Tinig ng Kabataang Makabayan (Anakbayan Official Publication) June 2014

Embed Size (px)

DESCRIPTION

This issue tackles EDCA, Anakbayan 7th congress, EARIST fight, pork barrel and corruption

Text of Tinig ng Kabataang Makabayan (Anakbayan Official Publication) June 2014

  • 1TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014

  • 2 HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Tumindig laban sa Enhanced Defense Cooperation Agreement! Palayasin ang baseng militar ng US!

    Ang EDCA ay paspas na pinirmahan ng rehimeng US-Aquino para iregalo sa Pangulo ng US na si Barack Obama sa pagdating nito sa bansa noong Abril 28. Napakatinding paglabag nito sa soberenya ng bansa at konstitusyon ng Pilipinas. Binaliktad nito ang pagpapalayas na ginawa ng mamamayan sa baseng militar ng US noong 1991.

    Unlimited at eternal na base

    Kung tutuusin, mas masahol pa ito sa naunang kasunduang base militar sa US. Walang limitasyon at walang taning ang pagbabase ng Amerika sa EDCA na tatagal ng sampung taon o lagpas pa: kung hanggang kailan naisin ng US.

    Papahintulutan ng EDCA ang US na magtayo ng mga pasilidad sa Manila, Clark, Palawan, Cebu, Nueva Ecija, La Union o kung saan man pagkasunduan o kailanganin ng US. Ang mga base ay gagamitin ng libre at walang babayarang upa o buwis. Kung tutuusin, gagastusan pa ng Pilipinas ang mga pasilidad ng Amerikano at guguwardyahan pa ang mga ito.

    Pinapayagan ng kasunduang ito na magpasok ng kahit gaano karaming tropang US sa buong bansa. Binibigyan din ng karapatan na makapasok maging ang mga pribadong kontratista sa seguridad gaya ng Academi (dating Blackwater) at Glenn Defense Marine Asia (GDMA) na kilala sa mga kalupitan na ginawa habang pinagsisilbihan ang US (Hal. ang Blackwater ay kilala sa kalupitan na ginawa nito sa Iraq, Afghanistan, at Pakistan).

    Pakunwaring isinasaad sa EDCA na di ipapasok sa bansa ang mga armas nukleyar. Pero wala namang paraang malaman kung ano ang mga ipinapasok na kagamitan ng mga sundalong Kano. Di rin saklaw ang mga non-prepositional na nuclear weapons, halimbawa mga sasakyang pang hipapawid, pang lupa, at pangdagat na kayang magdala o armasan ng missles o armas nukleyar, matagal nang pasok-labas sa bansa.

    Sa ilalim ng EDCA, hindi maaring kasuhan sa korte ng Pilipinas o maging ng kahit anong internasyunal na korte o institusyon ang mga tropa ng US, kung hindi ito muna mapagkasunduan. Samakatuwid,

    Tinatawagan ang lahat ng kabataan at mga nagmamahal sa bayan na labanan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagbabalik sa mga baseng militar ng Amerikano sa bansa.

    di mananagot sa anumang krimen ang mga sundalong Amerikano sa bansa.

    Pinopormalisa ng kasunduan ang dati nang ginagawang pagbabase ng Amerika halimbawa sa US Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P) sa headquarters nito sa Camp Navarro sa Zamboanga City. Base na ito ng US noon pang 2003, kunwariy sa hurisdiksyon ng Pilipinas, pero di maaaring makapasok ang mga Pilipino dito.

    Ang EDCA tumatalima sa plano ng US na pivot o pagpihit nito sa Asya matapos ang digmang agresyon sa Iraq at Afghanistan. Nais ng US na higit na mapalakas ang pang-ekonomiko, pang militar at geopulitikal na interes nito sa Asya-Pasipiko at ilagak ang halos kalahati ng tropa nito sa Asya.

    Sa Pilipinas, kunwariy nagrorotasyon pero nasa 3000 hanggang 4000 na tropang Amerikano ang nagpapasok-labas sa bansa. Paparami rin ang mga dumadaong na barko at mga eroplano. Kamakailan, nababalitang may mga drone na inooperate sa bansa para sa operasyon ng tropang Amerikano.

  • 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014

    Edukasyong Noynoy:Labanan ang pagsahol ng krisis ng

    edukasyon sa ilalim ni Aquino

    Layon nitong higit pang pababain ang halaga ng sahod, lalong itali ang bayan sa pagkaalipin sa dayuhang kapital at lalong ilubog sa kahirapan at kawalang-kinabukasan ang kabataan at mamamayan.

    Sa kabila ng lumalaking mga kakulangan sa klasrum, guro, libro at pasilidad, pinagpipilitan ng gubyernong Aquino ang pagpapatupad ng programang K-12. Ang pagdadagdag ng taon na atas ng International Monetary Fund at World Bank (IMF-WB) ay maglulubog sa mas maraming kabataan sa dagat ng disempleyo at magpapababa ng halaga ng sahod para higit na gawin silang kaaya-aya para sa dayuhang kapital.

    Walang makabuluhang dagdag-pondo na ilalaan sa dagdag-taon kaya tiyak na sasahol pa ang mga kakulangan sa pampublikong paaralan. Itinutulak ng gubyerno ang pribitisasyon maging ng elementarya at high school. Sa halip na pondohan ang mga pampublikong paaralan, binibigyan nito ng subsidyo ang mga pribadong paaralan sa pamamagitan ng mga programa gaya ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) at sa voucher plan para K-12 na aabot sa mahigit P19 bilyon.

    Tinanggihan ni Aquino ang panawagan para itaas ang sahod ng mga guro at itinotodo ang rasyunalisasyon at layoffs sa mga kawani sa pampublikong paaralan. Kung ano-anong palusot at pakulo ang ginagawa ng DepEd para pagtakpan ang mga kakulangan sa paaralan. Aabot pa rin sa hindi bababa sa 130,000 ang kakulangan sa guro at 100,000 kulang na klasrum sa buong bansa.

    Sa K-12, sinasabi rin ni Aquino na di na para sa lahat ang pagkokolehiyo kayat lalo pa nitong patitindihin ang drop-outs at out of school na umaabot sa higit kalahati ng kabataang dapat nasa paaralaan sa kasalukuyan. Sa 100 pumapasok sa elemtarya, nasa 14 lamang ang nakakatapos ng kolehiyo.

    Kasabay ng K-12, isinulong sa mga mayor na pamantasan ang academic calendar shift na nakaayon sa integrasyon ng ASEAN na naglalayong higit na patindihin ang mga patakaran ng liberalisasyon, pagragasa ng dayuhang kapital at pagsasamanatala sa murang lakas paggawa sa rehiyon. Lalo rin

    Walang kasing lala ang dinaranas na krisis ng sistema ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Aquino. Lubusang pinalulubha ng mga patakaran ni Aquino ang kolonyal, komersalisado at pasistang katangian ng edukasyong Pilipino. Nakabalangkas ito sa sagad-sagaring pagpapatupad ng mga sosyo-ekonomikong patakarang neoliberal, kontra-mamamayan at kontra kaunlaran sa atas ng imperyalistang amo nito.

    nitong pinatitindi ang kumersyalisasyon ng mga pamantasan: ginagawang kaakit-akit pangunahin sa dayuhang pondo ang mga kurso at eskwela.

    Samantala, tuloy-tuloy ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin. Sa kabila ng kabi-kabilang mga reklamo ng mga mag-aaral, inapruba ng Commission on Higher Education (CHED) ang taas-matrikula sa mahigit 350 na paaralan. Mahigit 1300 naman na paaralan ang inaprubahang magtaas ng matrikula ng DepEd sa mga elentarya at hayskul. Ito ay sa kabila ng samut-saring mga maanomalyang singilin sa mga mag-aaral at bilyong bilyong hinuhuthot ng malalaking mga kapitalista-edukador sa mga mag-aaral at magulang.

    Tuloy-tuloy din ang pagtataas ng matrikula at kumersyalisasyon sa mga pamantasan. Sa Unibersidad ng Pilipinas, todo-todo ang pagtataas ng mga bayarin at mga patakarang pipiga ng husto sa mga mag-aaral at magulang sa ilalim ng Socialized Tuition Scheme (STS). Itinutulak ni Aquino sa programa nito sa Roadmap for Philippine Higher Education Reforms (RPHER) ang todong kumersyalisasyon ng mga state universities and colleges sa bansa kasabay ng pagbabawas ng pondo para sa mga ito.

    Samantala, pinatitindi ang pasismo sa mga pamantasan para supilin ang progresibo at palabang diwa ng mga mag-aaral. Sa Eulogio Amang Rodriguez Institute for Science and Technology (EARIST), tinangkang pigilan mag-enrol ang mga lider mag-aaral na nanguna sa matagumpay na pagpapabasura sa iligal na bayarin. Patuloy na pinapatupad ang mga patakaran na sumisiil sa demokratikong karapatan at kalayaang pang-akademiko sa mga paaralan.

    Nasa mga kabataan, guro, mga magulang at mga kawani ng mga pamantasan ang lahat ng dahilan para labanan at panagutin si Aquino sa pagpapasahol nito ng krisis sa edukasyon. Dapat likhain ang papalaking unos ng paglaban para labanan ang mga makadayuhang patakaran sa edukasyon, papatinding komersyalisasyon, pagtaas ng matrikula at mapaniil na mga patakaran at katangian ng edukasyon. Dapat ilunsad ang mga welga sa pamantasan, walk-out at boykoteo para patalsikin ang salot na rehimeng US-Aquino.

    Kung tutuusin, ginagawa ng EDCA na isang malaking base militar ng US o hindi lumulubog na aircraft carrier sa Timog Silangang Asya ang Pilipinas.

    Tanikala ng pagkaalipin

    Sa pagdami ng tropa ng US sa Pilipinas, lalong tataas ang bilang ng prostitusyon, rape, pamamaslang, at pagsira sa kalikasan.

    Ipinapangako ni Aquino na sa pamamagitan ng kooperasyon, ay tataas ang ating kakayanan na ipagtanggol ang sarili. Pero pinasusubalian ito ng 44 taong may base militar ng US sa bansa at Visiting Forces Agreement walang nakuha ang bansa kundi mga ukay-ukay na gamit ng US at mas matinding pagsasamantala.

    Isinasangkalan nila ang pagaaway ng Pilipinas sa Tsina para bigyang matwid ang base militar ng US, pero mismong US ang nagsabi na hindi ito obligado na tulungan ang Pilipinas. Sa pagbisita mismo ni Obama sa bansa, sinabi nito na wala itong balak na digmain ang Tsina lalo nat partner nila ito sa negosyo at pinagkakautangan.

    Sa kabilang banda, nakasalang pa tayo sa pahamak sa posibleng mga alitan ng US sa Tsina man o ibang bayan bilang first line of defense.

    Iniinsulto pa ng gubyerno ang mga biktima ng Yolanda sa pagsasabing sa ilalim daw ng EDCA magkakaroon ng disaster preparedness at relief operations. Ang pagkukunwari ng US bilang tagapagligtas habang pananakop naman talaga ang layunin ay ginawa na nila nung una palang nila tayong sakupin.

    Katambal ng EDCA ang pagtutulak sa ng pagpapasa sa Charter Change (Cha-cha). Rekisito ng US sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA) nito ang Cha-cha para tiyakin ang mas malayang pananalasa ng kapital sa bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng bansa sa 100% pag-aari ng dayuhan.

    Nararapat tumidig ang kabataan at mamamayan laban sa tumitinding panghihimasok ng US. Dapat buhayin ang kaisipang patriyotiko sa malawak na masa, at pukawin ang patriyotikong diwa at kagustuhang ipagtanggol ang soberanya at tunay na kalayaan ng bansa.

    Ilunsad ang malaking mga pagkilos: walk-out, martsa, boykotea laban sa EDCA, cha-cha at tumitinding pagsasamantala ng imperyalismo at pagyurak sa pambansang soberenya. Dapat panagutin ang rehimeng Aquino sa pagtataksil nito sa bayan at sagad-sagaring pagpapakatuta sa dayuhan.

  • 4 HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Sulong sa makasaysayangpaglakas, paglawak at paglaban!*

    Bilang pangunahing progresibong organisasyon ng kabataan, kritikal ang papel ng Anakbayan sa pagmomobilisa ng kabataan at buong sambayanan sa nagaganap na malalaking labanan kaugnay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at rebalancing ng US sa Asia, free trade chacha at panibagong opensiba ng imperyalistang globalisasyon, korupsyon at pork barrel, rehabilitasyon pagkalipas ng Yolanda, kabiguan ng reporma sa lupa, tumitindi pang militarisasyon at pasismo ng Oplan Bayanihan, at paglaban at pagpapatalsik sa papet at reaksyunaryong rehimeng US-Aquino.

    *Mensahe sa mula kay Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon sa Ika-7 Pambansang Kongreso ng Anakbayan, 10 May 2014

    Ang mga ito ay bumubuo ng istorikong komprontasyong nakataya ang kinabukasan ng bansa at bayan. Lahat ng makabuluhang pwersang pulitikal at makauri ay obligadong humanay at tumindig nang malinaw sa mga labanang ito. Ang tatakbuhin at ibubunga ng mga labanang ito ay iimpluwensya nang malaki sa sitwasyon at mga relasyon ng mga pwersa sa darating pang mga taon.

    Tampok na nagtutulak ng malakihang banggaan ang EDCA na pailalim na pinirmahan ng gobyernong US at papet na rehimeng Aquino. Layon ng EDCA na ibukas ang teritoryo ng bansa sa prepositioning, mga maniobra at mga operasyon ng mga tropa, barko at eroplanong pandigma at iba pang kagamitang militar ng US para maging pangunahing outpost ng pivot/rebalance ng US sa Asia. Nagsabwatan ang amo at papet para labagin ang Konstitusyon, soberanya at teritoryal na integridad ng bansa at ibalik ang pagbabaseng militar ng US. Sinasagkahan ang alitan sa South China Sea laban sa Tsina para bigyang-matwid ang walang kahihiyang pangangayupapa sa Imperyalistang US.

    Kasabay din ang panibagong tulak ng denasyunalisasyon, free trade globalization at mas maigting pang pagpiga sa yamang likas at paggawa ng bansa. Ipinipilit ang chacha para alisin ang natitira pang mga legal na sagka sa dayuhang pagkontrol at pag-aari sa mga lupain, katubigan, mina at lahat ng tipo ng negosyo. Ang atrasadong kalagayan ng ekonomya ay tinutukoy na dahilan para ibigay ang lahat ng pang-eengganyo sa dayuhang pamumuhunan kabilang ang sagad na paghuthot sa murang lakas paggawa at pangangamkam sa mga mgsasaka, minorya at iba pang maliit.

    Samantala, ang labis na pagkabulok ng estadong papet ay pinatitingkad lalo ng walang patumanggang pangungulimbat at kurupsyon sa pork barrel ng mga mambabatas. Garapal na namamayani sa sentro ng reaksyunaryong kapangyarihan ang kasakiman, imoralidad at kawalan ng pakundangan sa kapakanan

    ng bansa at mamamayan.

    Upang pwersahang pasunurin ang mamamayan at supilin ang mga lumalaban, lalong pinaiigting ang militarisasyon at pasismo ng Oplan Bayanihan. Isinasailalim sa terorismo at bata-batalyon at briga-brigadang pwersa ng AFP ang buo-buong mga baryo, bayan at probinsiya sa ibat ibang panig ng bansa. Laganap ang ilegal na pag-aresto, ilegal na paghalughog, tortyur, pagdukot at targeted na pamamaslang sa mga rebolusyoanryo, gayundin sa mga lider at aktibista ng mga organisasyong bayan.

    Papalawak at papatindi ang diskuntento ng masa ng sambayanan sa papet, reaksyunaryo at bulok na paghahari ng rehimeng Aquino. Ang mga pagtatakip at pagtatambol ng corporate media ay nawawalan ng bisa habang lumalaon at hindi na maitago ang patuloy na pagsahol ng pamumuhay. Higit ding natatambad at tumitindi ang mga paksyunal na pagkakahati-hati at alitan sa loob ng naghaharing reaksyunaryong paksyon at sa hanay ng mga reaksyunaryo sa kabuuan.

    Tungkulin ng mga progresibong pwersa na pamunuan at pangunahan ang pagpapalawak at pagpapalakas ng mga pakikibakang bayan laban sa anti nasyunal, anti mamamayan at anti demokratikong mga pakana at paghahari ng imperyalismong US at lokal na papet na malalaking kumprador-asendero-burukrata, dapat mapangahas na abutin ang milyun-milyong mamamayan, buuin ang pinakamalawak na pambansang nagkakaisang hanay, at isulong ang pukpukang pakikipaglaban sa ibat ibang larangan. Ang progresibong kabataan ay dapat matatag na magmartsa sa unahan ng pambansang hanay na ito. Dapat palakasin ang sariling hanay at humanda sa ubos-kayang pakikipaglaban.

    Ang kilusang kabataan ay batayang kilusang masa sa kalunsuran at kanayunan. Pangunahing bahagi, isang haligi ito ng bawat kilusan, alyansa o pag-oorganisa na naglalayong buo at solidong masaklaw ang

    isang lokalidad, probinsya o buong bansa. Esensyal ang tuluy-tuloy at sistematikong gawaing pampulitika sa hanay ng kabataan laluna para sa kilusang naglalayon ng pundamental na pagbabago ng lipunan at nakahanda sa puspusan at matagalang pakikibaka sa lahat ng larangan para makamit ito.

    Ang progresibong kilusang kabataan, ang Anakbayan sa partikular, ay dapat maging tagapagtanggol ng buong bansa at buong sambayanan. Ang kabataan bilang isang sektor ng lipunan ay may mga partikular na isyu at interes. Pero ang progresibong kilusang kabataan ay makatutupad ng akmang tungkulin nito at magiging epektibo at makabuluhang pwersa lamang kung mulat na maninindigan para sa buong bansa at buong sambayanan at ilalagay ang sarili sa unahan ng pakikibaka ng bansa at sambayanan habang pinaguukulan ng karampatang pansin ang mga partikular na sektoral na isyu at interes ng kabataan.

    Alinsunod dito, ang progresibong kilusang kabataan ay dapat magpanatili ng pinakamahigpit, di-mapuputol at sari-saring kuneksyon sa kilusang manggagawa at magsasaka. Ang kabataang manggagawa at kabataang magsasaka ang bumubo ng lawak at lalim ng kilusang kabataan sa mga komunidad, baryo at pabrika.

    Higit pa, ang progresibong kilusang kabataan ay dapat palaging mag-ukol ng partikular na pansin sa pagsapol at pagtataguyod sa tamang pambansa-demokratikong linyang pampulitika. Dapat matamang asikasuhin ang gawaing propaganda at gawaing pampulitika sa hanay ng kabataan at sambayanan sa kabuuan upang patuloy na mapataas ang kanilang pampulitikang kamulatan at praktika.

    Dapat ding bigyang-prayoridad ang edukayson sa rebolusyonaryong teorya. Dapat engganyuhin, gabayan at organisahin ang pag-aaral sa rebolusyonaryong teorya ng mga kabataang interesado at may kakayahang

  • 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014

    Sulong sa makasaysayangpaglakas, paglawak at paglaban!*

    mag-aral sa teorya. Dapat may sistematikong mga kolektibo at indibidwal na pag-aaral sa teorya (mga kurso at programa sa pagbabasa, mga porum at publikasyon) upang mapataas ang antas sa teorya ng progresibong kilusang kabataan, at magsanay ng malaking bilang ng mga kabataang kadre na mahusay ang sapol sa teorya at may kakayahang makitunggali sa mga ideolohiyang reaksyunaryo, papet, repormista, rebisyunista at oportunista. Kailangan ito para maging epektibong pangunahing pwersa sila sa progresibong kilusang propaganda at pangkultura.

    Ang kilusang estudyante ay may ispesyal na lugar sa progresibong kilusang kabataan dahil sa konsentrasyon ng kabataan sa mga eskwelahan at natatanging papel ng kabataang estudyante sa kilusang propaganda at pangkalahatang kilusang bayan sa kalunsuran. Tamang bigyang prayoridad ang gawaing pampulitika sa mga eskwelahan. Hindi rin problema kung sa maraming sentrong lungsod ay mas nauuna ang pag-oorganisa sa mga kabataang estudyante kaysa sa mga kabataan sa komunidad. Karaniwang ang lakas ng naipundar sa mga eskwelahan ang nagsisilbing binhi para sa pagpapalawak sa mga kabataan sa kalapit na mga komunidad, baryo at pabrika.

    Mulat ang Anakbayan sa mahigpit na pangangailangang magpalawak at magpalakas

    sa organisasyon. Maliit at limitado

    pa ang ilampung libong kasapian ng Anakbayan kung ihahambing sa milyun-milyung kabataang dapat pang maabot, maorganisa at maimpluwensiyahan. Matagal na ring natukoy ang problema sa pagpapalawak, pagpapalakas at pagsusustini ng mga balangay. Inaasahang ang paglalagom ng mga karanasan dito ay magbubunga ng mas mahusay at mas mabilis na mga resulta.

    Para maging makapangyarihang kilusan, ang progresibong kilusang kabataan ay kinakailangang magpaunlad ng maraming baseng eskwelahan, komunidad, baryo at pabrika. Ang pag-unlad mula pag-ugnay at pagpapalawak tungong baseng lakas ng isang saklaw ay kailangan ng mapangahas at pagkamapanlikha at kahandaan sa kumplikado at mahirap na proseso ng pagpapalakas sa mga progresibong pwersa, pagbigo sa mga atake at panunupil ng mga reaksyunaryo at pasista, at pagkabig sa mga panggitna. Kailangan ang masklaw at malayong pananaw, gayundin ang optimismo, sipag at pagbibigay-pansin sa mga detalye. Kailangang matutong umabante nang hakbang-hakbang, ngunit may pananaw sa mabilis na pagsaklaw sa malawak, magpakahusay sa isang yugto upang palitawin ang mga pwersa at kundisyong paborable sa pagsulong sa susunod na mas mataas na yugto. Magpalawak batay sa konsolidasyon. Magpalawak para makapagkonsolida at magkonsolida para makapagpalawak nang mas mabilis at mas masaklaw. Huwag mag-asam at huwag umasa sa mga pag-

    abanteng hindi pinaghirapan habang handang sumunggab sa mga paborableng sitwasyon para mapabilis ang pagsulong.

    Ang mga anyo ng pagkilos at mga anyo ng organisasyon ay kinakailangang ilapat nang maigi sa mga aktwal na kundisyon at maging lubhang pleksible at nag-iiba-iba laluna sa harap ng tumitinding panunupil at pasismo. Ang AnakBayan ay dapat ikumbina sa iba pang anyo ng mga organisasyon ng mga relatibong sulong na seksyon. Ang mga relatibong sulong na organisasyon ay dapat magbuo ng pinakamalawak at sari-saring eksternal na kuneksyon para maugnayan, maabot at masapol ang tunay na malawak na masang iba-iba ang antas ng kamulatan, praktika at kahandaan.

    Mabigat na tungkulin ang pagsusulong ng progresibong kilusang kabataan. Pero sa pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap at paulit-ulit na paglalagom at pagkakatuto sa mga karanasang positibo at negatibo, tiyak na aabante, lalong lalaki at lalakas ang AnakBayan at progresibong kilusang kabataan.

    MABUHAY ANG ANAKBAYAN!MABUHAY ANG KABATAANG PILIPINO!ISULONG ANG PAMBANSA-DEMOKRATIKONG PAKIKIBAKA HANGGANG TAGUMPAY!

  • 6 HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ika-7 Pambansang Kongreso ng Anakbayan matagumpay na inilunsad Matagumpay na ginanap ang ika-7 Pambansang Kongreso ng Anakbayan noong Mayo 10-12, 2014 sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas, Manila.

    Ang tema at panawagan ng kongreso ay: Patalsikin ang tutang rehimeng Aquino! Biguin ang tumitinding atake ng imperyalismong US! Sulong sa makasaysayang paglakas, paglawak at paglaban!

    Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng mga balangay mula sa Cordillera, Baguio, Cagayan Valley, Metro Manila, Southern Tagalog, Panay, Capiz, Aklan, Southern Mindanao. Para sa mga sektor, dumalo ang mga kinatawan mula sa maralitang tagalungsod, migrante at kababaihan.

    Nagbigay ng susing talumpati sa Kongreso si Prop. Jose Ma. Sison. Nagpaabot din ng kanilang mensahe sina Benito Tiamzon at Wilma Austria. Sa unang araw ng Kongreso, tinalakay ni Rey Casambre, tagapagpanggulo ng ILPS-Philippines ang ng pandaigdigang sitwasyon at krisis ng imperyalisno; tinalakay naman ni Renato Reyes, tagapagpanggulo ng BAYAN ang pambansang sitwasyon; at ibinahagi ni Charisse Banez, dating Pangkalahatang Kalihin ng Anakbayan ang sitwasyon ng kabataan Pilipino. Nagtalakay din si Tonyo Cruz hinggil sa social media at papel nito sa paglaban.

    Sa pangalawa at pangatlong araw ng Pambansang Kongreso, tinalakay

    ang Pagtatasa ng Anakbayan (2011-2014), Konstitusyon ng Anakbayan, Oryentasyon ng Anakbayan (2014) at iba pang mga dokumento.

    Muling inihalal ng Kongreso si Vencer Crisostomo bilang Pambansang Tagapangulo ng Anakbayan, si Orion Yoshida ay inihalal bilang Pangalawang Pambansang Tagapangulo, si Jacqueline Eroles bilang Pambansang Pangkalahatang Kalihim, hinirang si Caloy Geraldino bilang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim, at si Aaron Castil bilang Pambansang Ingat-Yaman.

    Sa dalawang taong programa ng Kongreso, tinatanaw ng Anakbayan ang makasaysayang paglakas, paglawak at

    Titiyakin ng bayan namananagot ang Pork Barrel King

    Nitong mga nakaraan, lalong nalantad ang pananagutan ng gubyerno ni Aquino sa pagpapanatili ng pork barrel at pagtatakip sa mga kaso ng pagnanakaw sa gubyerno. Nabunyag na matagal nang alam ni Aquino ang mga listahan at kaso hinggil sa pork, kasama ang kanyang mga kaalyado at mga miyembro ng gabinete sa pangunguna ni Butch Abad, Proceso Alcala at mga susing lider ng Liberal Party ni Aquino.

    Gayundin, hindi inalis ni Aquino ang pork barrel sa kongreso at pinagtanggol pa ang sarili nitong panuhol na Disbursement Acceleration Program

    paglaban sa mga gawain nito upang pangunahan ang paglikha ng daluyong ng pagkilos ng mamamayan laban sa rehimeng Aquino.

    Tinatanaw ng Anakbayan ang papalaking pagpukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kabataan, mula ilang libo, tungong laksang bilang, mula ilampu hanggang daanlibo.

    Naglunsad din ang mga delegado ng martsa tungong Mendiola laban sa panghihimasok ng US sa Pilipinas at tumitinding krisis sa edukasyon. Matapos ang pagpaplano, isinagawa ang gabing pangkultura bilang pagsasara ng matagumpay na Kongreso.

    (DAP), habang nasa higit isang trilyon pa rin ng kabuuang badyet ang pondong lump-sum na direktang hawak ng pangulo. Samantala, patuloy namang pinagtatakpan ang mga kaso ng maanomalyang mga kontrata sa Public-Private Partnershipa at mga kickback ng mga kasapi ng gabinete nito, halimbawa, sa MRT.

    Umaasa si Aquino na sa pagsasampa ng mga kaso na nakatuon lamang sa mga kalaban nito sa pulitika, maililihis nito ang pagkamuhi ng taumbayan mula sa kanyang administrasyon at mapagtatakpan ang papel nito bilang pork barrel king.

    ` Ang malawak na galit ng mamamayan at mga protestang masa laban sa pork ay nagtulak ngayon sa gubyernong ni BS Aquino na magsampa ng mga kaso laban sa ilang senador at mga kasamahan nila sa pork barrel scam.

    Subalit buking na ang istilo ni Aquino na isangkalan ang mga kalaban nito sa pulitika para magpostura na anti-kurupsyon, habang patuloy naman ang gubyerno nito sa pangungulimbat sa kabang bayan. Malinaw na sa bayan na hindi seryoso si Aquino sa pagpapanagot sa mga kurakot, kahit nga ang kaso ni Gloria Macapagal Arroyo, ibinabasura na unti-unti ng gubyerno nito at binibigyan pa si Arroyo ng ispesyal na mga pribilehiyo.

    Nananawagan ang mamamayan na lahat ng sangkot, kabilang ang mga kaalyado ni Aquino at ang pork barrel king mismo, ay managot sa krimen nila sa bayan. Magtutuloy-tuloy at lalaki pa ang mga pagkilos para tiyaking makakamit ng bayan ang katarungan at makabuluhang pagbabago.

    Higit na lumalakas ang panawagan at pagnanais ng bayan na patalsikin si Aquino, ibagsak ang burukrata kapitalismo at baguhin ang bulok na sistemang kurap at kontra-mamamayan.

  • 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2014

    Nag-aambisyon si Aquino na sa pamamagitan ng karahasan, psy-ops at paglabag ng karapatan sa Oplan Bayanihan ay masusupil ang paglaban ng mamamayan laban sa bulok na mga patakaran ng kanyang rehimen at mapapasuko ang rebolusyunaryong paglaban ng mamamayan.

    Sentro ngayon ng pinaiigting na militarisasyon sa bansa ang Southern Mindanao, kasama ang Eastern Visayas, at Panay Island. Imbis na tugunan ang panawagan para sa relief at rehabilitasyon ng mga biktima ng Pablo at Yolanda, militarisasyon at paglabag ng karapatan ang sagot sa kanila ni Aquino.

    Sa Southern Mindanao Region (SMR), tinatayang humigit-kumulang

    Dapat labanan at biguin ang umiigting na militarisasyon at atake sa karapatan sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino.

    PATNUGUTANPUNONG PATNUGOT | Orion YoshidaMGA KAWANI | Vencer Crisostomo, Ina Nacario, James Relativo, Jaque ErolesPAGLALAPAT | Weng Monsale, Paolo Lorenzo, Edward Pastor

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,mag-email sa [email protected] | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

    10,000 sundalo ang itinalaga ng pamahalaan upang manmanan, bantayan at pigilin ang paglaban ng mamamayan. Higit na tumitindi ang paglabag sa karaatan at paniniil sa mamamayan rito. Mula 2010, 29 na ang pinaslang ng gubyerno sa SMR, kasama rito ang mga lider ng mga biktima ng bagyo.

    Ang mga mamamayan at katutubo sa Talaingod, Davao Del Norte ay patuloy na dinadahas ng 60th IBPA, 68th IBPA, at 4th Special Forces. Dahil sa militarisasyon, sapilitang lumikas ang tinatayang 1,700 mga taganayon, nawalan ng ikabubuhay.

    Kabi-kabila ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Kinubkob ng mga militar ang Salugpungan Ta Tanu

    Igkanugon Learning Center Inc. (STTILCI) at ginipit ang mga kaguruan nito. Isang nakatatandang kababaihan na si Ubunay Botod Manlaon ay pinagsamantalahan at inabuso ng militar. Ang Barangay Bagang at Laslasakan sa Palma Gil ay binomba ng mga sundalo.

    Takot, kaguluhan at kamatayan ang hatid ng Oplan Bayanihan sa mamamayan. Kapuri-puri at dapat suportahan ang paglaban ng mga taga-Talaingod at iba pang mga biktima ng militarisasyon para sa kanilang lupain at karapatang mabuhay ng mapayapa.

    Dapat managot ang rehimeng ito sa marahas at di-makataong sinapit ng mga biktima ng Oplan Bayanihan at lahat ng porma ng pandarahas sa buong bansa.

    Biguin ang tumitinding atake ng Oplan Bayanihan ni Aquino

  • 8 HUNYO 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ibalik ang 24 na lider-manggagawa ng NXPSCIWU! NXP at Aquino pagbayarin!

    Tagumpay ang laban ng mga mag-aaral ng EARIST Pinakamataas na pagpupugay ang pinapaabot ng Anakbayan sa mga mag-aaral ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) sa kanilang tagumpay laban sa iligal na mga bayarin at panunupil ng administrasyon.

    Nabigo ng mga mag-aaral ang tangkang pagpapatalsik sa mahigit 40 na mga lider matapos ang aksyon protesta at banta ng hunger strike na ikinasa sa unang araw ng klase.

    Naunang napigil ng walk-out ng mga mag-aaral ang paniningil ng P1000 development fee sa pamantasan.

    Libo-libo ang kumilos, lumabas sa klase at nanawagan na ibasura ang bayarin at ibalik ang siningil sa mga mag-aaral.

    Nagsagawa ng tuloy-tuloy na kilos

    Mariing kinukundena ng Anakbayan ang pagtatanggal sa 24 na lider-manggagawa ng NXP Semiconductors Company Workers Union (NXPSCIWU) noong nakaraang Mayo 5. Ang hakbanging ito ng NXP Semiconductors Incorporated ay walang batayan at malinaw na pagtapak sa mga demokratikong karapatan ng mga manggagawa.

    Tinanggal ng NXP Semi-conductors Incorporated ang 24 na lider ng unyon dahil sa di pagpasok ng mga ito sa mga araw ng Abril 9, 17, 18, at Mayo 1. Tinuring ng NXP ang hindi pagpasok ng mga manggagawa bilang porma ng iligal na welga. Ang mga nasabing araw ay pawang mga pista opisyal: Abril 9 ay Araw ng Kagitingan, Abril 17-18 ay Huwebes Santo at Biyernes Santo, at Mayo 1 ay Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Walang batayan ang paratang na iligal na welga dahil ang mga nasabing araw ay itinakda mismo ng pamahalaan bilang pista opisyal.

    Ang hakbanging ito ng NXP, isang kumpanya na nakabatay sa Light Industry and Science Park, Laguna at supplier ng electronic parts para sa mga international brands gaya ng Apple, Samsung, Microsoft at Nokia, ay malinaw na pagtapak sa

    karapatan ng mga manggagawa at pakulo ng mga kapitalista upang supilin ang unyon ng mga manggagawa at pigilin ang negosasyon sa Collective Bargaining Agreement (CBA). Ito ay malinaw na porma ng union busting at paglabag sa karapatan ng mga manggagawa sa collective bargaining.

    Ang kaso ng NXP ay hindi nag-iisa. Laganap ang ganitong pananakot sa mga pagawaan na may mga tunay na unyon at nagbabalak na mag-unyon. Ang kaso ng NXP ay patunay na hindi sinsero ang rehimeng Aquino sa pagtugon sa karapatan at daing ng mga manggagawang Pilipino dahil pinapayagan nitong

    mangyari ang ganitong uri ng pasismo. Pinapatay ng rehimeng Aquino ang mga manggagawa bagkus sa pamamagitan ng napaka-babang pasahod, pagsusulong ng kontraktwalisasyon at pagpapahintulot sa mga paglabag sa kanilang karapatan.

    Pinaka-mataas na pagpupugay sa NXPSCIWU sa kanilang matapang na pagtindig para sa kanilang mga karapatan. Ang Anakbayan ay nakikiisa sa laban ng mga manggagawa sa NXP. Kaisa ang Anakbayan sa panawagan na ibalik sa trabaho ang 24 na lider manggagawa ng NXPSCIWU at panawagang ituloy ang natigil sa negosasyon para sa CBA ng unyon.

    protesta ang mga estudyante ng EARIST at nag deklara pa ng hunger strike para ipabasura ang blacklist na inihahain ng admin. Dahil sa sama-samang pagkilos napilitan na makipag dialogo ang admin ng EARIST, na sa kanalaunan pumayag na ibasura ang blacklist at payagan nang makapag enroll ang mga lider estudyante.

    Hindi katanggap-tanggap ang pagwawalang-hiya sa karapatang makapagpahayag ng mga estudyante. Ang mga ito ay repleksyon ng tumitinding pasistang katangian ng edukasyon na kakambal ng papatinding kumersyalisasyon ng edukasyon. Ang komersyalisasyon, kung saan umuusbong ang pasismo sa pamantasan, ay itinutulak ng mga bulok na patakarang neoliberal ng rehimeng Aquino sa edukasyon.

    Dapat tularan ang halimbawa ng magiting na pakikipaglaban na ipinamalas ng mag-aaral ng EARIST. Gaya nila, nararanasan din ng mga mag-aaral sa buong bansa ang labis na pahirap at paniniil. Sa sama-samang at mapangahas na paglaban, makakamit ang mga tagumpay.