suriin ninyo ang pagkakagawa ng dulang pantelebisyon batay sa:

1. Pagganap ng tauhan.

2. Kaangkupan ng tagpuan sa pagpapakita ng nangyayari sa dulang pantelebisyon.

3. Paggamit ng tunog at musika para mapalutang ang damdamin.

4. Presentasyon ng mga pangyayari.

Gawain 4: Mapa ng Pagbabago ng Konsepto

- Pagsagot sa bahaging R ng K-W-H-+ upang mataya ang pag-unald sa kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa paksa.

Gabay na Tanong: - Ano – ano ang inyong mga nalalaman ukol sa iba’t ibang bansa sa Asya lalo na ukol sa

kanilang panitikan? Mahalagang Tanong:

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya partikular sa kanilang mga dulang pampelikula sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2

I R F

Page 29: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

Gawain 5: Pagtataya

Bilang 1: Diad

- Nagsimula ang hidwaan ng Pilipinas at Taiwan mula nang napabalitang mabaril ang isang Taiwanese na mangingisda. Humanap ng kapares at sumulat sa kalahating papel kung dapat ba o hindi dapat gumanti ng Pilipinas sa paninira ng Taiwan. Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng hindi bababa sa limang ebidensiya/rason para sa napili ninyong sagot. pangungusap.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit mahalaga ang pananampalataya at pagtawag sa Diyos sa araw-araw na buhay?

2. Paano mo mapaparamdam sa iyong kapwa na napakahalaga niya sa mundo?

IKAAPAT NA PAGKIKITA Ikatlong Maikling Pagsusulit

K - 5 P - 5 U - 5

AGOSTO 1- 5

UNA - IKAAPAT NA PAGKIKITA Gawain 1: Pagganyak LAF (List All Factors) / Tetrads

- Pagbibigay ng 5 minuto para sa bawat pangkat upang manaliksik ukol sa sumusunod na babae na gumawa ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng kanilang bansa. Prinsesa Urduja Emperatris Seondeok Murasaki Shikibu

Gawain 2: Maikling diskusyon at pagpapaliwanag tungkol sa dulang pantelebisyon sa Pilipinas. • Maikling impormasyon tungkol sa “Amaya”.

A. Panonood ng isang dulang pantelebisyon na pinamagatang “Amaya”.

1. Panimulang katanungan: “Bakit marami ang naniniwala sa mga hula at propesiya?”

2. Pagpapanood ng isang episode ng dulang pantelebisyon na pinamagatang “Amaya”.

Page 30: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

B. Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit mahalaga na huwag mahalin ng lubusan ang kapangyarihan?

2. Kung ikaw ang nasa posisyon ni Rajah Mangubat, paano ang mas magandang paraan na maaari mong gawin kapag nakarinig ka ng propesiya o hula na laban sa iyo?

3. Paano ipinakita ng nanay ni Amaya ang katapangan at tibay ng loob?

C. Malayang talakayan sa kultura, gawi at paniniwala sa Filipinas.

1. Paano kaya nakakakuha ng mga produkto ang mga Pilipino mula sa ibang bansa noong panahon bago dumating ang mga Kastila?

2. Bakit kaya hanggang sa kasalukuyan, naniniwala ang mga Pilipino sa paniniwalang “animismo”?

3. Kautusan ng Komisyon ng Wikang Filipino na ibalik ang paggamit ng “Filipinas” imbes na “Pilipinas”.

D. Integrasyon sa Pagpahalaga:

1. Bakit walang maibubunga ang paghihiganti sa iyong kapwa?

2. Paano mo maipapakita ang pagbibigay ng mas malaking importansya sa pamilya kaysa sa kapangyarihan?

Gawain 3: Interaksyon

A. Pagsagot sa Gabay na Tanong

B. Sa paanong paraan mas maipapamalas ang pagmamahal sa kapwa tao?

C. Talasalitaan

D. Suriin ninyo ang pagkakagawa ng dulang pantelebisyon batay sa:

1. Pagganap ng tauhan.

2. Kaangkupan ng tagpuan sa pagpapakita ng nangyayari sa dulang pantelebisyon.

3. Paggamit ng tunog at musika para mapalutang ang damdamin.

4. Presentasyon ng mga pangyayari.

Gawain 4: Pagtataya

• Round Robin Debate

• Gamit ang naunawaan mula sa kapasiyahang ibalik ang paggamit ng Pilipinas, magsasagawa ang buong klase ng round robin debate kung saan pipili ng panig ang bawat estudyante at sasambitin ito kapag sila ay napiling magsalita. Dapat mabigyang paliwanag at patunay ng estudyante ang napili niyang panig sa usapang ito.

A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit walang maibubungang maganda ang paghihiganti sa iyong kapwa?

2. Paano mo maipapakita ang pagbibigay ng mas malaking importansya sa pamilya kaysa sa kapangyarihan?

Page 31: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 2

I. Takda

• Ihanda ang mga sumusunod:

a. Kagamitang gagamitin sa pagbuo ng maikling dulang pampelikulang Asyano;

b. Pinal na iskrip.

AGOSTO 8- 31

Gawain 1: Mapa ng Pagbabago ng Konsepto - Pagsagot sa bahaging H ng K-W-H-+ upang malaman ang pinal na kasagutan ng mga

mag-aaral sa mahalagang tanong. Mahalagang Tanong:

♣ Paano nakaaapekto ang mga kaisipang nakapaloob sa Panitikan ng Asya partikular sa kanilang mga dulang pampelikula sa mga kasalukuyang interaksyong global, kultural, politikal, ekonomikal, sosyolohikal, at pangkalikasan nating mga Pilipino? – OA1

♣ Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng pang-aaral ng gramatika/retorika? – OA2

Gawain 2: Pagsasanay sa Pagsulat ng Iskrip Bigyang Tinig

- Pagpapanood ng maikling palabas na walang boses o sound - Pangkatang pagbuo ng iskrip para sa video na walang tinig.

Gawain 3: Pagsulat ng Panimulang Iskrip AGOSTO 16 – 19 – Culminating Unit Assessment Gawain 4: Pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap

AsyaDULA: Masining na Pagtatampok ng Kulturang Asyano sa Pamamagitan ng Dulang Pampelikula

Kaalinsabay ng globalisasyon ay ang pagliit ng malawak na mundong ginagalawan ng mga kabataan. Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya ay nagiging madali sa lahat na tuklasin ang uri ng lipunang

kinabibilangan ng ibang lahi at ang kulturang nakapaloob dito. Kaya naman ikaw bilang isang direktor at mamamayan hindi lamang ng Pilipinas ngunit ng buong Asya ay naglalayong mabatid ang mga kabataan sa kasalukuyan ang mayamang kultura ng kontinente upang kanilang maging gabay sa maaaring magiging pakikisalamuha sa mga ito at makapulot ng mabubuting gawi at asal ng

mga naninirahan dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang dulang pampelikula

K W H

Page 32: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULEcylomeceriola.weebly.com/.../77732508/ay16-17...1_.pdf · gramatika/retorika. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas

Bb. Ceriola FILIPINO 9 PAHINA 3

Sanggunian: Baisa- Julian, Ailene. et al. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2016 Malirong, Marry Arr. et al.Hiyas ng Lahi . Quezon City: Vibal Group Inc., 2014 Mangahis, Josefina. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: C & E Publishing Inc., 2008 Websites: Sanaysay http://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-9-filipino-learners-module