21
MASAYANG MUNDO NG FILIPINO Kindergarten

Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Masayang Mundo ng Filipino - Kinder•Activities are designed to motivate pre-schoolers to express themselves using short, simple sentences in Filipino•There will be songs, rhymes, poems and stories for children

Citation preview

Page 1: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

MASAYANG MUNDO NG FILIPINOKindergarten

Page 2: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng FilipinoKindergartenBatayang Aklat

Karapatang-ari 2010 ng DIWA LEARNING SYSTEMS INCReserbado ang lahat ng karapatan

Ang pangangasiwa sa editoryal, layout, at disenyo ay isinagawa ng

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala.

Tanging tagapamahagi angDIWA LEARNING SYSTEMS INC4/F SEDCCO 1 Bldg.120 Thailand corner Legazpi StreetsLegaspi Village, Makati City, PhilippinesTel. Nos.: (632) 893-8501FAX: (632) 817-8700

ISBN 978-971-46-0141-3

Melanie B. Dela Cruz (May-akda)

Si Melanie B. Dela Cruz ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Education major in English and Religious Education (cum laude) sa Saint Columban’s College sa Lingayen, Pangasinan. Labinlimang taon na siyang nagtuturo ng Filipino, Mathematics, at Christian Living sa Don Bosco Technical Institute–Makati. Naging manunulat siya sa wika at pagbasa sa magasin na Budyong ng isang taon.

Mona R. Alagar (Konsultant)

Nagtapos si Mona R. Alagar ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa St. Paul College–Quezon City. Siya ay kasalukuyang preschool area coordinator sa Poveda Learning Center.

Page 3: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Paunang Salita

Narito ang bagong aklat sa Filipino na sadyang inihanda para sa inyo. Layunin ng aklat na ito na malinang ang inyong kakayahan at kasanayan sa mabisang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Hinati-hati sa apat na yunit ang aklat na ito. Ang bawat yunit ay binubuo ng mga kawili-wiling tugma, awit, diyalogo, at kwento. Maging ang mga pagsasanay ay inihanda na tiyak na inyong kasisiyahan. Ang mga ito ay makatutulong upang malinang sa inyo ang kahalagahan ng katangian ng tunay na Pilipino tulad ng mabuting pakikipag-ugnayan sa inyong mag-anak, pagmamalasakit sa inyong mga kaibigan sa paaralan, at mahusay na pakikitungo sa mga namumuno sa pamayanan.

Inaasahang mapahahalagahan ninyo ang bawat aralin na makatutulong sa inyong pag-unlad bilang isang mabuting mamamayan. Gawin ninyong kawili-wili ang inyong pagtuklas sa mga bagay na nasa inyong paligid sa tulong ng aklat na ito.

Mahalin at ingatan sana ninyo ang aklat na ito. Ugaliin ang pagiging palabasa dahil ito ang magpapayaman sa inyong kaalaman.

Mabuhay ka!

Halinang magbasa!

Page 4: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Para sa mga Guro

Ang makabagong aklat na ito para sa mga preschooler ay sadyang inihanda upang mabigyan ng makabuluhan at kawili-wiling pagsasanay ang mga mag-aaral. Layunin ng aklat na ito na malinang sa mga bata ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Isinasaalang-alang din na sa tulong ng mga larawan, awitin, tugma, diyalogo, at kwento sa aklat na ito ay malilinang sa mga mag-aaral ang kawilihan sa pagtuklas ng mga bagay sa kanyang paligid.

Inaasahan na huhubugin ang kakayahan ng mga bata ng mga aralin na kinakailangan upang maging handa sila sa susunod na antas at tungo sa mas malawak pang gawain.

Nakapaloob sa aklat na ito ang mga sumusunod na kasanayan: Pagtukoy sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga hugis at anyo Pagkilala at pagbasa sa alpabetong Filipino Pagbasa sa mga pantig, salita, parirala tungo sa pangungusap Pagsasagawa ng mga gawaing humuhubog sa kabutihang asal Pagkagiliw sa mga tula, awit, at kwento

Inaasahan na sa masusing pagsubaybay ng guro ay makakamit ng mga mag-aaral ang mga kinakailangang kasanayan. Gawing kawili-wili ang pagtuturo ng mga aralin upang ito‛y maging matibay na sandigan sa pagkatuto ng mga kinakailangang aralin sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Maligayang pagtuturo!

May-akda

Page 5: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Talaan ng Nilalaman

Yunit 1 Ang Aking SariliAralin 1 Pagpapakilala sa Sarili ...............................................................2Aralin 2 Magandang Umaga Po! .............................................................16Aralin 3 Ako ay Batang Malusog ...........................................................21Aralin 4 Ikaw at Ako ay Magkaiba ...................................................... 27Aralin 5 Iba-Ibang Tunog sa Paligid ................................................... 32 Aralin 6 Ang Alpabetong Filipino ......................................................... 40Aralin 7 Kami ang mga Patinig .............................................................. 47Aralin 8 Si Erneng at Intong sa Manila Zoo ..................................... 52

Yunit 2 Ako at ang Aking PamilyaAralin 1 Kapamilya Ko Sila ..................................................................... 60Aralin 2 Kami ay Nagtutulungan ............................................................71Aralin 3 Maliit o Malaki, Masaya Kami! .............................................. 78 Aralin 4 Sama-sama Kaming Pamilya ................................................... 85Aralin 5 Pangangailangan ng Isang Mag-anak ................................... 90Aralin 6 Sa Aming Tahanan ................................................................... 96 Aralin 7 Mga Silid sa Aming Tahanan ............................................... 102 Aralin 8 Ang Aming Kagamitan ........................................................... 107

Page 6: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Yunit 3 Ako at ang Aking PaaralanAralin 1 Marami Akong Kaibigan ......................................................... 114 Aralin 2 Tara Na sa Aming Paaralan ................................................. 124Aralin 3 Malaki ang Aming Paaralan .................................................. 133 Aralin 4 Maging Magalang ................................................................... 138Aralin 5 Handa Na Ako! ....................................................................... 144Aralin 6 Maglaro Tayo .......................................................................... 155Aralin 7 Ang Aking Munting Diary ..................................................... 160 Aralin 8 Magdiwang Tayo .................................................................... 166

Yunit 4 Ako at ang Aking Pamayanan Aralin 1 Maayos ang Aming Pamayanan .................................... 178 Aralin 2 Kami ay Nagtutulungan ......................................................... 189Aralin 3 Gabay Ko ang Diyos sa Aking Buhay ................................. 199 Aralin 4 Inay, Sama Po Ako ...............................................................205 Aralin 5 Wow ! Kaysarap Mamasyal ...................................................209Aralin 6 Ang Galing Nila! ...................................................................... 214 Aralin 7 Nasaan Ka Ba? ....................................................................... 219 Aralin 8 Ang Pilipinas Kong Mahal ....................................................228

Page 7: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

1YUNIT

Ang Aking Sarili

Page 8: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng Filipino–Kindergarten2

Basahin ang usapan nina Albert at Kristin.

Aralin

1

Pagpapakilala sa Sarili

Magandang umaga! Ako si Albert Ramos. Limang taong gulang na ako. Nakatira

ako sa Lungsod ng Makati.

Magandang umaga rin! Ako naman si Kristin

Mendoza. Limang taong gulang na rin ako.

Pagpapahalagang Pilipino: Maging magalang sa pagpapakilala ng sarili.

Sa mga Magulang: Gabayan ang inyong anak sa wastong paraan ng pakikipag-usap at ng pagpapakilala sa sarili gamit ang mga salitang ako, ko, at ikaw.

Page 9: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Ang Aking Sarili 3

Isadula ang usapang iyong nabasa. Magpakilala ka sa iyong kamag-aral.

Ano ang pangalan mo?

Ako si . Ikaw, ano naman ang pangalan mo?

Ako naman si .

Ako at ikaw ay magkaklase.

Page 10: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng Filipino–Kindergarten4

Basahin ang mga pangalan ng mga bata mula sa kaliwa-pakanan.

Sarah Cindy Mateo

Mara Anton Paulo

Marimar Edward Lyka

Page 11: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Ang Aking Sarili 5

Kaliwa-pakanan

Kaliwa

Kanan

Page 12: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng Filipino–Kindergarten6

Bakatin ang mga putul-putol na linya mula kaliwa-pakanan. Basahin ang mga pinag-uugnay na salita.

kutsara ---------------tinidor

tasa -----------------platito

sanggol--------------bote ng gatas

ibon------------pugad

Page 13: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Ang Aking Sarili 7

Lagyan ng tsek () ang mga larawan na nakaharap sa kaliwa. Ekisan () naman ang mga larawan na nakaharap sa kanan.

1.

2.

3.

4.

5.

Page 14: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng Filipino–Kindergarten8

Itaas-pababa

Seesaw, seesawPataas, pababa

NakakaaliwMaglaro rito

Seesaw, seesawIsang dulo sa itaasIsang dulo sa ibabaTayo nang maglaro

Page 15: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Ang Aking Sarili 9

Bakatin ang mga putul-putol na linya upang mabuo ang mga larawan. Mula ito sa itaas, pababa.

Page 16: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng Filipino–Kindergarten10

Bilugan ang tamang direksyon na ipinakikita sa larawan.

1. pataas, pababa

2. pataas, pababa

3. pataas, pababa

4. pataas, pababa

5. pataas, pababa

Page 17: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Ang Aking Sarili 11

Tulungan natin si kaibigang daga. Guhitan ang tamang daan papunta sa kanyang lungga.

Page 18: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng Filipino–Kindergarten12

Bilugan ang wastong salitang dapat gamitin.

1. si Noli.

2. Carol ang pangalan .

3. AkoKo ay nag-aaral na.

4. Kaklase akoko si Marlon.

5. Nakatira akoko sa Ramos Street.

AkoKo

akoko

Page 19: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Ang Aking Sarili 13

Idikit ang iyong larawan sa kahon. Isulat naman ang mga hinihingi sa mga patlang.

taong gulang na ako.

Ako si .

Nakatira ako sa .

Page 20: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Masayang Mundo ng Filipino–Kindergarten14

Makulay ang Aking Paligid

Pagandahin natin ang hardin ni Carla. Kulayan ang mga tanim niyang halaman at bulaklak.

Page 21: Masayang Mundo ng Filipino - Kinder

Ang Aking Sarili 15

Kulayan nang wasto ang larawan. Bilugan ang tamang ngalan ng kulay ng larawan.

itim berde kahel berde rosas lila

kahel itim berde rosas berde itim

2. 4.

1. 3.