168
8:35 – 9:35 FILIPINO V-A I. Layunin A. 1. Nasusuri kung palarawan o pasalaysay ang pinakinggang talata. 2. Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng pangyayari, tao at pook sa binasa sa pasalita/pasulat na paraan. 3. Napapalawak ang talasalitaan sa tulong ng katuturan. 4. Nasusuri ang pagkakaiba ng piksyon o di-piksyon. 5. Nailalarawan sa isang sanaysay ang naging saloobin/nadama sa napanood/nabasang isyung panlipunan. B. Mga Estratehiya Masining na pagkukuwento Pagbasa ng pabigkas Paggamit ng larawan C. Pagpapahalaga: Pagkamatatag sa mga pagsubok sa buhay II. Paksang-Aralin A. Kwento: “Tala sa Buhay ni Francisco (Balagtas) Baltazar” B. Pagsusuri sa napakinggang talata palarawan/pasalaysay C. Estratehiyang Pangwika: Gamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng pangyayari, tao at pook D. Pagsusuri ng mga pangyayaring piksyon o di-piksyon E. Paglalarawan ng nabasang sanaysay/isyung panlipunan F. Sanggunian: BEC pp 78-90 Hiyas sa Wika 5 pp 152-155 Bagong Filipino 5 pagbasa pp 166-169 G. Kagamitan: mga larawan, tsart, aklat III. Gawain sa Pagkatuto A. UNANG ARAW 1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak Sino sa inyo ang mahilig magbasa ng mga kwento, nobela, at dula? Nabasa na ba ninyo ang Florante at Laura? Sino kaya ang sumulat nito?

Filipino v a2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

lesson

Citation preview

Page 1: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

I. LayuninA. 1. Nasusuri kung palarawan o pasalaysay ang pinakinggang talata. 2. Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng pangyayari, tao at pook sa binasa sa

pasalita/pasulat na paraan. 3. Napapalawak ang talasalitaan sa tulong ng katuturan. 4. Nasusuri ang pagkakaiba ng piksyon o di-piksyon. 5. Nailalarawan sa isang sanaysay ang naging saloobin/nadama sa napanood/nabasang isyung

panlipunan.

B. Mga EstratehiyaMasining na pagkukuwentoPagbasa ng pabigkasPaggamit ng larawan

C. Pagpapahalaga: Pagkamatatag sa mga pagsubok sa buhay

II. Paksang-Aralin

A. Kwento: “Tala sa Buhay ni Francisco (Balagtas) Baltazar”B. Pagsusuri sa napakinggang talata palarawan/pasalaysayC. Estratehiyang Pangwika:

Gamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng pangyayari, tao at pookD. Pagsusuri ng mga pangyayaring piksyon o di-piksyonE. Paglalarawan ng nabasang sanaysay/isyung panlipunanF. Sanggunian: BEC pp 78-90

Hiyas sa Wika 5 pp 152-155 Bagong Filipino 5 pagbasa pp 166-169

G. Kagamitan: mga larawan, tsart, aklat

III. Gawain sa Pagkatuto

A. UNANG ARAW1. Bago Bumasa

1.1 PagganyakSino sa inyo ang mahilig magbasa ng mga kwento, nobela, at dula? Nabasa na ba ninyo ang Florante at Laura? Sino kaya ang sumulat nito?

1.2 Pagpapakilala sa Kwento“Tala sa Buhay ni Francisco (Balagtas) Baltazar”

1.3 Paghahawan ng Sagabal/BalakidIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:Anak-pawisIdoloAdhikain

Page 2: Filipino v a2

Pinag-isang dibdibBalakid

1.4 Pagbubuo ng pangganyak na tanongSaang larangan nakilala si Francisco Baltazar?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad ng kwento

“Tala sa Buhay ni Francisco (Balagtas) Baltazar

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kwento ng tuluy-tuloy

2.3 Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot saa pagganyak na tanong

Saang larangan nakilala si Francisco Baltazar?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Ilarawan si Francisco Baltazar sa pamamagitan ng pagguhitPangkat II – Magtala ng mga pangungusap na palarawang kinuha sa kwentoPangkat III – Magtala ng mga pangungusap na pasalaysay na kinuha sa kwento

3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainPangkatin ang mga pangungusap na nasa ibaba ayon sa palarawang detalye at pasalaysay na detalye.

1. Naging makulay na muli ang buhay ni Baltazar.2. May karibal siyang mayaman at makapangyarihan.3. Anak-pawis mang masasabi itong makata ng tulang Filipino.4. Sa lugar ng Tondo nag-umpisang magkapangalan si Balagtas.5. Naging malungkot ang kanyang buhay.6. Lalo pang umusbong ang pagnanasa niyang maging sikat na manunula.7. Napaibig at napangasawa niya ang mayaman at kaakit-akit na si Juana Tiambeng.

Palarawan Pasalaysay1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.

Page 3: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

B.IKALAWANG ARAW

Panlinang na mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbaybay

Isulat nang wasto ang salitang bibigkasin ng guroAdhikainAlintanaNabighaniInstrumentNabilanggo

1.2 PagsasanayGamitin sa pangungusap ang mga salitang binaybay.

1.3 Balik-aralItaas ang isang kamay kung ang pangungusap na babasahin ay palarawan o pasalaysay.

1. Ang aso ay isang matapat na kaibigan.2. Ang asawa niya ay napakagandang babae.3. Ang hilig ko ay sumulat ng mga tula.4. Si Juan ay nagsikap kaya umunlad.5. Ang lolo ko ang pinakamayaman sa aming lugar.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Ano ang pamagat ng sanaysay na binasa natin kahapon? Natatandaan pa ba ninyo?2.2 Pagtalakay sa Kwento

Isusulat ng guro sa pisara ang sagot ng mga bata.

1. Anong katangian mayroon ang karibal ni Francisco Baltazar kay Maria Asuncion Rivera?2. Ano ang naging buhay ni Francisco Baltazar?3. Sino ang nakaisang dibdib ni Francisco Baltazar?4. Saan napapiit si Francisco Baltazar noong nagkaroon siya muli ng kaso?5. Kailan nakalabas ng kulungan si Francisco Baltazar?

Sagot:1. Ang karibal niya ay mayaman at makapangyarihan.2. Naging malungkot ang buhay ni Francisco Baltazar.3. Napangasawa niya ang mayaman at kaakit-akit na si Juana Tiambeng.4. Siya ay nakulong sa napakaliit na piitan.5. May edad na si Frnacisco Baltazar nang nakalabas sa kulungan.

Page 4: Filipino v a2

2.Pagtalakay sa AralinPagbasa ng mga bata sa mga pangungusap na nakasulat sa pisara.a. Anu-ano ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap?b. Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang ito?c. Ano ang inilalarawan ng salitang mayaman at makapangyarihan?d. Ano ang inilalarawan ng salitang malungkot sa ikalawang pangungusap?e. Ano naman ang inilalarawan ng salitang may guhit sa ika-apat na pangungusap?f. Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa tao, pook at pangyayari.

3. Pabigkas na PagsasanayPiliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-uri sa paglalarawan ng tao, pook at pangyayari.1. Kabukiran (mahangin, masaya, maberde, mapuno)2. Palengke (matao, marumi, maingay, mapula)3. Nahulog (masakiy, mahapdi, masarap, marumi)4. Artista (maganda, magaling, matangkad, masakit)5. Paaralan(malinis, masikip, makunat, masarap)

4. PaglalahatAno ang pang-uri?Saan-saan naglalaawan ang mga pang-uri?

5. Pinatnubayang Pagsasanay

Tao Pook Pangyayari

Magalang masakit kapanapanabikMalawak malungkot suwailMalayo madilim matipidMabait amalagim malamig

6. Malayang PagsasanayMagbigay ng angkop na paglalarawan sa sumusunod na salita1. Bagyo2. Awitan3. Bata4. Kalawakan5. Plasa

7. PagtatayaPiliin sa hanay B ang angkop na pang-uri o salitang naglalarawan sa mga salita sa hanay A.

A B_____ 1. Aksidente a. Tahimik_____ 2. Paligsahan b. Mahaba_____ 3. San Juanico Bridge c. Matapang_____ 4. Simbahan d. Kapanapanabik

Page 5: Filipino v a2

_____ 5. Bayani e. Malagimf. masigla

8:35 – 9:35 FILIPINO V-AIKATLONG ARAW1.Paglalahad/Pagganyak

Balikan natin ang kwentong ating binasa tungkol sa buhay ni Francisco Baltazar.Maganda ba ang naging buhay niya noon?Sa palagay ninyo totoo bang nangyari ang kwentong ito sa buhay ni Francisco Baltazar?

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit na hinango sa kwento.1. Anak-pawis mang masasabi itong makata ng tulang Filipino. (mayaman, maykaya, mahirap)2. Nabighani siya sa kakaibang ganda ni Maria Asuncion Rivera. (naakit, namangha, naiinis)3. Di niya alintana ang mga pagsubok sa buhay. (problema, kaligayahan, kagalingan)

2. Pagtalakay sa AralinNasabi ninyo na totoo ang mga pangyayari sa ating kwentong binasa tungkol sa buhay ni Francisco

Baltazar masasabi natin na ang kwentong ito ay di-piksiyon.

a. Ano ang piksyon? Ano ang batayan upang maging piksyon ang kwento?b. Ano ang di-piksyon? Bakit sinasabing ang kwento ay di-piksyon?

3. Pabigkas na KasanayanPunan ang mga patlang ng mga nawawalang titik upang mabuo ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Maraming iba’t ibang okasyon na idinaraos sa Pilipinas. P_gd_r_w_n2. Ang kasalan ay isang tradisyon ng kulturang Pilipino. K_u_ _ l_ _n3. Ang panalangin ng mag-asawa ay natupad. D_s_l4. Ang pagsisikap sa buhay ay may gantimpalang nakalaan. P_gp_p_ny_g_5. Hangarin nating magkaroon ng mabuting pamumuhay. _dh_k_ _n

4. Pinatnubayang PagsasanayUriin ang mga sumusunod na kwento. Lagyan ng bituin ang patlang kung piksyon at araw kung di-piksyon._____ 1. Talambuhay ni Manuel L. Quezon_____ 2. Nang magalit ang Diwata ng makiling_____ 3. Ang El Nino at ang Hinaharap ng Ekonomiya ng Bansa_____ 4. Ang Alamat ng Sandaang Pulo_____ 5. Ang Mahiwagang Gumamela

5. Malayang PagsasanayGumawa ng mga talaan ng mga pamagat ng kwentong piksyon at di-piksyon.

6. PaglalapatPanuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng panaklong.1. Naghanda ng pakana ang mga pulis kaya’t nahuli ang magnanakaw.

(paraan, pasabi, palabas, panlilinlang)2. Ayaw lumantad ang batang nakabasag ng plorera.

Page 6: Filipino v a2

(umalis, umamin, lumapit, humarap)3. Isang matalas na palakol ang ipinamutol niya sa punong-kahoy.

(kutsilyo, gulok, itak, puthaw)4. Matibay ng lubid ang ginawang panali sa kanilang Bangka.

(sinturon, baston, gulok, tali na yari sa abaka)5. Hindi nakita ng pulis ang magnanakaw. Marahil ay may tagabulag ito.

(di-nakikita, di-naririnig, di-nahihipo, di-nauunawaan)

Panuto: Uriin ang mga pamagat ng mga kwento ayon sa piksyon o di-piksyon._____ 1. Superman_____ 2. Rebolusyon sa EDSA_____ 3. Ang Batas Militar sa Pilipinas_____ 4. Ang Alamat ng Santol_____ 5. Ang Mahiwagang Lampara

7. PagtatayaPanuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salita sa loob ng kahon.

1. maligaya nakabara2. tumanggi ipinahati3. ipinabiyak namangha4. nakaharang masaya5. nakapagtataka umuwi

Umayaw

Panuto: Lagyan ng tsek ang tapat ng pamagat kung piksyon at lagyan ng X ekis ang tapat ng pamagat kung di-piksyon1. Romeo at Juliet2. Ang Labanan sa Pasong Tirad3. Ang Talaarawan ni Anne Frank4. Spiderman5. Ang Alamat ng Saging

Page 7: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

D. Ikaapat na ArawPagsusulat1. Paglalahad ng Lunsaran

Ayon sa kwentong “Ang Tala sa Buhay ni Francisco Baltazar” magbigay ng mga saloobin o nadama sa naging buhay niya noon.

2. PaglalahadPagbibigay ng pamantayan sa pakikinigPagbasa ng editoryal “DORSI Policy Dapat Pag-aralan.”

3. Pagtalakay sa GawainTungkol saan ang seleksyong napakinggan?Ano ang sanhi ng pagbagsak at pagsasara ng ilang bangko?Ano ang DORSI Policy?Anu-ano ang di-mabubuting ibinubunga ng DORSI priveleges?Ano kaya ang layunin ng may-akda/awtor sa pagsulat ng editoryal na ito?Kung kayo ang tatanumgin, ano ang inyong magiging saloobin o madarama kung isa kayo sa mga naghuhulog sa bangkong nagsara?

4. PaglalahatAnong kasanayang paglalahad ang natutunan ninyo ngayong araw na ito?Paano mailalarawan ang inyong saloobin o nadarama sa mga isyung panlipunan?

5. Pinatnubayang GawainPakikinig sa isang balita na babasahin ng guro. Ibigay ang saloobin o nadarama tungkol sa nabasang balita.

6. Malayang PagsasanayBasahing mabuti ang tula at isulat sa isang sanaysay ang saloobin tungkol dito.

7. Pakinggang mabuti ang sanaysay na babasahin ng guro at isulat ang naging saloobin at nadama.

8. PagtatayaBasahin ang maikling kwento isulat ang magiging saloobin/madarama sa babasahing kwento.

Page 8: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

D. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulitNasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanongNipakikita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit

II. Paksang AralinLagumang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 9: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

I. LayuninA. Naisusulat ang paksang diwa ng pinakinggang teksto.

Nagagamit nang wasto ang mga uri ng pang-abay sa pasalaysay at pasulat.Nakatutukoy ng maikling salita mula sa mahabang salita.Naigagawa ng balangkas ang seleksyong binasa.Napapalawak ang pagkakasulat ng isang talata sa tulong ng Pang-abay.

B. Mga EstratehiyaMasining na pagkukuwentoPagbasa ng Pabigkas

C. PagpapahalagaNapapahalagahan ang pagdiriwang ng kapistahan

II. Paksang AralinA. Ang Ati-atihan sa Kalibo, AklanB. Pagsagot sa mga tanong na Ano, Bakit, Paano, SaanC. Estratehiyang pangwika

Paggamit ng wasto ang mga uri ng Pang-abay sa Pasalaysay at PasulatD. Pagtukoy ng maikling salita mula sa mahabang salita

Paggawa ng balangkas ang seleksyong binasaE. Pagpapalawak ang pagkakasulat ng isang talata sa tulong ng Pang-abayF. Sanggunian: 2002 BEC-PELC sa Filipino 5 No. 24

Hiyas sa Wika p. 158-163G. Kagamitan: Activity charts

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW1. BagO Bumasa

1.1 PagganyakBakit kaya nagpipinta ng kulay itim o uling sa buong katawan ang mga Ita?

1.2 Pagpapakilala ng KwentoPagtukoy sa pamagatANG ATI-ATIHAN SA KALIBO, AKLAN

1.3 Paghahawan ng BalakidIbigay ang kahulugan ng sumusunod na salitaa. baybay-dagatb. nilusobc. ulingd. kapistahan

`1.4 Pagbubuo ng Pagganyak na tanong

Page 10: Filipino v a2

Nakakita na ba kayo ng ati-atihan?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad ng Kwento

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kwento nang tuluy-tuloy na gamit ang masining na pagkukwento.

2.3 Ikalawang PagbasaPagbasa na muli ng guro sa kwento sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong3.2 Pangkatang Gawain3.3 Pagpapayamang Gawain

Isulat ang paksang diwa ng seleksyong napakinggan at gawan ng dalawang pontong balangkas. Gamit ang ganitong format.

I. Pangunahing DiwaA. Mga Detalyeng SumusuportaB. sa Pangunahing DiwaC. ng Talata

Page 11: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

B. IKALAWANG ARAWPanlinang ng Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbabaybay

Isulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guro1.2 Pagsasanay

1.3 Balik-aralPiliin ang angkop na pang-uri sa bawat pangungusap.

1. (a. Mabagsik b. Malupit c. Masayahin d. Magaling) ang tiyahin niya sa kanya.2. (a. Mabagsik b. Malupit c. Malambing d. Masaya) ang aso kaya nakatatakot lumapit.3. (a. Mataas b. Matangkad c. Masaya d. Maganda) 4. (a. Mataas b. Matangkad c. Payat d. Marami) ang punong mangga.5. (a. Antukin b. Palaantukin c. Maantok d. Maantukin) ang nakababata kong kapatid.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Natatandaan ba ninyo ang kwentong, “Ang Ati-atihan sa Kalibo Aklan”?

2.2 Pagtalakay sa Kwento (Isusulat ng guro sa pisara ang sagot ng mga bata)a. Saan unang nanirahan ang mga Ati?b. Saan tumira ang mga Ati nang bilihin ng mga Malayo ang baybay-dagat?c. Kailan nilusob ng mga Ati ang mga Malayo?d. Paano nagkasunod ang mga Malayo at mga Ati?e. Paano ipinagdiwang ng mga Malayo at Ati ang kanilang pagkakasundo?f. Kailang ipinagdiriwang ng mga taga-Kalibo,Aklan ang Ati-atihan? Bakit nila ipinagdiriwang ito?

Mga Inaasahang Kasagutan:a. Unang nanirahan ang mga Ati sa Panay, malapit sa baybay-dagat.b. Tumira ang mga Ati sa kabundukan nang mabili ng mga Malayo ang baybay-dagat.c. Nilusob ng mga Ati ang mga Malayo nang naghirap na sila sa kabundukan.d. Naglagay ang mga Malayo ng mga uling sa buong katawan kaya nakapakiusap sila nang

maayos sa mga Ati.e. Masaya silang naglundagan at nagsayawan.f. Ipinagdiriwang nila ang Ati-atihan tuwing unang Linggo ng Enero.

2.3 PagtatalakayIpasuri ang mga pangungusap na minarkahan sa pangungusap a-f.Ipasagot:

a. Nagsasabi ng ano ang mga pariralang sa Panay? Sa kabundukan? Ano ang binibigyang turing ng sa Panay?(Sagot: Naninirahan)Anong bahagi ng pananalita ang naninirahan?

Page 12: Filipino v a2

Sabihin: Pang-abay na panlunan ang sa Panay at sa kabundukan.

b. Sumasagot sa tanong na ano ang pariralang nang maghirap na sila, sa pangungusap c? tuwing unang Linggo ng Enero, sa pangungusap f? (Sagot: Kailan) ano kayang uri nang pang-abay ang sumasagot sa tanong na kailan?(Sagot: Pang-abay na Pamaraan)

c. Sumasagot sa tanong na ano ang mga pariralang ito?Naglagay ng uling sa buong katawan, sa pangungusap d.

1. Masaya, sa pangungusap e.(Sagot: Paano)Ano kayang uri nang pang-abay ito? (Sagot: Pang-abay na Pamaraan)

Anu-ano ang tatlong uri ng pang-abay?

2. Pabigkas na Pagsasanay

Basahin ang mga pangungusap. Kilalanin ang pang-abay at tukuyin kung ito ay pang-abaay na pamaraan, pamanahon, panlunan.

1. Matiyaga nilang hinahakot ang mga pagkain.2. Kinuha nila iyon sa Pangasinan.3. Sa isang Linggo kami luluwas sa Maynila.4. Magaling umawit ang mga mag-aaral.5. Minsan nga masakit silang magsalita eh.

4. Pangkatang GawainPangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Ipamamahagi ng guro sa bawat lider ng grupo ang activity card.

Grupo I: Sumulat ng limang pangungusap gamit ang pang-abay na pamaraan.Grupo II: Magsalaysay ng isang karanasang di-malilimutan gamit ang pang-abay na panlunan.Grupo III: Gumawa ng isang usapan tungkol sa dalawang magkaibigan, gamitin ang pang-abay na pamanahon.

5. PaglalahatAnu-ano ang iba’t ibang uri ng pang-abay?

6. Pinatnubayang PagsasanayGamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-abay.1. Noong isang Linggo2. Sa darating na buwan3. Maingat4. Sa plaza5. Sa likod-bahay

7. Malayang PagsasanayIsulat sa sagutang papel kung ang salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, panahon, panlunan.

Page 13: Filipino v a2

1. Araw-araw ay may kwento si Lola sa amin.2. Sa likod-bahay nakatanim ang halamang gulay ni Tiyo Carding.3. Binantayan ni Tatay nang magdamag naming inahing baboy.4. Kaarawan ni kuya sa darating na buwan.5. Mabilis na dumating ang mga pulis.

8. PaglalapatSalungguhitan ang pang-abay sa bawat pangungusap.1. Si Lola ay maraming tanim na gulay sa bakuran.2. Isang mahusay na mag-aaral siya ng Colegio de Sta. Rosa.3. Kami ay magpipiknik sa tabing ilog.4. Kahapon dumalaw ang kanyang kaibigan.5. Matiyaga nilang hinakot ang kanilang natagpuang pagkain.

9. PagtatayaGamitin ang sariling pangungusap s ang mga sumusunod na pariralang pang-abay. Isulat ang pangungusap sa sulatang papel. Suriin ang pang-abay kung pamanahon, pamaraan, panlunan.1. sa Boracay2. sa silangan3. linggo ng Enero4. patiyad na lumakad5. maingat na nagsulat

10. KasunduanSumulat ng maikling talata tungkol sa pagpipiliang pamagat sa ibaba. Gumamit ng iba’t ibang uri ng

pangungusap sa pagsulat nito.1. Ang aming paaralan2. Operasyon: Linis sa aming Barangay

Page 14: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

C. IKATLONG ARAWPagbasaA. Bago Bumasa 1. Pagganyak

a. Ayon sa kwentong, “Ang Ati-atihan sa Kalibo Aklan,” Saan unang nanirahan ang mga Ati?b. Paano ipinagdiwang ng mga Malayo at Ati ang kanilang pagkakasundo?

Inaasahang sagot, kailangang isulat sa pisara.- Unang nanirahan ang mga Ati sa Pangasinan, malapit sa baybay-dagat.- Masaya silang naglundagan at nagsayawan.

2. Pagtalakay sa AralinAnu-ano ang maliit o maikling salita na matatagpuan sa mahahabang salitang may salungguhit?

3. Pagbibigay ng isa pang kwentoNgayon ay may babasahin tayong seleksyon: “Ang Pagpaplano ng Pamilya.”

4. Pabigkas na KasanayanPagbasa ng mga bata sa seleksyon.Pagtatanong tungkol dito.

1. Bilang munting mamamayang Pilipino, paano kayo makatutulong sa mabilis na pagsupil sa paglaki ng populasyon?2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung patuloy ang mabilis na paglaki ng populasyon sa daigdig?

5. Pinatnubayang PagsasanayIpatukoy sa mga bata ang maliit o maikling salitang mula sa mahahabang salitang matatagpuan sa

seleksyong binasa.

6. Malayang PagsasanayPangkatin sa maliit na grupo ang bawat bata. Pabuuin ang bawat grupo ng maikling salita mula sa mahabang salita.

Grupo I: pagsisiksikan, pinagkukunanGrupo II: tinatapakan, gumigimbalGrupo III: tumitigatig, imahinasyon

7. PaglalapatTukuyin ang maliit o maikling salitang mula sa mahahabang salita sa bawat bilang.1. nagkabungguang-balikat2. populasyon3. napagwari-wari4. nagbibigay-buhay5. magkamayan

Page 15: Filipino v a2

8. PagtatayaMagtala ng limang mahabang salita at isulat sa tapat nito ang maikling salita mula dito.

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

D. IKAAPAT NA ARAWPagsusulat

1. Paglalahad ng LunsaranPagpapakita ng guro ng isang lunsaran.

Ang pagkakaroon ng dumi sa hangin na siya nating nilalanghap ay sanhi ng mga usok na mula sa mga pabrika. Sa paglabas natin sa mga kalye, maruming hangin din ang sumasalubong sa atin buhat sa ibinubuga ng mga tambutso ng mga sasakyan.

Pinadudumi rin ang hangin ng mga basurang walang patumanggang itinatapon sa mga daan.

2. Pagtalakay sa GawainIpapaliwanag ng guro kung paano mapapalawak ang pagkakasulat ng isang talata sa tulong ng Pang-abay.

3. PaglalahatAnu-ano ang dapat nating tandaan sa pagsulat ng talata?

4. Pinatnubayang Pagsasanay Ganyakin ang mga batang sumulat ng kahit isang talata tungkol sa sariling karanasan, bilang kasapi ng

malaki/maliit na pamilya. Ipagamit ang angkop na pang-abay.

5. Malayang PagsasanayPunan ng angkop na pang-abay patlang sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang sagot.1. Nang _____ na ay umuwi na ang mga namamasyal _____.2. Pumunta ang tatay _____ upang mamingwit ng isda.3. _____ ay namimitas ang nanay ng talong ______.4. _____ nagpulong ang mga kabataan _____ noong ______.5. _____ nagtanim ng mga halamang bulaklakin si Glenda _____.

Araw-araw sa parke sa bakuran sa plasa LunesMasiglang hatinggabi sa ilogSa gulayan kanina

6. PaglalapatGumawa ng talata tungkol sa taong may kapansanan subalit may magandang nagawa o naging matagumpay ang buhay. Salugguhitan ang mga Pang-abay.

7. PagtatayaSumulat ng isa pang talata tungkol sa isa pang karanasang di-malilimot at gumamit ng iba’t-ibang uri ng Pang-abay.

8. KasunduanHumanda sa pagsusulit bukas.

Page 16: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

E. IKALIMANG ARAWI. Layunin

Makakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 17: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

I. Layunin1. Naitatala ang mga pang-abay na ginamit sa kwento/iba pang pinakinggang kwento.2. Naipakikita ang pagkakaiba ng gamit ng pang-uri at pang-abay sa parirala o pangungusap.3. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang kaugnay ng iba’t ibang asignatura

4. Nakapagbibigay ng palagay sa maaaring kalalabasan ng kwento kung may pagbabago sa banghay o tauhan

5. Nakasusulat ng mga biro, anekdota, patalastas, poster na ginagamitan ng mga pang-abay

B. Mga Estratehiya Paggamit ng Larawan

Pagbasa ng Pagbigkas ng KwentoMasining na Pagkukwento

C. PagpapahalagaPagkakaisaPagtutulungan

II. Paksang Aralin

A. Pagtatala ng mga pang-abay na ginamit sa kwento/iba pang pinakinggang kwentoB. Pagpapakita ng pagkakaiba ng gamit ng pang-uri at pang-abay sa parirala o pangungusapC. Pagbibigay kahulugan ng mga salitang kaugnay ng iba’t ibang asignaturaD. Pagbibigay ng palagay sa maaaring kalabasan ng kwentoE. Pagsulat ng mga biro, anekdota, patalastas, poster na ginagamitan ng mga pang-abayF. Sanggunian:Ang Wika Natin p.233-238

Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi p.275-295G. Kagamitan: Tsart ng Kwento, larawan, flashcards ng mga salita, cassette

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw

1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Maghanda ng isang kahon na may sampung maliliit na papel sa loob na may nakasulat na mga salita. Ipapasa ang kahon habang tumutugtog ang cassette kapag tumigil ang tunog ang batang

may hawak nito ay kukuha ng isang piraso ng papel at babasahin at sasabihin kung pang-abay o hindi.

1.1 Pagpapakilala ng KwentoPagtukoy sa Pamagat

“Ang Ati-Atihan sa Kalibo, Aklan”

1.2 Paghahawan ng BalakidIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

Page 18: Filipino v a2

a. ginugunitab. Atic. nilusobd. naglundagane. palamutif. saliw

1.3 Pagbubuo ng pagganyak na tanong 1.4 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad

Paglalahad ng Kwento

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kwento ng tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukwento

2.3 Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa kwento sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito. Tutukuyin ang mga pang-abay.

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Paano nagsimula ang Ati-atihan?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I, II, III – Magsaliksik/Gumawa ng talata tungkol sa taong may kapansanan subalit may magandang nagawa at isulat ang mga pang-abay na salita.

3.3 Pagsasagawa ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainKilalanin ang mga pang-abay sa pangungusap.1. Nagdidilig si Rosita ng mga halaman tuwing umaga.2. Nakakulong ang inahing baboy sa kural.3. Pasabsab kung kumain ang baboy.4. Nakakita ako ng pugad ng ibon sa sanga ng punongkahoy.5. Tuwing umaga ay naglalaro kami ng tebol tennis.

Page 19: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

B. IKALAWANG ARAW1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbaybay

Isulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guroKapistahanItaPaggunita

1.2 PagsasanayGamitin sa pangungusap ang pang-abay na salitang binaybay.

1.3 Balik-aralPagkilala sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Maingat sumulat sa notebook si Ana.2. Mahusay magtalumpati si G. Ramirez.3. Naliligo ang bata araw-araw.

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Ano ang pamagat ng kwento natin kahapon?Natatandaan ninyo pa ba ang mga pangyayari sa kwento?

2.2 Pagtalakay sa Aralin1. Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang pang-abay ay may kaibahan ang gamit sa pang-uri. Ipabasa ang isang hal.a. Matalinong sumagot si Arnold.b. Matalinong bata si Albert.

Itanong: Ano ang inilalarawan ng salitang matalino sa titik a? (sumagot)Anong bahagi ng pananalita ang sumagot?

Gabayan ang mga mag-aaral na matuklasan na ang salitang naglalarawan ng pangngalan ay isang pang-uri at ang naglalarawan ng salitang kilos o pandiwa ay pang-abay.

3. Pagbigkas ng PagsasanayGamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita bilang: A) pang-uri at pang-abay.1. Makapal

a.b.

2. Matalasa.b.

3. matapat

Page 20: Filipino v a2

a.b.

4. mabagala.b.

5. masipaga.b.

4. paglalahatAno ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay?

2. Pinatnubayang PagsasanayBilugan ang salitang naglalarawan. Isulat sa kahon ang PU kung pang-uri at PA kung pang-abay.

1. Mahusay magpaliwanag ng aralin si Gng. Torres.2. Taos-pusong tinulungan ni Luis si Bobby.3. Si Rosa ay matulungin sa kapwa.4. Malakas ang boses ni Carlos.5. Malakas magsalita si G. Moreno.

3. Malayang PagsasanayIsulat muli ang mga pangungusap. Gawing pang-abay ang pang-uri ng nakasalungguhit sa

pangungusap.

_____ 1. Maganda ang proyektong ginawa ng mga mag-aaral._____ 2. Mahusay ang ulat ng ipinarinig ng kanilang pangkat._____ 3. Matiyaga ang mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang proyekto._____ 4. Makulay ang Solar System sa aklat na nabasa ko._____ 5. Maningning ang mga bituin sa kalangitan.

6. PaglalapatGawing pang-uri ang pang-abay sa pangungusap. Isulat na muli ang nabuong pangungusap.1. Matalinong sumagot si John sa kanyang guro.____________________________________________

2. Maayos gumawa ng ulat ang pangkat nina Terry.____________________________________________

3. Bihasang magpaliwanag ng aralin si Bb. Santos.____________________________________________

4. Maingat na inisa-isa ni Diana ang mga kard katalog sa kahon.____________________________________________

5. Pantay-pantay niyang ginupit ang mga larawan para sa kanyang proyekto.

Page 21: Filipino v a2

____________________________________________

7. PagtatayaIsulat sa patlang kung ang mga sumusunod ay pang-uri o pang-abay.1. araw-araw 5. Maganda2. sa bakuran3. kanina4. malakas

8. KasunduanMagbigay ng limang halimbawa ng pang-uri at pang-abay.

Page 22: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

C. IKATLONG ARAWPagbasa

1. Paglalahad/PagganyakNaalala pa ba ninyo ang kwentong “Ang Ati-Atihan sa Kalibu, Aklan? Ngayon ay isasadula natin ang

pangyayari sa kwento. Pumili ng mga magiging tauhan sa kwento. Ipakita sa paraang kaya ng mga bata.

2. Pagtalakay sa AralinBasahin ang mga salitang hinalaw ko sa kwentong binasa. May mga salitang maaaring iugnay sa iba’t

ibang asignatura. Pansinin ang sumusunod na talahanayan ng mga salitang ginamit sa seleksyon.

Salita Asignatura Paraan ng Pag-uugnayGlobo Heograpiya/HEKASI Nagpapakita ng lahat ng bansa sa

daigdig66 ½ Matematika Nagpapakita ng pagitan mula sa

Ekwador hanggang kabilugang Antartika

Natutunaw na yelo Agham Isang proseso kung saan ang solido ay nagiging likido

3. Ipabasa ang kwentong “Ang Liham ni Donita”

4. Pinatnubayang PagsasanayTalakayin at pasagutan ang mga tanong sa Talakayin Natin sa mga p.6-7 ng Batayang Aklat.

5. Malayang PagsasanayBigyang kahulugan ang mga sumusunod.1. Agham2. HEKASI3. EPP4. Relihiyon5. Filipino

6. PaglalapatSino ang sumulat kay Rolly?Saan nanggaling ang sulat?

7. PagtatayaIsulat sa tamang hanay sa tsart kung anong asignatura may kaugnayan ang sumusunod na mga salita.1. Paggawa ng kandila2. Populasyon3. Moses4. Tatlong pangkat ng pagkain

Page 23: Filipino v a2

5. Aerobics8. Takdang Aralin

Ipabasa ang bahagi ng aralin sa Wika sa Batayang Aklat sa mga p.9-10.8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

D. IKAAPAT NA ARAWPagsusulat

1. Paglalahad ng LunsaranPagpapakita ng guro ng isang patalastas, anekdota at poster.

2. Pagtalakay sa GagawinIpapaliwanag ng guro ang pagsulat ng patalastas, anekdota, poster at biro na ginagamitan ng pang-

abay.

3. Pagbigkas ng GawainMagbigay ng isang patalastas at gamitin ang pang-uri at pang-abay sa pangungusap.

4. PaglalahatAno ang dapat nating tandaan sa pagsulat ng biro, anekdota, patalastas at poster?

5. Pinatnubayang GawainIsulat ng wasto ang patalastas na ibibigay ng guro.

6. Malayang PagsasanaySagutin ang Alamin at Gamitin sa p. 168

7. PaglalapatIsulat ang maikling patalastas tungkol sa isang palatuntunan na ginagamitan ng pang-abay.

8. PagtatayaGumuhit ng isang poster tungkol sa sikat na komedyanteng si Dolphy.

Page 24: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 25: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

I. A. Mga Layunin1. Nabibigyang hinuha / paliwanag ang mga tanong tungkol sa binasang kwento.2. Nakikilala ang mga sugnay na pang-abay sa pangungusap at mga salitang bumubuo dito.3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa benakular: wikang banyaga.4. Naisusulat ang mga angkop na sugnay pang-abay sa mga di-tapos na talata.

B. Mga EstratehiyaPaggamit ng LarawanPagbasa ng Pagbigkas

C. PagpapahalagaPagiging matulungin sa kapwa

II. Paksa:A. Kwento: KabayanihanB. Pagsagot sa mga tanongC. Estrategiyang Pangwika

Pagkilala sa mga sugnay na pang-abay sa pangungusap at mga salitang bumubuo dito.D. Pagsulat ng angkop na sugnay sa mga di-tapos na talataE. Pagpapaliwanag sa kahulugan ng mga salitang hiram sa bernakular, wikang banyaga.F. Sanggunian:BEC-PELC blg.26

Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi; d.72-78, d. 317-318, d. 326-327G. Kagamitan: Tsart, Larawan

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Paano ba maging isang bayani?Sinu-sino ang kilala mong bayani? Bakit natin sila itinuturing na bayani?

1.2 Pagpapakilala sa KwentoKwento: KabayanihanFilipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi d. 317-327

1.3 Paghahawan ng BalakidPagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B.

A B1. kabayanihan a. kawal2. digmaan b. mabuting nagawa3. saklot c. nakintal, nalagay sa isip4. sundalo d. bitbit

Page 26: Filipino v a2

5. natanim e. labanan 1.4 Pagbuo ng Pagganyak na Tanong

Paano naging bayani si Harvey?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad

Paglalahad ng Kwento

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kwento

2.3 Ikalawang PagbasaPagbasa ng guro at pagtalakay sa kwento

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Paano naging bayani si Harvey?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Pagsasalaysay ng kwentoPangkat II – Isadula ang ginawang kabayanihan sa kwentoPangkat III – Gumawa ng dalawang taludtod ng tula tungkol sa kabayanihan

3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang gawainIsalaysay ang inyong nagawang kabayanihan

Page 27: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbabaybay

Kampo masuwerteKatalinuhan tagubilin

1.2 PagsasanayMagbigay ng halimbawa ng pangungusap gamit ang pang-uri.Magbigay ng halimbawa ng pangungusap gamit ang pang-abay:

1.3 Balik-aralAnong punto ang nais ipahatid ng kwentong tinalakay kahapon?

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Ayon ds kwentong inyong napakinggan, anu-anong magagandang katangian ni Harvey ang inyong dapat tularan?

2.2 Pagtalakay sa Kwento1. Tungkol saan ang kwento?2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?3. Saan nagtatrabaho ang ama ni Harvey?4. Ano ang sinabi ng kanyang ama tungkol sa kabayanihan?5. Mga sundalo lang ba ang nagiging bayani? Ipaliwanag ang inyong sagot.

3. Pagtalakay sa AralinBasahin ang mga sumusunod:1. Sina Mang Danny at Aling Lorna ay mapalad sapagkat si Harvey ay napakabait.2. Pupunta siya sa kampo ng kanyang pinagtatrabahuhan.3. Si Aling Lorna ay umiiyak dahil sa anak na naiwan sa bahay.- Anong lipon ng mga salita ang may salungguhit sa pangungusap bilang 1? Bilang 2? Bilang 3?- Anong uri ng sugnay ang mga ito?- Ano naman kaya ang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay sa pangungusap bilang 1? Bilang 2? Bilang 3?

4. Pagbigkas na PagsasanayPag-ugnayin ang sugnay na pang-abay sa ibang bahagi ng pangungusap upang makabuo ng pangungusap.

1. Nanalo sila sa basketbol a. na nila ganapin ang kanilang pagtatapos2. Pumasok siya sa paaralan b. Dahil nag-eehersisyo siya tuwing umaga

Page 28: Filipino v a2

3. Pinili nila na sa Sabado c. Kung papayagan ka4. kahit matanda na si tatay siya ay malakas d. Dahil sa kahusayan ng manlalaro5. Kami ay aalis e. Na pinag-aralan pa ng kanyang ina

5. PaglalahatAno ang sugnay na pang-abay?

6. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Piliin ang pang-abay sa pangungusap. Salungguhitan ito.1. Ang mga magsasaka ay maagang gumigising.2. Nagtanim ng punongkahoy ang mag-aaral.3. Talagang napakagaling kumanta ng mang-aawit.4. Pinulot ni Ambo ang nalaglag na manga.5. Mabilis na mabilis na tumatakbo ang manlalaro.

7. Malayang PagsasanayIsulat ang sugnay na pang-abay na may salungguhit ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at

pang-abay.a. Sila ay nakapagtanim dahil tumubo lahat ang punlang palay.b. Si Myrna ay masipag sapagkat sanay siya sa gawaing-bahay.c. Pupunta sila sa bukid na pinagtaniman ng maraming punong manga.d. Sumimba sila noong Linggo nang ipagdiwang ang pista ng nayon.e. Si Elsa ay may magandang buhok dahil inaalagaan niya itong mabuti.

8. PaglalapatSalungguhitan ang sugnay na pang-abay at bilugan ang bibigyang turing nito.a. Si Rosie ay matalino dahil matalino rin ang kanyang mga magulang.b. Pupunta kami sa bayan naroroon ang maraming tindahan ng sapatos.c. Ang ulan ay malakas sapagkat may bagyo.d. Siya ay umalis na, dahil mahuhuli na siya sa klase.e. Sa Martes na nila ipapalabas ang maikli nilang dula-dulaan.

9. PagtatayaBilugan ang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay na may salungguhit.a. Nag-aaral silang mabuti ng leksyon upang makasagot sa guro.b. Hindi sila sumasama sa masamang barkada sapagkat hindi ito makabubuti sa kanila.c. Tumakbo sila dahil mahuhuli sila sa klase.d. Siya ay matalinong bata dahil mahilig siyang magbasa.e. Dadalangin sila sa Diyos upang sila’y tulungan.

10. KasunduanSumulat ng mga pangungusap na may sugnay na pang-abay na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at pang-abay.

1. Sugnay na pang-abay na nagbibigay turing sa pandiwaa.b.

2. Sugnay na pang-abay na nagbibigay turing sa pang-uria.b.

Page 29: Filipino v a2

3. Sugnay na pang-abay na nagbibigay turing sa pang-abaya.b.

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa

1. Paglalahad/PagganyakPagbasa ng isang lihamHihintayin Kita RitoFilipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi d. 72-78

2. Pagtalakay sa Aralin1. Tungko saan ang liham?2. Sino ang sumulat nito?3. Saan sila nakatira ngayon?4. Bakit nalipat sila sa Baguio?

3. Pagbigkas na KasanayanPagtukoy sa mga salitang hiram at mga kahulugan nito.1. picture – litrato2. strawberry jam – minatamis na strawberry3. landslide – pagguho ng lupa

4. Pinatnubayang PagsasanayMagbigay ng mga salitang hiram

5. Malayang PagsasanayPanuto: Salungguhitan ang salitang hiram.

1. Bumili kami ng masarap na cheesestick.2. Hamburger ang pasalubong sa amin ng tatay.3. Ang bote, diyaryo, at garapa ay dinadala sa junkshop.4. Si Carla ay nagtitinda ng banana cue.5. Lagi akong may baong sandwich sa aking pagpasok.

6. PaglalapatTukuyin sa bawat paliwanag na kahulugan ng mga salitang hiram na tinutukoy.1. Pinakamataas na karangalan na ibinibigay sa pagtatapos sa elementarya o sekondarya.2. Lutong Intsik na pinaghalu-halong gulay na iginisa at sinangkapan.3. Pagdumi ng hangin dulot ng usok na ibinubuga ng mga sasakyan.4. Kagamitang ginagamit upang makita ang malalayong lugar o bagay.5. Paghinto ng daloy ng sasakyan sa iba’t-ibang kadahilanan.

7. PagtatayaBasahin ang mga pangungusap at kilalanin ang salitang hiram na ginamit dito. Pagkatapos, piliin ang kahulugan nito sa mga sagot sa ibaba.

Page 30: Filipino v a2

_____ 1. Dinalaw ng dating magkakamag-aral na G. Jun Romero, G. Juan Cruz at G. Gabriel Dinozo, ang kanilang alma mater, ang Paaralang Elementarya ng Pio del Pilar makalipas ang ilang taong pananatili sa ibang bansa.

_____ 2. Inanyayahan na din sila upang maging panauhing pandangal sa gaganaping pagpapasinaya ng bago nilang auditorium.

_____ 3. Bago lumisan, nag-iwan ng malaking halaga ang mga professional upang makatulong sa gastusin ng paaralan.

_____ 4. Nagbigay din si G. Dinozo ng mga microscopes. _____ 5. Nag-iwan naman ng labinlimang cassette si G. Romero sa paaralan.

a. kagamitang ginagamit upang makita ang mga bagay na di-nakikita ng ating mga mata.b. radyoc. paaralang pinagdausand. tanghalane. samahan ng mga mangangalakalf. mga taong nakatapos ng kolehiyo at nagtagumpay na sa larangang napili

8. KasunduanMagtala ng iba pang salitang hiram at ibigay ang kahulugan nito.

Page 31: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

D. IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng LunsaranKwento: Kabayanihan

2. Pagtalakay sa AralinPagpapaliwanag ng mga guro sa pagsulat ng sugnay pang-abay sa mga di-tapos na talata.

3. Pagbigkas na GawainIsalaysay ang pangungusap na may sugnay pang-abay sa kwentong binasa.

4. PaglalahatAno ang dapat tandaan sa pagsulat ng sugnay pang-abay?

5. Pinatnubayang PagsasanayKumpletuhin ang di-tapos na talata. Sipiin ang sagot na nasa kahon.

Presyo ng mga Bilihin, TumaasTulad ng inaasahan, tuwing dumarating ang buwan ng Enero, tumataas ang presyo ng bilihin. Ang

mga bilihin ay may mataas na presyo _____. Kailangang maging matipid ang mga kasapi ng isang pamilya _____. Tiyak na malulutas ang kanilang problema, _____ at magiging magaan ang buhay, _____.

Kung sila’y may pagtutulungan para hindi sila kapusin sa panggastosKapag nagawa nila ito kaya kinukulang ang presyo

6. Malayang PagsasanaySumulat ng isang talata gamit ang sugnay na pang-abay.

7. PaglalapatPunan ng angkop na sugnay pang-abay ang mga di-tapos na talata.

Kahanga-hanga ang ating mga ninuno. Nabubuhay pa rin sila ng marangal _____. Nanghuhuli sila nang hayop sa gubat para may makain _____. Hindi sila nakapag-aral _____. Naging masinop sila sa lahat ng bagay _____. Nagkakaroon ng pagbabago ang kanilang pamumuhay _____.

8. PagtatayaSumulat ng isang talata gamit ang sugnay na pang-abay.

Page 32: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 33: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

I. LayuninA. 1. Naitatala ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan

2. Nagagamit ang pang-abay sa pagsasalaysay at pagsulat ng natatanging pangyayari sa binasa.3. Nabibigyang katuturan ang mga salitang matatalinghaga at nagagamit ito sa pagsasalita/pagsulat.4. Nabibigyan ng sariling palagay ang mga pangyayari5. Nasusulat ang reaksyon sa isang natatanging pangyayari sa binasa kaugnay ng mga pagbabagong nagaganap sa pamumuhay ng bansa

B. Mga EstratehiyaPagbasa ng PabigkasMasining na Pagkukwento

C. PagpapahalagaPagkakaroon ng pananalig sa DiyosPagkakaroon ng determinasyon na magtagumpay sa buhay

II. Paksang AralinA. Kuwento: Para Kay Inay LamangB. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakingganC. Paggamit ng pang-abay sa pagsasalaysay at pagsulat ng natatanging pangyayari sa kwentoD. Pagbibigay katuturan sa mga salitang matalinghaga at paggamit nito sa pagsasalita/pasulatE. pagbibigay ng sariling palagay sa mga pangyayariF. Pagsusulat ng reaksyon tungkol sa natatanging pangyayari sa binasa kaugnay ng mga pagbabagong

nagaganap sa pamumuhay ng bansa.G. Sanggunian: Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi 5, pahina 258-267

Hiyas sa Wika, pahina 161-163H. Kagamitan: Tsart, Activity Cards

III. Mga Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Maaari bang magkatotoo ang pinapangarap ng isang tao? Paano?

1.2 Pagpapakilala sa KwentoPagtukoy sa pamagat “Para kay Inang Lamang”

1.3 Paghahawan ng sagabal o balakidIbigay ang kahulugan ng mga salita. Pagtambalin ang hanay A at hanay B.

A BNasaid kusinaMaipamamana magbuhatKomedor guni-guni

Page 34: Filipino v a2

Nagdidildil naubosBalintataw maibibigayBumukal naghihirap

1.4 Pagbubuo ng Pagganyak na tanongPaano natupad ang kahilingan ni Jenny?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad muli ng kwento 2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro ng tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukwento 2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa Pagganyak na tanong

Paano natupad ang kahilingan ni Jenny?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Isadula ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod nito sa kwentoPangkat II – Magtala ng kawikaan na siyang magiging gabay sa pagtahak upang magtagumpay sa

buhayPangkat III – Iguhit ang mga nais mangyari sa buhay pagdating ng arawPangkat IV – Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa “Ako sa Hinaharap”Pangkat V – Awitin ang “Magsimula Ka” ni Leo Valdez

3.3 Pag-uulat ng Bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainAng bawat pangarap ay may katuparan kung ikaw ay mananalig lamang sa walang hanggang

kadakilaan ng Diyos. Magtala ng isang kasaysayan ng tagumpay na ang naging puhunan ay determinasyon, pagsisikap at pagtitiyaga sa buhay.

Page 35: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbabaybay

BalintatawGuni-guniNagdidildilKomedorNasaid

1.2 PagsasanayGamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga salitang binaybay.

1.3 Balik-aralSalungguhitan ang pang-abay sa pangungusap at tukuyin ang uri nito._____ 1. Magaling umawit ang mga mag-aaral._____ 2. Kinabukasan, dumating ang di inaasahang suwerte sa kanilang buhay._____ 3. Naglalabada si Aling Sabel sa may kanto._____ 4. Taimtim na nananalangin si Jenny._____ 5. Hatinggabi na nang dalawin siya ng antok.

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Mula sa kwentong inyong napakinggan ng nakaraang aralin na pinamagatang “Para kay Inang Lamang” nangarap din ba kayong umunlad ang buhay? Ano ang dapat ninyong gawin upang makamit ang inyong mga pangarap?

2.2 Pagtalakay sa Kwento(Isusulat ng guro sa pisara ang sagot ng mga bata)

1. Anong uri ng mag-aaral si Jenny?2. Paano hinarap ni Aling Sabel ang kanilang kahirapan?3. Anong balita ang natanggap ni ALing Sabel at Jenny kinabukasan?4. Paano makatutulong ang perang tatanggapin ni Aling Sabel sa kanilang buhay?

Sagot:1. Si Jenny ay napakasigasig na mag-aaral.2. Hinarap ni Aling Sabel ang kanilang kahirapan ng buong tapang3. Kinabukasan, nakatanggap ng sulat si Aling Sabel at si Jenny naman ay nakapasa sa

scholarship. 4. Sa pamamagitan ng perang tatanggapin ni Aling Sabel, makapagpapatayo na sila ng maliit na

negosyo.

3. Pagtalakay sa Aralin

Page 36: Filipino v a2

(Pagbasa ng mga bata sa pangungusap na nakasulat sa pisara)- Anu-ano ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap?- Anong bahagi ng pananalita ang mga ito?- Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit sa bawat pangungusap?

4. Pabigkas na PagsasanayPunan ang puwang na angkop ng pang-abay na pamaraan, panlunan o pamanahon upang mabuo ang diwa ng kwento.

Sunog!Sunog! Ito ang _________ (paano) na sigaw na narinig ko sa ________ (saan). _________ (paano) akong bumangon upang malaman kung saan ito nagmumula. Agad akong pumunta sa may _______ (saan) at sumilip _______ (paano) nagtatakbuhan ang mga tao. Napalabas ako sa ________(saan). Nakita ko ang bahay nina Aling Lucila na nasusunog at malapit nang madamay ang katabing bahay nito. Naku po!Malapit na rin sa amin.________ (paano) akong tumakbo pabalik sa bahay.

“Itay! Inay! Magsibangon po kayo!” ang _______ (paano) kong sigaw. _______ (paano) bumangon ang lahat. ________(paano) naming inihanda ang aming mga gamit at dinala ang mga ito sa _______ (saan). Tumawag kami _______ (Kailan) din ng bumbero sa malapit na istasyon. ________ (kailan) pa ay dumating na ang bumbero at inapula ang apoy. _______ (paano) ibinalik namin ang aming kagamitan sa ______ (saan).

“Kinakailangan talaga ang pag-iingat sa sunog. Mabuti pang manakawan, huwag lang masunugan di ba?” ang wika ko sa aking sarili.

5. PaglalahatAno ang pang-abay?Anu-ano ang mga uri nito?

6. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-abay upang mabuo ang diwa ng talata, piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Gumising si Aubrey upang magsimba sa _____. Kinuha niya ang kanyang dadalhin sa _____ at _____ na ipinasok ko sa kanyang bag. _____ siyang sumakay sad yip upang makarating siya nang maaga. Pagdating _____, _____ siyang lumuhod at nanalangin. Pagkatapos ng misa, bumili naman siya ng sampaguita upang ilagay sa ______.

Ang pagsisimba ang naging lingguhang gawain ni Aubrey. Dahil dito lalo siyang napalapit sa Panginoon.

Aparador sa Quiapo matagalDoon sa kusina maingatMarahan sa altar maya-mayaMaaga agad ngayon

7. Malayang PagsasanayPanuto: Punan ang puwang ng nais na pang-abay na pamaraan, panlunan at pamanahon. Gamiting pang-abay ang uri ng pang-abay na nasa loob ng panaklong.

Page 37: Filipino v a2

Maglakbay...Magliwaliw... Ito ang aking pinapangarap noon man. Nais kong makarating sa ___________, __________ at __________. (panlunan). Nais kong mamasyal sa __________, (panlunan) sa ___________, at sa __________.

Sana’y __________ (pamanahon) na ito mangyari, hindi __________ o __________ (pamanahon) na ito mangyari, hindi o alalay na __________ (pamamaraan) na nagsisilbi sa akin. Kinakailangang __________ (pamamaraan) na ihahanda niya ang aking pangangailangan sa tuwing kami’y aalis.

O tunay na kaysarap mangarap. Sana nga’y magkatotoo... “Ay __________ (pamanahon) na pala. Kailangan ko ng matulog. Tapos ko na naming pag-aralan ang aking mga aralin. Tutulog na lamang ako at doon sa aking panaginip na lamang ako maglalakbay.

8. Pagtataya

Panuto: Kilalanin ang mga pang-abay sa pangungusap. Isulat kung pamanahon, panlunan at pamamaraan sa patlang.

__________1. Nagdidilig si Rosita ng halaman tuwing umaga.

__________2. Nakakulong ang inahing baboy sa kural.

__________3. Pasabsab kung kumain ang baboy.

__________4. Nakakita ako ng pugad ng ibon sa sanga ng punong kahoy.

__________5. Tuwing umaga ay naglalaro kami ng table tennis.

9. Kasunduan

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa pagpipiliang pamagat sa ibaba

1. Ang Aming Paaralan2. Operasyon: Linis sa Aming Barangay3. Ang Modelong Guro Para sa Akin4. Iba pang paksa na nias talakayin.

Page 38: Filipino v a2

8:35 – 9:35 FILIPINO V-A

C. IKATLONG ARAW

1. Paglalahad/Pagganyak

Ayon sa kuwentong “Para kay Inay Lamang”, bakit namatay ang tatay ni Jenny?

Ano ang katangian ni Jenny at ayaw siyang pahintuin ng ina sa pag-aaral?

Bakit nagbigay ng balato ang amo ni Aling Sabel?

Sagot:

1. Namatay ang tatay ni Jenny dahil trabahong kalabaw ang ginagawa niya.2. Utak berde si Jenny kaya ayaw siyang pahintuin ni Aling Sabel sa pag-aaral.3. Mataba ang bulsa ng amo ni Aling Sabel kaya nagbigay ito ng balato.

2. Pagtatalakay sa Aralin

- Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

- Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

- Ano ang matalinghagang salita?

3. Pagbigkas ng kasanayan

Panuto: Basahin ang mga matalinghagang salitang may salungguhit sa pangungusap sa hanay A. Piliin ang kahulugan nit sa hanay B. Pagkatapos, gamitin ito sa pngungusap.

A1. Ang kanyang pagdalo sa palatuntunan ay

nagbigay buhay sa pagdiriwang 2. Ginawaran ng medalya ang mag-aaral na

berde ang utak.3. Nagbigay siya ng balato sa kaibigan dahil

mataba ang bulsa niya ngayon.4. Nais niyang makatapos ng pag-aaral kung

kaya’t siya ay nagsusunog ng kilay.

a. Nag-aaral na mabutib. Nagpasiglac. Ina o nanayd. Mabigat na trabaho

5. Tila trabahong kalabaw ang ginawa mo

4. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Pag-ugnayin ang matalinghagang salita at ang kahulugan nito.

Butas ang bulsaPantay na ang paaLumaki ang uloParang basing uposDi-maliparang uwak

a. Malawakb. Yumabangc. Walang perad. Patay nae. Nagkasakit

Page 39: Filipino v a2

5. Paglalahat

Ano ang gamit ng matatalinghagang salita?

6. Malayang Pagsasanay

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap mula sa mga salitang matatalinghaga.

1. Di makabasag pinggan2. Taingang-kawali3. Anak-pawis4. Balat sibuyas5. Di mahapayang gatang

7. Pagtataya

Panuto: Hanapin sa hanay B ang katugma ng mga salitang matalinghaga sa hanay B

A

1. Isip lamok2. Nagbibilang ng poste3. Kulang sa walo labis sa pito4. Di mahulugang karayom5. Nagasgas ang bulsa

B

a. Walang trabahob. Nagkagastos ng malakic. Mahina ang ulod. May sira ang uloe. Marami

Page 40: Filipino v a2

8. KasunduanPanuto: Magtala ng limang matatalinghagang salita at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.D. IKAAPAT NA ARAW

Pagsusulat

1. Paglalahad ng LunsaranPanuto: Ipabasa sa isa hanggang dalawang bata ang tulang “Pilipinas: Paunlad ng Paunlad”.

2. Pagtalakay sa Aralin1. Bakit masasabing paunlad ng paunlad ang Pilipinas.2. Anong hakbang ang ginawa upang mapanatiling maganda ang likas na yaman?3. Anu-anong pagbabago ang nagaganap sa paligid?4. Bakit tahimik na ngayon ang magugulonh lugar?5. Ano ang matatamo kung pantay ang bata ng mayaman at mahirap?6. Anu-ano ang hadlang sa trapiko?7. Kung may dayuhang magtatanong sa iyo tungkol sa Pilipinas, paano mo ito ilalarawan?8. Angkop ba ang pamagat ng kuwento?

3. Pabigkas na GawainPanuto: Sumulat ng reaksyon tungkol sa tulang napakinggan.

4. PaglalahatBakit mahalagang magbigay ng reaksyon sa ating napapakinig, nababasa o nakikita?

5. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Ibigay ang reaksyon sa sumusunod na situwasyon.1. Higit na makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng magsasaka ang pamamasukan sa

planta ng semento kaysa sa pagtatanim sa bukid.2. Tuparin ang obligasyon sa sariling relihiyon na inaakala at magaan lamang.3. Maktutulong sa paglaki ng produksyon ng pagkan ang pagiging dalubhasa ng mga Pilipino sa

Science, Math at English.4. Mas uunlad ang bansa kung high tech na gamit ang lahat na ating gagamitin.5. Mapipigil ang paglobo ng populasyon kung maaaprubahan ang “reproductive health bill”.

6. Malayang PagsasanayPanuto: Bigyang reaksyon ang pahayag na nakakahon.1. Dapat iasa natin sa mga Amerikano ang pangangalaga sa demokrasya ng ating bansa.

Halimbawa: Pagpapatatag ng mga sundalong Pilipino.2. Mahihikayat natin ang iba na maging matapat sa lahat ng uri ng gawain kapag

gagantimpalaan ng malaking halaga ang sinumang nagpapakita ng katapatan sa paggawa.3. Pagpapahintulot sa mga mag-aaral na magdala ng cellphone sa paaralan upang maging

mabilis ang komunikasyon.4. Pagpapakasal ng parehong kasarian.

Page 41: Filipino v a2

(Maaaring magbigay ang ibang guro ng Gawain para masanay pang lalo sa pagbibigay ng reaksyon ang mga mag-aaral)

7. PaglalapatPanuto: Ibigay ang reaksyon sa situwasyon.Pagpapatupad sa bawat paaralan ng “English SpeakingZone” policy upang maipakita na sumasabay tayo sa pagsulong ng bansa.

8. PagtatayaPanuto: Ibigay ang reaksyon sa situwasyon.

Lalaki lamang ang makgagawa ng mga paraan ng paglutas ng mga suliraning panlipunan sa bansa.

9. Takdang AralinPanuto: Isulat ang reaksyon tungkol sa patuloy na pagtaas ng gasolina.

E. IKALIMANG ARAW

Page 42: Filipino v a2

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

I. LayuninA. Nakapagbibigay lagom o buod sa tekstong pinakinggan.

Page 43: Filipino v a2

Nakakikilala/nakabubuo ng mga salita/pahayag sa tulong ng mga sugnay na pang-abay na may higit sa isang kahulugan.Nababalangkas ang mga kaisipan/pangyayari sa seleksyong nabasa.Nakabubuod ng isang kuwento/sanaysay at naisusulat ang mga kaugnayan nito sa mga isyung panlipunan.

B. Mga EstratehiyaPagbubuod sa tekstong napakinggan.Pagkilala sa mga pang-abay.Pagbabalangkas ng mga pangyayari.Pagsulat ng maikling sanaysay.

C. Pagpapahalaga: Pagiging masipag at magkakaisa.

II. PaksaI. Kuwento: Langgam, Gawing Huwaran.

II. Kasanayan sa Pag-unawa: Pagsagot sa mga tanong/Pagbubuod sa tekstong napakinggan.III. Istrukturang Pangwika: Pagkilala sa Pang-abay.IV. Pagbasa: Pagbabalangkas ng mga pangyayari sa kuwentong binasa.V. Pagsulat: Pagsulat ng isang sanaysay,

VI. Sanggunian: BEC PELC Ikalimang Baitang, Filipino: Yaman ng lahing Kayumanggi, pahina 275-287.

VII. Kagamitan: Tsart, larawan, istrip ng kartolina.

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw

1. Bago Bumasa1.1. Pagganyak

Panuto: Magbigay ng mga hayop at kulisap na kapakipakinabang.1.2. Pagpapakilala sa kuwento

Kuwento: Langgam, Gawing Huwaran.Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi.Pah. 275-281.

1.3. Paghahawan ng BalakidKuhanan sa loob ng pangungusap ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong(naimbak) 1. Maraming naipong tubig sa mga estero sa kamaynilaan.(kalamidad) 2. Malaking problema ang hinaharap ng gobyerno dahil sa mga

sakuna.(masinsinan) 3. Isang seryosong pagpupulong ang isinasagawa ni Pangulong

Ninoy Aquino sa kaniyang gabinete.1.4. Pagbuo ng Pagganyak na Tanong

Page 44: Filipino v a2

Ano ang Dapat nating tularan sa mga Langgam?1.5. Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1. Paglalahad

Paglalahad ng Kuwento2.2. Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa kuwento2.3. Ikalawang pagbasa

Pagbasa ng guro at pagtatalaky sa kuwento

3. Pagkatapos Bumasa3.1. Pagsagot sa Pagganyak sa Tanong

Ano ang dapat nating tularan sa mga Langgam?3.2. Pangkatang Gawain

Pangkat I – Pagsasalaysay ng kuwento ayon sa pangyayari.Pangkat II – Paglalagom o pagbubuod ng kuwentong narinig.

3.3. Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayaman ng gawainPanuto: Bumuo ng maikling kuwento tungkol sa isang huwarang bata. Gawan ito ng balangkas.

IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang pangwika1. Panimulang Gawain

Page 45: Filipino v a2

1.1. PagbaybayPaminggalanMasinsinanDurungawanKaginhawaanPagtutulungan

1.2. Balik-AralPanuto: magbigay ng halimbawa ng mga pang-abay.

2. Bagong aralin2.1. Pagganyak

Anu-ano ang mga katangian ni Langgam na dapat nating tularan?

3. Pagtatalakay sa AralinPanuto: Basahin at pag-aralan ang mga salitan may salunguhit sa bawat pangungusap na hango sa kuwentong binasa.1. Ang langgam ang pinakamalakas na nilalang sa mundo dahil nakahihila siya ng

isang buong langgam na sampung ulit ang bigat sa kaniya.2. Marami ang tumatamasang kaunlaran at kaginhawahan sa buhay ngayon dahil

sa kanilang kasipagan at katalinuhan sa buhay.

Anong lipon ng mga salita ang may salungguhit sa pangungusap blg. 1? Blg. 2?Anong uri ng sugnay ang mga ito?Ano naman kaya ang ginagampanan ng sugnay na pang-abay sa pangungusap blg. 1? Blg. 2?

4. Pabigkas na PagsasanayA. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang inilalarawan ng

pang-abay na nakasalungguhit. Tukuyin sa patlang kung pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.__________1. Isa-isang kinarga ni Rhona ang kaniyang mga kapatid.__________2. Isinilong niya ang mga iyon sa ilalim ng isang puno ng saging.__________3. Talagang matapang si Rhona.__________4. Tunay na mahirap isipin ang ginawang pagliligtas ni Rhona sa magkakapatid.__________5. Lubhang mapagtiis ang batang bayani.

B. Think Fair:Panuto: Kumuha ng kapareha. Magbigay ng pangungusap at tukuyin ang sugnay na pang-abay.

5. PaglalahatAno ang tawag sa salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri at pang-abay?

Page 46: Filipino v a2

6. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Kahunan ang pang-abay. Salungguhitan ang inilalarawan nito at isulat sa bilog ang PD kung pandiwa, PU kung pang-uri at PA kung pang-abay.__________1. Masiglang nag-awitan ang mga mag-aaral.__________2. Umalis na ang byaheng patungong cebu.__________3. Totoong maraming kaibigan ang anak mong si Jhoana.__________4. Ang mag-anak ay taimtim na nanalangin para sa kaniyang kaligtasan__________5. Hindi pa dumarating si kuya Ador na anak ng aking tiya.

7. Malayang PagsasanayPanuto: Pag-ugnayin ang sugnay na pang-abay sa ibang bahagi ng pangungusap upang makabuo ng pangungusap.

1. Nanalo sila sa basketbol2. Pumasok siya sa

paaralan3. Pinili nila na Sabado4. Kahit matanda na si

tatay siya ay malakas5. Kami ay aalis

a. Na nila gaganapin ang kanilang pagtatapos

b. Dahil nag-eehersisyo siay tuwing umaga

c. Kung papayag kad. Dahil sa kahusayan ng

mga manlalaroe. Na pinag-aralan ng

kaniyang ina

Page 47: Filipino v a2

8. PaglalapatPanuto: Salungguhitan ang pang-abay. Isulat ang bilang ng pangungusap sa:Kahon A – na may pang-abay ng naglalarawan sa pandiwaKahon B – na may pang-abay na naglalarawan sa pang-uriKahon C – na may pang-abay na naglalarawan sa pang-abay

1. Labis na pabaya sa pag-aaral si jennifer kaya siya bumagsak.2. Totoong matuling magmaneho ng kotse ang bagong drayber.3. Ang ina ay agad na lumapit sa naglalambing na anak.4. Malusog na lumaki ang sanggol na napulot sa basurahan.5. Ang ulan ay sadyang masabaw.

9. PagtatayaPanuto: Lagyan ng ekis (X) ang patlang na katapat ng pangungusap na naiiba ang bahagi ng pananalitang inilalarawan ng pang-abay.1. _____ Mahusay tumula ang bunsong anak ni Gng. Castro.

_____ Ang magkakaibigan ay una-unahang lumangoy sa dagat._____ Tunay na malabo ang aking dalawang mata._____ Matagal ka na bang naghihintay?

2. _____ sadyang masarap magtimpla ng ulam si Tess._____ Totoong naglingkod sa bayan ang Lolo Doro ko._____ Ang suso at pagong ay kapwa talagang mabagal kumilos._____ si mino ay lubhang mahirap paliwanagan.

3. _____ Ang mga bayani ay buong pusong nag-alay ng buhay para sa bayan._____ Talagang matibay ang sapatos na iniregalo mo sa akin._____ Si Bb. Mijares ay sobrang mapagmahal sa kaniyang mga mag-aaral._____ Tunay na mayumi ang mga dalagang Pilipina.

4. _____ Puspusang naghahanapbuahy ang ama para sa kaniyang mga anak._____ Patiyad na lumabas ng silid ang tumakas na binatilyo._____ Matiyagang nagbantay sa maysakit na anak ang ina._____ Ang aso ay sadyang matapat na maglingkod sa kaniyang amo.

5. _____ Ganap nang malaya ang ating bayan._____ Lubos na mapamahiin ang aking Lolo Tasyo._____ Ang lalaki ay lubhang kagila-gilalas na tumalon mula sa ikalabintatlong palapag ng gusali._____ Saksakan ng tapang ang itinaling manok ni mang Andoy.

CA B

Page 48: Filipino v a2

10. KasunduanPanuto: Bumuo ng pangungusap na gumagamit ng pang-abay na panuring sa mga sumusunod at bilugan ito.1. Pandiwa

a. _________________________________________________b. _________________________________________________

2. Pang-uria. _________________________________________________b. _________________________________________________

3. Kapwa Pang-abaya. _________________________________________________b. _________________________________________________

Page 49: Filipino v a2

IKATLONG ARAW

Pagbasa1. Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng isang langgamAno ang masasabi ninyo sa langgam?

2. Paglalahad muli ng Kuwento. Ipabasa sa mga bata.Langgam, gawing HuwaranFilipino: Yaman ng Lahing kayumanggi, d. 275-281.

3. Pagtatalakay sa Aralina. Ano ang pamagat ng kuwento?b. Ano ang pangunahing kaisipan sa kuwentong binasa?c. Anu-ano ang mga detalye ng pangunahing kaisipan na ito?d. Ano ang balangkas?e. Anu-ano ang mga bahagi nito?

4. Pabigkas na KasanayanPanuto: basahin at pag-aralan ang bahaging kuwento buhat talata 9-25. Alamin ang pangunahing kaisipan nito at isulat sa tapat ng bilang Romano sa nakahandang balangkas. Gumamit ng mga salita o parirala.

5. Pinatnubayang PagsasanayIsagaw ng balangkas ang kuwento.

6. Malayang PagsasanayPanuto: Isulat ang mga ginawa mo na nagpapakita ng ilang katangian ng mga langgam.

7. PaglalapatPanuto: Igawa ng balangkas ang iyong sarili.

8. PagtatayaPanuto: Basahin ang bawat talataan at igawa ng balangkas ang bawat isa.1. Ang puno ay pinakamahalagang nilikha ng Diyos upang magamit ng tao. Hindi

lamang ito nagpapaganda ng kaniyang kapaligiran, kundi’y nagbibigay din ito ng pagkain na kinakailangan natin. Bukod sa pagkain, nagdudulot din ito ng mga materyales na kailangan sa pagtatayo ng bahay, gusali, tulay at pinipigil din nito ang pagbaha na isang suliranin natin tuwing tag-ulan. At ang pinakamahalaga sa lahat ay nagbibigay ito ng oxygen na kailngan natin upang mabuhay. Paano na kaya kung walang puno?A. _______________________________________________________

Page 50: Filipino v a2

a. ______________________________________________________b. ______________________________________________________c. ______________________________________________________d. ______________________________________________________e. ______________________________________________________

2. Ang pagkakaroon ng mga dumi sa hangin na siyang nating nalalanghap ay sanhi ng mga usok na mula sa mga pabrika. Sa paglabas natin sa mga kalye, maraming hangin din ang sumasalubong sa atin buhat sa ibinubuga ng tambutso ng mga sasakayan. Pinadudumi rin ang hangin ng mga basurang walang patumanggang itinatapon sa daan.A. _______________________________________________________

a. ______________________________________________________b. ______________________________________________________c. ______________________________________________________d. ______________________________________________________

9. KasunduanPanuto: Igawa ng balangkas ang isa sa mahalagang tao sa iyong buhay.

Page 51: Filipino v a2

IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng LunsuranKuwento: Langgam, Gawing Huwaran

2. Pagtatalakay sa Aralina. Tungkol saan ang kuwento?b. Ano ang pinagmamasdan ni Rhea sa may durungawan?c. Saan galing ang pagkaing tangay-tangay ng langgam?d. Anu-anong katangian mayroon ang mga langgam na dapat nating tularan?e. Anong mangyayari sa atin kung tutularan natin ang mga langgam?

3. Pabigkas na GawainPaghambingin mo ang iyong katangian at ang Langgam.

4. PaglalahatAnu-ano ang dapat tandaan sa pagbubuod ng sanaysay o kuwento?

5. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Sipiin sa inyong sagutang papel ang pagbubuod ng inyong kuwento tungkol sa inyong buhay.

6. Malayang PagsasanayPanuto: Isulat ang buod ng mga pangyayari sa buhay ng iyong mga magulang.

7. PaglalapatPanuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa Langgam. Ibigay ang buod nito. Iugnay sa mga isyung panlipunan ang buod na gagawin.

8. PagtatayaPanuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kalagayan ngayon ng ating kalikasan. Ipahayag ang iyong opinyon kung paano natin ito maisasalab sa pagkasira?

Page 52: Filipino v a2

IKALIMANG ARAW

1. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipapakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

2. PaksaLingguhang PagsusulitKagamitan: Test Notebook

3. Pamamaraana. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan.b. Pagbibigay ng Pamantayan.c. Paglalahad ng Pagsusulit.d. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

4. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 53: Filipino v a2

I. LayuninA. Naibibigay nang malinaw ang ulat sa balitang narinig.

Natutukoy at nagagamit sa pangungusap ang mga pang-angkop at pang-ukol.Nakakukuha ng impormasyon mula sa mga Library Card, ID, resibo atbp.Nakabubuo ng wastong pormat at kaayusan ng talasanggunian.

B. Mga EstratehiyaPaggamit ng iba’t ibang uri ng pormularyoPagbigkas na Pagbasa

C. Pagpapahalaga: Pakikiisa sa gawain

II. PaksaA. Balita: Klorina, Panlaban ng Niyog sa tagtuyotB. Pagsagot sa mga TanongC. Estratehiyang Pangwika

Pagbibigay ng Ulat sa narinig na BalitaPagtukoy at Paggamit ng Pang-ukol at pang-angkop sa Pangungusap

D. Pagkuha ng Impormasyon Mula sa Library Card, ID, resibo atbp.E. Pagbuo ng Wastong Pormat at kaayusan ng TalasanggunianF. Sanggunian: Hiyas sa Wika d. 170-171

Hiya sa pagbasa d. 184-186G. Kagamitan: Tsart, library Card, ID, resibo, sedula, aklat.

III. Gawain sa pagkatuto

A. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1. Pagganyak

May nasaksihan o nalaman na ba kayong lugar na dinaanan ngtagtuyot? (Pag-uusap tungkol dito)

1.2. Pagpapakilala sa BalitaBalita: “Klorina, Panlaban ng Niyog sa tagtuyot”.Hiyas sa Wika d. 170-171

1.3. Paghahawan ng BalakidPanuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang nasa hany A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A1. Klorina2. Pananaliksik

3. Pananggalang4. El Nino

Page 54: Filipino v a2

HANAY Ba. Tagtuyotb. Panlaban

c. Kemikal na ipinanlilinis ng inuming tubig

d. Pag-aaral

1.4. Pagbuo ng pagganyak na TanongPaano nalalabanan ng klorina ang pagkatuyo ng niyog?

1.5. Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1. Paglalahad

Ngayong araw na ito makakarinig kayo ng isang balita hango sa inyong aklat na Hiyas sa Wika dahon 170-171.

2.2. Unang PagbasaPagbasa ng guro sa balitang “Klorina, Panlaban ng Niyog sa Tagtuyot”.

2.3. Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa balita at pagtatalakay tungko dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Paano nalalabanan ng klorina ang pagkatuyo ng niyog?3.2. Pangkatang Gawain

Paghahati sa mga bata sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay magtutulong-tulong sa pagbuo ng malinaw na ulat sa balitang narinig.

3.3. Pag-uulat ng Bawat Pangkat

4. Pagpapayamang GawainPakikinig na muli ng isang balita. Ibigay ng malinaw ang ulat sa balitang narinig.

Page 55: Filipino v a2

B. IKALAWANG ARAW

PAGLINANG NG MGA KASANAYANG PANGWIKA

1. Panimulang gawain1.1. Pagbabaybay

El ninoSiyentipikoPananggalang

KlorinaObserbasyonTagtuyot

1.2. PagsasanaySabihin sa ibang paraan ang sumusunod na parirala, halimbawa: anak na masunurin – masunuring anak1. Dakilang bayani2. Magulang na mapag-aruga3. Ginang na butihin4. Malayang tirahan5. Bulaklak na sariwa

1.3. Balik-AralPagbibigay ng malinaw na ulat ng mga bata sa narinig na balita ng nakaraang araw.

2. Bagong Aralin2.1. Pagganyak

Sino sa inyo ang nakapaglangoy na sa swimming pool?Ano ang napansin mo sa tubig ng swimming pool?Ano sa palagay mo ang nakalahok sa tubig ng swimming pool upang mapatay ang mikrobyo sa tubig?

2.2. Pagtatalakay sa BalitaTungkol saan ang balita ni Joel?Ano ang klorina?Bakit pinapayuhan ang mga magsasaka na gumamit ng klorina?Ano ang nagagawa ng klorina sa mga niyog?Ang obserbasyon na mahalaga sa paglaki at pag-unlad ng mga niyog ay nagpapakita ng katotohanan na ang klorina ay hindi lamang sa paglaki at pag-unlad ng halamang niyog, gayundin sa tibay sa tagtuyot ay ayon kanino?Kung ikaw ang magsasaka, gagamit ka rin ba ng klorina?(Isusulat ng guro ang wastong sagot ng mga bata sa pisara)

1. Ang balita ay tungkol sa panlaban ng niyog sa tagtuyot.

Page 56: Filipino v a2

2. Ang klorina ay isang inuming tubig at mahalagang patabang pagkain ng mga niyog na makapagpapabuti ng laki at ani.

3. Pinapayuhan ang mga magtatanim ng niyog na gumamit ng klorina bilang pataba sa kanilang mga tanim na niyog upang maging pananggalang laban sa napipintong banta ng makabalaghang El Nino.

4. Pinangangalagaan ng klorina ang mga dahon ng niyog sa impeksyon at pinatitibay din ang halamang ito laban sa tagtuyot.

5. Ayon kay Margate, ayon sa mga eksperto at ayon din sa PCARRD, ang obserbasyon na mahalaga sa paglaki at pag-unlad ng mga niyog ay nagpapakita ng katotohanan na ang klorina ay hindi lamang mahalaga sa paglaki at pag-unlad ng halamang niyog gayundin sa tibay sa tagtuyot.

3. Pagtatalaky sa AralinAnu-ano ang mga kataga at pariralang may salungguhit sa pangungusap blg. 1? 2? 3? 4? At 5?Ang mga katagang ito at parirala ay nag-uugnay ng Pandiwa, Pang-abay, Pangngalan sa pinag-uukulang tao, bagay o pangyayari.(Pagpapaliwanag ng guro ng mga salitang pinag-uugnay ng Pang-ukol)Tingnan ang mga may bilog natitik at kataga. Ano ang ginamit na titik/kataga upang pag-ugnayin ang salitang isa at inumin? Inumin at tubig? Mahalaga at pataba? Pataba at pagkain? Niyog at makapagpapabuti? Niyog at gumamit? Tanim at niyog? Napipinto at banta? Makabalaghan at El Nino? Obserbayon at mahalaga? Halaman at niyog?

Anong bahagi ng pananalita ang ginamit na pang-ugnay sa dalawang salita upang madulas itong bigkasin?(Pagbibigay pa ng mga halimbawa ng pang-angkop at pang-ukol.)

4. Pabigkas na PagsasanayA. Isa-isang pagbibigay ng mga bata ng pangungusap gamit ang pang-angkop at pang-ukol.

Sabayang pagsasabi ng mga kamag-aaral kung alin sa ibinigay na pangungusap ang Pang-angkop at Pang-ukol.

B. Think FairKumuha ng kapareha. Ang isa ay magbibigay ng halimbawa ng Pang-angkop at pang-ukol samantalang ang kapareha ang gagamit nito sa pangungusap.

5. PaglalahatAno ang Pang-angkop?

6. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Gamitin ang mga sumusunod sa pangungusap.1. Taong bahay2. Buhok na kulot

Page 57: Filipino v a2

3. Upuang yantok4. Tungkol kay Basilio5. Alinsunod sa batas6. Para sa guro7. Alinsunod sa8. Hinggil kay9. Ayon sa10. Para kay

7. Malayang PagsasanayPanuto: Piliin ang mga Pang-ukol/Pang-uugnay na ginamit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. Sa tapat nito ay isulat kung ito ay Pang-ukol o Pang-angkop._______________________1. Pananaliksik ukol sa tagtuyot._______________________2. Ayon sa mga siyentipiko._______________________3. Sariwang hangin._______________________4. Halamang malago._______________________5. Ayon kay Liza Cruz.

8. PaglalapatPanuto: Punan ng angkop na Pang-ukol ang puwang upang mabuo ang usapan. Salungguhitan ang matatagpuang Pang-angkop sa usapan.

Nasa kalye ang magkaibigang Buboy, Rodel at Joe at naghihintay ng sasakyan.

Buboy: Joe tingnan mo ang usok na inilalabas ng mga sasakyan. Kay itim-itim namang talaga.Joe: Oo nga. __________ mga doktor, masama iyan sa ating kalusuganBuboy: Kaya nga. __________ sa batas ang ginagawa ng ilang mga tsuper. Bakit ‘di nila

ayusin ang kanilang mga makina?Joe: Minsan, __________ kalooban ng ibang tsuper ang pagsasaayos nito dahil naaabala sila

sa pagtatrabaho at wala silang kikitain kung titigil sila sa pamamasada para lamang maipakumpuni ito.

Buboy: __________ kapakanan naman ng lahat ang gagawin nila, ‘di ba?Rodel: dapat lamang talaga na magkaroon sila ng mga seminar __________ mga bagay na

nauukol sa kanilang trabaho.Joe: ‘Di nila alam __________ batas ang kanilang mga ginagawa. Ito’y __________ Clean Air

Act na ipinasa ni Senador Manny Villar.Rodel: O, hayan pa. Naku! Magtakip na lang tayo ng panyo. __________ inay mas mabuti na

ito para maprotektahan tayo.Joe: O, heto na ang dyip sumakay na tayo.

9. Pagtataya

Page 58: Filipino v a2

Panuto: Gamitin ang angkop na Pang-ukol/Pang-angkop sa pangungusap. Isulat ito sa puwang.

1. _______________ batas ang ginawang hakbang sa kapisanan.2. Ang saranggola__ pula ay lumilipad ng mataas.3. Ang ulam namin kahapon ay sinigang __ bangus.4. _______________ Maricel ang magandang damit na tinahi ni nanay.5. _______________ Cesar ang tinatawag ng mga pulis.6. Ang kaniyang ina ay isang butihin_ maybahay.7. Gustong gusto ko ang adobong manok na niluto __ aking tiya.8. _______________ pulis, ang may kasalanan ay dapat parusahan.9. Matarik __ bundok ang inakyat namin.10. Ang hangin_ malamig ay dumampi sa aking pisngi.

Page 59: Filipino v a2

C. IKATLONG ARAW1. Paglalahad/Pagganyak

Paglalahad ng tsart ng mga halimbawa ng bio-Data, Library card, Identification Card at resibo.

2. Pagtatalaky sa AralinSino ang may-ari ng Bio-data?Saan siya nakatira?Kailan at saan siya ipinanganak?Ano ang kaniyang katangian?Ano ang kaniyang espesiyal na katangian na makatutulong sa kaniyang trabaho?(Pagtatanong ng iba pang impormasyon mula sa Library Card at Identification card.)

3. Pabigkas na KasanayanPanuto: tinan ang inyong Identification card. Sabihin ang mga impormasyong matatagpuan dito.

4. Pinatnubayang PagsasanayPagpangkat sa 3. Ipabibigay sa bawat grupo ang mga impormasyong maaaring makuha sa mga formulasyong ibinigay sa kanila.

Grupo I – ID/Identification CardGrupo II – Residence CertificateGrupo III – Resibo (Opisyal)

Pag-uulat ng bawat pangkat.5. Malayang Pagsasanay

Panuto: Punan ng impormasyon ang isinasaad sa ibaba.Pangalan: ________________Baitang: _________________Guro: ___________________Edad: ___________________Pangkat: _________________Paaralan: ________________Kasarian: ________________

6. PaglalapatPanuto: Sagutin.Anu-anong impormasyon ang makukuha mo sa mga sumusunod?

1. Resibo2. Identification Card3. Library Card4. Residence certificate

7. Pagtataya

Page 60: Filipino v a2

Panuto: Piliin sa Hanay B ang nilalaman ng iba’t-ibang uri ng pormularyo na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng wasto sa patlang.

Hanay A

____1. Identification Card____2. Resibo____3. Bio-data____4. Library card____5. Sedula

Hanay BA. Petsa na hiniram at

pagsasauli ng aklatB. Halaga ng pagbabayaran sa

kinitaC. Halaga ng mga biniliD. Pangalan ng bata, paaraln,

guro at punungguroE. Pangalan, tirahan,

kapanganakan, magulang, edad, kasarian

Page 61: Filipino v a2

8. KasunduanPanuto: Suriin ang Library Card na nasa pahina 184 ng inyong Hiyas sa Pagbasa. Sagutin sa isang malinis na papel ang hinihinging impormasyon dito.

C. IKAAPAT NA ARAW1. Paglulunsad ng Lunsaran

Sina Joyce at Jhazmin ay mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng San Roque. Isang hapon nagpunta sila sa silid-aklatan upang magsaliksik ng sagot sa kanilang takdang-aralin sa Filipino. Nang masaliksik nila ang paksang nakaasayn sa kanila, napansin nila ang nakasulat sa gawing baba nito na ganito ang pagkakasulat:

Abueg, Efren R. At Cruz, Estrella E.Filipino sa Bagong HenerasyonMalolos, Bulacan: Press 1990

Del Valle, Bartolome at Del Valle, Melania.1967Talatinigang FilipinoManila: Bookmark Publishing House, Inc.

“Ano po ang ibig sabihin nito?” tanong ni Ana sa Layraryan. “Iyan ay talasanggunian, ang tala ng mga pinagsangguniang aklat ng paksang inyong binasa.” Sagot ng laybraryan. “A, ganun po ba?” sagot ni Ana. “Sa mga aklat lang po ba namin ito makikita?” tanong ni Rosa. “Hindi, maaari ninyong makita ang talaaklatan o talasanggunian sa pahayagan, jornal, magasin, atbp.” “Maraming salamat po Gng. Gomez,” tugon ng dalawa. “Walang anuman.” Tugon ni Gng. Gomez.

2. Pagtalakay sa GawainPagtatanong tungkol sa lunsaranPagpapaliwanag ng guro sa wastong pormat at kaayusan sa natagpuang talasanggunian sa seleksyon at kung anong bumubuo dito.

3. Pagbigkas na GawainSabihin kung ano ang bumubuo sa sumusunod na Talasanggunian.

1. Mendez, Fernando B. 1967Hiyas sa Wika 4Quezon city: Abiva Publishing House, Inc.

Page 62: Filipino v a2

2. Jamero, Dolores F. AT Glinfria, Maurita L.Florante at LauraSt. Bernadette Publications, Inc., 2007

3. Balagtas, Francisco, 1861Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni LauraMla. Imprenta de Ramirez y Giraudier

4. PaglalahatPaano ang wastong pormat at ayos ng isang talasanggunian?

5. Pinatnubayang PagsasanayIayos sa wastong pormat ang nakasaad sa bawat bilang upang makabuo ng talasanggunian.

1. Saint Bernadette Publications., 2006Filipino, Yaman ng Lahing KayumanggiMiranda, Wilhelmina T. At Rivera, Brigida F.

2. Aluay, Alvenia P.LG&M Printing & Publishing Co., Ltd.Makabayan, Kasaysayang Pilipino

3. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at PangkabuhayanVentura, Ana B. AT Deliarte, Evelyn D.Adriana Publishing Co., 2006

4. Gregorio, Rosalina P. 1990Gumawa at UmunladPilipinas: Book Media Press, Inc.

5. Hiyas sa Wika 5Quezon City LG&M CorporationLalunio, Lydia P. At Ril, Francixca G.

6. Malayang PagsasanayPumunta sa silid-aklatan ng paaralan. Bumuo ng talasanggunian ng mga aklat gamit ang wastong pormat nito.

7. PagtatayaIsulat sa anyong talasanggunian o bibliyograpi ang isinasaad sa bawat pangungusap. (5 puntos sa bawat bilang)

Page 63: Filipino v a2

1. Nananaliksik ka sa aklat na Ako ang Daigdig at Ibang Mga Tula na sinulat ni Abadilla, Alejandro G. Noong 1955 at inilimbag sa Mla: Silangan Publishing House, Inc.

2. Ang aklat na pinagsaliksikan mo ay inilimbag sa Makati City: Bookmark Inc. Ang may akda ng aklat na Mga Pagpapahayag Pilipino sa mga Gunita ay sinulat ni Matute, Genova Edroza noong 1944.

E. IKALIMANG ARAW

1. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipapakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

2. PaksaLingguhang PagsusulitKagamitan: Test Notebook

3. Pamamaraana. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan.b. Pagbibigay ng Pamantayan.c. Paglalahad ng Pagsusulit.d. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

4. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 64: Filipino v a2

I. LayuninA. 1. Naisasalaysay ang narinig na kwento/pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod- sunod. 2. Nagagamit ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap. 3. Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa mga impormasyong nasa iba’t-ibang bahagi ng

pahayagan. 4. Nakasusulat ng talata sa iba’t-ibang paraan ngunit kahalintulad ang ibig sabihin

(paraphrasing/naiibang istilo)

B. Mga EstratehiyaPagsasalaysay ng kuwentoPaggamit ng LarawanMasining na Pagkukuwento

C. PagpapahalagaPaggalang sa mga Karapatang Pantao

II. Paksa:A. Kuwento: Ang Pananakop sa Pilipinas ng Bansang HaponB. Pagsalaysay ng narinig na kuwento o pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod- sunod.C. Estratehiyang PangwikaD. Paggamit ng mga pangatnig s hugnayang pangungusap.E. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga impormasyong nasa iba’t-ibang bahagi ng pahayagan.

F. Pagsulat ng talata sa ibang paraan ngunit kahalintulad ang ibig sabihin (paraphrasing/naiibang istilo).

G. Sanggunian: Komunikasyon sa Filipino, Pagbasa 5 pahina 215-216Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 pahina 186-187Magandang Pilipinas 5 pahina 151

H. Kagamitan: Tsart, Larawan

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW1. Bago Bumasa

1. PagganyakPag-uusapan ang iba’t ibang dayuhang sumakop sa bansa.Magbibigay ng sariling opinyon sa pananakop na ginawa ng mga dayuhan sa ating bansa.

2. Paghahawan ng sagabalBasahin ang sumusunod na salita ilagay ang mga salitang ugat at panlaping ginamit dito.

Salitang-ugat Panlapi1. pagsalakay2. pinuntirya3. tagapagtanggol

Page 65: Filipino v a2

4. nabihag5. nakaligtas

3. Pagtakda ng layunina. Paglalahad ng pamagat ng akdang babasahin “Ang Pananakop sa Pilipinas ng Bansang Hapon”b. Ano ang alam ninyo tungkol sa ating babasahing akda? Ano pa?

Alam na Mas nalaman Alam ko naSinakop ng mga Paano pinangasiwaanHapon ang Pilipinas ng mga hapon ang ating bansa?

B. Habang BumabasaPinatnubayang pagbasa na may paag-iisip:Paano pingasiwaan ng hapon ang ating bansa?Ano ang ginawa ng hapon sa pagsakop nila sa ating bansa?Anu-anong kautusan ang pinairal ng mga Hapon?

Pagbibigay hinuha sa pamatnubay na tanong:Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino sa kalupitan ng Hpapones?

C. Pagkatapos Bumasa1. Lahukang Gawain

Pangkatin ang klase ayon sa mga sumusunod na gawain.Pangkat I – Pagsasadula ng pangangasiwa ng Hapon sa Pilipinas.Pangkat II – Balita – Pagpapairal ng Curfew at Blackout

Pangkat III – Graphic Organizer – Paggamit ng Caravan Map sa pagsulat ng mahahalagang pangyayari sa pananakop sa Pilipinas ng bansang Hapon.

Pangkat IV – Liham para sa isang kaibigan na nagkukwento sa mga ginawa ng mga Hapon sa pananakop sa ating bansa.

2. Talakayan/Paglalahad ng GawainIpasagot ng pasalita.Paano nasakop ng mga Hapones ang ating bansa?Tama ba ang kanilang ginawa?Anu-ano ang mga kautusang kanilang pinatupad?Sa pamamagitan ng Semantic Webbing, isalaysay ang mga naramdaman ng mga Pilipino sa mga

Kalupitan ng Hapones.

Naramdaman ng mga Pilipino sa Kalupitan ng mga Hapones

Page 66: Filipino v a2

Pagbibigay ng mga reaksyon sa mga kalupitang ipinatupad ng mga Hapones sa kanilang pananakop.

Pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga Karapatang PantaoPaglinang sa Kasanayan

Sa pamamagitan ng Caravan Map, isalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring bumubuo sa banghay ng kwento.

Pananakop ng Mga Hapon

3. Pagpapayamang GawainPagsasalaysay ng mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

Page 67: Filipino v a2

Prodyuser

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbabaybay

Isulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guroPuwersa lisaninIdineklara nangakoMananakop nabihag

1.2 PagsasanayBigkasin ng wasto ang mga sumusunod na salita:

Itinanghal parangal direktorPelikula kontribusyon

1.3 Balik-aralLagyan ng wastong bilang ang patlang ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari:_____ Namatay ang Sultan._____ Tumungo ang Sultan at si Pilandok sa may tabing dagat._____ Umakmang aalis si Pilandok upang magbalik na muli sa kaharian sa ilalim ng dagat._____ Naging Sultan si Pilandok._____ Ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan._____ Nahatulan si Pilandok na ikulong at itapon sa gitna ng dagat dahil sa isang pagkakasala._____ Pinigil ng Sultan si Pilandok sa pag-alis._____ Nagpaliwanag si Pilandok sa Hari na may kaharian sa ilalim ng dagat kung kaya siya bumalik

na buhay.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Piliin sa mga sumusunod ang Pilipinong higit mong kilala. Tukuyin kung gaano mo siya kilala.a. Manny Pacquiaob. Sarah Geronimoc. Lea Salongad. Kris Aquino

2.2 Paghawan ng BalakidSinu-sino ang nasa likod ng pagbuo ng isang pelikula?Punan ang wheel chart.

PELIKULA

Page 68: Filipino v a2

2.3 Pag-usapan at suriinLino Brocka-Direktor, Pambansang Artista

Isa sa itinanghal na Pambansang artista sa pelikula at sining ng pagsasahimpapawid sa taong 1997 si Lino Brocka. Iginawad ang parangal na ito bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa

pelikulang Pilipino.Bagamat iginagawad anim na taon matapos ang kanyang pagkamatay, nararapat na rin ang

parangal kay Brocka kung pagbabatayan ang kanyang naiambag.Mula sa pagkabata, mahilig na si Catalino “Lino” Ortiz Brocka sa teatro, pananalumpati at

madudulang palabas. Sumikat siya bilang direktor ng pelikula. Hinirang siyang isa sa pinakamahusay na direktor sa dekada ’80 sa 1986 Toronto Film Festival.

2.4 Pagtalakay sa ulat na napakingganSino si Lino Brocka?Ano ang mga hilig niya?Ano ang iginagawad sa kanya noong 1986 ng Toronto Film Festival?Anu-ano ang mga gawain ng isang direktor?

5. Pagtalakay sa AralinA

1. Umiyak ang bata dahil sa lolipop.2. Ang palaman at tinapay ay dapat magkasama.3. Pumunta siya sa paaralan kahit inaantok pa.4. Sumigaw ang ninakawan ng malakas na malakas.

B1. Mahirap para sa akin ang pagsusulit dahil ako’y nag-aaral.2. Tumakbo ang magnanakaw at tinangay ang bag ng ale.3. Pinilit niyang gumuhit kahit hindi siya gaanong marunong.4. Papatulog na siya noon nang dumating si Dado.

Anong uri ng pangungusap ang nasa unang pangkat?Nasa pangalawang pangkat?Ang mga sinalungguhitan ay mga pangatnig.Paano ang mga ito ginamit sa unang pangkat?Sa ikalawang pangkat?Tukuyin ang sugnay sa bawat pangungusap sa una at ikalawang pangkat.

5. PaglalahatAng sugnay na di nakapag-iisa ay bahagi lamang ng isang pangungusap, pinangungunahan ito ng mga pangatnig na kung, kapag, upang, sapagkat, para at nang.

Page 69: Filipino v a2

6. Pinatnubayang PagsasanaySalungguhitan ang sugnay na makapag-iisa at bilugan ang pangatnig na ginamit.1. Pipi nga si Peter subalit mabait naman siya.2. Hinabol ko ng aso sapagkat dala ko ang alaga kong si tagpi.3. Dahil umuulan, kakarampot na ng tubig na nakaimbak sa dam.4. Samantalang naghihintay, nililibang ni Aida ang sarili sa pagkausap sa mga bulaklak.5. Pinilit niyang bumangon ngunit siya’y natumba.

7. Malayang PagsasanayPiliin ang angkop na pangatnig sa bawat pangungusap:

Kung kaya sapagkatDahil datapuwat

1. Nabigyan ng karangalan si Joel ____ siya ay masipag sa pag-aaral.2. Maaga siyang umalis _____ nahuli pa rin siya sa laro.3. Naglaro si Tito sa ulan _____ siya ay sinipon.4. _____ malinaw magsalita si Ross, naiintindihan siya ng kanyang mga kamag-aral.5. _____ hindi uulan, matutuloy ang itinakdang palatuntunan.

8. PagtatayaPiliin ang angkop na pangatnig sa loob ng panaklong.

1. Ang ilang tao ay naririto _____ nais nilang mapansin sila. (kaya, datapuwat, sapagkat)2. Malungkot ang ibang ____ hindi sila marunong makihalubilo. (samakatuwid, datapuwat, dahil)3. Hinahangaan ang tao _____ siya’y marunong makisama. (kung, kaya, nang)4. Nakaupo si Dr. Paz _____ dumating ang pasyenteng kukunsulta sa kanya. (sapagkat, nang, pag)5. Ang mga tao ay nagpapaganda _____ hangaan sila. (upang, sapagkat, nang)

9. KasunduanBumuo ng usapan na ginagamitan ng sumusunod na mga pangatnig: (kahit, mangyari, samakatwid,

gawa nang, kasi)

Page 70: Filipino v a2

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa

1. Paglalahad/PagganyakLumabas ng klasrum, magtanong sa ilang mag-aaral kung alin ang mas pipiliin nilang bilhin, komiks o

pahayagan? Bakit? Paghambingin sa ibang datos.

2. Pagtalakay sa AralinAnu-ano ang mga bahagi ng pahayagan at ano ang matatagpuan sa bawat bahagi nito?Bakit mahalagang malaman natin ang mga bahagi ng pahayagan?

3. Pagtuturo ng bahagi ng pahayagan1. Mukha ng Pahayagan – nasasaad dito ang ulo ng balita, pangalan ng pahayagan, araw at petsa ng

pagkakalimbag at halaga ng nasabing pahayagan.2. Editoryal – dito mababasa ang kuru-kuro at opinyon ng editor ukol sa mahahalagang bagay o

pangyayaring nagaganap na nasasaad sa mga pangunahing balita sa araw na iyon.3. Pitak – ang pahina kung saan nakalahad ang mga impormasyon hinggil sa mga bagay-bagay na

nagaganap sa bansa. Maraming paksa ang tinatalakay. Dito inilalahad ng mga manunulat ang nais ipabatid, may namumuna, nangangaral, nagtatanong o nanghihikayat.

4. Pahinang Panlibangan – Nakapaloob dito ang palabas sa sine, panlipunan, kasalan, pagtitipon, palaisipan, komik istrip, horoscope.

5. Pahinang Pampalakasan – sa pahinang ito mababasa ang iba’t ibang laro, resulta ng kinalabasan ng labanan sa basketbol o patimpalak na may kaugnayan sa larong pampalakasan.

6. Anunsyo Klasipikado – kung nais mong maghanap ng trabaho, bumili o umupa ng bahay o anupamang bagay sa pamilya hanapin ang anunsyong pangklasipikado.

4. PaglalahatMahalaga sa atin ang pahayagan bilang medium ng ating kaalaman sa mga pang-araw-araw na

pangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya’t mahalagang malaman natin ang mga bahagi nito, impormasyong nakapaloob dito at wastong pamamaraan ng pangangalaga nito.

5. Pinatnubayang PagsasanayIturo sa isang pahayagan kung nasaan ang:a. Mukha ng Pahayaganb. Editoryalc. Pitakd. Pahinang Pampalakasane. Anunsyo Klasipikado

6. Malayang PagsasanayIsulat sa kuwaderno kung saang bahagi ng pahayagan matatagpuan ang sumusunod:

Page 71: Filipino v a2

1. Pamagat ng petsa ng pahayagan2. Maglalarong mui ang Alaska at San Miguel3. Kailangang paghandaan ang La Nina4. Magpupulong ang mga kapisanan ng mga artista5. Nangangailangan ng Computer Science Graduate

7. PaglalahatIsulat sa papel ang bahagi ng pahayagan na mapagkukunan ng sagot sa sumusunod na mga tanong.1. Ano ang opinyon ng editor sa pagkakaroon ng napakaraming kandidato bilang pangulo sa darating

na eleksyon?2. Anong komponan ang nagwagi sa kampeonato ng basketbol?3. Anong magandang pelikula ang puwedeng panoorin?4. Saan ako makakakuha ng murang paupahang bahay?5. Sino ang sikat sa mga baguhang artista sa ngayon?

Pangulong Tudling Anunsyo Klasipikado Panlibangan Palakasan

7. PagtatayaPiliin ang bahagi ng pahayagang angkop sa bawat situwasyon.1. Si G. Dugeno ay naghahanap ng trabaho. Saang bahagi ng pahayagan niya matatagpuan ang mga

ito?A. Pahinang PampalakasanB. EditoryalC. Anunsyo KlasipikadoD. Panlibangan

2. Palabas na ang pelikula ng paborito mong artista. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong bubuksan?A. PampalakasanB. Anunsyo KlasipikadoC. PanlibanganD. Mukha ng Pahayagan

3. Gusto mong malaman ang nakuhang iskor ng paborito mong koponan sa basketbol kahapon. Saan mo ito hahanapin?

A. PanlibanganB. PitakC. PampalakasanD. Mukha ng Pahayagan

4. Gusto mong sagutin ang crossword puzzle. Saan mo ito makikita?A. EditoryalB. PanlibanganC. PitakD. Anunsyo Klasipikdo

Page 72: Filipino v a2

5. Dumating galing sa paglalakbay sa ibang bansa ang pangulo. Ang balita tungkol dito ay makikita sa:A. Mukha ng PahayaganB. EditoryalC. PalakasanD. Anunsyo Klasipikado

9. KasunduanSumipi ng isang artikulo sa napiling pahayagan ukol sa balitang pambayan. Sumulat ng kuru-kuro o opinyon tungkol dito.

Page 73: Filipino v a2

PagsulatIKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng Lunsaran

“Ang Balita”

Ikaapat ng madaling araw. Kagigising pa lamang ni Tatang Dencio at nagkape. Binuksan niya ang radyo habang siya ay nagkakape.

Magandang umaga po sa inyong lahat. Narito ang ulat tungkol sa mga pangunahing balita sa araw na ito.

Pinapurihan si G. Emilio Advencula, isang drayder ng taksi dahil sa ipinamalas niyang katapatan. Ang foreigner na naisakay niya sa nakaiwan ng isang attache case na naglalaman ng mya dolyares, tsekeng nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, mga alahas at mahahalagang papeles. Walang kabawas-bawas ang laman na isinauli ni G. Advencula ang attache case sa tinutuluyang hotel ng turista. Binigyan siya ng pabuya dahil sa kaniyang ginawa.

2. PagtatalakayAnu-ano ang inilahad at ginawa sa paksa?Anu-ano ang tinalakay?Paano napaikli ang ulat?

3. Pabigkas na GawainPagbasa ng isang maikling talataPagkilatis sa istilo ng binasang talata.

4. PagalalahadSa pagsulat ng talata buhat sa isang sulat, maaari itong sulatin sa naiibang istilo tulad ng

pagkuwento, pabalita, patula, padayalogo o palarawan.

5. Pinatnubayang Pagsasanay Gawaing Kolaboratib

Batay sa balitang binasa tungkol sa taksi drayber na nagsauli ng dalawang trilyon, sumulat ng isang:

Pangkat I – Talatang naglalarawan kay Emilio Advincula.Pangkat II – Tulang papuri sa kaniya.Pangkat III – Dayalogo nina Emilio at turista sa hotel.Pangkat IV – Kuwentong may paksang katapatan.

6. Malayang PagsasanayIsulat nang pabalita ang tungkol sa “Ang Ulat ni Andrea” na babasahin ng guro.

Page 74: Filipino v a2

7. PaglalapatAnu-ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng talata buhat sa isang ulat?Anu-anong istilo ang maaari nating mabuo mula sa ulat nasa/narinig?

8. PagtatayaPakinggang mabuti ang balita. Sumulat ng talatang pakuwento, patula o palarawan ukol

dito:

Basahin ng tahimik:

May “Agro-Industrial Fair at Food fair” na gaganapin sa darating na Disyembre ngayong taon. Ito ay lalahukan ng ibat-ibang rehiyon sa bansa. Bawat rehiyon ay may dalang kani-kanilang tanyag na produkto.

Maraming mga eksibit na pagkain ang makikita rito tulad ng pansit malabon, pansit Molo, putong Bulacan, lansones Paete at kapeng Batangas, mayroon ding mga sapatos Marikina, mga habing iloko at Banyang-Banyang. Halos lahat ng bilihin ay mura lang at napakatibay pa kaya dapat nating ipagmalaki at tankilikin ang mga yaring pilipino. Nakatutulong pa tayo sa ikauunlad ng ating bansang Pilipinas.

9. KasunduanMakinig ng balita at handang iulat ito sa klase sa ibat-ibang istilo.

Page 75: Filipino v a2

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulitMasagot ng malinaw at wasto ang mga tanongMaipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit

II. PaksaLingguhang pagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan.2. Pagbibigay ng pamantayan.3. Paglalahad ng pagsusulit.

Page 76: Filipino v a2

I. LayuninA. Nakasusunod sa panutong napakinggan

Nakapagbubuod ng mga talatang naglalarawan (deskriptib), nagpapaliwanag (eksplanatori), nagsusunod-sunod (sekuwensya), naglalahad (ekspositori).

Nakikilala kung ang impormasyong nasa pahayagan ay opinyon o katotohanan.Nakatutukoy ng mga kaalaman sa mga bahagi ng pananaliksik (term paper) at naisusulat

ang mga ito.

B. Mga EstratehiyaPabasa nang Pabigkas

C. PagpapahalagaPagiging MapamaraanPagiging Malinis

II. Paksang AralinA. Kuwento: “Paggawa ng Walis Tingting”B.Pagsagot sa mga tanong na Ano, Bakit at PaanoC.Estratehiyang Pangwika

Pagbubuod ng mga Talatang Naglalarawan (Deskriptib), Nagpapaliwanag (Eksplanatori), Nagsusunod-sunod (Sekuwensya), Naglalahad (Ekspositori).

D.Pagkilala Kung ang Impormasyong nasa Pahayagan ay Opinyon o Katotohanan.E. Pagtukoy ng mga kaalaman sa mga Bahagi ng Pnanaliksik (Term paper) at naisusulat ang mga Ito.F. Sanggunian

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5, pahina 91-95G.Kagamitan

Tsart, cartolina strips, manila paper, pahayagan

III.Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw

1. Balikan ang kuwentoKopyahin ang huling pangungusap sa seleksyong binasa.

2. Isulat ang pangalan ng tatlong tauhan sa kuwento. Ikahon ang ikatlong pangalan.3. Ilan ang paraan sa paggawa ng walis tingting? Isulat ito sa loob ng isang parisukat.4. Mahirap ang paggawa ng walis tingting. Kung ito ay tama, gumuhit ng bulaklak, kung mali,

gumuhit ng punong niyog.5. May pera sa paggawa ng walis tingting. Isulat ang salitang pera at salungguhitan nang

dalawang beses. Pagkatapos gamitin ito sa sariling pangungusap.

B. Ikalawang ArawPaglinang sa Kasanayang Pangwika1.Panimulang Gawain

Page 77: Filipino v a2

1.1. PagbaybayIsulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guro.

NiyuganNamataanNakasalansan

MaibentaSabad

1.2. Pagsasanay1.3. Gamitin sa pngungusap ang mga salitang inyong binaybay.

Halimbawa: Ang niyugan nina Mang Nardo ay maunlad.1.4. Balik Aral

Suriin kung ano ang salitang naglalarawan.1. Malinis ang aming pamayanan.2. Ang mga mamamayan sa amin ay masisipag.3. Pinuputol nila ang mga malalagong damo sa tabi ng daan.4. Nilalagayan nila ng mga malalaking basurahan sa labas ng kanilang tahanan.5. Nagsasabit din sila tuwing nalalapit ang Pasko ng magagandang parol sa may

bintana.2. Bagong Aralin

2.1. PagganyakNatatandaan niyo pa ba ang kuwentong inyong narinig kahapon?

2.2. Pagtatalakay sa KuwentoBakit mahalaga ang walis tingting?Paano mo ilalarawan ang walis tingting

3. Pagtatalakay sa AralinIpabasa ang mga talatang nakasulat sa manila paper

Naglalakad si Joy kasama ang kaibigang si Ivy sa malawak na niyugan ng kaniyang Lola. Namataan nilang maraming walis tingting ang naksalansan sa isang bahagi ng niyugan.

Ipinagbibili ito sa Maynila. Dinadala sa palengke upang maibenta. Isa ito sa mahahalagang gamit sa bahay kung kaya’t halos lahat ng pamamahay ay mayroon nito.

Ang walis tingting ay isang mahalagang kagamitan sa bahay. Ito ay pinagsamasamang mga magulang na tangkay ng dahon ng niyog na tinalian upang mabuo at magamit sa pagwawalis.

Madali lamang ang paraan sa paggawa ng walis tingting: Pumili ng mga dahon ng niyog na magulang na o matigas na; Ihiwalay ang bawat piraso ng dahon sa tangkay sa pamamagitan ng

paggamit ng matalas na itak sa pagputol sa buko ng tingting; Kayasin ang hiniwang dahon sa tingting sa pamamagitan ng maliit na kutsilyo; Ipunin ang mga itngting. Ibaon sa lupa ang inalis

na dahon ng niyog; Talian ang mga tingiting; Putulin nang pantay-pantay ang mga dulo nito; Maaari na itong gamitin sa pagwawalis.

Ano ang sinsabi sa unang talata?

Page 78: Filipino v a2

Ano kaya ang tawag sa talatang ito?(Ito ay tinatawag na talatang Naglalahad {Ekspositori}).

Ano ang isinasaad ng ikalawang talata?Ano naman kaya ang tawag sa talatang ito?(Ito ay tinatawag na talatang Nagpapaliwanag {Eksplanatori})

Ano naman ang sinasabi sa ikatlong talata?Ano ang tawag sa talatang ito?(Ito ay tinatawag na talatang naglalarawan {Deskriptib})

Ano kaya naman ang isinasaad ng huling talata?Ano ang tawag sa talatang ito?(Ito naman ay talatang Nagsusunod-sunod{Sekuwensya})

4. Pabigkas na PagsasanayBasahing muli ang mga talata at isa-isang ibuod ang mga ito.

5. PaglalahatAnu-ano ang halimbawa ng isang talata?Paano binubuo ang mga ito?

6. Pinatnubayang PagsasanayBasahing muli ang mga talatang hinango sa kuwento at subukang ibuod ang bawat isa.

Page 79: Filipino v a2

C. Ikatlong ArawPagbasa/pagkilala/Pagsusuri

1. Paglalahad/PagganyakNatatandaan pa ba ninyo ang kuwentong ating binasa?Tungkol saan ito?Tingnan at basahin ang mga pangungusap sa ibaba.

A. Madali ang paggawa ng walis tingting. B. Halos lahat yata ng sambahayan ay mayroong walis tingting.

A. Ang walis tingting ay gawa sa tangkay ng dahon ng niyog. B. Iniipon ang mga walis tingting at tinatalian upang magamit sa pagwawalis

2. Pagtatalakay sa AralinAling mga pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan, mga pangungusap sa

bilang isa o mga pangungusap?Ano naman ang isinasaad ng mga pangungusap sa bilang isa?Magbigay pa ng ilang halimbawa ng mga pangungusap na nagsasaad ng

katotohanan at opinyon.

3. Pinatnubayang PagsasanayMagbigay ng mga pangungusap at sabihin kung ito’y katotohanan o opinyon.Halimbawa: Ang pangulo ng ating bansa ay si Benigno Aquino III. (Katotohanan)Sa palagay ko, siya ay mahusay na pangulo. (Opinyon)

4. Malayang PagsasanayKilalalnin kung ang impormasyong nasa pahayagan ay katotohanan o opinyon.A. Si Manny “Pacman” Pacquiao ay muling sasabak sa larangan ng “boxing”.B. Sa palagay ng marami, muli siyang mananalo sa laban.C. Marahil madali lamang niyang mapapatumba ang kalaban.

5. PaglalapatPangkatang GawainPangkat I – Magbigay ng limang pangungusap na may katotohanan.Pangkat II – Magbigay ng limang pangungusap na nagsasaad ng opinyon.

6. PagtatayaIsulat ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at O kung

opinyon.A. Siguro uulan na naman dahil madilim ang kalangitan.

Page 80: Filipino v a2

B. Napakabait ng aking tatay dahil pinag-aral niya ako.C. Sa palagay ko, mahal ako ng aking mga kabigan dahil pinapasaya nila ako.D. Ayon sa aking kausap, wala na raw taong mapagkakatiwalaan sa ngayon.E. Malaki ang naitulong sa aking mga magulang kaya ako ay nakapagtapos ng pag-

aaral.

7. KasunduanMagbigay ng 5 pangungusap na nagsasaad ng katotohanan at 5 pangungusap na

nagsasaad ng opinyon.

Page 81: Filipino v a2

D. Ikaapat na Araw

1. Paglalahad ng LunsaranIpabasa ang nakasulat sa tsart.“Paggawang Walis Tingting”

2. Pagtatalakay sa gawainSaan nanggaling ang walis tingting?Paano ito ginagawa?Ano ang wastong pamamaraan sa paggawa nito?Ano ang kahalagahan nito sa buhay ng tao?Paano natin malalaman ang mga ito?May masama rin bang maaaring idulot ang paggawa ng walis tingting?

Ngayon ay pag-aaralan natin ang mga bahagi ng pananaliksik.Ilahad ang mga bahagi ng pananaliksik sa tsart.

3. PaglalahatAnu-ano ang mga bahagi ng pananaliksik?

4. Pinatnubayang PagsasanayBasahing mabuti ang pamamaraan sa paggawa ng “Paggawa ng Walis Tingting”.Saan nagmula ang walis tingting?Paano ito ginawa?Ano ang wastong pamamaraan sa paggawa nito?Ano ang naibibigay nito sa atin?May masama bang maidudulot ang paggawa nito?Alamin ang kasagutan sa pamamagitan ng pananaliksik.Magsaliksik sa ibang aklat tulad ng encyclopedia.

Page 82: Filipino v a2

E. Ikalimang Araw

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulitNasasagot nang malinaw at wasto ang mga tanongNaipapakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda sa mga kagamitang kailangan.2. Pagbibigay ng pamantayan.3. Paglalahad ng pagsusulit.4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel.2. Pagtatala ng nakuhang marka.

Page 83: Filipino v a2

I. LayuninA. Naitatala ang mga pahayag na positibo/negatibo sa napakinggang teksto.

Nakapagpapaliwanag ng mga pahayag na may malaim na kahulugan.Nabibigyang katuturan/hinuha ang mga impormasyong nasa patalastas, poster, resibo,

mga pormularyo atbp.Natutukoy ang pattern ng pagbuo ng talata at nagagamit ito sa pagsulat.

B. Mga EstratehiyaPagbasa ng PabigkasMasining na PagkukuwentoPaggamit ng Larawan

C. Pagpapahalaga: Pagkakaisa at Pagkakasundo

II. Paksang AralinA. Kuwento: Ang Pamana (Filipino V, Yaman ng Lahing Kayumanggi pah. 367-368).B. Pagtatala ng mga pahayag na positibo/negatibo sa napakinggang teksto.C. Pagpapaliwanag ng mga pahayag na may malalim na kahulugan.D. Pagbibigay katuturan/hinuha ng mga impormasyong nasa patalastas, poster, resibo,

mga pormularyo (forms) atbp.E. Pagtukoy ng pattern ng pagbuo ng talata at nagagamit ito sa pagsulat.F. Sanggunian

Filipino V, Yaman ng Lahing Kayumanggi pah. 367-368Hiyas sa Wika V pah. 150-153Hiyas sa pagbasa V pah. 182-185PELC 32.1, 32.2, 20.3, 25.4

G. KagamitanTsart, kuwento, larawan

I. Gawain sa PakatutoA. Unang Araw

1. Bago Bumasa1.1. Pagganyak

Anu-ano ang mga nakita ninyo sa larawan?Saan-saan ito maaaring manggaling?

1.2. Paghawan ng Sagabal/Balakid(Pagbibigay kahulugan sa mga salita at paggamit sa pangungusap)

Pamana Medalyon Dumaloy

Page 84: Filipino v a2

1.3. Pagganyak na TanongPaano nabigyang solusyon ang kaniyang suliranin?

2. Habang Bumabasa2.1. Pagpapakita ng Kuwento

“Ang Pamana”2.2. Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa kuwento nang tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukuwento.

2.3. Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa kuwento at sa bawat talata ay ang pagtatalakayan

tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1. Pagsagot sa pagganyak na Tanong

Paano nabigyang solusyon ang kaniyang suliranin?3.2. Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Kuwento

- Ano ang hindi lingid kay Mang Roberto?- Bakit pinulong ni Mang Roberto ang 3 anak?- Saan daw gagamitin ang bahagi ng medalyon?- Ano ang ginawa ng magkakapatid matapos mailibing ang

kanilang ama?- Noong nasa bukid si Rodolfo, ano ang ginawa niya?- Anong nangyari nang hukayin ni Rodolfo ang sapa?

Sa mga pahayag na ito, alin ang positibo?Alin ang negatibo? Bakit mo nasabi ito?3.3. Pangkatang Gawain

Pangkat I – Magtala ng tatlong bagay na ibinigay ng inyong mga magulang at paano ito pahahalagahan.

Pangkat II – Kopyahin ang Character Web at ilarawan ang mga tauahn sa pagbibigay ng kanilang kailangan.

Ang Pamana

Mga tauhan

Mga Katangian

Page 85: Filipino v a2

Pangkat III – Gumuhit ng mga 5 bagay na maaari nating manahin sa ating mga magulang/ninuno.

4. Pagpapayamang GawainMagtala ng mga pahayag na positibo/negatibo tungkol sa napakinggang kuwento

Page 86: Filipino v a2

B. Ikalawang ArawPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika1. Panimulang Gawain

1.1. PagbaybayPamanaMedalyonDumaloy

1.2 Pagsasanay Gamitin sa pangungusap ang mga salitang inyong binaybay.

1.3 Balik-aral Ano ang pamagat ng kahapong kuwento?

Ano ang katangian ng mga anak ni Mang Roberto?Nang pumanaw si Mang Roberto, ano ang nangyari?

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

A. Basahin ang mga sumusunod na salita/pariralaa. pagpupundar ng kabuhayanb. pumanaw sa mundoc. masagana ang pamumuhayd. kapalaran

B. Pagbasa ng Tula

2.2 PagtatalakayMadali bang intindihin ang mga malalalim na salita?Papaano ba ito magiging madaling maintindihan?Anong paraan ang dapat nating gawin upang malaman natin ang ibig sabihin ng mga pahayag

na may malalim na kahulugan?Sagot: Intindihin ang gamit ng salita sa pangungusap.

2.3 Pabigkas na PagsasanayBasahin ang mga sumusunod na pangungusap. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng may

salungguhit na salita.1. Siya ay may pusong mamon.2. Madali siyang umiyak sapagkat siya’y balat-sibuyas.3. Ang mga bata ay pawis at uhaw ang nararamdaman dahil sa maalinsangang

panahon.4. Si tatay ang haligi ng tahanan kaya’t siya ang naghahanap-buhay.5. Sana’y magdilang-anghel ka sa iyong mga sinasabi.

Page 87: Filipino v a2

3. PaglalahatPaano maiintindihan ang mga pahayag na may malalim na kahulugan?

4. Pinatnubayang PagsasanaySabihin ang kahulugan ng may mga salungguhit na pahayag.1. Di maliparang-uwak ang kanilang lupain.2. Nagtaingang-kawali lamang siya.3. Ang hayop ay binawian ng buhay.4. Natutulog sa pansitan ang kalaban.5. Tumataba ang aking puso sa iyong mga papuri.

5. Malayang PagsasanayBasahin ang sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang titik na nagpapaliwanag ng kahulugan ng

mga salita nakapaloob sa binasang tula.1. Maraming biyaya ang tinanggap ng mga manggagawa.

a. trabaho b. tulong c. pag-asa d. paghihintay2. Kitang-kita ko kung paano ipinagbubunyi ng mga tao ang bagong halal na pinuno ng bayan.

a. pinasasalamatan b. pinaparangalanc. pinupuri d. pinag-uukulan ng pansin

3. Sino ang maysabing dito ako mamalagi?a. mag-iisip b. magtatagalc. maghahanapbuhay d. maninirahan ng mahabang panahon

4. Madilim at masikip ang iskinita?a. lansangan b. kalye c. looban d. lagusan

5. Kayraming nagsusulputang mga dayuhan sa bansa.a. maninirahan b. umaalis c. dumarating d. nagpapayaman

6. PagtatayaIbigay ang kahulugan ng mga salita na may malalim na kahulugan ito sa pangungusap.

1. duwag 2. ipinagkanulo 3. malambot ang ilong4. maitim ang budhi 5. anak sa labas

7. Takdang-AralinGamitin sa sariling pangungusap ang mga salita at ibigay ang kahulugan nito.1. anak-pawis2. may ginto sa labi3. mahaba ang pisi4. ilaw ng tahanan5. malapad ang papel

Page 88: Filipino v a2

C. IKATLONG ARAW1. Pag-awit2. Balik-aral

Tungkol saan ang kuwento noong nakaraang araw?3. Pagpapakilala ng Aralin 3.1 Pagganyak

Nakakita ka na ba ng billboard?Ano ang nais iparating nito?May napupulot ba tayong aral sa mga ito?Ilarawan sa klase kung bakit kapansin-pansin ang billboard na iyong sinabi?

4. Pabigkas na PagsasanayBasahin ang mga patalastas sa tsart at sagutin ang mga tanong

CINDERELLA’S SHOESBodega Sale!!!Bagsak Presyo Ito!Bili Na: Murang-mura, Presyong kayang-kaya!Matibay at Garantisadong Tatagal!Agosto 31, 2010 – Disyembre 31, 2010AliMall, Cubao, Quezon CityTel. No. 998-05-71

a. Tungkol saan ang patalastas?b. Ilang buwan tatagal ang sale ng mga sapatos?c. Bakit kaya ginawang limang buwan tatagal ang pagpapabili ng mga sapatos?d. Ano kayang buwan magkakaroon ng pinakamalaking benta ang may-ari ng tindahan? Bakit?e. Bakit kaya nagsasagawa ng sale ang ilang tindahan ng sapatos?f. Ano kaya ang gagawin ng mga taong makababasa nito? Bakit?

5. Pinatnubayang PagsasanayPansinin ang mga poster na nakikita sa mga daan. Bigyan ng kahulugan ang bawat isa.

A. Hintayan at Sakayan B. Hindi rito ang Himpilan ng Pasahero

C. Mag-iingat... May Panganib D. May sira ang daan na ito, lumihis ng daanE. Dumaan ng marahan, may mga taong gumagawa

6. PagtatayaPag-aralan ang pormularyong nasa ibaba at maingat na isulat ang mga impormasyong hinihingi.________________________________________________________

Page 89: Filipino v a2

1. Apelyido Unang Ngalan Panggitnang Inisyal_________________________________________________________2. Tirahan_________________________________________________________3. Gulang Kasarian Relihiyon_________________________________________________________4. Kapanganakan_________________________________________________________5. Pangalan ng mga Magulang

Ama:Ina:

7. KasunduanGumawa ng poster tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan.

Page 90: Filipino v a2

D. IKAAPAT NA ARAW1. Paglalahad ng Lunsaran

“Ang Pamana”2. Pagtalakay sa Gawain

Pagpapaliwanag ng guro sa pagtukoy ng pattern sa pagbuo ng talata.3. Pagbigkas na Gawain

Papagbigayin ang mga bata ng mga talata upang makabuo ng isang pattern.4. Paglalahat

Anu-ano ang mga hakbang/pattern sa pagbuo ng talata?5. Pinatnubayang Pagsasanay

Isulat nang wasto ang sumusunod na talata.Banghay Aralin sa Filipino 5 p. 91

6. Malayang PagsasanayIwasto ang nasa ibabang talata upang makabuo ng tamang pattern.“Ang Unang Tao sa Daigdig”

7. Isulat muli ang talata sa isang malinis na papel ayon sa tamang hakbang/pattern.“Makabagong mga Manggagawa”

Page 91: Filipino v a2

E. Ikalimang Araw

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulitNasasagot nang malinaw at wasto ang mga tanongNaipapakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda sa mga kagamitang kailangan.2. Pagbibigay ng pamantayan.3. Paglalahad ng pagsusulit.4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel.2. Pagtatala ng nakuhang mark

Page 92: Filipino v a2

I. LayuninA. Naitatala ang mga napakinggang pamilyar/’di-pamilyar na salita.

Nakikilala ang mga ideyang nagkakatulad/nagsasalungatan/magkakaugnay.Naisasagawa nang pahapyaw at mabilisan ang pagbasa.Nakasusulat ng isang talatang sanaysay tungkol sa pagpapahalaga sa luntian at malinis na

kapaligiran.B. Mga Estratehiya

Paggamit ng LarawanPagbasa ng PabigkasMasining na Pagkukuwento

C. PagpapahalagaPagpapahalaga sa luntian at malinis na kapaligiran

II. Paksang AralinA. Kuwento

Makulay na BuhayB. Pagsagot sa mga Tanong na Ano, Paano, Bakit, Sinu-sinoC. Estratehiyang Pangwika

Pagkilala ng mga ideyang nagkakatulad/nagsasalungatan/magkakaugnayD. Pagsasagawa nang pahapyaw at mabilisang pagbasaE. Pagsulat ng isang talatang sanaysay tungkol sa pagpapahalaga sa luntian at malinis na

kapaligiranF. Sanggunian

Filipino: Gintong Yaman natin pp. 101-104Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi pp. 357-358Hiyas sa Pagbasa pp. 228-229 & pp. 46-49Pagdiriwang ng Wikang Filipino pp. 86-88

G. KagamitanComputer, tsart

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw

1. Bago Bumasa1.1. Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng kaibigan sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter.Halimbawa: Tao

Kuwento1.2. Pagpapakilala ng Kuwento

Pagtukoy sa PamagatMakulay na Buhay

1.3. Paghahawan ng Balakid

Page 93: Filipino v a2

Suriin ang bawat pangungusap. Bilugan ang salitang pamilyar at salungguhitan ang salitang ‘di-pamilyar at ibigay ang kahulugan nito.

a. Nadatnan ko ang isang kaibigan kong nasa isang upuan, ang paborito niyang likmuan na ginawa ng kaniyang Lolo para sa kanilang pamilya.

b. Ang bata ay lubhang nanlulugo o nanghihina dahil sa labis na kalalaro.c. Dahil sa pandaraya ng kalaro, halos balakin o planuhin din ni Peter ang lutuin ang

susunod na laro.d. Maraming kasabwat o katulong sa krimen ang binatang inakusahang nandukot sa

batang Tsino.e. Mula, sa durungawan, ang bintana sa may sala, nakita ni Lolita ang paparating na

kaibigang si Carmen.1.4. Pagbubuo ng Pagganyak na tanong

Ano ang kahalagahan ng kaibigan sa buhay ng isang tao?1.5. Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1. Paglalahad

Paglalahad ng KuwentoMakulay na Buhay

2.2. Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kuwento.

2.3. Ikalawang PagbasaPagbasa muli ng guro sa kuwentoat pagtalakay dito.

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Ano ang kahalagahan ng kaibigan sa buhay ng isang tao? 3.2 Pangkatang Gawain

Pangkat I – Itala ang inyong mga kaibiganPangkat II – Bumuo ng isang tula tungkol sa kaibiganPangkat III – Pumili ng isang awiting may kaugnayan sa pagkakaibigan.

3.3 Pagsasagawa ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainKapag nakikinig, nagbabasa o nanonood tayo, maraming iba’t-ibang uri ng impormasyon ang

ating nakukuha. Ang iba ay maaaring pamilyar sa atin at maaaring ang iba naman ay hindi pamilyar o nalaman lamang sa unang pagkakataon. Isang mabuting gawi sa pakikinig, panonood o pagbabasa ang pagtatala ng mga impormasyon, pamilyar man o hindi pamilyar. Una, upang madaling mabalikan o matandaan ang mga impormasyon, at ikalawa, upang maaaring alamin o saliksikin ang mga bagay na di pamilyar o mga bagong natutuhan. Makinig ng isang

Page 94: Filipino v a2

talakayan sa radyo. Sa tulong ng pardon, isagawa ang pagtatala ng mga impormasyong pamilyar at hindi pamilyar.

Mga Impormasyong Pamilyar Mga Impormasyong Di-Pamilyar1. 1.2. 2.3. 3.

Page 95: Filipino v a2

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbabaybay

Bigkasin nang wasto ang mga sumusunod na salita.hinihimas-himasnasusuhulanpinaghihingahannahulihannanlulugo

1.2 Balik-aralBalik-aralan ang mga halimbawa ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar.

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Natatandaan ninyo pa ba ang kwentong, “Makulay na Buhay’? 2.2 Pagtalakay sa Kuwento

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang kahulugan, kasalungat at mga salitang kaugnay ng mga salitang nakahilig.a. Kaagad kinain ng aso ang pagkaing idinulot ng kanyang senyorita.b. Nang makita ang kanyang amo, ikinawag ni Michelle ang kanyang buntot.c. Hindi man lang kumibo ang aso nang tanungin siya ng amo kung ano ang nangyari.d. Alam mo ngayon, maraming masamang-loob, basta ka na lang lolooban.e. Ilang metro ang layo ko sa pintuan nang matanawan ko mula sa malayo ang malungkot kong

alaga na si Michelle.

3. Pagtalakay sa AralinPaglalahad ng isa pang kwentoBasahin ang mga pangungusap na hinango sa kwentong “Sa Pagawaan ng Sapatos.”a. Sa loob ng pagawaan ay nakita nila ang maraming hulmahang kahoy. Mga nakabilad na katad,

takong, goma, plastik, pandikit at iba pa.b. Kinuha ni G. Antazo ang takong na kahoy, binalutan ng manipis na katad, pinahiran ang ibabaw

nito ng pandikit at saka idinikit sa hulihan ng sapatos. Nilagyan ng tali at inilagay sa bilao saka dinala sa palengke.

Aling pangungusap o pahayag ang magkakatulad sa titik a at b?Aling pangungusap o pahayag ang magkakasalungat sa titik a at b?Magbigay ng mga pahayag na magkakatulad/magkakasalungat/magkakaugnay.

4. Pagbigkas na Pagsasanay

Page 96: Filipino v a2

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Magbigay ng mga ideya na magkakatulad, magkakasalungat o magkakaugnay.

a. Nakita mo kung paano naaapektuhan si Raul at ang pamilya nila dahil sa panloloko ng mga ilegal recruiters. Gaya ng nasabi ng ama ni Raul, marami pa silang mabibiktima. Ilegal na recruiter ang isang malapit mong kamag-aral.

1. ideya na magkatulad___________________________________

2. Ideya na Magkasalungat___________________________________

3. Ideya na Magkaugnay___________________________________

5. PaglalahatAnu-ano ang pagkakaiba ng mga salitang magkakatulad, magkakasalungat at magkakaugnay?

6. Pinatnubayang PagsasanayTukuyin kung ang mga pares ng salita ay magkatuld o magkasalungat ang kahulugan.1. pumunta:tumungo2. pumasok:lumabas3. dumating: sumapit4. nagdarahop: nagkukulang5. magara: payak6. masaya: Maligaya7. malamig: mainit8. nagagalak: nalulungkot9. natatangi: kakaiba10. nagtatapos: nagsisimulaSalungguhitan ang mga salitang magkaugnay sa bawat bilang.11. langit, bughaw, burol, lipa12. dagat, bapor, dyip, bus13. dingding, palay, bahay, paaralan14. panghiwa, palakol, kutsilyo, martilyo15. pala, pako, panghukay, gunting

7. Malayang PagsasanayMagbigay ng mga halimbawa ng mga salitang magkakatulad, magkakasalungat at magkakaugnay.

8. PaglalapatIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

matayogsinaunamahinhin

Page 97: Filipino v a2

mahalumigmigmalawak

Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga sumusunod:makabagopinalakaskasipaganmalayomalaki

Ibigay ang salitang kaugnay ng mga sumusunod:sasakyanulingdagatbasuraComputer

9. PagtatayaPiliin sa Hanay B ang katulad na kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

Hanay A Hanay B1. Umunlad ang industriya sa Asya a. hinihinala dahil sa pagkakatuklas at pagpapaunlad ng Agham at Teknolohiya.

2. Ang pananaliksik ay nakapag-ambag nang b. siyensya malaki sa pag-unlad ng teknolohiya.

3. Ang bansang Hapon ay isa sa mga bansang c. huwaran may maunlad na ekonomiya.

4. Modelo sa kaunlaran ang mga bansang Tsina, d. kabuhayan Vietnam at Korea. e. nakapagbigay

Hanapin sa loob ng pangungusap ang salitang kasalungat ng salitang nakahilig.5. Higit na malaki ang lupang bulubundukin kaysa sa lupang kapatagan sa Silangang Asya.6. Maraming bansa sa Asya ang Agrikultural at ang iba naman ay industriyalisado.7. Mayaman sa langis ang mga bansa sa Gitnang Silangan samantalang salat naman rito ang maraming bansa sa Asya.8. Ang Pilipinas ay nagluluwas ng niyog samantalang nag-aangkat naman siya ng petrolyo.

Magbigay ng mga salitang maaaring iugnay sa mga salitang nakatala sa bawat bilang.9. paaralan10. simbahan

Page 98: Filipino v a2

10. KasunduanSumulat ng mga halimbawa ng mga salitang magkakatulad, magkakasalungat at magkakaugnay

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa1. Paglalahad/Pagganyak

Paano ipinakita ni Lolita ang pananabik niya sa kaibigang si Carmen gayundin ang kanilang mga alagang aso na kapwa magkaibigan?

Walang anu-ano’y biglang tumayo si Lolita na kamuntik nang ikahulog ni Michelle. Natanawan niyang dumarating na si Carmen na pangku-pangko si Blanca. Nagmamadaling tumungo si Lolita sa may hagdanan upang salubungin ang kaibigan. Matuling tumakbo si Michelle upang salubungin naman si Blanca, ang tuta ni Carmen nagulat si Lolita’t biglang sumigla si Michelle.

2. Pagtalakay sa AralinAng isang paraan ng pagtukoy sa impormasyon mula sa binasang akda o alinmang seleksyon ay ang

pahapyaw at mabilis na pagbasa nito. Sa gawaing ito, ang mahalaga’y ang mabilis na pagbasa sa mga mahahalagang salita sa loob ng pangungusap.

3. Pagbibigay ng isang tula“Sa Araw ng Aking Pagtatapos”

4. Pagtalakay sa kwentoAno ang pinipilit ng persona sa tula na hindi naman niya nagawa?Anong masayang alaala ang nasa kanyang isip araw-araw?Anong bahagi ng paaralan ang hindi malimutan ng nagsasalaysay?Bakit hindi niya malimutan ang tanggapan ng punongguro?Bakit hindi dapat limutin ng nagsasalaysay ang mga aklat na kanyang nabasa?

Sa pangungusap na “Sa aking pagtatapos ay sisikapin kong makapagpatuloy ng pag-aaral para ako ay makapaghanapbuhay.” Sa pangungusap na ito ay pahapyaw lamang ang gawing pagbabasa. Ang mga salitang pagtatapos, pag-aaral at makapaghanapbuhay ay tatlo lamang sa mga mahahalagang salita sa pangungusap. Madali nang mabuo ang kaisipang nakapaloob sa pangungusap kung pagtutuunan ng pansin ang tatlong nabanggit na salita.

5. Pinatnubayang PagsasanayBasahin ang pangungusap sa bawat bilang. Pahapyaw na basahin at piliin ang mga mahahalagang

salitana. Maraming mamamayan ang naniniwalang ang pag-unlad ng bayan ay matatamo kung

pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan.b. Sa taong 2000, magkasamang magtulungan ang mga mamamayan at pamahalaan para umunlad

pang mabuti ang kabuhayan ng bansa.c. Maaalalang ang Metro Manila noong araw ay hindi pa gaanong maunlad kaya’t ang mga

bakanteng lote ay hindi napagtayuan ng nagtataasang mga gusali.

6. Malayang PagsasanayIsang Sulyap Pangkasaysayan

Page 99: Filipino v a2

Balikan ang salaysay na napakinggan ng mga bata. Ilang talata ng bumubuo nito? Basahin ng mabilis o pahapyaw ang una, ikalawa, ikatlo at ikalimang talata at ibigay nang mabilis ang impormasyong hinihingi.

1. a. taon nang dumating ang Kastilab. layunin ng kanilang pananakopc. ang abakada o baybayind. kasamang dumating ng mga kongkistador

2. Talata 3a. isinagawa ng mga misyonerong iskolarb. paksa ng mga kwento noong unang panahon ng Kastilac. mga inilimbag

3. Talata 5a. isang mananalaysay na Filipinob. bilang ng mga aklat at babasahing nalimbagc. kauna-unahang limbagan sa Pilipinas

7. PaglalapatBasahing muli ng pahapyaw ang sulyap pangkasaysayan ni Lola Emma. Isulat sa sagutang papel ang

bilang ng talatang kinapapalooban ng mga sumusunod na mga impormasyon.1. Dahilan ng mabilis na pagkatuto ng mga Pilipinong bumasa at sumulat.2. Ang paggamit ng alpabetong Romano3. Mga paksa ng mga aklat at kwentong nalimbag4. Dami o bilang ng iba’t-ibang aklat na unang nalimbag5. Ang nagdala ng limbagan sa Pilipinas

8. PagtatayaNoon sa Nayon ng Mahabang Ilog

Natutuhan natin na bawat talata ay may iniikutang pangunahing paksa. Sanayin ang inyong sarili sa mabilis at pahapyaw na pagbasa. Ibigay ang bilang ng talatang pinaghanguan ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang mga bata ay masayang naglalaro ng taguan.2. Ang ilog ay malinis at malinaw.3. Maagang natutulog kaya’t maagang gumigising ang mga tao.4. Manghuli na lamang tayo ng kuliglig. Paramihan tayo.5. Uliran ang pagsusunuran, uliran sa kasipagan at kabaitan.

9. KasunduanBumasa ng isang balita sa pahayagan. Pahapyaw na basahin at kunin lamang ang mga mahahalagang

impormasyon sa pamamagitan ng pagbasa ng mga mahahalagang salita lamang.

D. IKAAPAT NA ARAWPagsulat1. Paglalahad ng Lunsaran

Makulay na Buhay2. Paglalahad

Page 100: Filipino v a2

Pagpapakita ng mga larawang kalimitang pinupuntahan ng mga magkakaibigan upang mamasyal sa pamamagitan ng powerpoint gamit ang kompyuter.3. Pagtalakay sa Gawain

Pagtatalakay ng guro ng mga panuntunang sinusunod sa wastong paraan ng pagsulat ng talata.4. Pabigkas na Gawain

Pangkatang GawainMagbigay ng mga salitang naglalarawan tungkol sa ating kapaligiran.

5. PagtatalakayPabuuin ang mga bata ng mga pangungusap tungkol sa ating kapaligiran. Ipagamit ang mga salitang

inilarawan nila tungkol dito. Ipaayos ang pangungusap sa ayong talata. Talakayin ang nabuong talata.6. Paglalahat

Anu-ano ang mga panuntunang sinusunod sa wastong paraan ng pagsulat ng talata?7. Pinatnubayang Gawain

KAPALIGIRAN KO, PANANAGUTAN KO8. Malayang Pagsasanay

Isulat ng wasto ang talatang ididikta ng guro.9. Paglalapat

Sumulat ng dalawa o tatlong talata tungkol sa paksang “MGA YAMAN SA ATING KAPALIGIRAN” Sundin ang mga panuntunan sa pagsulat ng mahusay ng talata.10. Pagtataya

Sumulat ng talata na may kaugnayan sa pagpapahalaga sa luntian at malinis na kapaligiran. Lagyan ito ng pamagat. Gamitin ang mga panuntunang sinusunod sa wastong pagsulat ng talata.

Page 101: Filipino v a2

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 102: Filipino v a2

I. Layunin A. Nakukuha ang mahahalagang detalye ng tekstong napakinggan

Nakikilala ang mga pahayag/talatang positibo, negatiboNasasagutan ang puzzle/palaisipan sa pagpapalawak ng talasalitaanNaiuuganay ang Dewey Classification System sa Card Number”Nakasusulat ng isang kathambuhay at talambuhay na gumagamit ng mga pattern sa pagsulat ng talata

II. Pagksang AralinA. Kwento: Ang PamanaB. Estratehiyang Pangwika

Pagkilala sa mga pahayag/talatang positibo, negatiboC. Pagsagot sa mga puzzle/palaisipan sa pagpapalawak ng TalasalitaanD. Pag-uugnay ng Dewey Classification System sa Card NumberE. Pagsulat ng isang kathambuhay at talambuhay na gumagamit ng isang patern sa pagsulat ng talataF. Sanggunian: Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi, pp.367-375G. Kagamitan: activity cards, tsart

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw

1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Sino sa inyo ang nakatanggap nan g pamana?

1.2 Pagpapakilala sa KwentoPagtukoy sa Pamagat: Ang Pamana

1.3 Paghahawan ng BalakidIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita1. pamana2. medalyon3. dumaloy

1.4 Pagbuo ng Pagganyak na TanongAno ang suliranin ni Mang Roberto?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad

Paglalahad na muli ng kwento

Page 103: Filipino v a2

2.2 Unang PagbasaUnang pagbasa ng guro sa kwento

2.3 Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa bawat tagpo at pagtalakay dito.

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Ano ang suliranin ni Mang Roberto?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Bumuo ng isang tula tungkol sa isang dakilang Ama.Pangkat II – Iguhit ang mga pamanang iniwan ni Mang Roberto sa tatlo niyang anakPangkat III – Isadula kung paano nabuo ang pira-pirasong medalyon na bigay ni Mang Roberto

3.3 Pag-uulat ng Bawat Pangkat

4. Pagpapayamang GawainIpaliwanag kung bakit mahalaga sa magkakapatid ang magkaisa at magkasundo?

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbabaybay

MedalyonMakisigDumaloyBendisyon

1.2 Balik-aralIbigay ang kahulugan sa pamamagitan ng katuturan1. Pagkatapos ng kanyang matiyaga at masikap na paggawa ay nakapundar siya ng sapat na

kabuhayan.

NAKAPUNDAR

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Natatandaan pa ba ninyo ang ating kwento kahapon?

2.2 Pagtalakay sa kwentoMga tanong:a. Ano ang hindi nalingid kay Mang Roberto?

Page 104: Filipino v a2

b. Bakit pinulong ni Mang Roberto ang mga anak?c. Saan daw gagamitin ang bahagi ng medalyon?d. Ano ang ginawa ng magkakapatid matapos mailibing ang kanyang ama?

3. Pagtalakay sa AralinBasahin ang mga sagot na nakasulat sa pisara.Alin sa mga pahayag ang positibo?negatibo?Bakit mo nasabi ito? Ipaliwanag.

4. PaglalahatAno ang ibig sabihin ng pahayag na positibo?Ano ang ibig sabihin ng pahayag na negatibo?

5. Pagbigkas na PagsasanayBasahin ang sumusunod na pahayag. Sabihin kung positibo o negatibo ang sumusunod na pangungusap.1. Nanlalamig ang anak sa pag-aaral at pinayuhan siya ng kanyang ina.2. Karaniwan nang imported ang binibiling damit at sapatos ng maraming Pilipino.3. May sakit ka, uminom ka ng gamot.4. Malimit magtaas ng sahod si G. De Jesus, may-ari ng kompanya.5. Ayaw operahan ni Dr. Luna ang isang pasyente dahil wala itong pandepositong pera sa ospital.

6. Pinatnubayang PagsasanayGumuhit ng bituin sa puwang kung ang pahayag ay negatibo at araw naman kung ang pahayag ay positibo._____ a. “Walang masama kung naghahanda sa pagdating ng tag-ulan,” ang payo ni Mang Bert sa

mga anak._____ b. “Pare, kadalasay hindi naman totoo ang sinasabi ng mga pulitiko. Iisa lamang sa halos

sampung ipinangako nila ang kanilang tinutupad,” ang wika ni Mang Eddie sa kumpare niya.

_____ c. “Huwag ka ng dumalo sa miting na iyon. Hindi naman kayo magkakaintindihan doon dahil lahat ay gusting magsalita,” ang pangungumbinsi ni Moises kay Noel.

_____ d. “Manalig tayo at manalangin dahil sa gitna ng ating mga suliranin ay di tayo pababayaan ng Diyos,” ang sabi ni Aling Conching sa mga anak.

_____ e. “Masisipag lamang ang mga iyan sa una pero habang tumatagal ay tumatamad din,” ang pabulong na wika ni Jose.

7. Malayang PagsasanayMagbigay ng 5 halimbawa ng pahayag na positibo at negatibo.

8. PaglalapatSagutin ang tanong. Sabihin kung anong uri ng pahayag ang isinasaad.Ano ang ginawa ng magkakapatid matapos mailibing ang ama?

9. PagtatayaIguhit ang masayang mukha kung positibo at malungkot na mukha kung negatibo._____ 1. “Gagaling ka rin. Sundin mo lamang ang payo ng iyong Doktor,” ang wika ni Lina sa anak.

Page 105: Filipino v a2

_____ 2. “Walang silbi ang mga taong iyan. Kinakailangang mabulok sila sa kulungan,” ang wika ni Mang Kardo.

_____ 3. “Patawarin mo na sila Dennis. Bata ang mga kapatid mo at di pa sila nakauunawa di tulad mo,” ang pakiusap ni Aling Amanda sa anak.

_____ 4. “Wala kayong dapat ikatakot. Basta ipaliwanag ninyo ang tunay na nangyari,” ang payo ni nanay kina kuya.

_____ 5. “Hindi na ako magtatrabaho. Hirap na hirap na ako. Wala namang nangyayari sa akin dito,” ang naghihimutok na wika ni Jeffrey.

10. KasunduanSumulat ng limang pangungusap na positibo at limang pangungusap na negatibo.

IKATLONG ARAW1. Pagganyak/paglalahad

Natatandaan pa ba ninyo ang kwentong binasa natin?Ano ang ibig sabihin ng salitang pamanaBasahin ang halimbawa ng Dewey Decimal System

0-99 Sanggunian100-199 Pilosopiya200-299 Relihiyon300-399 Araling Panlipunan400-499 Wika500-599 Agham600-699 Useful Arts and Applied Science700-799 Recreation800-899 Panitikan900-999 Heograpiya/kasaysayan

2. PagtatalakayanNais mong palawakin ang konsepto ng pamana, saan ka pwedeng magsaliksik? Ano ang aklat ang gagamitin mo?

3. Pagbasa muli ng kwento

4. Babasahin ang mga salita mula sa kwentoTipon butilPanghukay away

5. Pinatnubayang PagsasanaySagutin ang palaisipan sa ibaba.

Pahalang Pababa1. maliit na ilog 1. Tipon2. pananim na butil 2. Kasangkapang panghukay3. iniwan ng namatay o umalis na 3. Laket o bahagi ng palawit ng kwintas

6. Malayang Pagsasanay

Page 106: Filipino v a2

Sagutin ang palaisipanPahalang Pababa1. taong makakalimutan 1. Hayop na mahilig sa saging2. sahog sa pagkain 2. Prutas na maraming mata3. haligi ng tahanan 3. Ilaw ng tahanan4. dukha 4. Poot, inis

7. Paglalapat

8. PagtatayaHanapin sa puzzle ang mga kahulugan ng sumusunod na salita.

9. Gumawa ng sariling puzzle. Pasagutan ito sa kaklase bukas.

D. IKAAPAT NA ARAW1. Paglalahad ng Lunsaran

Talambuhay ni Jose RizalKathambuhay ng guro

2. PagtatalakayAno ang pagkakaiba ng talambuhay sa kathambuhay?

3. Pagbigkas na PagsasanayPagkukwento ng ilang bata ng kanilang sariling karanasan.

4. PaglalahatPaano ang tamang pagsulat ng isang talambuhay o kathambuhay?

5. Pinatnubayang PagsasanayPagbasa sa talambuhay at kathambuhay na ginawa ng guro.

6. Malayang pagsasanayIsulat ang sariling talambuhay

7. PagtatayaMagsaliksik ng isang talambuhay ng kilalang bayani.

Page 107: Filipino v a2

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 108: Filipino v a2

I. Layunin A. Nasasagot ang mga tanong sa kwentong narinig.

Nakabubuo ng mga pahayag na naglalahad ng sariling katwiran, sariling pagpapsya at sariling paniniwala.

Nakikilala at nabibigyang kahulugan ang impormasyong nasa iba’t-ibang gap, tsart at mapa.Nakasusulat ng pormal at di pormal na kata/sanaysay tungkol sa mga isyung panlipinan kaugnay sa

pagbabagong nagaganap sa pangangalakal sa bansa.

B. Mga EstratehiyaMakinig sa KwentoPaggamit ng LarawanPagbasa ng Pabigkas

C. PagpapahalagaPaggalang sa mga Tradisyon

II. Paksang AralinA. Kwento: PahiyasB. Pagsagot sa mga tanong na Ano, Paano, Bakit at SaanC. Estratehiyang Pangwika

Mga pahayag na naglalahad ng sariling katwiran, sariling pagpapasya at sariling paniniwala.D. Pagbibigay kahulugan ng salita sa pamamagitan ng paggamit sa pangungusap.E. Pagsulat ng Pormal at di Pormal na kata/sanaysay tungkol sa mga isyung panlipunan kaugnay sa

pagbabagong nagaganap sa pangangalakal ng bansa.F. Sanggunian:PELC #5 at 6

Hiyas sa Pagbasa 5 pp.146-147, 200Masining at Mabisang Pakikipagtalastasan 5 pp. 189-191

G. Kagamitan:Flashcardtsart ng kwentoLarawan activity sheet

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw

1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Anu-anong mga pagdiriwang ng mga Pilipino ang ginagawa parin hanggang sa kasalukuyan?Bakit kaya naging bahagi na ng ating kultura ang mga pagdiriwang lalo na sa yaong nauukol sa

ating pananampalataya?

1.2 Pagpapakilala ng KwentoPahiyas

Page 109: Filipino v a2

1.3 Paghahawan ng BalakidIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. (mix and match)Nakagisnan – kahali-halinaPalamuti – gayak na nagpapaganda sa anumang bagayKiping – dekorasyon

Kaiga-igaya – kinamulatanPahiyas – uri ng kakanin

1.4 Pagbubuo ng Pagganyak na TanongAnu-anong mga pagdiriwang ng mga Pilipino ang ginagawa pa rin hanggang sa kasalukuyan?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad

Paglalahad ng KuwentoPahiyas

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kwento ng tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukwento.

2.3 Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa kwento sa bawat talata at pagtalakay dito.

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Anu-anong mga pagdiriwang ng mga Pilipino ang ginagawa pa rin hanggang sa kasalukuyan?Makatwiran bang ipagdiwang ang mga tradisyon sa ating bansa?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Magpakita ng isang iskit kung paano ipinagdiriwang ang PahiyasPangkat II – Iguhit ang masayang pagdiriwang ng PahiyasPangkat III – Sumulat ng editorial tungkol sa paksaPangkat IV – Gumawa ng isang taludtod tungkol sa Pahiyas

3.3 Pag-uulat ng Bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainLagyan ng tsek ang mga lipon ng mga salitang karapat-dapat na ring gawin sa pagdiriwang ng

kapistahan at ekis ang mga bagay na dapat iwasan.1. Pagdaraos ng misang bayan2. pagkakaroon ng siyam na araw ng novena3. Pangungutang para sa mga pagkaing ihahanda4. Pagdaraos ng mga palaro sa mga bata5. Paghahanda ayon sa kakayahan ng kabuhayan

Page 110: Filipino v a2

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbaybay

Isulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guroGinintuan dumaragsaNagdurugtong pumponPrusisyon

1.2 PagsasanayGamitin sa pangungusap ang mga salitang binaybay.

1.3 Balik-aralPumalakpak ng isang beses habang nakaupo kung ang salitang nakasulat ay panghalip panaklaw at kung ito ay panghalip pamatlig, tumayo at pumalakpak ng dalawang beses.

Doon madla sanlibutan hayun dito

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Anong pamagat ng kwento ang binasa natin kahapon? Natatandaan ninyo pa ba ang mga pangyayari o kaganapan sa pagdiriwang ng Pahiyas?

2.2 Pagtalakay sa KwentoAnong pagdiriwang ang tinutukoy sa kwento?Kailan ito ipinagdiriwang?Kaninong karangalan ang pagdiriwang na ito?Bakit pinararangalan ng mga tao sa Lucban si San Isidro?Bakit “Pahiyas” ang pangalan ng pagdiriwang na ito?

2.3 Pagtalakay sa AralinSa iyong palagay dapat bang maging marangya at magastos ang pagdiriwang ng mga Pistang

Bayan? Pangatwiranan (sariling katwiran)Dapat pa ba na tayo ay sumunod sa ganitong uri ng pagdiriwang? (sariling pagpapasya)Naniniwala k aba na may maganda itong naidudulot sa kabuhayan ng tao? Sa ating pamilya? Sa

ating kultura? (sariling paniniwala)

3. Paglalahat

Page 111: Filipino v a2

Sa bawat panig ng ating bansa ay may iba’t-iba tayong mga tradisyon hanggang sa ngayon ay patuloy nating isinasagawa. Nasa palagay natin ay tama o mali ba ang pagsunod sa mga tradisyong ito.

4. Pinatnubayang PagsasanaySENAKULO

Ang Senakulo ay pagsasadula ng paghihirap at kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo. Ito ay ginaganap tuwing sasapit ang Mahal na Araw.

Sagutin:Sa iyong palagay, dapat pa bang ipagdiwang ang senakulo? Pangatwiranan. (sariling katwiran)Ikaw bilang mag-aaral, kailangan bang sumunod ka na ipagdiwang ang ganitong uri ng tradisyon?

(sariling pagpapasya)Ano ang paniniwala mo bakit kailangan nating sumunod sa ganitong uri ng tradisyon? (sariling

paniniwala)

5. Malayang PagsasanaySumulat ng isang talata tungkol sa isang tradisyon sa ating bansa at bigyan o gawan ito ng katanungan

na nagpapahayag ng sariling katwiran, sariling pagpapasya, at sariling paniniwala.

6. PaglalapatBasahin ang talata at bumuo ng mga tanong na nakasulat sa ibaba.

PaskoTuwing sasapit ang buwan ng Setyembre ay naalala natin na malapit na ang kapaskuhan. Ang

tradisyong ito ay tumatak na sa ating isipan ang pagsilang ng ating Dakilang manunubos na si Hesukristo. Ito ang araw kung saan ang lahat ay masasaya, lahat ng tahanan ay may kanya kanyang handing masasarap na pagkain.

a. Sariling Katwiran: ____________________________b. Sariling Paniniwala: ______________________________c. Sariling Pagpapasya: ____________________________

7. PagtatayaSumulat ng isang talata ng paborito ninyong ipagdiwang. Bigyan o gawan ito ng katarungan na

nagpapahayag ng sariling katwiranm, sariling pagpapasya at sariling paniniwala.

8. Takdang AralinGumupit ng mga larawan ng iba’t-ibang tradisyon sa ating bansa at gawan ito ng talata.

Page 112: Filipino v a2

C. IKATLONG ARAWPagbasa

1. PagganyakAyon sa kwento ng “Pahiyas”

- Kailan ipinagdiriwang ang Pahiyas?- Saang lugar ipinagdiriwang ito?- Paano ipinagdiriwang ito?

2. Paglalahad ng ibang kwentoNgayon ay may babasahin tayong bagong kwento. Ito ay tungkol sa isang Rehiyon ng ating bansa. Gusto

nyo bang malaman kung anong rehiyon ito?

Kwento: PAMPANGA

3. Pagbigkas ng KasanayanPagbasa ng mga bata sa kwento

4. Pangkatang GawainPangkat I – Iguhit ang mapa ng PampangaPangkat II – Gumawa ng isang iskit tungko sa masasarap na pagkain sa Pampanga.Pangkat III – Gumawa o sumulat ng isang akrostik tungkol sa salitang PAMPANGAPangkat IV – Gumawa o sumulat ng isang taludtod tungkol sa Pampanga.

5. PaglalahatAnu-ano ang mga impormasyon na makakatulong sa atin sa paggamit ng mapa, tsart at grap?

6. Pinatnubayang Pagsasanay

Page 113: Filipino v a2

7. Malayang PagsasanaySuriin ang tsart. Pag-aralan ang impormasyon dito.

BALAYAN FAMILY CLINICARAW AT ORAS NG DALAW NG PASYENTE

LUNES MARTES MIYERKULES

HUWEBES BIYERNES SABADO LINGGO

8:00 n.u 8:00 n.u. 9:00 n.u. 1:00 n.h. 1:00 n.h. 8:00 n.u. 9:00 n.u.9:00 n. g. 6:00 n.g. 12:00 n.t. 5:00 n.h. 7:00 n. g. 12:00 n.t. 9:00 n.g.

8. PaglalapatBasahin ang grap. Pag-aralan ang impormasyong nakatala dito.

Sagutin:1. Ilang porsyento para sa pagkain ang nagagastos ng pamilya Cruz?2. Anong bagay ang inilaan ng Pamilya Cruz na may 25%? 3%?3. Ilang porsyento para sa kuryente ang nagastos ng pamilya Cruz? Sa ibang bagay tulad ng

gamot?

9. PagtatayaGumawa ng sariling grap na magpapakita ng inyong nagastos sa baong ibinigay sa inyo ng inyong

magulang.

10. Takdang Aralin:Iguhit ang mapa ng inyong bayan.

Page 114: Filipino v a2

D. IKAAPAT NA ARAWPagsusulat

1. PagganyakBukod sa kapistahan, ano pang mga buwanang pagdiriwang ang isinasagawa o ipinagdiriwang natin sa

iba’t-ibang panig ng ating bansa?

2. PaglalahadPagpapabasa muli sa kwento/sanaysay

3. Pagtalakay sa GawainTingnan mabuti at suriin ang kwento/sanaysayPaano ito isinulat?Ano ang nilalaman ng kwento/sanaysay?

4. Pagbigkas na GawainBasahin ang sitwasyon at sumulat ng isang sanaysay batay dito.Sitwasyon: Sa Paskong Darating

5. PaglalahatAnu-ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng isang sanaysay?

6. PaglalapatSumulat ng isang sanaysay tungkol sa paborito ninyong pagdiriwang sa ating bansa.

7. PagtatayaSumulat ng isang sanaysay kung paano ninyo ipinagdiriwang ang inyong kapistahan.

8. Takdang AralinGumuhit ng isang larawan ng Buwanang Pagdiriwang sa ating bansa at isulat ito ng isang sanaysay.

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

Page 115: Filipino v a2

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

I. Layunin A. Nakapagbibigay-reaksyon sa pananaw, tono, saloobin at layon ng akdang napakinggan

Natatalakay ang malalim na kahulugan ng binasang pahayag/biro/palaisipan/atbpNakasasagot sa mga tanong tungkol sa impormasyong napapaloob sag rap, tsart, mapa.Nakakasulat ng tugma/reaksyon/pahayag/biro/palaisipan,atbp

B. Mga EstratehiyaPagbasa ng PabigkasMasining na Pagkukuwento

C. Pagpapahalaga: Pagiging Masipag

II. PaksaA. Kuwento: Ang Susi sa Pag-unladB. Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Kuwento

Page 116: Filipino v a2

C. Estratehiyang PangwikaPaglalahad ng Malalim na Kahulugan ng Binasang Pahayag/Palaisipan/Biro,atbp

D. Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Impormasyong Napapaloob sa Tsart, Grap at MapaE. Pagsulat ng Reaksyon/Pahayag tungkol sa SitwasyonF. Sanggunian:

Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi d. 376-385Hiyas ng Wika d.157

G. Kagamitan: tsart, larawan

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw

1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Ano ang kahulugan ng kasipagan?

1.2 Pagpapakilala sa KuwentoKuwento: Ang Susi sa Pag-unlad d. 376-377

1.3 Paghahawan ng BalakidHanapin sa hanay B ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may bilog sa hanay A. Isulat ang

titik ng tamang sagot sa patlang.Hanay A Hanay B

_____ 1. Nagpaligsahan ang tatlong magkakapatid A. pumayag_____ 2. Itatala ang bilang ng itlog ng kanilang

Alagang manok. B. nagliwaliw_____ 3. Ang lahat ay sumang-ayon sa sinabi ng

Magulang. C. nagcontest_____ 4. Nagpunta ang mag-aama sa mall upang

Ipasyal ang mga anak. D. pagwawagi_____ 5. Ang kasipagan ay susi sa pag-unlad at E. Ilista

Tagumpay. F. kabutihan 1.4 Pagbuo ng Pagganyak na tanong

Paano nakatulong sa magkakapatid ang kasipagan?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad

Paglalahad ng Kuwento

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kuwento

2.3 Ikalawang PagbasaPagbasa at pagtatalakay ng guro sa kuwento

3. Pagkatapos Bumasa

Page 117: Filipino v a2

3.1 Pagsagot sa Pagganyak na tanongPaano nakatulong sa magkakapatid ang kasipagan?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Isadula ang parte ng kwento na nagpapakita ng kasipaganPangkat II – Gumuhit ng isang larawan ng mga alagang hayop ng magkakapatidPangkat III – Gumawa ng tugma tungkol sa kasipagan

3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainPag-aralan ang tsart sa kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.1. Ilan ang mga alaga ng bawat bata?2. Sino ang pinakamaraming naaning itlog noong unang linggo? Pangalawang linggo? Ikatlong

linggo? Ikaapat na linggo?3. Sino ang may pinakamaraming itlog sa loob ng isang buwan?4. Ilang itlog lahat ang naani ng tatlong bata?5. Anong paglalahat ang naibibigay mo ukol sa impormasyong nalalahad sa tsart?

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbabaybay

MulatPremyoMagdepositoKasipaganTagumpay

1.2 PagsasanayIbigay ang iyong reaksyon.1. Ang mga anak ni G. Aramil ay mulat na sa pagpapaunlad ng kabuhayan, kahit sila’y mga bata pa.

1.3 Balik-aralAno ang mahalagang bagay na isinasaad sa kuwento?

Page 118: Filipino v a2

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Anu-ano ang magagandang katangian ng magkakapatid ang dapat tularan?

2.2 Pagtatalakay sa Kuwento1. Tungkol saan ang iyong binasa?2. Anong ginawa ng magkakapatid upang matulungan ang kanilang ama?3. Anong paraan ang naisip ni G. Aramil upang lalong ganahan ang mga ito?4. Paano ginantimpalaan ng ama ang mga anak?5. Anong aral ang natutuhan mo sa pagbasa ng kuwento?

3. Pagtalakay sa AralinBasahin ang mga sumusunod. Talakayin ang malalim na kahulugan nito.1. Ang mga anak ni G. Aramil ay mulat na sa pagpapaunlad ng kabuhayan, kahit sila’y mga bata pa.2. Bilang gantimpala, ipinasyal ni G. Aramil sa mall ang mga bata at ipinahulog sa bangko ang

napagbilhan.

4. Pabigkas na Pagsasanay A. Talakayin ang malalim na kahulugan ng mga sumusunod.

a. Napakalaking tulong ang naibibigay ng isports sa paghubog ng pagkatao.b. Ang isports ay nagbibigay ng lakas ng loob sa mga bata.c. Ang isports ay nagtuturo ng kooperasyon.

B. Think PairKumuha ng kapareha. Magpalitan ng mga pahayag at talakayin ang malalim na kahulugan nito.

5. PaglalahatAng pahayag ay naglalahad ng malalim na kahulugan.

6. Pinatnubayang PagsasanayIsulat sa isang malinis na papel ang malalim na kahulugan ng mga sumusunod:a. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang mabaho at malansang isda.”b. “Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao ang Gawa”c. “Ang pagtitiyaga at pagtitiis ay ang susi sa pinto ng tagumpay.”

7. Malayang Pagsasanay(Pangkatang Gawain)Magbigay ng malalim na kahulugan sa mga pahayag.Pangkat I: Sa paggawa ng desisyon, dapat isaalang-alang ang kabutihan din ng iba at di sarili lamang.Pangkat II: Ang bayani kapag nasugatan, lalong tumatingkad ang pag-ibig sa bayan.Pangkat III: Kaya lamang matutuwa ang sa atin ay Lumikha, kung lahat niyayang biyaya ay ating mapagpapala.

8. PaglalapatBumuo ng isang palaisipan at talakayin ang malalim na kahulugan nito.

9. Pagtataya

Page 119: Filipino v a2

Ipaliwanag ang malalim na kahulugan ng “Ang kasipagan ay susi ng tagumpay.”

10. KasunduanIsulat sa isang malinis na papel ang kahulugan ng “Daig pa ng maagap ang masipag”

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa

1. Paglalahad/PagganyakBalikan natin ang inyong takdang aralin ukol sag rap. Tungkol saan ang grap na ginawa ninyo?

2. Paglalahad ng grap3. Pagtatalakayan

a. Alin sa mga pangkat ang may pinakamaraming mag-aaral?b. Aling pangkat ang may pinakakaunting bilang ng mag-aaral?c. Alin ang halos pareho lamang?d. Ilan ang karamihan ng pangkat ___sa pangkat ___?e. Ano ang natutunan mo sa grap na ito?

4. Pagbibigay ng iba pang halimbawaPag-aralan ang Mapa. Ibigay ang kasagutan sa mga sumusunod na tanong.1. Anu-ano ang malalaking pulo ng Pilipinas na kapag pinagsama ay bubuo ng LUZVIMINDA?2. Magbigay ng iba’t ibang pangalan ng rehiyon na iyong makikita sa mapa.

Page 120: Filipino v a2

3. Anong malaking dagat ang nasa may Hilagang Silangan ng Pilipinas?4. Anong dagat ang nasa gawing ilalim ng Mindanao?5. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Kanlurang Visayas?

5. Pinatnubayang Pagsasanay

Pag-aralan ang grap at sagutin ang mga kasunod na tanong.a. Alin ang taong may pinakamaliit na dami ng populasyon? Humigit kumulang, ano ang populasyong ito?b. Alin-alin taon ang may pinakamabilis na pagdami ng populasyon sa Pilipinas?c. Mula sa anong taon binigyan ng tamang pag-uulat ang populasyon ng Pilipinas?d. Ano sa palagay mo ang magiging populasyon ng Pilipinas sa taong 1993?e. Anong paglalahat ang iyong magagawa hinggil sa populasyon ng Pilipinas batay sa grap na iyong

nakikita?

6. Malayang PagsasanayPag-aralan ang grap, sagutin ang mga tanong.

1. Tungkol saan ang grap?

Page 121: Filipino v a2

2. Aling gawain ang pinakamalaking porsyento/bahagdan?3. Ilan ang kalamangan sa bahagdan ng pag-aaral at paglalaro?4. Anu-anong gawain ang magkatulad ng bahagdan?

7. PaglalapatPag-aralan ang tsart tungkol sa Balangkas ng Pambansang Pamahalaan. Sagutan ang mga tanong.

Balangkas ng Pambansang Pamahalaan

Lehislatibo Ehekutibo Hudikatibo

Kongreso Senado Pangulo Kataas-taasang Hukuman

Pang. Pangulo Gabinete 1st

Instance Appeal RTC

1. May ilang sangay ang pambansang pamahalaan?2. Saan nabibilang na sangay ang nakasasakop sa pangulo, pang. Pangulo at kabinete?3. Nasasakop ban g panulo ng bansa ang mga hurado ng kataas-taasang hukuman?4. Saang sangay ginagawa at ipinapasa ang iba’t ibang batas?5. Sino ang magpapatibay ng mga batas na ginawa at ipinasa sa Kongreso at Senado?

8. PagtatayaSagutin ang mga tanong ukol sa grap

MSEPEdukasyong Panggawain Hekasi Agham Matematika Ingles Filipino

70 75 80 85 90 95

1. Aling asignatura ang may pinakamataas na marka?2. Ilang puntos ang pagkakaiba ng marka sa Agham at Matematika?3. Gaano ang pagkakaiba ng pinakamataas na marka sa susunod na pinakamataas?4. Sa aling asignatura siya nahihirapan?5. Aling asignatura ang dapat niyang pag-aralang mabuti?

9. KasunduanSagutan ang palaisipan.Panuto:

1. Sipiin ang papel sa puzzle.2. Bilugan ang mga kahong makakabuo ng salita.3. Isulat sa papel ang mga salitang nabuo mo.4. Tularan ang una.

Page 122: Filipino v a2

D. IKAAPAT NA ARAW1. Paglalahad ng Lunsaran

Kuwento: Ang Susi sa Pag-unlad

2. Pagtalakay sa AralinBakit iminulat ni G. Aramil ang mga anak sa pagpapaunlad ng kabuhayan?Ibigay ang iyong sariling pahayag ukol dito. Ano ang iyong paniniwala?

3. Pabigkas na GawainPagbibigay ng mga reaksyon tungkol sa mga sitwasyon.1. Kailangan mo ng pera pero wala sa bahay ang iyong mga magulang. Alam mo ang lalagyan ng

pera ng iyong nanay.2. Nabasag ng iyong kapatid na bunso ang paborito mong pegurin.3. Nakatigil ang inyong sasakyan sa kalye. Lumapit ang isang maruming bata at isinahod ang kamay

sa tapat ng bintana ng sasakyan ninyo.

4. Pinatnubayang PagsasanayGumawa ng mga tugma batay sa kwentong binasa.

5. Malayang PagsasanayGumawa ng palaisipan batay sa binasang kuwento.

6. PaglalapatGumawa ng mga pahayag at ipaliwanag ito.

7. PagtatayaIsulat ang iyong reaksyon tungkol sa mga sumusunod na paksa.1. Patuloy na nagpupumilit ang ating mga kababayan na makapagtrabaho sa bansang Iraq sa

kabila ng nakaambang panganib sa kanila roon.2. Pagkatalo ng mga atletang Pilipino sa mga pang-internasyonal na kompetisyon sa isports.

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

Page 123: Filipino v a2

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 124: Filipino v a2

I. Layunin A. Naihahambing ang mga dating kaalaman tungkol sa isyu/paksang napakinggan.

Naisasalin ang impormasyon sa iba pang anyo (Transcoding)Nakakabuo ng mga tanong tungkol sa impormasyong nasa mapa, atlas, tsart.Nakakasulat ng maikling balita tungkol sa pangyayaring nagaganap sa paligid.

B. Mga EstratehiyaPagbasa ng pabigkasPagsulat ng maikling balita

C. Pagpapahalaga:Pagkamalikhain at pagkukusa sa paglahok sa mga gawaing maaaring mapagkakitaan

II. Paksang AralinA. Balita: AFP at PNP PinakilosB. Paglipat ng impormasyon sa iba pang anyo.C. Pagbuo ng mga tanong tungkol sa impormasyong nasa mapa, atlas, tsart.D. pagsulat ng maikling balita.E. Sanggunian:

Sanayang AklatFilipino sa Bagong Henerasyon V pp.115-116

F. Kagamitan: CassetteIsinateyp na seleksyonHalimbawa ng mga mapa o tsartPahayagan/Balita

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Anu-anong balita ang naririnig ninyo mula sa radyo, TV o nababasa sa pahayagan?

1.2 Pagpapakilala sa PaksaBalita: AFP at PNP Pinakilos

1.3 Paglalarawan ng BalakidItala ang mga bagay/medya na maaaring panggalingan ng mga balita.

Page 125: Filipino v a2

1. Radyo – DZMM, DZRH2. TV – Saksi, 24 Oras, TV Patrol3. Diyaryo – Manila Bulletin, Tempo

1.4 Pagbubuo ng Pagganyak na TanongBakit pinakilos ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang buong Hukbo ng Sandatahang Lakas ng

Pilipinas?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad

Paglalahad na muli sa balita

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa balita

2.3 Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa balita at pagtalakay dito.

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa Pangganyak na Tanong

Bakit pinakilos ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang buong Hukbo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Sumulat ng maikling talata sa pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na nakakahawig sa

balitang napakingganPangkat II – Ihambing ang dating kaalaman tungkol sa isyu/balitang napakinggan sa pamamagitan

ng pagguhitPangkat III – Isadula ang mga pangyayaring naganap sa isyu/balitang napakinggan.

3.3 Pag-uulat ng Bawat Pangkat

4. Pagpapayamang GawainBumuo ng maikling balita na nagpapakita ng pagkamalikhain.

B. IKALAWANG ARAW1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbabaybay

Isulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guro.PresyoBilihin

1.2 Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Page 126: Filipino v a2

Kahapon ay napakinggan ninyo ang balitang tungkol sa AFP at PNP Pinakilos, natatandaan pa ba ninyo?

2.2 Pagtalakay sa Balita1. Tungkol saan ang balita?2. Sino ang tinatawagan ng pansin?3. Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang halos magkakahawig sa balitang napakinggan?

3. Pagpapalawak sa mga sagot na tinalakay tungkol sa balita.Bagama’t samantalang natulungan ng rescue o evacuation operations ang mga binahang lugar sa

lalawigan ng Central Luzon, ay hindi pa rin nalutas ang problema tungkol sa kabuhayan ng mga nasalanta, dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.

4. Paglalahad ng halimbawa ng suliranin sa pamamagitan ng tsart.

Tsart A: PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHINKalakal

Kilo/pirasoAgosto 2009

Halaga ng bawatKilo/piraso

Agosto 2010Halaga ng bawat

Kilo/piraso1. Bigas 35.00 50.002. Karneng Baboy 150.00 180.003. Manok 120.00 150.004. Asukal (brown) 28.00 30.005. Asukal (puti) 39.00 40.006. Itlog (maliit) 3.00 3.507. Itlog (malaki) 4.00 4.50

5. Pagtatalakay sa Bagong Aralin 5.1 Ihambing ang halaga ng bawat bilihin noong Agosto 2009 at Agosto 2010. 5.2 Ang mga datos na makikita sa tsart ay maaaring ilipat sa bagong paraan, tulad ng tsart at line

graph.

6. PagsasanayA. Bumuo ng isang maikling talata tungkol sa tsart sa itaas.B. Ilipat sa line graph ang mga datos sa tsart.

7. PaglalahadSa anong anyo masasalin ang impormasyon?

8. Pinatnubayang Pagsasanay

Tsart B: Laang Bisig na Mayroon at Walang HanapbuhayTaon Kabuuang Bilang ng

Laang-BisigMay Hanapbuhay

(Bahagdan)Walang Hanapbuhay

(Bahagdan)1981 18,464 95.1% 4.9%1982 18,602 94.9% 5.1%

Page 127: Filipino v a2

A. Isulat ang mga impormasyon sa isang maikling talata o narrative na ulat.B. Ilipat ang mga impormasyon sa tsart B sa pamamagitan ng isang maikling talata.

9. PaglalapatGumawa ng impormasyon at isalin sa ibang anyo.

10. PagtatayaPag-aralan ito at isalin sa ibang anyo.

70,000

60,000

50,000

40,000

30,000

20,000

10,000

1903 1918 1939 1984 1960 1970 1975 1980 1990

Page 128: Filipino v a2

C. IKATLONG ARAW 1.1 Pagganyak

Nakarating na ba kayo sa iba’t ibang lugar?

1.2 Pamantayan sa Pagbasa ng tahimik

2. Habang Bumabasa 2.1 paglalahad

Paglalahad ng seleksyon

2.2 Pagbasa sa “Ang Pilipinas”

2.3 Pagtalakay sa binasang seleksyon.

2.4 Pagsagot sa mga sumusunod na tanong1. Saan matatagpuan ang may pinakamalaking bilang ng tao ang naninirahan sa Pilipinas?2. Saan kilala o bantog ang Kabisayaan?3. Saan mayaman ang taga-Mindanao?4. Anong mga pananim ang nasa Gitnang Luzon?5. Kailan nakamit ng Pilipinas ang tunay na Kalayaan?

3. Pinatnubayang PagsasanaySuriin ang mapa, gumawa ng mga katanungan.

4. Malayang PagsasanayGumawa ng mapa at magbigay ng mga tanong tungkol dito.

5. PagtatayaPagmasdan ang mapa at sagutin ang mga tanong tungkol dito.1. Ilan ang Kabisera?2. Ilan ang daungan sa mapa?3. Saan matatagpuan ang Masbate?4. Anu-anong probinsya ang nasa bandang Silangan?5. Isulat ang mga probinsya.

V. Gumawa ng mapa at magbigay ng mga tanong tungkol dito.

Page 129: Filipino v a2

D. IKAAPAT NA ARAWPagsusulat

1. Pagpapakita ng guro ng isang balita

2. Pagtatalakay sa GagawinPagpapaliwanag ng guro sa pagsulat ng isang balita.

3. Pagbigkas sa GagawinMagbigay ng isang balita tungkol sa pangyayaring nagaganap sa paligid.

4. PaglalahatAno ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang balita?

5. Pinatnubayang PagsasanayIsulat ng wasto ang balitang ibibigay ng guro.

6. Malayang PagsasanaySumulat ng isang maikling balita tungkol sa pangyayaring nagaganap sa paligid.

7. PaglalapatSumulat ng maikling balita tungkol sa pangyayaring nagaganap sa paligid ng inyong paaralan.

8. PagtatayaSumulat ng isang napapanahong balita sa pangyayaring nagaganap sa paligid ng inyong pamayanan.

9. KasunduanSumulat ng isang maikling balita sa pangyayaring nagaganap sa pamahalaan na pinamumunuan ni

Pangulong Nonoy Aquino.

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. Pamamaraan

Page 130: Filipino v a2

A. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 131: Filipino v a2

I. Layunin A. Napagsusunod-sunod ang mga ideya ng nabasang editorial, artikulo atbp.

Napaikli/Nabubuod ang mga nabasa/napakinggang teksto pagkatapos ng talakayanNagagamit ang diksyunaryo, thesaurus at iba pang sanggunian sa paghanap ng impormasyonNakasusulat ng poster, tagubilin, patalastas, atbp.

B. Mga EstratehiyaPaggamit ng LarawanPaggamit ng DiksyunaryoPaggamit ng CassettePagpaparinig ng Patalastas

C. Pagpapahalaga: Maging alerto sa mga gawaing pangkalusugan

II. Paksang AralinA. PatalastasB. Napagsusunod-sunod ang mga ideya ng nabasang editorial, artikulo atbp.C. Estratehiyang Pangwika

Napaikli/Nabubuod ang mga nabasa/napakinggang teksto pagkatapos ng talakayanD. Nagagamit ang diksyunaryong thesaurus at iba pang sanggunian sa paghanap ng

impormasyonE. Nakasusulat ng poster, tagubilin, patalastas atbp.F. Sanggunian:

Filipino Ikalimang Grado ph. 315-317Webster Dictionary

G. Kagamitan:CassetteIsinateyp na seleksyonNakalimbag at nireprodyus na patalastasDictinary, Thesaurus (English)

III. Gawain sa PagkatutoA. Unang Araw1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak

Mga bata may alam ba kayong nakatutulong sa pagtuklas ng suliraning pangkalusugan ng ating mga hayop? Hal. Baboy

1.2 Pagpaparinig sa PatalastasPagtalakay sa PamagatDr. Turok at ang Inahing Baboy

Page 132: Filipino v a2

1.3 Paghahawan ng SagabalThink and Pair Share1. Magparami2. Kagalingan3. Kampante4. Kuntento5. Presyo

1.4 Pagbubuo ng Pagganyak na TanongPagpapakita ng larawan ng baboyBatay sa inyong nakita, ano ang itsura ng baboy sa larawan?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa 2.1 Paglalahad

Pagpaparinig mula sa Patalastas

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng guro sa kwento ng tuluy-tuloy gamit ang masining na pagkukwento

2.3 Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa kwento sa bawat pangungusap at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa 3.1 Pagsagot sa pagganyak na tanong

Bakit malusog ang baboy ni Aling Sabel?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Pagsasadula ng pangyayari sa kwentoPangkat II – Pagguhit ng larawan ng malusog na baboy

3.3 Pagpapakitang gawa ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainSumulat ng pamamaraan kung paano mapalulusog ang inahing baboy.

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbaybay

Isulat ng wasto ang ididikta ng guroa. makatuwangb. mapagkunwaric. baluktotd. ipamahagie. reaksyon

Page 133: Filipino v a2

1.2 PagsasanayIbigay ng pasalita ang buod ng patalastas na napakinggan.

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

May alam ba kayong sakit sa balat? 2.2 Pagtalakay sa Aralin

(Ipapabasa sa mga bata ang patalastas na nakasulat sa tsart)a. Tungkol saan ang patalastas na binasa?b. Ano ang nais ipahiwatig ng sumulat ng patalastas?c. Tama ba ginawa ni Doming na pagpunta sa doctor? Patunayan.

2.3 Pagbigkas na PagsasanayBasahin muli ang patalastas.

3. PaglalahatIbigay ang buod ng usapan.

4. Pinatnubayang PagsasanayPangkatang GawainPangkat I – Gawing pangkomik strip ang patalastasPangkat II – Gawing maikli ang patalastas

5. Malayang PagsasanaySumulat ng isang patalastas tungkol sa sabong inyong ginagamit.

6. PaglalapatSuriing muli ang patalastas. Ibigay ang buod nito.

7. PagtatayaGawing maikli ang nabasang patalastas.

8. KasunduanGumawa ng isang patalastas tungkol sa isang pampalusog na inumin.

C. IKATLONG ARAW1. Pagganyak/Paglalahad

Alam ba ninyo ang mga simbolong ginagamit sa isang diksyunaryo?

2. Mga simbolong ginagamit

3. Pagbibigay ng mga simbolong ginagamit sa isang diksyunaryo. Mga gabay sa maayos na paggamit.II (dobleng guhit na tuwid)

Nagpapakilala sa depinisyon na entri at iba pang kahulugan sa Ingles(bilog na may dat sa gitna)

Halimbawa ng pangungusap o parirala sa Ingles na gamit ang entri (dayamon na may dat)

Halimbabawa ng pangungusap o parirala sa Tagalog o Filipino na ginagamit ang entri

Page 134: Filipino v a2

(iskweyr na may dat)Kahulugan ng entri sa Tagalog o Filipino

Kasing kahulugan ng entri sa Ingles Kasalungat ng entri sa Ingles

Raise – entri(raz) – bigkas v. t. – pandiwang transitibo

Hal.Raise (raz) v.t. I I to cause to move upward or to a higher level I I to construct a building itaas

magtipon

4. Pagbigkas na Kasanayan5. Pinatnubayang Pagsasanay

Basahing muli ang mga simbolong ginagamit sa isang diksyunaryo6. Malayang Pagsasanay

Basahin ang mga sumusunod na halimbawa at salungguhitan ang mga simbolong ginamit.I I lumikha I I magtatag elevate, erect, heave, exalt abase, depreciate, lower We raise the flag every Monday morning Itinataas naming ang bandila tuwing Lunes ng umaga.

7. PaglalapatAnu-ano ang simbolong ginagamit sa diksyunaryo?

8. Piliin sa hanay B ang titik ng tamang sagot sa Hanay A. Titik lamang ang isulat sa puwang.Hanay A Hanay B

____ 1. Pandiwang Transitibo a. ____ 2. Kasingkahulugan sa Ingles b. ____ 3. Kasalungat sa Ingles c. (raz)____ 4. Halimbawa ng pangungusap

Sa Tagalog o Filipino na gamitAng entri d. v. t.

____ 5. Bigkas e.

9. KasunduanKumuha ng isang entri sa diksyunaryo at isulat ang mga simbolong ginamit.

D. PagsulatIKAAPAT NA ARAW1. Paglalahad ng Lunsaran

Dr. Turok at ang Inahing Baboy2. Pagtalakay sa Gawain

Pagpapaliwanag ng guro sa pagsulat nang maayos sa ididiktang teksto3. Pagbigkas na Gawain

Isalaysay sa klase ang inyong nalalaman kung paano makatutulong sa pagsugpo sa mga lumalaganap na sakit sa mga hayop.4. Paglalahat

Anu-ano ang mga pamantayan sa pagsulat sa pamamaraang pagdikta?5. Pinatnubayang Pagsasanay

Pakinggang mabuti at isulat ng wasto ang idinidikta ng guro.6. Malayang Pagsasanay

Page 135: Filipino v a2

Isulat ng wasto ang ididikta ng guro tungkol sa pagsugpo ng mga lumalaganap na sakit sa mga hayop.7. Paglalapat

Isulat ng wasto ang pangungusap.Ang pagkonsulta sa doctor ay makatutulong sa pagsugpo sa sakit.

8. PagtatayaIsulat ang tamang baybay ng mga salitang ididikta ng guro.

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakita ang katapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda 1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan. 2. Pagbibigay ng pamantayan. 3. Paglalahad ng pagsusulit. 4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya 1. Pagwawasto ng papel 2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 136: Filipino v a2