12
Filipino 201 KEVIN C. BARRERA 09/08/12 II – ED1 GNG. TAMAYO Hating Kapatid (Pagsusuring Pampelikula) A. Uri ng Panitikan Ito ay isang pelikula. Binubuo ito ng magkakaibang eksena na pinagsama-sama para mabuo ang isang istorya. Ipinapakita nito ang naging buhay ng dalawang magkapatid na babae na sina Rica at Cecil na iniwan ng kanilang mga magulang para sila ay mabuhay. Maihahalintulad din ang pelikulang ito sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo na sa mga mahihirap nating kababayan; mga nagbabaka- sakali sa ibang bayan upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak. Karaniwan na itong nagaganap at hindi ito nawawala sa bawat taong dumaraan. Naglalaman ito ng mga pangyayari na may bahid ng kasiyahan, kalungkutan, galit at pag-ibig na natahi sa isang napagkagandang pelikula na tiyak na kapupulutan ng aral ng nakararami. Walang bahaging nakaka-antok sapagkat punung-puno ito ng mga eksenang pipitik sa puso at magpapasakit sa inyong mga tiyan. B. Istilo ng Paglalahad Ang peikula ay nasa anyong pasalaysay sapagkat inilahad ito sa wastong pagkakasunud-sunod ng kwento. Makikita ang kanilang pagkabata hanggang sa pagdadalaga papunta sa kanilang pagtanda at pag-aasawa.

Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Just a simple movie review!

Citation preview

Page 1: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

Filipino 201KEVIN C. BARRERA 09/08/12II – ED1 GNG. TAMAYO

Hating Kapatid(Pagsusuring Pampelikula)

A. Uri ng Panitikan

Ito ay isang pelikula. Binubuo ito ng magkakaibang eksena na pinagsama-sama para mabuo

ang isang istorya. Ipinapakita nito ang naging buhay ng dalawang magkapatid na babae na sina

Rica at Cecil na iniwan ng kanilang mga magulang para sila ay mabuhay. Maihahalintulad din ang

pelikulang ito sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo na sa mga mahihirap nating kababayan;

mga nagbabaka-sakali sa ibang bayan upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak.

Karaniwan na itong nagaganap at hindi ito nawawala sa bawat taong dumaraan.

Naglalaman ito ng mga pangyayari na may bahid ng kasiyahan, kalungkutan, galit at pag-

ibig na natahi sa isang napagkagandang pelikula na tiyak na kapupulutan ng aral ng nakararami.

Walang bahaging nakaka-antok sapagkat punung-puno ito ng mga eksenang pipitik sa puso at

magpapasakit sa inyong mga tiyan.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang peikula ay nasa anyong pasalaysay sapagkat inilahad ito sa wastong pagkakasunud-

sunod ng kwento. Makikita ang kanilang pagkabata hanggang sa pagdadalaga papunta sa

kanilang pagtanda at pag-aasawa.

Sa pelikulang ito, makikita ang iba’t-ibang uri ng teoryang pampanitikan tulad ng mga

sumusunod:

1. Realismo – Ang mga ipinakitang pangyayari sa pelikula ay posible o karaniwan na talagang

nangyayari sa ating lipunan. Marami sa ating mga kababayan na mga magulang ang

nakikipagsapalaran sa ibang bansa para lamang mabuhay ang kanilang mga anak. Alam naman

natin na sobrang hirap ng kalagayan dito sa ating bansa kaya marami talaga ang umaalis at

nagbabaka-sakali ng kanilang kapalaran sa baybaying-dagat kahit masakit man sa kanilang mga

kalooban na iwan ang kanilang mga anak.

Page 2: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

Sa isa pang banda sa bahagi ng mga anak, totoo nga na maituturing na nawawalan ng

gabay ang mga anak habang dumadaloy ang panahon. Minsan, napapariwara ang buhay ng mga

ito at naliliko ang landas na tinatahak. Pero sa pelikulang ito, makikita na nag-iba ang pag-uugali

ni Rica sapagkat natuto siyang mabuhay na nakatayo sa sariling paa habang pinag-aaral ang

kanyang kapatid. Halos siya na nga ang tumayong ama at ina ni Cecil para lamang mapalaki ito

ng maayos.

Sa bahagi naman ni Lola Amor, lola nina Rica at Cecil, kahit delikado ang pagtitinda ng

mga paputok lalo na’t nabiktima nito si Cecil noong siya’y bata pa, patuloy pa rin sa paghahanap-

buhay sapagkat dito rin sila umaasa na maipanggagastos sa araw-araw.

2. Romantisismo – Sa pelikula, umikot ang pag-ibig sa buhay ng magkapatid. Una ay ang kay Rica.

Ipinakita kung paano naging malungkot si Rica matapos niyang makipaghiwalay kay Bong dahil

sa naganap na insidente na pagsabog ng mga paputok na ikinapahamak ni Cecil. Sobrang laki ng

nagging epekto nito sa kanya kaya kahit mayroong mga umaakyat ng ligaw sa kanya ay patuloy

pa ring nakasarado ang kanyang puso. Pero bigla ulit may sumibol na pag-ibig sa kanyang puso

nang magkadaupan sila ni Bong sa tulong ng kanyang kapatid. Unti-unting bumalik ang siglang

matagal na nawala sa kanya. Sa dulo ay makikita ang labis na kasiyahang nadama ni Rica lalo na

nang ikasal siya kay Bong, ang pinakamatagal niyang hinintay na akala niya’y hindi na

mangyayari kahit kailan kasama na rin ang kanyang dalawang anak.

Sa bahagi naman ni Cecil, hindi rin siya sumubo sa isang relasyon sapagkat sinusunod

niya ang kagustuhan ng kanyang Ate Rica. Subalit kapalaran talaga ng tao na may makilala siyang

kabiyak niya. Sa kanyang pagtatrabaho sa isang mall ay kanyang nakilala si Edsel. Noong una ay

naging masama ang kanyang pagkakakilala kay Edsel sapagkat pinagbintangan itong

magnanakaw at miyembro ng isang grupo ng mga ito. Pero nang matapos ito ay unti-unti niyang

nakilala si Edsel at nagustuhan. Hanggang sa nahulog ang kanyang loob at sinagot ito kapalit

lamang ng balut. Sa dulo ng pelikula ay nakita ang pagpapakasal nilang dalawa.

3. Pemenismo – At dahil umiikot ang kwento sa magkapatid na Rica at Cecil na parehong babae ay

sobrang laki ng pagkakataon na pumasok ang teoryang ito. Mahihinuha ang mga pasakit sa

buhay na dinanas ni Rica habang wala ang kanyang mga magulang habang siya ang nagpapalaki

sa kanyang kapatid.

Kay Cecil naman ay ang walang pagod niyang pag-intindi at pagsuyo sa kanyang ate na

kanyang mahal na mahal. Naging tulay si Cecil para muling magkita si Bong at Rica pati na rin

Page 3: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

upang gawing pansinin ni Rica ang kanilang mga magulang na labis ang naitanim na sama ng

loob sa mga ito.

C. Mga Tayutay

1. Pagmamalabis (Hyperbole) – Nagpapakita ng mga bagay na imposibleng mangyari.

a. “Nagkasakit lang ang iyong kapatid… na-tensyon na ang buong ospital.”

- Hindi naman ganoong kasikat ang kanyang kapatid pero parang magkakagulo na

ang lahat ng tao na nasa loob ng ospital na imposible naman talagang mangyari.

Kung mayroon mang mate-tensyon ay ayun ay ang mga kamag-anak o kakilala

ng pasyente.

2. Pagpapalit-tawag (Metonymy) – Pagpapalit ng isang katawagan upang mas maging masining

ang paglalahad ng mga pangyayari.

a. “Kaya kami nagpapakakuba dito sa Cuba ay para rin sa inyo.”

- Ipinalit ang salitang nagpapakuba sa nagtatrabaho ng mabuti para mas pasidhiin

pa ang nararamdamang pagod at sama ng loob.

3. Alusyon – Pagkausap sa isang karakter mula sa Bibliya o mitolohiya.

a. “Diyos ko! Huwag Niyo po sanang pabayaan ang kapatid ko.”

- Pagtawag sa Panigoon para humingi ng tulong na animo’y kaharap lamang.

4. Pagtutulad (Simile) – Paghahambing ng isang tao, bagay o lugar na ginagamitan ng mga salitang

parang, tulad, atbp.

a. “Para kayong si B1 at B2…”

- Ikinumpara si Rica at Cecil sa mga karakter sa kartun na sina B1 at B2 sa

pamamagitan ng salitang “parang.”

D. Sariling Reaksyon

1. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan

Naging makatotohanan naman ang ginampanan na papel ng mga tauhan sa

peikula. Naipakita naman ng magkapatid ang kinasasapitan ng mga pamilya sa tuwing

nagkakahiwalay ang mga ito. Makikita rin ang mga pagbabago sa pag-uugali na epekto

nito sa mga anak.

Kahanga-hanga rin ang pagiging matatag ni Rica sa kabila ng pag-alis ng kanyang

mga magulang para magtrabaho sa ibang bansa. Pinilit niyang mapatapos ang kanyang

kapatid ng kolehiyo kahit siya na ang tumayong ama at ina nito. Kahit ang naging kapalit

Page 4: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

nito ay ang kanyang buhay pag-ibig ay nasuklian naman ang kanyang mga paghihirap at

natupad ang mga pangarap, hindi lamang kanya pati na rin sa kanyang kapatid na si

Cecil.

Gusto ko ring pansinin ang bahagi ng Beauty, ang katulong ng pamilya. Si Beauty

ang nagsilbing tagapagpagaan ng buong pelikula sa tuwing mayroong mga drama na

nagaganap. Sa kabila ng mga kalungkutang nangyari ay napapalitan naman ito ng labis

na kasiyahan sa tuwing papasok si Beauty sa kwento. Hindi matatawaran ang galing niya

para pasayahin din ang mga manonood.

b. Istilo ng Sumulat ng Pelikula

Kung susuriing mabuti ay kakaunti lamang ang nagamit na tayutay at idyoma ng

mga tauhan sa pelikula sapagkat gumamit ng modernong pananalita ang mga ito.

Mayroon din itong bahid ng Ingles kaya masasabi ring uunti lamang ang mga

pampanitikang salita at kadalasang ginamit ay balbal, kolokyal at lalawiganin. Tulad nga

nasabi ay may halo itong Ingles kaya medyo mahihirapang intindihin ito ng mga taong

hindi naman ganoon kahusay ang kakayahan pagdagting sa wikang Ingles.

c. Galaw ng Pangyayari

Naging maayos naman ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula sa

kanilang pagkabata hanggang sila ay tuluyang lumaki at nagpakasal. Halu-halo ang mga

pangyayaring nakapaloob dito. Mayroong mga nakakatawa, may nakalulungkot,

nakakakilig at nakaka-iyak. Kaya masasabing hindi nakakabagot ang pelikula.

Subalit sa may bahaging dulo ay hindi ipinakita ang naganap na kasal nina Rica

at Edsel. Kung ikukumpara ang romansa na umikot sa pelikula, masasabi kong mas

inabangan ang kay Rica sapagkat ito ang kanyang nabigong pag-ibig na muling nabigyan

ng buhay. Sa kanila rin nakita ang pag-aaya ng kasal. Kaya naman nakapanghihinayang

talaga na hindi sila makitang ikasal at idinaan na lang ito sa maigsing pagsasalaysay.

2. Bisang Pampelikula

a. Bisa sa Isip

Malaki ang naiambag ng pelikulqng sa aking mga paniniwala sa buhay. Gaano

man katagal na hindi nakita ang iyong mga magulang ay hindi mo pa rin dapat silang

iwasan at kamuhian sapagkat may dahilan kung bakit kailangan nilang lumayo.

Natutunan ko rin na may kanya-kanya talaga tayong buhay. Kahit matagal nating

naging kasama ang ating pinakamamahal sa buhay ay hindi naman sila dapat palagi ang

Page 5: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

makakasama natin. Darating at darating ang panahon na kailangan naman din natin na

hanapin ang ating makakasama sa buhay.

b. Bisa sa Damdamin

Labis-labis ang naidulot ng peikulang ito sa aking damdamin. Damang-dama ko

ang sakit na iwanan ka ng mga magulang mo para mabuhay kayo at ikaw ang mag-alaga

sa kapatid mo ng dalawang dekada. Kahit naman sino ay naghahanap ng kalinga ng

kanilang mga magulang upang magabayan sila sa tamang landas. Kaya napakahirap

talaga na walang magulang sa tabi mo para bigyan ka ng payo.

Napakahirap din na layuan ang taong pinakamamahal mo. Alam ko sa sarili ko

na hindi pa talaga ako nahuhulog sa labis na pag-ibig tulad ng nangyari kina Rica at

Cecil. Kumukurot sa aking puso na Makita si Rica na iwanan si Bong para sa kapakanan

ng kanyang kapatid at si Cecil naman dahil sa isang maling paratang.

Pero nakaluluwag naman ng damdamin nang dumating na sa oras na sila ay

muling nagkaayos lalo na ang lamat na nabuo sa magkapatid. Nakakapagpangiti sa

sinumang manonod nito. Sino bang hindi kikiligin na humantong silang lahat sa kasalan?

Nakakaantig din ng damdamin ang pagkakaayos ng buong pamilya na matagal

ding nagkahiwa-hiwalay.

c. Bisa sa Kaasalan

Tinuruan ako ng pelikulang ito na magpatawad kahit gaano pa kabigat ang

kasalanan na nagawa sa iyo. Kailangan ko munang pakinggan ang paliwanag at alamin

ang katotohanan bago ako tuluyang magpasya. Hindi naman natin dapat tikisin ang mga

taong pinakamamahal natin sapagkat sila-sila naman din ang kakailanganin natin sa oras

ng pangangailangan.

Isa pa, huwag magtatanim ng sama ng loob kahit kanino na maaaring

humantong sa galit at poot. Hindi naman natin kailangang panatilihin ang sama ng loob

sa ating puso. Dapat ay palagi tayong masaya para gumaan ang ating damdamin.

Page 6: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

I. Mga Pangunahing Tauhan

1. Rica – panganay na kapatid at nag-alaga at nagtaguyod kay Cecil hanggang sa makapagtapos

ito ng pag-aaral ng kolehiyo. Nabigo kay Bong subalit nagkabalikan naman sila muli.

2. Cecil – bunsong kapatid na inaalagaan ni Rica. Pinilit niyang makapagtapos ng kolehiyo

alang-alang sa kanyang Ate Rica. Siya ang naging tulay upang magkabalikan sina Rica at

Bong at para magkabati ang kanilang Ate at mga magulang.

3. Lola Amor – ang kanilang lola na kumupkop sa kanila ng lumisan ang kanilang mga

magulang papuntang ibang bansa. Masayahin at may-ari ng tindahan ng paputok kahit

ito ay nakapahamak na kay Cecil noong siya ay bata pa.

4. Bong – ang kasintahan ni Rica simula pa man subalit pilit na hiniwalayan para sa kapakanan

ni Cecil. Nahanap ni Cecil at kinausap upang balikan ang kanyang Ate Rica. Muling sinuyo

si Rica at niyaya itong magpakasal.

5. Edsel – ang kasintahan naman ni Cecil na nakilala niya sa kanyang pinagtatrabahuhang mall.

Nahulog kay Cecil at patuloy na sinuyo sa kabila ng pagtanggi ni Rica. Nagawang

pasagutin si Cecil kapalit lamang ng dalawang balut.

6. Joseph – ang bunsong kapatid nina Rica at Cecil na isinilang sa ibang bansa. Naging mainit

ang dugo rito ni Rica sapagkat nadala siya ng kanyang galit sa kanyang mga magulang.

7. Noel at Beauty – mga katiwala ng pamilya.

II. Buod

Nagsimula ang kwento sa madamdaming pamamaalam ng mga magulang nina Rica at Cecil

sapagkat sa ibang bansa magtatrabaho ang mga ito. Dalaga na noon si Rica at bata pa lang si Cecil.

Walong taon ang nakalipas ay nagbukas ang telon sa magkapatid na pareho ng malaki. Isang

ganap na dalaga na si Rica at dalagita na si Cecil. Nasa pangangalaga sila ng kanilang lola na si Amor.

May-ari sila ng tindahan ng paputok sa Bulacan at doon masayang namumuhay. Abala sa pagtitinda si

Rica nang dumating si Bong at siya’y niyayang lumabas. Dahil sila naman ni Bong at sa pagpupumilit ni

Cecil ay lumabas ang mga ito.

Subalit may nangyaring hindi inaasahan. Sa tapat ng kanilang tindahan ay may nanigarilyo kaya

ang pinag-upusan nito ay naibato sa kanila kaya sumabog ang kanilang tindahan. Napahamak si Cecil na

kaagad naming nagpasugod kay Rica sa nangyari. Sa may ospital ay nagamot naman si Cecil pero dahil

dito ay nagalit ang lola niya sa kanya at siya ay pinilit na makipaghiwalay kay Bong. Dahil ipinalangin ni

Rica ang kaligtasan ng kanyang kapatid kapalit ng pakikipaghiwalay niya kay Bong.

Page 7: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

Walong taon muli ang nakalipas ay pareho ng malalaki ang magkakapatid. Nakatapos na sa

kolehiyo si Cecil dahil sa pagsisikap ni Rica na itaguyod ang kanilang tindahan ng paputok. Si Rica ay hindi

tumanggap ng mga manliligaw kahit tinutulungan siya ng kanyang kapatid. Pero ginagawa niya lamang

ito sapagkat mas mahal niya pa rin si Bong.

Isang araw ay tumawag ang kanilang mga magulang at sinabing sila ay uuwi na ng Pilipinas

matapos ang dalawang dekadang pananatili sa ibang bansa. Ang nakagugulat pa rito ay may bunso pa

silang kapatid. Sinabi ng kanilang magulang na lumipat na sila sa bahay na ipinundar ng mga ito. Sa

pagpupumilit ni Cecil ay pumayag naman si Rica kaya lumipat silang buong pamilya sa kanilang bagong

bahay sa Pasig.

Kaagad namang nakahanap ng trabaho si Cecil dito at may naaninag ang kanyang mga mata na

nagpatibok ng kanyang puso. Dumating ang kanilang mga magulang subalit nanatiling matigas ang loob

ni Rica sa mga ito. Lagi niyang isinasaksak sa kanyang isipan na iniwan sila ng mga ito at babalik na

lamang kung kailan malaki na sila.

Nahulog ang loob ni Cecil kay Edsel, ang lalaking nakita niya sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Nagpatuloy sila kahit lingid ito kay Rica. Patuloy na naging bugnutin si Rica kaya naman nag-alala si Cecil

kaya naman gumawa sila ng paraan para bumalik ito sa dati. Hinanap nila si Bong na ng mga panahong

iyon ay naghahanda para sa kanyang pagsabak sa ibang bansa. Kinausap ito ni Cecil at sinabing

nananatiling mahal pa rin siya ng kanyang Ate hanggang sa kasalukuyan.

Muling nagkita sina Bong at Rica at unti-unting bumalik ang dating siya. Masayahin at hindi na

masyadong nagsesermon kahit sa maliliit na bagay. Pero dumating ang araw na natuklasan ni Rica ang

katotohanan na may itinatangi ang kanyang kapatid. Nagalit siya rito kaya nagkaroon sila ng away.

Umalis si Rica at humiwalay sa kanyang pamilya. Sinuyo ni Cecil ang kanyang Ate sa pamamagitan ng

palaging pagbisita rito. Gumaan naman ang loob ni Rica rito at nagkabati na sila muli.

Bumalik si Rica sa kanilang pamilya at nakipag-ayos siya sa kanyang ama at ina. Hindi niya rin

inaasahan na yayayain siya ni Bong na magpakasal. Kaagad siyang um-oo. Kasabay naman din noon ay

sinagot na ni Cecil si Edsel bilang kanyang kabiyak. Naikasal na sila Rica at Bong at mayroon na silang

dalawang anak. Sumunod naman sina Cecil at Edsel at naging Masaya na ang buhay ng magkapatid

pagkatapos.

Page 8: Pagsusuring Pampelikula (Filipino)

Filipino 201

Hating Kapatid

PAGSUSURING PAMPELIKULA

Ipinasa ni Kevin C. Barrera II – ED1Ipinasa kay Gng. Ma. Luisa N. Tamayo

Sumulat: Mel Mendoza – del RosarioDirektor: Wenn V. DeramasMga Gumanap

Judy Ann Santos Sarah GeronimoJC de Vera Luis ManzanoCherry Pie Picache Tonton GutierrezGina Pareño Vice GandaDJ Durano