18
Pagbisita ni Rizal sa Estados Unidos, 1888 Kabanata 13 Tatalakayin nina: Girlie, Ara at Danica

KABANATA 13 (Part 1) - RIZAL

Embed Size (px)

Citation preview

Pagbisita ni Rizal sa Estados Unidos, 1888

Kabanata 13

Tatalakayin nina: Girlie, Ara at Danica

Abril 28, 1888 – unang nakita ni Rizal ang Amerika

Ang pagdating niya sa dakilang bansa na ito ay nabahiran ng di makatuwirang pagtrato sa mga lahi dahil nakita niya ang masamang pagtrato sa mga Tsino at Negro ng mga puting Amerikano.

Mula sa kanyang mga tala at mga sulat sa kaibigan, makikita ang impresyon niya sa Amerika, karamihan ay di maganda ngunit mga katotohanan.

Pagdating sa San Fransisco

Belgic - barkong lulan ni Rizal na dumaong noong Sabado ng umaga, Abril 28, 1888.

Hindi pinayagang bumaba ng barko ang lahat ng pasahero. Ikinuwarentenas ng mga Amerikanong awtoridad sa dahilang pangkalusugan, ang barko dahil nagmula ito sa Dulong Silangan kung saan di umano’y may epidemya ng kolera.

Nakiisa si Rizal sa pagproprotesta ng ibang pasahero laban sa di makatuwirang utos ng mga awtoridad sa kalusugan.

Binigyan ng pahintulot ng Amerikanong konsul sa Japan ang barko; gayundin ang Ingles na Gobernador ng Hong Kong ay nagpatunay na walang epidemya ng kolera sa Tsina.

Natuklasan niya na ang dahilan ng pagkukuwarentenas sa barko ay may kinalaman sa pulitika.

643 Tsinong coolie – lulan ng barko.

Nang panahon na iyon, tutol ang publiko sa murang halaga ng paggawa ng mga coolie dahil nawawalan ng mga trabaho ang mga puting manggagawa sa konstruksiyon ng daang-bakal at ipinagpalit sa kanila’y mga Tsinong coolie.

Para makuha ang mga boto ng mga Puti sa California, ipinagpaliban ng administrasyon ang pagpasok ng mga Tsinong coolie

Napuna ni Rizal na hinahayaan namang ibaba sa barko nang di napauusukan ang paldo-paldo ng mamahaling sedang Tsino, nakababa rin ang doktor ng barko nang walang nagproprotestang opisyal ng kalusugan, at mga empleyado ng adwana ay ilang beses na umaakyat sa barkong diumano’y may dalang mikrobyong sanhi ng kolera.

Pagkaraan ng isang linggo ng pagkukuwarentenas, lahat ng pasahero sa primera klase, kasama na si Rizal, ay pinayagang bumaba ng barko. Ngunit ang mga pasaherong Hapon at Tsinong nasa akomodasyong segunda at tersera klase ay inilagay sa kuwarentenas ng mas matagal na panahon.

Si Rizal sa San Fransisco

Mayo 4, 1888 – Biyernes ng hapon, ang araw nang payagan si Rizal na makababa ng barko, nagparehistro si Rizal sa Otel Palace, na noong panahon na iyo’y tinuturing na primera klaseng otel ng lungsod.

Isinulat niya sa kanyang talaarawan:Tumuloy ako sa Otel Palace; $4 isang araw na may kasamang paliguan at lahat-lahat na. Kalyeng Stockton, 312. Nakita ko ang Golden Gate... Noong Linggo, lahat ng tindahan ay sarado. Ang pinakamagandang kalye sa San Fransisco ay ang Kalye Market.

Otel Palac

e

Kalyeng Stockton

Kalye

Market

Leland Stanford - isang

milyonaryong senador na siyang kinatawan ng California sa Senado ng Estado Unidos

- tagapagtatag at tagapagtustos ng Unibersidad ng Stanford sa Palo Alto, California.

Mga nabanggit ni Rizal sa kanyang talaarawan:

Kalye Dupont – nasa

Chinatown na ngayo’y Abenida

Grant

Mayo 4 – Mayo 6, 1888

- tumigil si Rizal sa San Fransisco.

Ang Pangulo ng Estados Unidos noo’y si Grover Cleveland.