6
DAPAT SINGILIN AT PANAGUTIN ang rehimeng US-Duterte sa matinding pang-aapi, paglabag sa karapatang pantao, at mga krimen nito laban sa mga mamamayang Pilipino. Nananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang tumitinding militarisasyon at pasistang atake sa ilalim ng patakarang todo-giyera at Batas Militar ng rehimeng US-Duterte. Dapat suportahan ng kabataan ang armadong pakikibaka at demokratikong kilusan ng mga pambansang minorya at masang anakpawis laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismo, burukrata-kapitalismo, at pyudalismo. Masigasig na kumilos upang likhain ang malawak na nagkakaisang- prente na nananawagan sa pagwawakas ng Batas Militar, at pagpapalayas sa AFP at mga tropang Amerikano na pangunahing naghahasik ng takot, dislokasyon, pamamaslang at mga kriminalidad sa Mindanao at iba pang panig ng bansa. Bago pa man ang deklarasyon ng Batas Militar, matagal nang dinarahas at sinusupil ng AFP, PNP, at mga grupong paramilitar ng gobyerno ang komunidad ng Moro at Lumad upang isulong ang interes ng dayuhan at malalaking negosyo sa mga lupang ninuno. Sa kumpas at disenyo ng counter-insurgency guide at war on terror ng U.S., inilulunsad ngayon ang mas malupit at mapangwasak na supresyon laban sa mamamayan ng Mindanao. Dagdag sa halos 400,000 na napilitang lumikas dahil sa pagkubkob ng militar sa Marawi, umabot na 2,050 mamamayang Lumad mula sa 13 komunidad sa Lianga at 60 pamilya naman mula sa Sitio Lagangan at Magkahunaw sa Surigao del Sur ang sapilitang lumikas matapos sakupin at pagkampuhan ng mga sundalong AFP ang kanilang mga komunidad. Umabot na rin sa higit 14 lider magsasaka ang inaresto at Dapat suportahan ng kabataan ang armadong pakikibaka at kilusang masa ng mga pambansang minorya at masang anakpawis laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo. Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto 2017 IBASURA ANG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN! p.2 ISULONG ANG KILUSANG PAG-AARAL! p.6 PANGKARANIWANG ARAW BILANG HUKBO! p.3 MAMAMAYANG MORO, ISULONG ANG DRB! p. 4 (Itutuloy sa pahina 2...) Ilantad, ihiwalay, at labanan ang rehimeng US-Duterte!

Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto · PDF fileNananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang

  • Upload
    hadien

  • View
    282

  • Download
    10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto · PDF fileNananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang

DAPAT SINGILIN AT PANAGUTIN ang rehimeng US-Duterte sa matinding pang-aapi, paglabag sa karapatang pantao, at mga krimen nito laban sa mga mamamayang Pilipino.

Nananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang tumitinding militarisasyon at pasistang atake sa ilalim ng patakarang todo-giyera at Batas Militar ng rehimeng US-Duterte.

Dapat suportahan ng kabataan ang armadong pakikibaka at demokratikong kilusan ng mga pambansang minorya at masang anakpawis laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismo, burukrata-kapitalismo, at pyudalismo. Masigasig na kumilos upang likhain ang malawak na nagkakaisang-prente na nananawagan sa pagwawakas ng Batas Militar, at pagpapalayas sa AFP at mga tropang Amerikano na pangunahing naghahasik ng takot, dislokasyon, pamamaslang at mga kriminalidad sa

Mindanao at iba pang panig ng bansa.

Bago pa man ang deklarasyon ng Batas Militar, matagal nang dinarahas at sinusupil ng AFP, PNP, at mga grupong paramilitar ng gobyerno ang komunidad ng Moro at Lumad upang isulong ang interes ng dayuhan at malalaking negosyo sa mga lupang ninuno. Sa kumpas at disenyo ng counter-insurgency guide at war on terror ng U.S., inilulunsad ngayon ang mas malupit at mapangwasak na supresyon laban sa mamamayan ng Mindanao.

Dagdag sa halos 400,000 na napilitang lumikas dahil sa pagkubkob ng militar sa Marawi, umabot na 2,050 mamamayang Lumad mula sa 13 komunidad sa Lianga at 60 pamilya naman mula sa Sitio Lagangan at Magkahunaw sa Surigao del Sur ang sapilitang lumikas matapos sakupin at pagkampuhan ng mga sundalong AFP ang kanilang mga komunidad. Umabot na rin sa higit 14 lider magsasaka ang inaresto at

Dapat suportahan ng kabataan ang armadong pakikibaka at kilusang masa ng mga pambansang minorya at masang anakpawis laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo.

Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto 2017

IBASURA ANG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN! p.2

ISULONG ANG KILUSANG PAG-AARAL! p.6

PANGKARANIWANG ARAW BILANG HUKBO! p.3

MAMAMAYANG MORO, ISULONG ANG DRB! p. 4

” (Itutuloy sa pahina 2...)

Ilantad, ihiwalay, at labanan ang rehimeng US-Duterte!

Page 2: Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto · PDF fileNananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang

2 | Kalayaan - Agosto 2017

patuloy na pinatutupad ang food blockade na nagdudulot ng matinding kagutuman sa mga bakwit.

Lalo pang hinikayat ni Duterte ang mga asong ulol na AFP at paramilitar nang pagbantaan niyang bobombahin ang mga paaralang Lumad batay sa pekeng impormasyon na iligal umano ang operasyon ng mga ito. Magmula noon, lalong tumindi ang harasment at pananakot sa mga estudyante at guro ng mga paaralang Lumad.

Hindi maikakaila ng rehimen ang koordinadong operasyon at sabwatan ng AFP at ng mga grupong paramilitar. Ayon sa ulat ng nagbakwit na mga Lumad, namataan nilang magkasama ang mga sundalo ng 75th IB at mga lider ng paramilitar na Magahat-Bagani sa mga checkpoint sa Sitio Neptune upang hanapin ang mga guro ng paaralang Lumad at pagbantaan ang mga ito. Ang grupong Magahat-Bagani ang responsable sa pagpaslang kina Dionel Campos, Juvello Sinzo, at Emerito Samarca noong Setyembre 2015.

Malinaw ang mga hakbangin ng rehimeng US-Duterte na bigyang-katuwiran ang todo-giyera at batas militar sa pamamagitan ng disimpormasyon at manipulasyon ng opinyong publiko. Sang-ayon din ito sa karaniwang istilo ng U.S. ng paghahasik ng gawa-gawang pananakot, pabrikasyon ng mga pekeng impormasyon, at paggamit sa banta ng terorismo upang ipatanggap at bigyang-katuwiran ang marahas na pagsupil ng mga karapatan at kalayaan. Sa kasalukuyan, panibagong serye ng mga kasinungalingan ang ipinalalaganap ng AFP at PNP upang itulak ang pagpapatupad ng Batas Militar sa buong bansa.

Isinusulong rin ng rehimeng US-Duterte ang buong disenyo ng panunupil at istilong kamay na bakal sa pagtutulak ng panunumbalik ng death penalty, national ID system, at iba pang patakaran ng supresyon sa mamamayan.

Sinasabi ni Duterte na hindi niya wawakasan ang Batas Militar hangga’t hindi nagagapi ang mga kaaway ng estado. Ngunit ang kontra-mamamayang gera nito mismo ang nagtutulak sa masang-api na mag-aklas at tumangan ng armas upang isulong ang demokratikong rebolusyong bayan.

Nagkakamali ang rehimeng U.S.-Duterte kung inaakala nitong magagapi nito ang rebolusyunaryong pwersa at masa. Saan mang panig ng bansa, paparami ang bilang ng mga magsasaka, pambansang minorya,

manggagawa, at kabataan-estudyante na nagpapasyang sumampa sa New Peoples Army. Batid nila na ang pagtataguyod ng sariling hukbo at pagsusulong ng digmang bayan ang tatapat sa marahas at mapanupil na pwersa ng imperyalismong U.S. at lokal na naghaharing-uri. Dahil sa hukbong bayan, magtatagumpay ang mamamayan na labanan ang pasismo ng estado at makakamit nito ang tunay na kalayaan at demokratikong karapatan. Sa kabila ng todo-gera at batas militar, dumadagundong ang ang mga taktikal na opensiba sa buong bansa at ipinagdiriwang ang mamamayan at kabataan sa mga tagumpay ng NPA.

Samantala, patuloy na pinapalakas ng demokratikong kilusan ng masa sa kalunsuran at kanayunan ang paglaban sa pasismo ng estado. Inilulunsad ang mga protesta ng mga nagbakwit at lakbayan ng mga pambansang minorya upang ipaglaban ang kanilang karapatan at ipanawagan ang pagpapalayas ng mga militar sa kanayunan.

Ipinaglalaban ng mga Lumad ang kanilang lupang ninuno at karapatan sa sariling pagpapasya. Itinaguyod nila ang kanilang mga eskuwelahan sa balangkas ng pagkakaroon ng makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon. Pinapaunlad ang katutubong kaalaman at pamamaraan, siyentipiko at sustenableng agrikultura, at kolektibong pamumuhay. Dinarahas sila ng estado pagkat mulat ang buong komunidad sa kapasyahang protektahan ang kanilang kultura at lupang ninuno laban sa mga dambuhalang dayuhang minahan at trosohan.

Dapat sumanib ang kilusang kabataan sa malawak na nagkakaisang prente ng mamamayan laban sa pasismo at masikhay na magmulat, mag-organisa, at magpakilos upang ibayo pang palawakin ito. Tungkulin ng kabataan na tumindig sa panig ng masang api at ibigay ang buong-lakas na suporta sa kanilang pakikibaka.

Ilunsad ang malawakang kampanyang propaganda-edukasyon upang ipaabot sa malawak na bilang na masa ang isyung kinakaharap ng mga pambansang minorya at iba pang inaapi sa kanayunan. Buuin ang malawak na lambat ng suporta sa kanilang kampanya sa mga eskuwelahan, komunidad, at pagawaan. Magmulat, mag-organisa, at magpakilos sa milyun-milyong kabataan upang ilantad ang kabulukan ng lipunang mala-kolonyal at malapyudal. Padagundungin sa buong bansa ang sigaw ng kabataan at mamamayan: “Sagot sa Martial Law, Digmang Bayan!”

Ibasura ang matrikula at iba pang bayarin! Makibaka para sa pambansa, siyentipiko, at pangmasang edukasyon!Pinagpupugayan ng Kabataang Makabayan (KM) ang kilusang masa ng kabataan at iba’t ibang sektor sa pagkakamit ng makasaysayang tagumpay sa kampanyang gawing libre ang edukasyong pampubliko sa lahat ng antas.

Dapat ilunsad ang malalaki at militanteng protesta upang tiyakin ang ganap na pagpapabasura ng matrikula, mga bayarin, at iba’t ibang iskema ng paniningil. Puspusang ilantad ang mga kontra-rebolusyunaryo at oportunistang nanlilito sa masa at nanghahati sa nagkakaisang hanay. Kondenahin at biguin ang mga pagtatangka na bawiin ang nakamit na tagumpay at protektahan ang interes sa kita ng mga pribadong institusyon sa edukasyon.

Dahil sa sustinidong mga protesta na naglalantad sa komersyalisadong edukasyon na pinalulubha ng mga neoliberal na patakaran ng U.S., naitulak ng kilusang masa ang gobyerno na magpasa ng batas para sa libreng edukasyon sa lahat ng state universities and colleges (SUCs).

Gayunpaman, malinaw na nananatiling anti-kabataan ang maka-imperyalista at pasistang paghahari ng rehimeng US-Duterte. Patuloy na ipinatutupad ang programang K12 na naglalayong pabilisin ang paglikha ng mura at magpagsasamantalahang lakas-paggawa. Tumitindi ang pambubusabos at karalitaan ng mamamayan na pangunahing dahilan kung bakit di makapag-aral ang mayorya ng kabataan. Kamakailan, binantaan ni Duterte na bobombahin ang paaralan ng mga katutubong Lumad sa Mindanao.

Tungkulin ng kilusang masa ng kabataan ngayon na patuloy na ilantad at labanan ang neoliberal na patakaran at pasistang

(...Mula sa pahina 1)

(Itutuloy sa pahina 5...)

Page 3: Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto · PDF fileNananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang

Paggising sa umaga, wala pang liwanag, hamog at lamig ang bumabalot sa aking nanginginig na katawan. Isusuot ang ammo pouch, at isusukbit ang baril para magbantay sa kapaligiran sa posibleng atake ng kaaway. Maya-maya’y pupunta na sa kusina’t magpapainit ng tubig habang dinaramdam ang init ng apoy.

Magsisibak ng kahoy o kaya’y magbabayo para uminit ang katawan. Oras na para bumangon ang buong iskwad. Magtitipon at pagsasaluhan ang inihandang agahan habang pag-uusapan ang mga gawain sa buong araw. Magpapatanim daw ng palay yung isang masa, isang squad ang binigay para tumulong na magsaka sa maghapon.

Hukbong Pamproduksyon

Alas-siete ng umaga, nasa sakahan na ang mga masa at mga kasama, nakikipagkwentuhan, nagpapaliwanagan, naghahanda ng mga damit para sa init ng araw. Makikita ang ngiti sa bawat masa na tuwang-tuwang sa pagtutulungan sa pagsasaka. Sang-ayon ito sa kanilang katutubong kultura ng Igorot na “ubbo” o bayanihan. Masaya rin ang masa na nandiyan ang hukbo na tumutulong sa kanila at natutuwa sa mga kwento at kantang rebolusyunaryo.

Alas-diyes ng umaga, kapeng Barako at “dikket” o malagkit ang aming meryenda. Tila hindi ramdam ang pagod dahil sa mga nakakatuwa at nakaka-aliw na mga kwentuhan. Bago pa ang huling kagat sa meryenda, agad-agad nang bumalik ang mga kasama para ituloy ang pagtatanim.

Bago mag-alas dose, lalong tumindi ang sikat ng araw, nakaramdam na ng pagod ang masa at mga kasama sa buong umagang pagkayuko sa pagtatanim.

Alas dose, ang pinakahihintay na pagsigaw ng “Mangan!”, kahit ang mga may-edad na ay dali-daling nakipag-unahan para maghugas ng kamay at kumain. Ang kamay na kagagaling lang sa lupa ay kamay rin na

Kwentong KMPangkaraniwang Araw bilang Hukbo

Mula kay Ka Danny(salin mula sa wikang Ilokano)

gagamitin sa pagkain.

“High class” ang palay na itinatanim ng mga mas pero NFA rice ang nakahain para sa tanghalian. Lumalalim ang usapan sa gitna ng kainan. Sabi ng isang masa:

“Kay sarap ng bigas na aming tinatanim pero kami mismo’y hindi makakain nito.”

“Sa tinagal-tagal ng panahon, simula pa ng kalolo-lolohan ko, ganito na ang pamamaraan namin ng pagsasaka. Mano-mano, de-pala, at de-kamay ang paraan para palambutin at baliktain ang lupang tataniman. Walang traktor o kalabaw para mag-araro ng lupa, kahit paggamit ng abono o pestisidyo, di pa namin natutunan. Iyong tinuro ng gobyerno, abono at pestisidyong di kaya ng aming bulsa!”

“Mabuti na lang at nandiyan ang mga kasama na nagturo sa amin na bumuo ng organisasyon, magpasulpot ng mga kagamitan, at gumamit ng organic na mga abono’t pestisidyo. Hindi na kailangang umasa at mangarap ng tulong mula sa gobyerno. Dito pa lang kaya na natin magtayo ng sarili nating gobyerno!”

Tuloy ang kantahan at kwentuhan ng mga kasama at ng mga masa, ngunit mag-aalas singko na, ramdam na ang pagod ng bawat isa, matumal na ang pag-uusap, huni ng mga ibong umuuwi at mga paniking lumalabas na lamang ang aming naririnig.

Hukbong pampropaganda at pangkultura

Bago maghiwa-hiwalay sa sakahan, nag-imbita ang mga kasama para sa Pulong Masa na gagawin pagkatapos ng hapunan. Pagkabalik sa hinihimpilan, walang oras para magpahinga pagkat kailangang magsibak ng kahoy at magbayo ng palay upang makakain.

(Itutuloy sa pahina 4...)

Alas-siete ng gabi, dumating na ang mga masa, kahit sa gitna ng pagod ng buong araw na pagta-trabaho, naglakad pa rin sila ng napakalayo para dumalo sa pagpupulong.

Ang aming tatalakayin sa pulong ay “ababa a kurso iti gimong ken rebolusyon a Pilipino” o Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Dahil sa kahirapan, maraming masa sa sonang gerilya ang hindi makaintindi ng Ilokano, mayroon sa kanila na ang lenggwaheng gamit ay Kalanguya, Tuali, Aayangan at marami pang iba. Dahil sa kalagayang hindi pa namin naaaral ang lahat ng salita, nagpasya ang hukbo na gumawa ng isang maikling dula.

Kalayaan - Agosto 2017 | 3

Hindi na kailangang umasa at mangarap ng tulong mula sa gobyerno. Dito pa lang kaya na natin magtayo ng sarili nating gobyerno!

Page 4: Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto · PDF fileNananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang

Mamamayang Moro, Isulong ang Demokratikong Rebolusyong BayanMula kay Ka MariaBismillahir Rahmanir Raheem. Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatu. Nawa’y pumasainyo ang Kapayapaan, Awa, at Biyaya ng Allah.

Ako si Maria, isang Moro at miyembro ng Kabataang Makabayan (KM). Nais kong ibahagi ang masalimuot na kasaysayan ng pakikibaka ng mga mamamayang Moro sa lipunang Pilipino.

Ang kasaysayan ng sambayanang Moro ay kasaysayan ng paglaban sa pambubusabos at pagigiit ng karapatan sa sariling pagpapasya. Ipinakikita nito ang pangangailangan para sa pambansang pagkakaisa para sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

Mayaman ang Mindanao sa hilaw na materyales at likas na yaman na matagal nang inaasam na makontrol ng mga dayuhang mananakop. Nabigo ang mga kolonyalistang Espanyol ngunit nagtagumpay ang imperyalistang Amerikano sa pamamagitan ng brutal na pandarahas at pangmamasaker sa mamamayang Moro upang mapilitan itong isuko ang mga lupaing pag-aari pa ng aming mga ninuno. Sa panahon ng mga papet na rehimen, patuloy pa rin ang pambubusabos sa mga Moro ng mala-kolonyal na estado at ng imperyalismong US.

Malaking kabalintunaan na sa kabila ng kalagayang ang lupain ng Bangsamoro ang pinakamayaman sa Pilipinas, pinakamahirap naman ang mga mamamayan dito. Marami rin sa mga

Moro ang hindi nakakapag-aral at marami sa mga komunidad ang hindi naaabot ng pinakapayak na edukasyon.

Matatagpuan ang malalaking minahan at plantasyon sa lupaing ninuno ng Mindanao. Pilit ipinagmamalaki ng gobyerno mahalaga ang mga ito para sa pambansang pag-unlad, ngunit sa katotohanan, tanging ang malalaking dayuhang kumpanya, panginoong maylupa, burgesya kumprador, at burukrata-kapitalista lamang ang nakikinabang sa mga ito.

Upang isulong ang pang-ekonomikong interes, magkakasanib-pwersa nilang isinusulong ang pasistang pag-atake sa mamamayan ng Mindanao. Isinasagawa ito alinsunod sa dikta ng imperyalismong U.S. at disenyo ng counter-insurgency guide nito. Hindi na nakakagulat na sa lupain ng Bangsamoro ibinubuhos ang pinakamalaking tropa at gastusing militar. Sa ilalim ng all out war at Martial Law ng rehimeng US-Duterte, lalong tumindi ang pagsalakay sa mamamayang Moro.

Sa Marawi kung saan nagmula ang aming pamilya, halos kalahating milyong Moro ang napilitang lumikas dahil sa kampanyang pagkubkob ng AFP. Upang bigyang-katuwiran ang malawakang paglabag sa karapatang-pantao, ginagawang dahilan ang giyera kontra-terorismo habang sinusuhayan at pinapaypayan ang Islamophobia.

Taliwas sa nais palabasin ng rehimeng US-Duterte, relihiyon ng kapayapaan ang

Islam. Sa panahong dinadahas, inaapi, at binubusabos ang mamamayang Moro, lumalaban ito para sa pangmatagalang kapayapaan. Sang-ayon sa nakasaad sa Qur’an na dapat labanan ang opresyon ang isinusulong na pakikibaka laban sa estadong nasa ilalim ng U.S.

Batid namin na hindi lamang Bangsamoro ang nakakaranas ng pagkabusabos sa ganitong kalagayan. Kailanman, hindi makakalaya ang mamamayang Moro sa pambubusabos kung hindi maibabagsak ang tatlong salot ng lipunang Pilipino – ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo.

Anumang relihiyon, lahi, o rehiyong pinanggalingan, malinaw ang batayan para magkaisa para ipagtagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba. Handang sumapi ang mga kabataang Moro sa mga rebolusyunaryong pangmasang organisasyon sa ngalan ng paglaban sa pambansang opresyon at pagsusulong ng karapatan sa pagpapasya-sa-sarili. Kaya nitong makipagkapit-bisig sa iba pang masa inaapi para magtanggol mula sa dayuhang pandarambong at pasistang atake.

Panawagan sa kapwa kabataang Moro: Lumahok sa digmang bayan at ibagsak ang imperyalismo, burukrata-kapitalismo, at pyudalismo! Ipagtanggol ang karapatan para sa sariling pagpapasya, tumangan ng armas bilang miyembre ng Bagong Hukbong Bayan!

Hiyang-hiya ako at nag-aalinlangan. Noong kumikilos pa ako sa lungsod, ni pagsasalita nga sa harap ng maraming tao ay hindi ko kaya. Dito sa kanayunan, kailangan ko pang umarte para lamang ipaintindi at ipaunawa sa masa ang kanilang kalagayan at solusyon dito.

Pagkatapos ng pulong masa, lumapit ang isang matandang babae na matagal nang sumusuporta, umiiyak ito at sinabi nya:

“Salamat, mga kasama. Tatlong beses ko na nakuha ang pag-aaral na ito ngunit ngayon ko lang lubos na naintindihan dahil sa ginawa ninyong dula. Ngayon mas naiintindihan ko na ang kalagayan at mga nangyayari sa amin. Hindi

na ako basta-basta maloloko muli ng mga repormer! Tama ba yon? Ahh! Repormista! Repormista na mga organisasyon at mga kaaway na dadarating dito sa baryo!”

Hukbo ng Sambayanan

Bago pa magsi-uwian ang mga masa, tumulong kami sa programa at pag-aayos ng plano ng kanilang organisasyon.

Pagkatapos, nag-imbita pa kami ng medical service. Bilang medical officer, hindi ko akalain na alas-onse na ng gabi ay may magpapabunot pa ng ngipin! Halos kalakhan din ng mga dumalo sa pulong ay humiling ng acupuncture at hilot. Kahit pagod ang mga kasama at kailangan pang gumising nang maaga, tinapos namin ang panggagamot sa lahat ng masa.

Ala-una ng madaling araw nagsi-uwian na ang mga masa. Ang hukbo ay nag-ayos na rin para matulog nang sandali dahil alas-tres ng madaling araw, lalakad kami muli papunta sa susunod na baryo.

Habang nakahiga, napangiti ako nang maalala ko ang ilan sa mga kabataang nagpa-acupuncture na bumulong sa akin:

(...Mula sa pahina 3)

Kadua, malapit na ako mag-dise otso. Sasampa ako sa araw ng birthday ko!

4 | Kalayaan - Agosto 2017

“”

Page 5: Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto · PDF fileNananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang

Kalayaan - Agosto 2017 | 5

[email protected] kabataangmakabayan.upisyal

atakeng isinasagawa ng rehimeng US-Duterte. Sa mga kampus, dapat tiyakin na matitigil ang paniningil at maibabasura ang matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan.

Tiyak na pakikilusin ng U.S. ang masugid na tagasunod ng neoliberalismo sa loob at labas ng gobyernong Duterte upang gamitin ang sistema ng batas at gobyerno upang patuloy na ipagkait ang libreng edukasyon sa mga kabataan. Nauna nang tinanggal sa panukalang badyet para sa 2018 ang probisyon para sa libreng matrikula at ang naunang P8.3 bilyong pondo para dito. Ipinahayag din ng mga tagapayong pang-ekonomiya ni Duterte na “atake sa pribadong paaralan” ang pagpapatupad ng libreng edukasyon.

Nais panatilihin ng U.S. at mga tagasunod nito ang deregulasyon sa edukasyon upang patuloy na magkamal ng kita at tubo ang mga pribadong institusyon. Kung mataas ang bayarin sa pampublikong paaralan, mapipilitan ang mayorya ng mga estudyante na pumasok sa mga pribadong paaralan at balikatin ang napakamahal na singilin. Ang deregulasyon sa edukasyon ay nagbigay-daan para taun-taong pagtataas ng matrikula at patung-patong na bayarin sa mga pribadong paaralan at nagdudulot ng bilyon-bilyong pisong kita sa malalaking kapitalistang nagnenegosyo sa edukasyon.

Sa paglubha ng krisis sa edukasyon, bumubukas ang sitwasyon para sa kapit-bisig na paglaban ng mga estudyante ng pampubliko at pribadong paaralan, kasama ang mga kabataang di makapag-aral, upang labanan ang komersyalisasyon sa edukasyon. Sama-samang ilantad ang deregulasyon ng bayarin, pribatisasyon, liberalisasyon, at denasyunalisasyon sa sektor ng edukasyon. Igiit ang pagpapabasura ng K12 at programang internasyunalisasyon.

Pinakikilos din ng U.S., reaksyunaryong institusyon, at administrasyon ang mga oportunisang grupo ng mga estudyante upang makapanlito at makapanghati sa hanay ng kabataan. Nagpapanggap ang mga ito na nakikiisa sa kampanya para sa libreng edukasyon at lumalahok sa mga pagkilos upang palabasin na may mga sumusuporta sa iskema ng paniningil sa hanay ng mga nagpro-protesta.

Sa kasaysayan, ang mga grupong ito ang tagapamandila ng kolonyal, komersyalisado, at pasistang sistema ng edukasyon. Ipinagtatanggol nila ang mga neoliberal na patakaran ng U.S. na umaatake sa kabataan at mamamayan. Itinutulak nila na maging kimi at sunud-sunuran ang mga kabataan at inilalayo ang mga ito sa militante at rebolusyunaryong pagkilos. Marapat lamang na ilantad ang mga ito sa pamamagitan ng masigasig na pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos.

Pangunahing interes ng kabataan ang ibagsak ang malakolonyal at malapyudal na sistema ng lipunan na pinaghaharian ng imperyalismong U.S., malalaking burgesya-komprador, at panginoong may-lupa. Tanging sa pambansang-demokrasya na may sosyalistang perspektiba makakaasa ang kabataan ng malaya at magandang kinabukasan.

Marapat na tibayan ang hanay upang labanan ang rehimeng pahirap at pasistang rehimeng US-Duterte. Lansagin ang kolonyal, komersyalisado, at pasistang edukasyon at isulong ang makabayan, siyentipiko, at makamasang sistema ng edukasyon.

Mahigpit na sumanib sa pakikibaka ng masang anakpawis. Isulong ang demokratikong rebolusyon sa gabay ng proletaryong Partido.

• Walang kapaguran na dalhin ang isyu ng pinagsasamantalahang uri – problema ng mababang sahod, demolisyon, paglabag sa karapatang pantao, atbp. Dalhin sa kamalayan ng estudyante ang mga problema ng masang magsasaka sa pangkalahatan at sa partikular na mga rehiyon.

• Ilunsad ang kampanya para sa makabayang edukasyon upang labanan ang imperyalistang impluwensya at kontrol sa sistema ng edukasyon.

• Gapiin ang indibidwalismo, sinisismo, at dekadenteng kultura na ipinapalaganap ng naghaharing uri sa mga kabataan. Manindigan bilang pag-asa ng bayan na hindi nakakalimot sa kasaysayan at tumatanaw ng tunay na pagbabago sa lipunan

• Gamitin ang sining at panitikan bilang epektibong behikulo ng pambansa

demokratikong propaganda at edukasyon. Paramihin ang pagtatanghal ng mga likhang sining na nagpupukaw sa masa at nagtataas ng kanilang diwang palaban. Ipalaganap ang kabayanihan ng masa sa pagpupunyagi nito sa rebolusyon.

Mag-aral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at batayang kursong pampartido

• Armasan ang bawat kasapi ng batayang ng teoretikal at pampulitikang kaalaman na gabay sa patuloy na pagpupunyagi sa rebolusyunaryong pag-aaral at pang-araw-araw na rebolusyunaryong pagkilos.

• Kamtin ang sapat na pag-unawa sa pangkalahatang linya ng demokratikong rebolusyong bayan (DRB), mga saligang prinsipyo ng MLM, at kasaysayan at katangian ng

proletaryadong Partido.

• Paunlarin ang kakayanan na isabuhay ang Marxistang paninindigan, pananaw, at pamamaraan sa paghara sa mga usapin at problema ng rebolusyong Pilipino.

• Pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas, katangian ng lipunang Pilipino, bagong demokratikong rebolusyon, motibong mga pwersa, mga target at mga tungkulin, at sosyalistang perspektiba ng rebolusyong Pilipino.

Kailangang mahigpit na panghawakan ng KM ang kampanyang pag-aaral sa pambansang demokrasya at proletaryong rebolusyon. Mahalagang salik ito upang tiyakin ang nagkakaisang martsa ng buong rebolusyunaryong kilusan. Mahalaga ang pagpapaunlad ng teoretikal at politikal na kaalaman sa pagkamit ng inaasam na pagbugso ng kilusang masa at papalaking suporta sa armadong pakikibaka sa kanayunan.

(...Mula sa pahina 2)

Pangunahing interes ng kabataan na ibagsak ang malakolonyal at malapyudal na lipunan.

“”

Page 6: Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan|Agosto · PDF fileNananawagan ang Kabataang Makabayan (KM) na ilunsad ang malawak at militanteng mga aksyong-masa upang tutulan ang

6 | Kalayaan - Hulyo 2017

Isulong ang kilusang pag-aaral sa pambansang demokrasya at proletaryong rebolusyon!

NANANAWAGAN ANG KABATAANG Makabayan (KM) na ilunsad ang malawakang kilusang edukasyon upang pag-aralan ang teorya at praktika ng rebolusyong Pilipino sa gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Ipalaganap sa milyun-milyong mamamayan ang kawastuhan at katumpakan ng programa ng pambansa demokratikong rebolusyon at dakilang layunin ng proletaryong rebolusyon. Pandayin ang sarili bilang mga rebolusyunaryo at proletaryado, at maramihang sumampa sa New Peoples Army (NPA).

Pasiglahin ang ikalawang kilusang propaganda!

Ilunsad ang malawak at malaganap na kilusang masang-tipo ng propaganda-edukasyon sa batayan ng masiglang pakikitunggaling pampulitika at ideolohikal.

• Ilantad ang imperyalismong US, pyudalismo, at burukrata kapitalismo bilang salot sa lipunang Pilipino.

• Suriin ang pang-araw-araw na isyu ng masa nang may malinaw na anti-imperyalista at anti-pyudal pananaw. Itaas ang pampulitikang kamulatan at militansya sa pagharap ng mga isyu ng masa sa araw-araw. Sustinido at papalawak na kilusang edukasyon at propaganda na may kakayanang maglunsad ng pakikibakang masa na nagtataas ng demands ng mamamayan para sa pagtataas ng sahod, trabaho, reporma sa lupa, atbp at iturol ito sa naghaharing reaksyunaryong sistema at mga patakarang neoliberal.

• Buong-siglang ilantad ang neoliberal na mga ideya na sinusuportahan at pinapalaganap ng US impe at kanilang mga pampulitika at ideolohikal na ahensya.

• Palawakin ang panawagan para paigtingin ang digmang bayan at ipalaganap ang rebolusyunaryong tagumpay sa kanayunan upang magsilbing inspirasyon sa mamamayan sa kalunsuran na maglunsad ng demokratikong pakikibakang masa at sumanib sa reboluyunaryong armadong pakikibaka sa kanayunan.

• Itaguyod at igiit ang pangangailangan na organisahin at itatag ng masa ang demokratikong kapangyarihan nito sa ilalim ng pamumuno ng proletaryado.

• Ipagtanggol ang siyentipikong pananaw ng MLM laban sa ideyang anti-kom at rebisyunistang lantad o nakatabing.

Matuto mula sa batayang masa! Paglingkuran ang sambayanan!

Kinukumpleto ng pagsanib ng kabataan sa pakikibaka ng mamamayan ang buong oryentasyon ng rebolusyunaryong kilusan ng kabataan-estudyante. Hikayatin ang mga masang aktibista na magsagawa ng pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa hanay ng batayang masa.

• Pag-aralan ang kongkretong kalagayan at sapulin ang makauring interes ng batayang masa

• Magbuo ng pinakamarami at iba’t ibang programa ng paglubog sa batayang masa. Palakihin ang panahon na iginugugol sa pagkilos sa pagawaan at mga komunidad nang nagtatalakay ng mga isyu,

naglulunsad ng pag-aaral, nagtatayo ng organisasyon, nagpapasimula ng pulong masa hinggil sa kasalukuyan at pundamental na isyu, naglulunsad ng pangkulturang pagtatanghal.

• Magsilbing kwerpo ng PADEPA na inoorganisa sa bawat komunidad at pabrika.

• Isulong ang diwa ng simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka sa hanay ng masa.

Ilunsad ang rebolusyunaryong opensibang pangkultura!

• Ilunsad ang opensiba sa propaganda at edukasyon upang lumikha ng mayor na pampulitika, pangkultura, pilosopikal, at ideolohikal na kontra-agos laban sa burges na ideya, kagawian, at kaisipan na humahati sa masang estudyante at naglalayo sa kanila sa pakikibaka ng masang anakpawis.

(Itutuloy sa pahina 5...)