19
DISKURSO Mga Batayang Kaalaman sa Diskurso at Pagdidiskurso

Filipino report-diskurso

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino report-diskurso

DISKURSO

Mga Batayang Kaalaman sa Diskurso at Pagdidiskurso

Page 2: Filipino report-diskurso

Kahulugan ng Diskurso

Page 3: Filipino report-diskurso

Noah Webster

• Tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe.

• Berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.

• Pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa na ginagamit ang anyo ng diskurso ang pasalita at pasulat.

• Kapareho ng Komunikasyon.

• Halimbawa:

• Disertasyon tulad ng mga sanaysay, panayam, artikulo , pagtatalumpati, pasalaysay , at iba pa.

Page 4: Filipino report-diskurso
Page 5: Filipino report-diskurso

Dalawang anyo ng Diskurso

Page 6: Filipino report-diskurso

Dalawang anyo ng diskurso1. Pasulat - mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa

kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat. maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

2. Pananalita - mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap upang makamit ang layunin.

Page 7: Filipino report-diskurso

Layunin ng Diskurso

Page 8: Filipino report-diskurso

Mga Layunin ng Diskurso•Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat

•Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan

•Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig

•Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapagkinig.

Page 9: Filipino report-diskurso

Kahalagahan ng Diskurso

Page 10: Filipino report-diskurso

Kahalagahan ng DiskursoAt Pagdidiskurso

•Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng manunulat at mambabasa.

•Sa pamamagitan ng diskurso nakapaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay lubusang maunawaan.

Page 11: Filipino report-diskurso

Elemento ng Diskurso

Page 12: Filipino report-diskurso

Mga Elemento ng Diskurso

1. Nilalaman• May pagbatid o mahalagang mensahe • May mahalagang impormasyon• May kaalamang mapapakinabang • Makalilibang

2. Pananalita• Madaling maunawaan• May tatlong bagay na makatutulong upang

madaling maunawaan ng isang pahayag• Maraming gumagamit ng mga salitang may

tiyak na kahulugan

Page 13: Filipino report-diskurso

Apat na Paraan ng Pagdidiskurso

Page 14: Filipino report-diskurso

4 na paraan ng pagdidiskursoPasasalaysay/Narativ - pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay. Dapat bigyan ng katuturan ang sinasabi.

Paglalahad/Ekspositori- ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa

Pangngangatwiran/Argumentatib- may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita. Kailangan na maging masuri at naayon.

Paglalarawan/Deskriptiv - isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook o damdamin upang ang isang mambabasa ay makalikha ng isang larawan na aayon sa inilalarawan

Page 15: Filipino report-diskurso

pasalaysayUri ng pasalaysay:

a) Pasalaysay na totoo – base sa tumpaktiyak at tunay na mga pangyayari.b) Pagsasalaysay na likhang isip – kinabibilangan ng mga mito, pabula, parabola, maikling kwento at nobela.

Kasangkapan sa pagsasalaysay:

a) Tema b) Tauhanc) Pangyayarid) Tagpuan

Page 16: Filipino report-diskurso

PaglalahadMga Bahagi ng paglalahad:

1. Simula – ang simula ng pahayag

2. Katawan – ang nilalaman ng pahayag

3. Wakas – maaring buod, tanong, panghuhula sa maaring mangyayari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula, pagamit ng kasabihan angkop sa akda.

Page 17: Filipino report-diskurso

PangangatwiranDalawang uri ng pangangatwiran:

1.Pabuod o inductive method- Sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan

o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraan muna sa iba’t – ibang obserbasyon at paulit – ulit na eksperimentasyon at pagsusuring bago ang paglalahad kapag narating na ang katotohanan o prinsipyo.

2. Silohismo o deductive method- Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng

katotohanan;panghahawakan muna ang isang pangunahing Batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon

Page 18: Filipino report-diskurso

paglalarawanUri ng pag lalarawan:

1. Pangkaraniwang paglalarawan – nagbibigay lamang ng tamang kabitiran sa inilalarawan. Ginagamit dito ang pangkaraniwang na paglalarawan gaya ng maganda, maayos, malinis at iba pa.

2. Masining na paglalarawan – ang guni – guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhya na larawan.

3. Abstrak na paglalarawan – gumagamit ng di – literal na paglalarawan; inaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang sariling damdamin ng sumusulat at gumagamit ng mga tayuytay sa ganitong uri ng paglalarawam.

Page 19: Filipino report-diskurso

Salamat po sa Pakikinig!