5
ST. THOMAS MORE ACADEMY, INC. Avenida Rizal St., Molino III, Bacoor City SY 2012 – 2013 IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO III Unang Markahan Pangalan: ______________________________ Seksyon: ______________________ Guro: ______________________________ Iskor: ______________________ I. MAY PAGPIPILIAN. Isulat sa patlang ang titik ng pinakawastong sagot sa mga sumusunod na pangungusap. _____ 1. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Iniisip ni Marcos na A. isumbong sa batas si Don Teong C. pagsabihan si Don Teong B. sugurin si Don Teong D. paghigantihan si Don Teong _____ 2. Ang ungol ng kalabaw ay alingawngaw na umaabot hanggang kalagitnaan ng bayan. A. Labis na nasaktan sa palo kayat umungol nang pagkalakas- lakas. B. Lubhang nagalit sa ginawa sa kanya. C. Labis na nalungkot ang kalabaw sa nangyari kay Marcos. D. Nagalit ang kalabaw ng makita si Don Teong. _____ 3. Ayaw niyang marinig ang animas – ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso tuwing ika-8 ng gabi. Anong aspeto ng tagpuan ang inilalarawan? A. Lugar C. Oras B. Kondisyon ng Panahon D. Panlipunang Kondisyon _____ 4. Marapat lamang na tamnan ng mga puno ang mga bakanteng lupa; nakatutulong ito sa pagpigil ng pabagu-bagong klima. Ang salitang may salungguhit ay nasa anong uri ng pagbabagong morpoponemiko? A. Metatesis C. Pagkakaltas ng Ponema B. Asimilasyon D. Pagpapalit ng Ponema G. Danilo Villar Rogayan

Filipino III LT2 QTR1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino Exam

Citation preview

Page 1: Filipino III LT2 QTR1

ST. THOMAS MORE ACADEMY, INC.Avenida Rizal St., Molino III, Bacoor City

SY 2012 – 2013

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO IIIUnang Markahan

Pangalan: ______________________________ Seksyon: ______________________

Guro: ______________________________ Iskor: ______________________

I. MAY PAGPIPILIAN. Isulat sa patlang ang titik ng pinakawastong sagot sa mga sumusunod na pangungusap.

_____ 1. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Iniisip ni Marcos na

A. isumbong sa batas si Don Teong C. pagsabihan si Don TeongB. sugurin si Don Teong D. paghigantihan si Don Teong

_____ 2. Ang ungol ng kalabaw ay alingawngaw na umaabot hanggang kalagitnaan ng bayan.A. Labis na nasaktan sa palo kayat umungol nang pagkalakas-lakas.B. Lubhang nagalit sa ginawa sa kanya.C. Labis na nalungkot ang kalabaw sa nangyari kay Marcos.D. Nagalit ang kalabaw ng makita si Don Teong.

_____ 3. Ayaw niyang marinig ang animas – ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso tuwing ika-8 ng gabi. Anong aspeto ng tagpuan ang inilalarawan?

A. Lugar C. OrasB. Kondisyon ng Panahon D. Panlipunang Kondisyon

_____ 4. Marapat lamang na tamnan ng mga puno ang mga bakanteng lupa; nakatutulong ito sa pagpigil ng pabagu-bagong klima. Ang salitang may salungguhit ay nasa anong uri ng pagbabagong morpoponemiko?

A. Metatesis C. Pagkakaltas ng PonemaB. Asimilasyon D. Pagpapalit ng Ponema

_____ 5. Alin sa mga sumusunod na lipon ng mga salita ang nakauri sa pagkakaltas ng ponema batay sa alituntunin ng pagbabagong morpoponemiko?

A. bigyan, labhan, aptan C. hagkan, bigyan, sidlanB. kamtin, lagyan, takpan D. takpan, bigyan, tablan

_____ 6. Tukuyin ang pangungusap na nangangailangan ng kaukulang pagwawastoA. Nagkaroon ng alitan ang magkaibigan bunsod nang usaping pinansyal.B. Hindi mapasusubalian ang husay niya sa estadistika. C. Tutungo raw ng kumbento ang mag-ina sa araw ng pista.D. Walang tumutol sa pasya nilang magtaling-puso.

_____ 7. “Hangang hanga sila sa likha niyang tulat awit.” Anong mga bantas ang dapat ilagay sa pangungusap upang maging wasto ito?

A. gitling at kuwit C. tutuldok at gitlingB. kuwit at tandang padamdam D. gitling at kudlit

_____ 8. Batay sa anong teorya ang kuwentong “Suyuan sa Tubigan?”A. Teoryang Markismo C. Teoryang PormalismoB. Teoryang Naturalismo D. Teoryang Humanismo

G. Danilo Villar Rogayan Jr.

Page 2: Filipino III LT2 QTR1

_____ 9. Lahat ng mga sumusunod ay tauhan sa kuwentong “Suyuan sa Tubigan” liban sa isa. A. Ka Imong C. Ka AlbinaB. Ka Iping D. Ka Punso

____ 10. Siya ay kalapating mababa ang lipad. Anong uri ng pangngalan ang nasalungguhitan? A. Basal C. Patalinhaga B. Lansak D. Hango

____ 11. Aling lipon ng mga salita ang tumutukoy sa basal na katuturan ng pangngalan? A. alak, ilaw, hangin C. balangay, tubigan, lahiB. pag-inog, itik, lipi D. bituka, luha, buwaya

____ 12. Lahat, maliban sa isa, ay mga halimbawa ng pangngalang pambalana. A. Gapan C. GagambaB. Gantsilyo D. Gasera

____ 13. Sa kabila ng marubdob na pagnanais ni Alberto sa maringal at masayang kasalan bago dumating ang araw na iyon, ay nakaramdam siya ng pagkayamot. Ano ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?

A. malamlam C. masidhiB. marangya D. maluho

____ 14. Batay sa kuwentong “Kasalan sa Nayon,” ano ang sinasabing tungkulin ng ama sa kanyang anak na lalaki?

A. Bigyan ng regalo sa kasal. C. Pilian ng mapapangasawa. B. Tustusan ang kasal nito. D. Manguna sa paghahanda.

____ 15. Ang pangunahing tauhan sa kuwentong, “Nagbibihis na ang Nayon.” A. Ka Tonyo C. KaryoB. Ka Tiyago D. Derang

____ 16. “He has a green thumb.” Ano ang wastong pagsasaling-wika ng pangungusap.A. Siya ay mahusay magtanim.B. Siya ay may luntiang hinlalaki. C. Siya ay mahilig sa luntian.D. Siya ay kumakain ng gulay.

____ 17. “Break a leg!” Narinig mo ito sa iyong kaibigan, ano ang ibig ipakuhulugan nito? A. Baliin mo ang hita mo! C. Paghusayan mo!B. Tumakbo ka nang mabilis! D. Huwag kang mangangawit!

____ 18. Ang balarila ay mahalagang matutunan para sa mas mabisang talamitam. Ano ang wastong saling-wika ng mga nasalungguhitang salita?

A. grammar at education C. grammar at communication B. grammar at relationship D. grammar at learning

____ 19. Nakita mo ang talaan ng mga asignatura na dapat kunin sa hayskul. Ang mga asignatura ay may salin sa Wikang Ingles liban sa isa, punan ito ng wastong salin.

A. Habunayan C. BuhaynayanB. Uhaynayan D. Haynayan

____ 20. Lahat ng mga sumusunod ay wasto ang pagkakasalin liban sa isa. A. dictionary – talatinigan C. language – wika B. glossary – kasingkahulugan D. vocabulary – talasalitaan

Chemistry (Kapnayan) Physics (Liknayan)Mathematics (Sipnayan) Biology __________

Page 3: Filipino III LT2 QTR1

II. PAGHAHANAY. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A B___ 1. May-akda ng “Walang Panginoon” A. Eleuterio P. Fojas___ 2. May-akda ng “Suyuan sa Tubigan” B. Hernando R. Ocampo___ 3. May-akda ng “Kasalan sa Nayon” C. Deogracias A. Rosario___ 4. May-akda ng “Nagbibihis na ang Nayon” D. Macario Pineda___ 5. Itinuturing na pinakamayaman sa Binondo E. Brigido C. Batungbakal___ 6. Kasalukuyang kura ng San Diego F. Padre Damaso___ 7. Napagbintangang pumatay sa artilyero G. Padre Salvi___ 8. Nagsabing hukayin ang bangkay ni Don Rafael H. Padre Sibyla___ 9. Aniya’y hindi totoo ang haka-haka kay Ibarra I. Padre Garrote___ 10. Tinanggal sa pagiging kura ng San Diego J. Don Rafael Ibarra

K. Don Santiago delos Santos

III. TAMA O MALI. Unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang TM kapag tama ang isinasaad nito at ML kung hindi.

_____ 1. Binibigyang tuon ng mood o atmospera ang pananalita, pananamit, manerismo at kaugalian sa isang partikular na lugar.

_____ 2. Ang pagbabagong morpoponemiko ay mga pagbabagong nangyayari sa morpema dahil sa kalikasan ng wika, paraan ng pagpapadali ng bigkas at pagtitipid sa salita.

_____ 3. Tinitingnan sa pagwawasto ang istruktura, pagbabantas, pagbabaybay at mga alituntuning pambalarila.

_____ 4. Isang inhinyero ang naging katipan ng hiyas ng Tulikan. _____ 5. Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na humahalili sa pang-abay.

IV. PAGKILALA. Tukuyin ang mga isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

_____ 1. Aspeto ng tagpuan na tumutukoy sa heograpikal na lokasyon. _____ 2. Banghay ng kuwento na tumutukoy sa resulta ng mga pangyayari. _____ 3. Banghay ng kuwento na tumutukoy sa pinakamataas o pinakamatinding bahagi nito. _____ 4. Banghay ng kuwento na tumutukoy sa paglutas ng tunggalian._____ 5. Uri ng kuwento na may layuning bigyang-aliw ang mga mambabasa. _____ 6. Uri ng kuwento na ipinadadama sa mga mambabasa ang damdamin ng tao. _____ 7. Uri ng kuwento na binibigyang pansin ang kapaligiran ng pinangyarihan. _____ 8. Uri ng panghalip na nagpapahayag ng layo o distansya. _____ 9. Uri ng panghalip na nasa anyong walang lapi katulad ng iba, isa, marami at kaunti._____ 10. Paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa panimulaang wika

patungong tunguhang wika.

V. PAGTATALA. Ibigay ang iba pang aspeto ng maikling kuwento (1-3) at mga tauhan sa mga tinalakay na kabanata sa Noli (4-5). Maling baybay, mali!

1. ___________________ 4. __________________2. ___________________ 5. __________________3. ___________________

ALL FOR THE GREATER GLORY OF GOD

A. Kuwento ng Sikolohiya G. Saglit na KasiglahanB. Panghalip Panaklaw H. Pagsasaling-wika C. Kuwento ng Katutubong Kulay I. Lugar D. Wakas J. Kuwento ng Katatawanan E. Kakalasan K. Panghalip Pamatlig F. Pagbabagong Morpoponemiko L. Kasukdulan