46
FIL OO3 PANITIKANG PILIPINO

Panitikang pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Panitikang Pilipino

Citation preview

Page 1: Panitikang pilipino

FIL OO3

PANITIKANG PILIPINO

Page 2: Panitikang pilipino

ANG EPIKO

Page 3: Panitikang pilipino

ANG EPIKO

Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na ang paksa ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng mga pangunahing tauhan. May mga pangyayari sa tulang ito na hindi kapani-

paniwala ngunit nagbibigay ng aral.

Page 4: Panitikang pilipino

ANGMAIKLING KUWENTO

Page 5: Panitikang pilipino

ANG MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan ng may layuning magsalaysay ng isang maselan

at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito’y nag-iiwan ng isang

kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Pangunahing layunin nito ang lumibang.

Page 6: Panitikang pilipino

MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

1. PANIMULA Ang panimula ay isang pondo na siyang guguhitan ng mga

pangyayari kaya’t s panimula ay hindi na kailangang isama sa lahat ng bagay na maaaring maisip ng sumulat tungkol sa mga tauhan at sa kuwento. Dapat na maging kapansin-pansin ang panimula upang mabihag ang pagkawili ng bumabasa.

Page 7: Panitikang pilipino

MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

2. SAGLIT NA KASIGLAHANAng saglit na kasiglahan ay ang bahaging

naglalarawan ng simulang patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Sa bahaging ito ay dapat maakit ang bumabasa at maramdaman niyang namiminto na ang isang pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.

Page 8: Panitikang pilipino

MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

3. MGA SULIRANING INIHAHANAP NG LUNAS Karaniwang tatlo ang mga suliraning inihahanap

ng lunas. Kung minsan ay humihigit sa tatlo. Sa sandaling sumapit ang mambabasa sa saglit na kasiglahan, siya ay mapapagitna sa mga pangyayaring gigisig sa kanyang damdamin. Ang mga pangyayaring ito ay bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas na lumikha ng isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi.

Page 9: Panitikang pilipino

4. KASUKDULANAng kasukdulan ang bahagi ng kuwento na

nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan o pananabik. Ito’y dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak o malinaw at maayos. Hindi nararapat magkaroon ng anumang paliwanag sa bahaging ito sapagkat maaaring mawalan ng bisa ang kasukdulan.

MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

Page 10: Panitikang pilipino

MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO

5. KAKALASANAng kakalasan ang panghuling bahagi ng kuwento

ng kagyat na sumusunod sa kasukdulan. Ang kakalasan ay di dapat pahabain at punuin ng mga paliwanag na nagiging dahilan ng pagkasira ng bisa at kasukdulan ng kuwento. Bayaang mag-isip ang mga mambabasa at siyang tumapos ng kuwento.

Page 11: Panitikang pilipino

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 12: Panitikang pilipino

1.Salaysay- ang uring ito’y walang katangiaang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 13: Panitikang pilipino

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

2. Kuwento ng Kababalaghan- binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito ang ating pananabik sa mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan.

Page 14: Panitikang pilipino

3. Kuwento ng katutubong kulay- ang binibigyang-diin sa uring ito’y kapaligiran ng isang pook. Inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga kaugalian at nga paniniwala.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 15: Panitikang pilipino

4. Kuwento ng Katatawanan- may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 16: Panitikang pilipino

5. Kuwento ng tauhan- ang tauhan o mga tauhan sa kuwento ang binibigyang diin.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 17: Panitikang pilipino

6. Kuwento ng katatakutan- ang damdamin, sa halip na ang kilos ang binibigyang diin sa uring ito.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 18: Panitikang pilipino

7. Kuwento ng pakikipagsapalaran- ang kawilihan sa ganitong uri ng kuwento ay nasa balangkas sa halip na sa tauhan ng kuwento. Ang kawilihan ay nababatay sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kuwento.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 19: Panitikang pilipino

8. Kuwento ng madulang pangyayari- kapansin-pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng kuwento. Ang pangyayari’y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kuwento.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 20: Panitikang pilipino

9. Kuwento ng talino- ang may-akda ay lumikha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng paglalahad.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 21: Panitikang pilipino

10. Kuwento ng Sikolohiko- inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang suliranin ng may-akda ay maipadama sa mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO

Page 22: Panitikang pilipino

MGA ALAMAT AT KUWENTONG BAYAN

Page 23: Panitikang pilipino

MGA ALAMAT AT KUWENTONG BAYAN

Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay. Ang kuwentong bayan naman ay mga kuwentong walang may-akda at nagpapalipat-lipat lamang sa bibig ng mga tao.

Page 24: Panitikang pilipino

ANG DULA

Page 25: Panitikang pilipino

Ang Dula

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.

Page 26: Panitikang pilipino

Tatlong Bahagi ng Dula

Page 27: Panitikang pilipino

Tatlong Bahagi ng Dula

1. Yugto- ang bahaging ito ang ipinaghahati sa dula. Inilalahad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood.

Page 28: Panitikang pilipino

2. Tanghal- ang bahaging ito ang ipinaghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan.

Tatlong Bahagi ng Dula

Page 29: Panitikang pilipino

3. Tagpo- ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

Tatlong Bahagi ng Dula

Page 30: Panitikang pilipino

Mga Uri ng Dula

Page 31: Panitikang pilipino

Mga Uri ng Dula

1. Trahedya- sa dulang ito’y may mahigpit na tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng masidhing damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.

Page 32: Panitikang pilipino

Mga Uri ng Dula

2. Komedya- ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.

Page 33: Panitikang pilipino

Mga Uri ng Dula

3. Melodrama- ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito.

Page 34: Panitikang pilipino

Mga Uri ng Dula

4. Parsa- ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawil-kawil na pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.

Page 35: Panitikang pilipino

Mga Uri ng Dula

5. Saynete- ang pinakapakasa ng uring ito ay may karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito ay may layuning magpatawa.

Page 36: Panitikang pilipino

Ang mga Sinaunang Tanghal o Panoorin

Bago Dumating ang mga Kastila

Page 37: Panitikang pilipino

Walang tunay na dula bago dumating ang mga Kastila ngunit may mga palabas na ginaganap noong panahong yaon. Ang mga pagtatanghal noon ay ipinalalabas na may kasamang tugtog, sayaw at tula. Ang anumang pagdiriwang ay hindi ganap na makulay kung wala ang tatlong nabanggit na sining upang mapasigla ang pagdiriwang.

Page 38: Panitikang pilipino

Ang mga pagtatanghal sa panahong iyon ay kulang sa mga katangian ng isang tunay na dula. Walang entablado o tanghalan. Ginaganap ang palabas sa mga liwasang bayan o sa mga tauhan ng mga raha at lakan o kahit sa mga tauhan ng mga karaniwang mamamayan. Hindi nagsusuot ng angkop na damit ang mga tauhan. Ang karaniwang paksa ay digmaan, pag-iibigan, mga alamat tungkol sa mga bathala at mga espiritung kanilang sinasamba, pangangaso, papuri sa mga nabubuhay at pag-alaala sa mga yumao.

Page 39: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

Page 40: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

1. Doctrina Cristiana (1593) – ito ang kauna-unahang aklat panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas. Ang mga sumulat ay sina Padre Juan de Plasencia at Padre Domingo de Nieva. Ito’y nasulat sa Tagalog at Kastila. Ang mga paksa ay Pater Noster, Ave Maria, Credo, Regina Coeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos ng Santa Iglesia, Pitong Kasalanang Mortal, Labing-apat na Pagkakawanggawa, Pangungumpisal at Katesismo.

Page 41: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

2. Nuestra Señora del Rosario (1602)- ang aklat na tio ang ikalawang nalimbag sa Pilipinas. Sinulat ito ni Padre Blancas de San Jose at tinulungan sa pagkakalimbag ng aklat ni Juan de Vera, isang mistisong Intsik. Ang aklat ay nalimbag sa Limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas.

Page 42: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

3. Barlaan at Josaphat (1708) – ito ay isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja mula sa Griyego.

Page 43: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

4. Pasyon- ang awit na ito ay tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang pagpaparangal na ito ay ginaganap kung Mahal na Araw. Apat ang nagsisulat ng pasyon: Padre Gaspar Aquino de Belen (1704), Don Luis Guian (1750), Padre Mariano Pilapil (1814) at Padre Aniceto dela Merced (1856). Ang lalong naging malaganap ay ang pasyong Pilapil na may walong pantig sa bawat taludtod at limang taludtod sa bawat saknong.

Page 44: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

5. Urbana at Feliza - Isinulat sa Tagalog ni Modesto de Castro, ang Urbana at Felisa (1864) ay halimbawa ng aklat ng mabuting asal na lumitaw sa Ewropa noong Renasimyento. Ginamit ni de Castro ang epistolaryong estilo, at sa pamamagitan ng tatlumpu’t apat na liham, ang mga kaanak sa Paombong, Bulakan ay nagpalitan ng payo kung paano magtaglay ng matwid na pamumuhay at mabuting asal na inaasahan sa gitnang uri at Kristiyanong pamilya. Sa liham ni Urbana sa kaniyang mga kapatid na sina Felisa at Honesto, isinaad niya ang pangangailangang sumunod sa halagahan at aral ng Kristiyanismo, habang isinasaloob ang tumpak na asal sa pakikipagkapuwa. Ang serye ng paglilihaman, kabilang na ang liham mula sa isang pari, ay tumutuon sa sari-saring antas ng buhay mulang pagsilang hanggang kamatayan, at nagpapayo ukol sa responsabilidad ng pag-aasawa. Ang Urbana at Felisa ay dapat sipatin hindi lamang bilang gabay sa mabuting pamumuhay bagkus bilang diskurso na lumilitis sa kalabisang moral ng naturang panahon at pinagtitibay ang batayang doktrina ng Kristiyanismo.

Page 45: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

6. Tandang Basio Macunat- Ito ay kuwento ng isang pamilya na isinasalaysay naman ni Gervasio Macunat (Tandang Bacio) na isang magsasakang piniling manatili sa kanyang kinalakihan. Sa akda ay mula pa sa manuskrito ng kanyang ama ang kanyang isinasalaysay na kuwento ng buhay ng pamilya nina Prospero na isang Indiong nakipagsapalaran sa Maynila subalit napariwara. Ang kanyang ama na si Don Andres Baticot o Cabesang Dales ang talagang may kagustuhan na siya ay magkaroon ng edukasyon sa lungsod sapagkat siya’y naniniwalang hindi sapat ang kinikita nila sa kanilang palayan para sa hinarap. Ang pasyang ito ay malabis na tinutulan ng kura-paroko sa kanilang bayan subalit kanila itong sinuway. Sa huli, ang buong pamilya ay isa-isang namatay dala ng labis na depresyon at paghihirap mula ng mabaon sila sa utang nang dahil kay Prospero na napariwara.

Page 46: Panitikang pilipino

Ang Mga Unang Panoorin

7. Mga Dalit kay Maria- ito’y akdang awitin na inaawit tuwing Flores de Mayo bilang pagpupugay kay Maria.