27

Click here to load reader

Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang kasaysayan ng mga mag-aaral na nagsipagtapos sa Intermedia ng Indang 1907-1927

Citation preview

Page 1: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

KABANATA 14ANG MGA NAGSIPAGTAPOS SA INTERMEDIA NG INDANG

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ginawang pahapyaw na pag-aaral ng nagsasaliksik sa mga naging kontribusyong panlipunan ng mga nagsitapos sa intermedia ng Indang magmula sa taong 1927 hanggang 1928. Ginamit sa pag-aaral na ito ang listahan mula sa souvenir program ng Don Severino Agricultural College na inihanda ng Buhay Committee noong 1967. Mula rito ay gumawa ng pag-aaral ang nagsasaliksik mula sa mga nilimbag na materyal ng Unibersidad ng Pilipinas at Philippine Normal School, lumang pahayagan, magasine, iba pang mga records ng pamahalaan at ang pakikipanayam sa mga matatandang mamamayan ng Indang.

Hindi nagawang makumpleto ang mga detalye sa mga nagsipagtapos dahilan sa kawalan ng sapat na panahon, oportunidad at resources upang matapos ang bahaging ito.

1907Guadalupe de las Alas – nasa pahina 203 ang mga detalye sa

kaniya Maria Erce Matias - Napiling Miss Indang.1 Naging guro sa Indang

at nang makapag-asawa ay nanirahan sa Lepanto St., Sampaloc, Manila, kung saan siya ay nagtayo ng isang tindahan.2

Isaac Mojica - anak ni Heneral Amborsio Mojica. Naitalaga na isa sa tatlong miyembro ng provincial advisory sa census board ng 1918 at provincial compiler para sa Division of Public and Friar Lands sa lalawigan ng Cavite. Nag-aral ng abogasya sa Liceo de Manila. Nanungkulan bilang chief ng Minutes Division ng Senado ng Pilipinas at isa sa pinakamatandang pensionado ng Government Service Insurance System.3

Aproniano Rojales – Naging trabaho niya ay ang mamimili ng mga manok at nagkaroon malaking tindahan sa palengke ng Indang.

1 Panayam kay Dr. Lorna P. Penales (January 2007)2 Panayam kay Ms. Zenaida Españo (December 2009) –tumira siya sa bahay ni Mrs. Maria Erce–Matias sa Sampaloc, Manila, noong siya ay nag-aaral pa. May ilang naghahaka na si Maria Erce ay nagturo rin sa Indang Farm School, subalit wala pang makitang dokumento o mapagkakatiwalaang pasalaysay na datos ukol dito.3 Panayam - Isaac Mojica Jr. December 2009)

228

Page 2: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Paz Vida (Penaflorida) - Naging guro sa Indang at nahalal na presidente ng Centro de Puericultura de Indang noong 1922.4

Demetrio Creencia – walang datosSimeona Salgado – walang datos

1908Filomena Aviňante – Nagturo sa paaralan sa bayan ng Alfonso,

Cavite. Napangasawa niya si Nicolas Liwanag na tesurero sa nabanggit na bayan.5

Eugenia Mojica - Anak ni Heneral Ambrosio Mojica, Napangasawa ni Mr. Simeon Madlangsakay na naging principal ng Indang Farm School.

Eufracia Costa – Unang taga Indang na nagtapos ng Nursing sa Unibersidad ng Pilipinas at napangasiwa niya si Victor Vitug ng Lubao, Pampanga.6

Matilde Condicion - Wala pang inpormasyon ukol sa kaniya maliban sa siya ay taga Naic, Cavite.

Gertrudes Estuar - Wala pang inpormasyon ukol sa kaniya maliban sa siya ay taga Naic, Cavite.

Dorotea Malabanan - Naging guro sa Alfonso Central School, Alfonso, Cavite. Napagkalooban ng scholarship para mag-aral sa Philippine Normal School noong 1914-1915.7

Olimpio Ortega – Nagsilbing enumerator sa pagsesenso sa bayan ng Alfonso noong 19188 at observer ng Weather Bureau noong 1920. Naging guro sa Alfonso, Cavite.9

Guadalupe Pelimiano –Naging guro sa Banaba Lejos.10 Genaro de la Cruz – Nagtrabaho sa water system ng Indang.11

Braulio Panganiban – nagtrabaho sa water system ng Indang.12

Emilio Medina - 13

Atilano de Lara - walang datos

4 Bulletin of Public Health 5 Dr. Julian Aviñante – Alfonso, Cavite (January 2007)6 Dr. Jet Avinante - Sa pag-aaral ukol kay Victor Vitug na napangasawa ni Eufracia Costa ay lumilitaw na ito ay isa sa mga mahusay na parmasyotiko ng Pilipinas, bago maganap ang Ikawalang Digmaan.7 Philippine Education July 19138 Census 19189 Talambuhay ni Gng. Rosa Gumiit Acuna (December 2008)10 HCLCP11 Isaac Mojica Jr.12 Isaac Mojica Jr.13 Walang datos na makuha. Hindi matiyak kung siya ang Emilio Medina na binabanggit na clerk ng Bureau of Audit noong 1914.

229

Page 3: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

1909Cristeta Angeles –mula sa bayan ng Alfonso at napili na isa sa

tatlong mag-aaral mula sa Cavite sa bisa ng Batas Blg. 2010 na mag-aral sa School of Household Industries upang sanayin sa pagtuturo ng lace, embroidery at needle works.14

Corazon Aure – Naging negosyo niya ang malakihang pagbebenta ng ticket sa mga maglalako ng sweepstakes sa Mendez, Cavite.15

Librada Buhay – Naging guro sa paaralang kumbento ng Indang.16

Artemio Coronel - Nagtapos ng AB sa UP noong 1916 at Bachelor of Law sa UP noong 1920. Lumilitaw sa direktoryo ng mga mga nagtapos ng UP noong 1924 na siya ay maagang namatay.

Josefa Roman - Nagturo sa Mendez at nalipat sa Alfonso Central School. Napagkalooban ng scholarship para mag-aral sa Normal noong 1915-1916.17

Maria Ramos - naging guro at nakatanggap ng scholarship para makapag-aral sa Paaralang Normal ng Pilipinas noong 1915-1916.18 Napangasawa niya si Pablo de las Alas.

Trinidad Varias – Siya ay naging isang guro na katulad ng kaniyang nakakatanda kapatid na si Lorenzo Varias.19

Carlos Bayot – nasa pahina 203.

1910Juana Penales - Naging nurse sa Bureau of Health noong

1920’s. at naitalaga sa Public Health Nursing Division ng Lungsod ng Maynila.20 Noong Septyembre 5, 1921 ay kinuha ng Kawanihan ng Kalusugan mula sa kaniyang istasyon sa San Lazaro Hospital para mag-report sa Camp Stotsenburg (Naging Clark Air Base) sa Pampanga para makatulong sa isinasagawang pagagamot sa mga sundalo at sibilyan sa nasabing kampo.21

14 Bureau of Education Bulletin No. 45 s. 191215 Mercedes Guevara16 Norma Cameros 17 Philippine Education July 1918.18 Ibid.19 Concepcion Bacla 20 Report. [1923] Philippines. Bureau of Health.21 Monthly bulletin of the Philippine Health Service. [Vol. 1, no. 1]

230

Page 4: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Benito Rojales – Pagkatapos ng pag-aaral sa intermedia ng Indang ay nanirahan sa Paco, Maynila.22 Base sa talaan ng mga empleyado ng pamahalaang insular siya naitalagang na clerk sa Bureau of Public Works noong Enero 1, 1913.

Alejo Ramos - nag-aral sa Universidad ng Pilipinas at naging miyembro ng kapisanang Rizal Center.23

Crisanto Vidamo – Nagturo sa paaralan ng Anuling sa Mendez, Cavite.24

Teofilo Novero - nagtapos ng Bachelor of Agriculture 1922 at Bachelor of Science in Agriculture, Major in Agronomy 1924 sa UP Los Baños. Pagkatapos ng kaniyang pag-aral ay naitalaga na tagapagturo sa Agronomy sa nasabing unibersidad.25

Maximino Pereño – Walang datos

1911Pablo de las Alas- Nagtrabaho sa Bureau of Land bilang

Apprentice Surveyor.26 Naging ay naging isa sa mga incorporator at treasurer sa pagtatayo ng Indang High School noong Hunyo 20, 1923.27

Lorenzo Aure – Nagturo sa paaralang publiko sa Mendez, Cavite at naging Teacher In Charge sa Palocpoc Elementary School sa nabanggit na bayan noong 1929.28

Melquiades Creencia - Nag-aral ng agrikultura sa UPLB.29

Enumerator ng census noong 1918 sa Calumpang, Indang, Cavite.30 Sa pakiki-panayam sa mga taong nakaabot pa sa kaniya, siya natatandaan na naglingkod bilang sanidad sa bayan ng Indang.

Soledad Madlangsakay – Naging guro sa Silang, Cavite at nakilala kasaysayan ng bayan na iyon bilang Maestrang Choleng.31 Napangasawa niya ang isa ring nagtapos sa Indang Farm School na si Simeon Montoya.32

22 Roster ng Civil Service 1913 at panayam kay Mrs. Eulogia Ocampo – ang nakapanayam ay tumira sa bahay ni Benito Rojales sa panahon ng kaniyang pag-aaral sa Maynila.23 Philipinesian pp. 34724 Mendez History25 UP Information26 Rosenstock’s Directory ng 1917 (pp.65)27 The American Chamber of Commerce Journal (August 1923.)28 HCLCP 29 Philipinesian30 Panayam - Pablo Erni, Indang, Cavite Marso 200731 Panayam Gloria Madlangsacay-Videna – Silang, Cavite32 Gloria Madlasangsakay Videňa

231

Page 5: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

Crispin Llamado – Nagmula sa Palocpoc, Mendez, Cavite at ipinanganak noong Disyembre 6, 1887. Pagkatapos ng pag-aaral sa Indang Intermediate/Farm School ay nagpatuloy ng pag-aaral sa Manila High School (nagtapos doon ng 1915). Nag-aral sa University of the Philippines at natapos ang abogasya noong 1922. Nasa ika-apat na puwesto sa Bar Examination sa sumunod na taon. Nagsimulang manungkulan sa pamahalaan bilang clerk ng Bureau of Internal Revenue hanggang naging deputy collector ng kawanihan bago magsimula ang digmaan. Pagkatapos ng digmaan ay itinalaga ni Pang. Elipidio Quirino bilang Undersecretary ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas at nagretiro sa pamahalaan noong 1950.33

Patricia Novero – pansamantalang naging guro sa Kayquit34 at nag-aral ng nursing sa UP35 at naitalagang nurse sa Bureau of Public Health.36 Nagbalik sa Indang at naglingkod sa bayan bilang nurse sa mga paaralang bayan.37

Juan Penalba - Naging tesurero ng bayan ng Mendez, Cavite.38

Petra Romera – Naging guro sa Mendez.39 Tomas Rosete – Naging guro sa Mendez.40 Jacinto Dilidili - Nasa pahina 234.Feliciano Hicaro – walang datos

1912Modesta Anacay – pagkatapos ng pag-aaral sa IFS ay nagturo

sa paaralang bayan ng Amadeo, Cavite. Napangasawa niya si Luis Bayot.41

Luis Bayot - pagkatapos ng pag-aaral sa Indang Farm School ay nagturo sa paaralang bayan ng Amadeo, Cavite. Naging konsehal ng bayan ng Amadeo noong 1926-1928, 1938-1940, 1941-1943, at 1946-1947. Napangasawa niya si Modesta Anacay.42

Tomasa Lopez - nakapag-asawa ng taga Silang na mayroong apelyidong Velaszco.

Nieves Mojica – Cantuncan - nasa pahina 23433 History of Mendez p. 5434 HCLCP35 Veneranda Nuestro-Austria (December 2007)36 Bulletin of Public Health37 Veneranda Austria38 Antonio Constante 39 HCLCP at Mendez History40 Mendez History41 Mr. Honesto Anacay-Bayot42 Mr. Honesto Anacay-Bayot

232

Page 6: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Gregorio Plata – naging guro sa Indang.43

Guillermo Rodil – naging guro sa Indang.44

Nestorio Mojica - Si Nestorio Mojica ay nagtapos ng abogasya sa UP at naglingkod bilang hukom. Ang ilang bahagi ng kaniyang lupa ay ipinagbili sa Don Severino Agricultural College.45

Arsenio Montoya Bayla – (naunang naisulat ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga nagtapos bilang “Arsenio Baylon”). Mula sa bayan ng Silang, Cavite, nagtapos ng Bachelor of Agriculture sa UPLB noong 1918. Naging pensionado ng pamahalaang insular sa Estados Unidos at nag-aral at nagtapos sa masterado ng pagsasaka sa University of Wisconsin noong 1928 at ang pamagat ng kaniyang thesis ay The history and the development of the Northern Wisconsin Cooperative Tobacco Pool.

Lorenzo Cruz – walang datos.Anacleto Panganiban – walang datos.Severino Tibayan – walang datos.Simeona Diokno – walang datos.Gregorio Garcia – walang datos.Atanacio Lovina – walang datos.

1913 Miguel Bayot – Pagkatapos na mag-aral sa Indang Intermediate

School ay nagturo sa bayan ng Amadeo. Nagsilbing special enumerator ng sensus noong 1918 nabanggit na bayan. Sa panahon ng kaniyang pagiging guro ay nagsilbi siyang tagapagturo ng gardening sa mga ginaganap na Division Normal Institute. Nanungkulang principal at supervisor ng noong 1916-1932 ng mga paaralang bayan ng Amadeo, sa mga panahong iyon ay ipinatayo ang gusaling Gabaldon ng Amadeo. Nag-aal sa correspondence school at nagtamo ng Ll.B. sa Hamilton College of Laws sa Chicago USA at B. S. Agriculture mula sa Carniegie College sa Rogers, Ohio USA.46 Nahalal na mayor ng Amadeo, Cavite noong 1941-1943 at 1946-1951.47

Emilio Leachon - Pagkatapos ng pag-aaral sa Indang Farm School ay nag-aral sa Philippine Normal School at

43 Eulogia Ocampo44 Eulogia Ocampo45 Panamayam - Mauricio Penus – Nobyembre 200646 Bayot (109-110)47 HCLCP

233

Page 7: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

naglingkod bilang guro sa bayan ng Amadeo, Cavite. Isa sa kaniyang naging tungkulin ay ang pagiging principal ng Silang Elementary School noong 1923-1924.48

Simeon Montoya – Nag-aral ng pagkaguro sa Philippine Normal School noong 191849 at naging principal ng Gen. Trias Elementary School at Silang Elementary School.50

Napangasawa niya si Soledad Madlangsakay na nagtapos din sa Indang Farm School.

Severo Marquez - Si Severo Marquez ay nagtapos ng Bachelor of Agriculture noong 1921 sa UP Los Baños. Isa sa kaniyang naging tungulin ay Pest and Disease Control Division ng Bureau of Plant Industy ng Pilipinas. Marami siyang naisulat na mga siyentipikong papel laban sa mga peste at sakit ng halaman.

Agapito Castillo – Naging mayor ng Bailen, Cavite.Simeon Romilla – naging Head Teacher ng Palocpoc

Elementary School sa Mendez, Cavite.51

Nazario Erni – Nag-aral ng pagsasaka sa UPLB subalit hindi nakatapos dahilan sa pagkasira ng mga halamang abaka sa Indang na pinagkukunan nila ng ikinabubuhay.52

Pansamantalang nagtrabaho bilang guro sa Kayquit, Indang, Cavite53 at naging sanitary inspector sa bayan ng Indang.54

Francisca Esguerra – Naging guro sa bayan ng Indang at napangasawa ni Melquiades Creencia.55

Julio Rosas – Nag-aral ng pagkaguro sa Philippine Normal School.56 Hindi matiyak ng nagsasaliksik kung saan siya nagturo.

Agapito Fello – Nag -aral ng Agrikultura sa UPLB.57 Arcadio Ambion – nag-aral ng agrikultura sa UPLB 1916-1917.58

Camilo Guevara – Nasa pahina 204Macaria Costa – napangasawa ni Francisco Creencia.Gregoria Diokno - Naging guro sa Indang, Cavite.59 Juana Bayot – walang datos.

48 HCLCP49 (BOE Bulletin no. 38 Revised PNS Students)50 HCLCP51 HCLCP52 Pablo Erni 53 HCLCP54 Eulogia Ocampo55 Eulogia Ocampo56 BOE Bulletin no. 38 57 UP Announcement58 UP Announcement59 HCLCP

234

Page 8: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Maria Mojica - walang datos.Amado Ortiz - walang datos.Silvestre Perez - walang datos.Valentin Rodil - walang datos.Isayas Vidamo - walang datos.Rosa Castillo – walang datos.

1914Maria Corazon Aure – mula sa Mendez, Cavite at anak ni

Heneral Marcelino Aure. Pagkatapos niya ng pag-aaral sa Intermedia ng Indang Farm School ay nagturo sa Mendez Elementary School at napagkalooban ng pamahalaan ng iskolarship sa Philippine Normal School Normal noong 1918.60 Napangasawa niya si Dr. Lucio Vidamo ng Mendez, Cavite. Nanungkulan siya sa bayan ng Mendez bilang unang babaeng konsehal ng bayan mula 1937-1951.61

Eulogio Acuña – nasa pahina 206Gregorio Fidel – Nag-aral ng agrikultura sa UPLB.Pablo Feranil – Naging guro sa Kayquit62 at namatay noong

kalagitnaan ng 1920’s. Ang larawan sa ginanap niyang paglilibing ang ginamit ni Mr. Jeffrey Lubang na pabalat sa kaniyang aklat na Pantyon: Ilang Pamahiin, Tradisyon at Kuwento ng Paglilibing sa Kabite..

Maria Rodriguez – Ayon kay Mrs. Dominga Sosa si Maria Rodriguez ay kaniyang naging guro sa Indang Farm School. Wala pang ibang datos na nagbibigay ng koroborasyon ukol dito.

Leon Villanueva –Siya ang Leon na binabanggit sa Cocannouer na nangunga sa pag-iigib ng tubig sa IFS. Nagtapos ng Bachelor of Agriculture sa UPLB noong 1920. Sa direktoryo ng mga alumni ng UP noong 1924 ay markado na ang kaniyang pangalan na “dead”.

Severino Diokno – Naging guro sa Indang Elementary School. Isa sa mga bumuo ng Historical Committee na naghanda ng pagsulat ng kasaysayan ng DSAC.

Marcos Panganiban –Naging enumerator ng senso noong 1918 sa Bailen, Cavite. Naging principal ng Mendez Elementary School at Head Teacher ng Tagaytay Elementary school mula 1947 hanggang 1952.

60 BOE Bulletin no. 3861 Mendez History62 HCLCP

235

Page 9: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

Miguel Perlado - mula sa Mendez, Cavite – (b. 04-23-03) Nag-aral sa Indang Farm School 1910-1914. Nag-aral sa Philippine Normal School 1914-1919 at sa UP 1920-1924. Nagturo sa Pampanga High School kung saan ang isa kaniyang naging estudyante ay si Diosdado Macapagal. Nalipat sa Batangas High School 1925-26. Nagturo noong 1927-1930 sa Zambales High School at naging estudyante niya si Manuel Cabal na naging Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Nag-practice ng abogasya 1930-42 sa Zambales. Noong 1943-46 ay sumapi sa sa kilusang gerilya at may ranggo na major at nanungkulan na Judge Advocate sa Distrito ng Cavite. Noong 1946 naging hukom ng Carmona. itinatag niya nag Tagaytay-Mendez Academy noong Disyembre 1946. Namatay noong 1982 sa edad 85.63

Pedro Rojales – Siya ang binabanggit ni Cocannouer na Pedro na isa sa mga nangunguna sa pagdadala ng tubig. Nagtapos ng Bachelor of Agriculture sa UPLB noong 1920. Naglingkod sa pamahalaan bilang empleyado ng Bureau of Plant Industry sa lalawigan ng Agusan at Nanungkulan bilang deputy governor ng lalawigan ng Agusan. Sa lalawigan na iyon siya nagkapamilya at namatay.64

Sebastian Garcia - walang datos.Manuel Ramos - walang datos.Sabas Ramos - walang datos.Hilarion Crucillo - walang datos.Pablo Dimapilis - walang datos.

1915 Teofilo Baybay – Mula sa Amadeo, Cavite at nag-aral ng

pagsasaka sa UPLB. Jose Caparaz – Mula sa Silang, Cavite at nagtapos ng pag-aaral

sa UPLB.Leopoldo Coronel– Naging arkitekto.65

Conrado Costa – Enumerator ng sensus noong 1918 sa Baryo ng Guyam, Indang, Cavite.66 Naging mayor ng Indang noong 1923-1928. at Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite. Nagretiro sa pamahalaan bilang empleyado ng Bureau of Public Works.

63 Mendez History64 Pinagsama mula sa pakikipanayam sa telepono kay Ms. Maxima Rojales. Ang pagiging deputy governor ng Agusan at iba pang tungkulin ay pamahalaan ay makikita sa UP Student Directory noong 1923 at 1924.65 Mercedes Guevara66 Census 1918

236

Page 10: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Pedro Creencia – Nasa pahina 205.Felisa Costa – naging guro sa Indang Elementary School.Basilio Viado – Nasa pahiha 236Alejandro Romerosa – Naging guro sa bayan ng Indang.67

Cresenciano Vicedo-68 Eduardo Velasco – walang datos.Concepcion Punongbayan - walang datos.Cayetana Romera - walang datos.

1916 Cornelia Avinante – Naging teacher sa bayan ng Alfonso.Jose Asuncion – Taga Silang, Cavite at nag-aral ng Forestry sa

UPLB.69

Feliciano Buhay – naging guro, Head Teacher ng Banaba Buna Cerca (1930-1945) Alulod Elemantary School (1946-47). Namuno sa historical committee ng DSAC Alumni Association noong 1967.

Bernardo Baybay – Walang datos.Paulino Costa – Nagtapos ng agrikultura sa

UPLB at nag-aral sa post graduate studies sa University of California sa Berkely noong 19191-1925. Nagturo sa Agricultural School sa Camiling, Tarlac 1925-1928. Nagturo sa UPLB 1929-1932; Central Luzon Agricultural School Munos, Nueva Ecija – 1933-1937; Indang Rural High School, 1938-1952. Principal ng Indang Rural High School 1953-1954. Supervisor all over the Philippines Islands. 1955-1959.70

Anacleto Peliňo – Nagtapos ng Agrikultura noong 1922 sa UPLB. Nagturo sa Masbate Provincial High School. Pinagpatuloy ang pag-aaral hanggang PhD. Itinatag niya sa lungsod ng Masbate ang prestihiyosong Osmena Colleges.71

Angela Peñaflorida – Naging H. E. teacher sa Indang Rural High School at supervisor ng Home Economics sa lalawigan ng Cavite.

67 Eulogia Ocampo68 walang inpormasyon maliban sa isang kapangalan ng guro sa lalawigan ng Antique na nagtuturo doon sa paralang intermedia at critic teacher ng music. Isang kapuna-puna na kasama niya roon na nagtuturo si Esperanza Feranil.69 UP70 Mula sa nakuhang datos kay Mr. Nelson Costa ng mga mag-aaral ng BS Psychology na tinuturuan ni Mr. Franco Pelayo.71 Josefino Viado

237

Page 11: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

Gregoria Esguerra – Napangasawa ni Severino Diokno.Benjamin Santos – Naging pastor protestante.72

Marcela Salazar – Isang maybahay at napangasawa niya ang dentistang si Dr. Arsenio Austria.73

Laureano G. Ferrer - Nagtapos ng Bachelor of Agriculture sa 1923 at mababakas ang kaniyang katalinuhan dahilan sa sumunod na taon (1924) ay tinapos niya ang B. S. Agriculture sa UPLB. Sa taunang ulat ng Bureau of Plant Industry noong 1931 ay nanunungkulan na Acting Provincial Agronomist sa lalawigan ng La Union.

Toribio Mercado – Nagtapos ng BSA sa UPLB noong 1926. Nagturo sa Indang Rural High School.74 Naging laboratory instructor ng agronomy sa UPLB. Ilan sa kaniyang mga naging papel siyentipiko sa pamantasan ay ang mga sumusunod:

1. Sugar-cane Breeding in the College of Agriculture: 2. Training Sugar-cane Plants for Convenient Pollination Work 3. A Report on the Sexual Inheritance of 'Many-eyed'

Character of Sugar Cane4. Study of the Flowering Habits and Flower Characteristics of

Three Varieties of Sugar Cane

Pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa UPLB ay nagtrabaho sa Bureau of Plant Industry at nakatulong ni Salvador Araneta sa pagtatayo ng Araneta University Foundation.75

Naging aktibo si Toribio Mercado sa pagtuturo, pagsasaliksik, at pagbibigay ng lektura ukol sa agrikultura ng Pilipinas. Naging kasapi ng National Research Council of the Philippines.

72 Eulogia Ocampo73 Mercedes Guevara74 Panayam kay Mr. Ricardo Mercado – anak ni Mr. Toribio Mercado SA Lungsod ng Tagaytay. Ang pagkakatalaga sa pagiging guro ni Toribio Mercado sa Indang Farm School ay maaring noong ang paaralan ay nasa estado na bilang Indang Rural High School, dahilan sa ang napangasawa niya ay kaniyang estudyante sa IRHS.75 Rodolfo Mercado

238

Page 12: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Ilan sa mga aklat ni Toribio Mercado ay ang mga sumusunod:

1. A Guide to vegetable gardening Legumes : 2. the secret of improving Philippine

soils, their culture and uses 3. How to grow vegetables in the

Philippines.4. Root crops - the hidden industries :

their culture and uses 1952.

Ang malaking bahagi ng kaniyang mga papel pang-akademiko ay matatagpuan sa Araneta Journal of Agriculture (DLSU-Araneta ngayob) na inilalathala noon ng Araneta Institute of Agriculture.

Alfredo Pio de Roda – Nagtapos ng Medisina sa UP. Nagturo ng araling Public Health sa UPCM.76 Naging department head ng Bacteriology at Clinical Laboratory ng College of Medicine ng Manila Central University noong 1947.77 Ang Calumpang Elementary School ay ipinangalan sa kaniya.

Candelaria Gatmaitan – walang datos.Luis Mojica – walang datos.Isidora Pio de Roda – walang datos.Margarita de las Alas– walang datos.Alejandro Ambion– walang datos.Marcela Ambion – walang datos.Alejandra Tanael – walang datos.Roseta Vida – walang datos.Antonio Bautista – walang datos.Eulogio Vidallon – walang datos.Florencio Ilagan78

1917 Gregorio Aure –Nag-aral ng engineering sa UP at nagtrabaho

bilang guro ng Mendez.

76

he Philippine journal of science. [Vol. 46, no. 1] Dec. 193177 http://www.mcufdtmf.edu.ph/micro-parasitology.html78 Walang nakitang nakakakilala rito sa Indang. Ang tanging entry na nakita na katulad ng kaniyang pangalan noong 1930’s ay ang isang naging acting supervisor at principal ng Tagig Elementary School?

239

Page 13: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

Gerardo Aterrado – Teacher sa Indang.79

Carmen Candare – naging guro sa Indang Elementary School. Halos lahat ng nakapanayam na naging estudyante niya ay nagkakaisa sa pagpapakilala sa kaniya bilang pinakamagandang guro nila sa paaralan.

Angel H. Mojica – Naging hukom sa lungsod ng Pasay. Ang lugar na minsang kinaroroonan ng matandang escuela ng Indang ay pinagtayuan ng gusaling bayan na ipinangalan sa kaniya.

Gabriel Madrazo – Unang kumuha ng preparatory course ng Medisina sa UP ngunit nagtapos ng BSE sa nasabing pamantasan noong 1926. Unang nagturo sa Laguna High School at naging supervisor ng mga paaralan sa distritong ng Katimugang Cavite. Nang magretiro na siya sa pamahalaan ay nanungkulan na principal at director ng Tagaytay-Mendez Academy.80

Josefa Coronel – Naging guro, manganganta sa simbahan at namatay na matandang dalaga.

Buenaventura Leyran – Naging guro at principal sa Bailen.81

Maximina Feranil – Naging karaniwang maybahay, napangasawa niya si Marcelino Constantino na naging Direktor ng Bureu of Plant Industry.82

Brigido Villanueva – sa pagtatapos niya sa Indang Farm School ay nag-aral sa UPLB at napahinto dahilan sa kahirapan. Nagturo ng apat na taon sa paaralang bayan ng Amadeo. Nakipagsapalaran sa Estados Unidos at dito ay ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa University of Washington kung saan niya natapos ang kursong B. S. Agriculture. Inanyayahan na magturo sa University of Washington subalit pinili na magbalik sa Pilipinas at naglingkod bilang Assistant Botanist ng Bureau of Science. Noong 1945 hanggang 1952 ay nanungkulan na punong bayan ng Amadeo, Cavite. Pagkatapos ng panunungkulan sa Amadeo ay nagbalik sa Bureau of Science bilang Soil Technologist.83

Felipe Rint – Ipinanganak noong Abril 30, 1888 sa Indang. Nagturo sa bayan ng Bailen at naging

79 Eulogia Ocampo

80 Mendez History81 Eulogia Ocampo82 Linda Guevara83 Honesto Bayot 136-137

240

Page 14: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

mangangalakal. Kaniyang napangasawa si Maria de las Alasat nagkaroon ng tatlong anak at namatay sa edad na 92. 84

Maria Gonzales – Naging head teacher ng Buna Cerca Elementary School. (1921-1930).85

Florencio Rodil – Naging guro sa Indang.Praxedes Romilla – Naging guro at principal sa Alfonso.Pacita Penaflorida – walang datos.Primitivo Garcia – walang datos.Engracia Lavina – walang datos.Rafael Madriago – walang datos.Constancia Mateo – walang datos.Agrifina Mojica – walang datos.Silvestre Tibayan – walang datos.Rosario Villanueva – walang datos.Maria Coronel – walang datos.Maria Costelo – walang datos.Balbino Dimapilis – walang datos.Severino Ferma – walang datos.Marcos Ferrer – walang datos.Roque Aure – walang datos.Felix Asuncion – walang datos.Brigido Ambion – walang datos.

1918Anastacia de las Alas – Napangasawa ni Paulino Costa.Leopoldo Aure – Nagturo sa Mendez Elementary School at

nagpatuloy ng pag-aaral sa Phlippine Dental College kung saan siya ay nagtapos noong 1929. Napangasawa niya si Aurelia Ruiz.86

Joaquin Espineli – Naging guro sa Alfonso87

Jose Ocampo – Naging negosyante at nagtitinda ng damit sa palengke at mayroong tindahan sa bahay.

Fidela Espineli – naging guro ng Banaba Lejos Francisca Mayuga – Naging titser sa Indang. Magdalena Esguerra – walang datos.Pedro Hernando - (maaring siya si Pedro Hernais).Manuel Montenegro – walang datos.Maria Peji – walang datos.Maria Ronaldo – walang datos.Rafael Tiki – walang datos.

84 Mula sa panayam ni Sherilyn Aure kay Mr. Clarito Rint.85 HCLCP86

Mendez History87 HCLCP:117

241

Page 15: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

Leonila Cruz – walang datos.Gregoria de la Cruz – walang datos.Maria de 1a Cruz – walang datos.Atilano Espineli – walang datos.Lorenzo Avilla – walang datos.

1919 Paterno Bayan – anak ni Guillermo Bayan. Nagtapos ng

Bachelor of Agriculture sa UPLB noong 1925. Ang kaniyang mahalagang pagsasaliksik sa UP ay ang "A Comparative Study of Corn and Cassava as Feeds for Hogs sa pakikipagtulungan ni Mr. Mariano Mondoñedo.88

Napangasiwa niya si Rosario Belarmino na anak ni Heneral Vito Belarmino. Maaga siyang binawian ng buhay.

Maria Esguerra – Naging guro sa bayan ng Indang at nakilala bilang Mrs. Peňamora.89

Felix Feranil Villa – Nagtapos ng Bachelor of Agriculture sa UPLB noong 1928. Naging supervisor ng Kawanihan ng Edukasyon sa Iloilo at sa Lungsod ng General Santos.

Maria Vida (Alonso) – Naging Head Teacher ng Panungyan Elementary School sa Mendez, Cavite noong 1937-1941 at 1945-1961)90

Cornelio V. Crucillo – Nag-tapos ng Agrikultura sa UPLB 1925 at naging Director ng National Economic Council sa panahon ng Pangulong Magsaysay. Naging Acting Director of Bureau of Plant at nanungkulan bilang Director ng National Economic Council sa Panahon ni Pangulong Diosdado Macapagal.

Miguel Ocampo – Nagtapos ng agrikultura noong 1924 sa UPLB at nagturo sa Santa Maria Farm School sa Ilocos Sur.

Francisco Costa Panganiban – Nagtapos ng Agrikultura sa UPLB noong 1924. Nagturo sa Indang Rural High School.91

Ma. Conchita Riego – Nasa pahina 237.Manuela Salazar – walang datos.Mamerta Arevalo – walang datos.Eusebio Bataclan – walang datos.

Class 1920 List not available

88 Report of the president to the Board of Regents. [1927]89 Eulogia Ocampo90 HCLCP91 Mula sa panayam ng mag-aaral na si Merben Tuvillo kay Mr. Panfilo Baes.

242

Page 16: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

1921Pedro Erce – Nag-asawa sa isang babaeng taga Cabanatuan,

Nueva Ecija at nagnegosyo sa nasabing lugar.92

Juan Guevarra – Naging police sa bayan ng Indang.Luis Guevarra - Naglingkod sa US Navy at namatay sa Hawaii.Maura Panganiban (Gil) – Maybahay at nakapangasawa ng

isang dayo. Nanatili na naninirahan sa bayan ng Indang. Benvenuto Perey – Naging auditor ng Don Severino

Agricultural College.Petra Salazar – Nagtapos ng nursing at naging nurse sa mga

paaralan sa distrito ng Indang.. Napangasawa niya si Primitivo Ricafrente ng Noveleta, Cavite na nanunungkulan bilang panlalawigang inhinyero sa Cavite at Rizal.

Dominador Z. Rosell – Mula sa Alfonso, Cavite at nagtapos sa UPLB ng BSA noong 1928.93 Muling kumuha ng kursong BSc in Geology and Geography sa UP noong 1935. Bago maganap ang digmaan, siya ay ipinadala ng pamahalaan para mag-aral sa Estados Unidos at itinuturing na pangunahing geographer ng Pilipinas at aktibo sa pagsulat sa Philippine Magazine. Inorganisa niya ang Geographical Society of the Philippines. Naging Project Director ng National Science Development Board ng Pilipinas.

Jose Marinduque – ang kaniyang pangalan ay natala sa listahan ng mga unang batch ng nagtapos sa Indang Rural High School.

Leon Leańo – walang datos.Eriberto Umali – walang datos.Melquiades A. Austria – walang datos.Maria Roseus – walang datos.Tomas Candare – walang datos.Teodoro Peji – Nagtrabaho sa Bureau of Land.Francisco Romerosa - NegosyanteMarcos Rosarda – Naging guro at US NavyMateo Diloy – walang datos.Lope Dimayuga – walang datos.Lorenzo Maraan – walang datos.

1922

92 Mecedes Guevara93 UP Commencement 1928

243

Page 17: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

Bernarda Llorente – nagtapos ng Nursing sa UP na may pinakamataas na karangalan sa kanilang klase. Hindi na nasundan pa ang karagdagang detalye sa kaniya, dahilan sa maaring nag-iba siya ng apelyido noong magka-asawa.

Dominga Alano – Sosa – Nagtapos siya sa Indang Farm School noong 1922. Naging guro ng kindergarten sa Indang sa loob ng napakahabang panahon. Kilala siya sa bayan sa katawagang Maestrang Ingga. Isa sa mga nabubuhay pang nag-aral sa Indang Farm School at nakadalo sa Indang High School.

Alfredo Guevarra – Naglingkod sa US NavyJuan Peginia - Nagtapos ng agrikultura sa UPLB noong 1928.Delfin Buhay – Naglingkod sa US Navy.Vicenta Ocampo - H E TeacherGaudio Costa - H. E. TeacherSotero Bay – walang datos.Matias Costelo – walang datos.Lope Mayuga – walang datos.Julian Cueno – walang datos.Eusebio Traba – walang datos.Macaria Callejas – walang datos.Pascuala Penales – walang datos.Maxima Guevarra – walang datos.

Class 1923-1926 List not available

1927Anatolio Aterrado – Bago magkadigma ay nagtrabaho sa

nursery ng Bureau of Plant Industry sa Palangue, Naic, Cavite. Pagkatapos ng digmaan ay naempleyo bilang mekaniko sa Clark Air Base sa Pampanga.

Francisco Creencia - Isang mahusay na karpintero na ang ispesyalisasyon ay ang paggawa ng mga kabaong. Nagnegosyo ng lumber and Hardware sa Indang.94

Filomeno Diokno – Nagsilbing sekretaryo ng munisipyo ng Indang.

Aurelio Panganiban – Nagtrabahong administrative officer ng DSAC at napangasawa niya si Natalia de las Alas.

Jose Vidamo – Naglingkod na sanidad ng Indang at bumubisita sa mga paaralan para sa pag-iiniksiyon sa mga batang mag-aaral.

Teodoro Cruz – walang datos.

94 Mercedes Guevara

244

Page 18: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Primitivo Crucillo – walang datos.Isabelo Huerto – walang datos.Mauricio Lopez – walang datos.Atanacio Mardo – walang datos.Antonio Creencia – walang datos.Isaac Marges – walang datos.Maximino Monges – walang datos.German Pacia – walang datos.Julian Rodis – walang datos.Martiniano Rosel – walang datos.Galicano Sumagui – walang datos.Melanio Salgado – walang datos.Diosdado Vida – walang datos.

1928 – HULING BATCHCrispin Petelo – Naglingkod sa bilang kagawad ng pulisya ng

Indang, naging sarhento at sa kinalaunan ay naging hepe ng pulisya sa bayan ng Indang. Isa sa katangian ni Crispin Petelo bilang pulis ay ang hindi nito pagdadala ng baril. Ang kaniyang anak na si Dr. Lutgarda Peelo-Ilagan ay nanungkulan na Dean ng College of Arts and Science at Vice President for External and Business Affairs ng Cavite State University.

Anselmo Lesarda – Nagpatuloy ng pag-aaral ng sekondarya sa Cavite High School at nagtapos ng kursong pagtuturo sa National Teachers’ College sa Maynila. Nagbalik sa Indang at nagturo sa Indang Rural High School at naging coach ng paaralan sa mga palarong pang-rehiyon at pambansa. Naitalagang guidance counselor ng Don Severino Agricultural College at nagretiro noong 1965. Binawian ng buhay noong 1986 sa edad na 72. Ang kaniyang anak na si Dr. Lorna Lesarada Penales ay nanungkulan na Dean ng School of Arts and Science, Dean ng College of Education, at Vice President for Academic Affairs ng Cavite State University.

Basilio Sierra – Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral ay hinarap ang pagsasaka at iba pang hanap-buhay. Naging misyon niya na papagtapusin ng kolehiyo ang kaniyang mga anak at ilan sa mga ito ay naging guro ng Don Severino Agricultural College.

Maximo Llorente – walang datos.Arcadio Matilla – walang datos.Macario Panganiban – walang datos.Eusebio Espineli – walang datos.Emerito Guerra – walang datos.Roman Halos (maaring Halol) – walang datos.

245

Page 19: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

Santiago Vidamo – walang datos.

Ukol sa Nawawalang Listahan ng mga Nagsipagtapos ng Indang Farm School sa taong 1920 ay maaring makagawa ng rekonstruksiyon ng ilan sa kanila mula sa listahan ng mga mag-aaral na nasa 1st year at 2nd year ng kursong Bachelor of Agriculture sa UPLB noong 1921 at 1922.

Candido Bayot – Amadeo Eusebio Bataclan – SilangLorenzo Esguerra – Indang Melanio Calinisan – IndangAbundio Mojica – Indang Eugenio Pelle - IndangJuan Fidel – Indang

Severo Rea – Amadeo – Naging principal ng Talon Elementary School sa Amadeo, Cavite.

Maximo Pepa – Indang. Nag-aral ng Bachelor of Agriculture sa UPLB Nagtrabaho bilang inspector sa Fiber Division ng Bureau of Plant sa lalawigan ng Albay.

Gabino Buhay – nag-aral ng agrikultura sa UPLB at naging Principal sa Masbate kung saan siya ay pinatay ng mga masasamang loob.

Ciriaco Acuňa – Alfonso at kapatid ni Euglogio Acu ňa. Unang nag-aral ng agrikultura sa UPLB at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa UP Manila. Naging guro sa Alfonso, Cavite at nagtatag ng Cavite Highland Institute na ngayon ay Sacred Heart Academy sa nabanggit na bayan.

Wala ring listahan ng nagsipagtapos sa intermedia ng Indang sa mga taong sinasakop ng 1923-1926. Subalit ang kanilang mga pangalan ay maaring makita sa listahan ng mga nagsipagtapos sa paaralan sa panahon na ito ay tinatawag ng Indang Rural High School.

Ang mga nakatapos ng taong 1923 ay higit na tumutugon sa mga mag-aaral na unang nagsipagtapos ng hayskul sa taong 1927 na binubuo nina:

Benito AterradoArsenio AustriaEusebio Baes – Naging mayor ng Indang.Guillermo BautistaJose BuhayEmilio CallejaGavino Diloy

246

Page 20: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

Nicanor EspineliTeofilo IlaganFelipe LigtasDominador MacenasJose MarinduqueDaniel MojicaDoroteo MojicaEmiliano MojicaFrancisco del MundoPrimitivo PereyBernardo PulidoAlejandro Romerosa

Ang mga nagsipagtapos sa intermedia sa taong 1924 ay higit na masasalamin sa listahan ng mga nagtapos ng Indang Rural High School noong 1928 na binubuo nina:

Lorenzo AureSalvador AureMaximino CortezHilario DimePastor ManaloSantiago MojicaObeneferedo PeňaFlorencio PeteloPablo RocilloAbundio RodriguezPedro RomeraAbundio RodriguezArtemio Vinzon

Mga Estudyante ng INTERMEDIA NG INDANG HINDI NAKASAMA SA LISTAHAN NG MGA NAGSITAPOS.

Fidel Rosanes (Alfonso) - Pinag-aral ng pamahalaan sa kursong pagkaguro sa Normal noong 191895 Maaring kasabayan niya ang mga nagsipagtapos ng 1910.

Maria Aure Dimapilis – Naglingkod bilang guro sa Mendez, Cavite mula 1919-1967.96

Filoteo Rodis – Nagtapos sa UPLB ng BA noong 1922 at BSA noong 1923. Maaring kasama siya ng mga

95

(BOE Bulletin no. 38 Revised PNS Students)

96 Mendez History

247

Page 21: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Intermedia ng Indang / Anciano

nagsipagtapos sa Indang Farm School noong 1916. Mapapansin na kinuha niya ang panibagong kurso sa loob lamang ng isang taon (BSAg) na karaniwang kinukuha ng dalawa. Isang indikasyon ng pagtataglay ni Filoteo Rodis ng hindi karaniwang katalinuhan sa larangan ng pag-aaral ng pagsasaka. Nakapanghihinayang na ilang buwan pagkatapos ng kaniyang pag-aaral siya ay binawian ng buhay.

Felix Mojica Esguerra – Nagtapos ng Agrikultura sa UPLB na may karangalan noong 1922. Naglingkod sa UPLB bilang Assistant sa Extension Service ng Kolehiyo ng Pagsasaka sa nasabing pamantasan.

Pedro Hernais – Nagtapos ng Bachelor of Agriculture sa UP noong 1922.

Gregorio Dimapilis – Nag-aral ng B. S, Agriculture sa UPLB at naging principal ng Palocpoc, Mendez, Cavite. (Maaring kasama siya nagsipagtapos noong 1917.)

MGA TAGA-TIMUGANG CAVITE NA NAGSIPAGTAPOS SA UP NA POSIBLENG NAG-ARAL SA INTERMEDIA NG INDANGAure Bartolome – IndangGaudencio Rogado - IndangSulpicio Lesarda – IndangFeliciano Nuestro – Indang

Ana Erce – Isa sa mga pinakamahusay na guro ng Indang sa kapanahunan ng kaniyang pagseserbisyo sa paaralang pampubliko. Nagtapos sa UP High School noong 1928. Sa DSACAA General Homecoming program ng 1991 ay nakasaulat doon na siya ay nakadalo ng klase sa intermedia ng Indang, subalit walang tiyak na taon ng pagtatapos.

Paulina Ocampo – Sa souvenir program ng alumni homecoming noong Disyembre 28, 1991 ay inilagay ang kaniyang pangalan bilang class valedictorian ng kaniyang klase sa Indang Intermediate School, subalit hindi tiyak ang taon ng pagtatapos. Si Miss Paulina Ocampo ay naging district supervisor ng Indang sa maraming taon.

Ang listahan ng mga nagsipagtapos ay patuloy na kinukumpleto ng nagsasaliksik. Maaring ihabol ang mga resulta sa isang webpage sa internet sa darating na panahon. Kung mayroong kayong nalalaman na karagdagang mga inpormasyon ukol sa kanila ay maari ninyong ipaalam sa nagsasaliksik sa pamamagitan ng pagsulat sa e-mail address na [email protected].

248

Page 22: Intermedia ng Indang - Kabanata 14

Kabanata 14 – Mga Nagsipagtapos sa Interemdia ng Indang

249