64
LUGAR KUNG SAAN MAS NAIS NA MAGTRABAHO NG MGA MAGSISIPAGTAPOS SA KOLEHIYO NG PANGANGALAKAL AT PALATUUSAN (CBAA) NG PAMANTASANG BALIWAG AKADEMIKONG TAON 2011-2012 AT ANG MGA KADAHILANAN NITO Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa mga Guro ng mga Mag-aaral Bilang Bahagi ng Katuparan ng mga Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 200 nina Jerome Dela Cruz Raymond Abalos Marvin Villangca

Tisis Sa Filipino 200

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tisis Sa Filipino 200

LUGAR KUNG SAAN MAS NAIS NA MAGTRABAHO NG MGA

MAGSISIPAGTAPOS SA KOLEHIYO NG PANGANGALAKAL

AT PALATUUSAN (CBAA) NG PAMANTASANG BALIWAG

AKADEMIKONG TAON 2011-2012 AT ANG

MGA KADAHILANAN NITO

Isang Pamanahong Papel na

Iniharap sa mga Guro

ng mga Mag-aaral

Bilang Bahagi ng Katuparan ng mga Pangangailangan

sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Filipino 200

nina

Jerome Dela Cruz

Raymond Abalos

Marvin Villangca

Edgardo Dela Cruz

Mark Anthony Lazaro

Pebrero 2012

Page 2: Tisis Sa Filipino 200

DEDIKASYON

Bukal sa aming loob, kaming mga mananaliksik ay nagkaroon ng dedikasyon

upang mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito para sa mga sumusunod na tao:

Para sa aming mga magulang, na naging inspirasyon upang matapos ang aming

isinasagawang pag-aaral.

Para sa aming kapwa mag-aaral na nagbigay suporta sa amin.

Para kay Bb. Leeh Manahan na aming guro na nagbigay ng mga ideya at

mainspirasyong gabay upang kami ay maliwanagan ng husto at magkaroon ng isang

makabuluhang pananaliksik.

Page 3: Tisis Sa Filipino 200

PAGKILALA

Nagbibigay ng pasasamalat at papuri ang mga mananaliksik sa mga taong

nakapag-ambag ng hindi matatawarang kontribusyon upang makumpleto at

maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Isang taos-pusong pasasalamat at papuri ang inihahandog ng mga mananaliksik

kay Bb. Leeh Manahan, guro sa Filipino 200, na nagbigay ng mga suhestiyong

kapakipakinabang na nagsilbing gabay ng mga mananaliksik upang bigyang pansin at

maging handa sa pananaliksik na ito.

Para sa mga mag-aaral na nasa ika-apat at ika-limang antas ng kursong

Bastilyer ng Agham sa Palatuusan (BSA) at Pangangalakal (BSBA) na nagsilbing

mga taga-tugon sa aming sinaliksik, para sa bukal sa loob nilang pagtanggap at

matapat na pagsagot sa iba’t-ibang tanong sa ipinamahagi naming talatanungan

kaugnay ng aming isinasagawang pag-aaral.

Para sa minamahal naming magulang, na nagbigay sa amin ng suportang

pinansyal at pagmumulat sa amin sa pagkakaroon ng pananalig sa Diyos upang

maisagawa at matapos namin ng matagumpay ang aming pananaliksik.

At para sa ating dakilang Panginoon, sa Kanyang walang sawang paggabay

upang matapos ang makabuluhang pag-aaral na ito.

Page 4: Tisis Sa Filipino 200

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA ISULIRANIN AT SANDIGAN NITO………………………………………………...

Panimula………………………………………………………………………………...

Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………………………

Paradigm………………………………………………………………………………...

Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………

Batayang Konseptwal at Teoretikal…………………………………………………….

Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral………………………………………………………

Katuturan ng mga Talakay……………………………………………………………...

KABANATA IIMGA KAUGNAY NA LITERATURA………………………………………………

KABANATA IIIPAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG DATOS………………………………...

Pinanggalingan ng mga Datos…………………………………………………………..

Pamamaraang Ginamit………………………………………………………………….

Istatistikal na Tritment ng mga Datos…………………………………………………..

KABANATA IVPRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS…………………

Page 5: Tisis Sa Filipino 200

KABANATA VLAGOM, KONGKLUSYON, AT TAGUBILIN…………………………………….

Lagom…………………………………………………………………………………...

Kongklusyon…………………………………………………………………………....

Tagubilin ……………………………………………………………………………….

TALASANGGUNIAN…………………………………………………………………

MGA DAHONG DAGDAG…………………………………………………………..

KURIKULUM BAYTA……………………………………………………………….

Page 6: Tisis Sa Filipino 200

KABANATA I

Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagsisikap na makatapos ng pag-

aaral ang isang estudyante ay para makahanap at magkaroon siya ng magandang

hanap-buhay na makapag-bibigay sa kanya ng magandang kita na magagamit niya

upang masuportahan at matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, at

mapaganda ang kanilang kalagayan sa buhay. Subalit sa panahon ngayon kung saan

patuloy ang pag-tindi ng kompetisyon pag-dating sa pag-hahanap at pag-aaplay ng

trabaho bunsod na din marahil ng hindi sapat na bilang ng trabaho na mayroon sa

ating bansa epekto marahil ng patuloy na pag-lobo ng populasyon kung kaya bago pa

man siya mag-tapos ng pag-aaral ay pinag-iisipan na niya kung mananatili ba siya sa

ating bansa o makikipag-sapalaran sa ibang bayan.

Sa pinaka-huling sarbey na isinagawa ng Pulse Asia noong 2005 ipinakikita na

mas lalong lumaki porsiyento ng mga tagatugon — 26 na porsiyento noong Hulyo at

33 porsiyento noong Oktubre — na sang-ayon sa pahayag na "Kung may posibilidad,

mangingibang bansa ako para doon manirahan." ang interes sa pangingibang bansa ay

hindi limitado lang sa mga matatanda. Sa pangkalahatang sarbey na isinagawa sa

buong bansa noong 2003, 47 porsiyetnto ng mga kabataan ang nagpahayag na nais

nilang magtrabaho sa ibang bansa balang-araw. 60 porsiyento sa kanila ay mga anak

1

Page 7: Tisis Sa Filipino 200

2

ng OFW o 'di naman kaya ay may kamag-anak sa ibang bansa.1

Sa pag-dedisisyon maraming mga bagay na isinasaalang-alang ang bawat isa.

Mayroong iba na mas pinipili ang manatili sa sariling bansa dahil na rin sa mga

pansariling dahilan habang ang iba naman ay mas pinipili na mag-trabaho sa ibang

bansa sa pag-asang mas marami at mas magagandang oportunidad ang kanilang

makakatamtan doon na hindi nila makikita dito sa sarili nating bansa.

Sa pag-aaral na ito sisikapin ng mga mananaliksik na malaman kung ano nga

ba ang mas matimbang para sa mas nakararami.

31 http://www.migrationinformation.org

Page 8: Tisis Sa Filipino 200

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sapagka’t sa tulong nito mababatid

natin kung saan nga ba mas ninanais ng mga nagsisipagtapos ng kolehiyo na

magtrabaho. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito ay magkakaroon tayo ng

kaalaman kung anu-ano nga ba ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa desisyon ng

mga magsisipagtapos ng kolehiyo ukol sa lugar na kanilang napiling pagtrabahohan.

Sa tulong din ng pag-aaral na ito, maikukumpara natin kung ang ating mga sariling

desisyon ay tugma o taliwas sa desisyon ng mga mag-aaral na sumagot sa

talatanungan na ipinamahagi ng mga mananaliksik.

4

Page 9: Tisis Sa Filipino 200

Paradigm

5

Lugar kung saan mas nais na magtrabaho ng mga magsisipagtapos sa Pamantasang Baliug – CBAA

sa taong-panuruan 2011-2012

Pilipinas Ibang Bansa

Mga Dahilan Mga Dahilan

- Pagiging-makabayan.

- Kontento na sa simpleng pamumuhay.

- Mahalaga ang relasyon sa pamilya.

- Hindi magaling mag-Ingles.

- Takot sumakay sa barko o eroplano.

- Mas madaming mga opurtunidad.

- Mas matas ang kita.

- May mga kamag-anak na doon din nagtatrabaho.

- Para sa “Foreign Citizenship”.

- Ito ang napagkasunduan ng mga kabarkada.

Page 10: Tisis Sa Filipino 200

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mag-bigay kasagutan sa mga

sumusunod na suliranin:

- Saan mas nais magtrabaho ng mga magsisipagtapos ng kolehiya sa

Pamantasang Baliwag partikular sa CBAA?

- Anu-anu ang mga posibleng dahilan na nakaka-apekto sa kanilang

desisyon?

- Sang-ayon ba sila sa posibilidad na maging “under-employed” sila kung

sakali na sila ay mangibang-bansa?

6

Page 11: Tisis Sa Filipino 200

Batayang Konseptwal at Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa batay sa ilang mga konsepto at teoryang

may kaugnayan dito. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga sumusunod na

batayang konseptwal at teoretikal ay nagsilbing matibay na pundasyon at sandigan ng

pananaliksik na ito:

Teorya ng Pandarayuhan. Ayon sa isang Amerikanong iskolar na si H. Otley Beyer

(1883-1966), na namalagi sa Pilipinas at nagsaliksik ukol sa mga katutubong Pilipino

at pinagmulan nito, iba’t-ibang pangkat ang dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng

tulay na lupa o sakay ng mga inukit na bangka. Ang mga sinaunang manlalakbay na

ito ang sinasabing nakapagbigay-ambag sa kultura ng mga sinaunang Pilipino.2

Pinag-basehan ng mga mananaliksik ang teoryang ito sapagkat tungkol ito sa

pandarayuhan na siya namang sentro ng pag-aaral na isinagawa ng mga

mananaliksik. Ang pag-kakaiba lamang ay ang teorya ng pandarayuhan ay

tumatalakay sa pag-pasok ng mga dayuhang manlalakbay sa Pilipinas, habang ang

pag-aaral naman na ito ay tumatalakay sa pangingibang-bansa ng mga Pilipino.

“Colonial Mentality” Ang konseptong ito ay patungkol sa mentalidad na ang

banyagang kultura ay mas maganda at mas nakaka-angat kay sa kultura ng sariling

7

2 Michael DC. Rama et.al., PILIPINAS: Isang Sulyap at Pagyakap,(Makati City: EdCrisch International, Inc.), 46

Page 12: Tisis Sa Filipino 200

bansa. Ito ay pinaniniwalaang bunga ng pagkaka-sakop sa Pilipinas ng mga

banyagang bansa sa loob ng mahabang panahon.3

Ang konseptong ito ay may kinalaman sa pag-aaral na isinagawa ng mga

mananaliksik, sapagkat, isa ito sa mga dahilan kung bakit nais mangibang-bansa ng

mga magsisipagtapos ng kolehiyo, ginamit ito bilang basehan ng mga mananaliksik sa

pag-babalangkas ng ilan sa mga katanungan sa sarbey na isinagawa.

“Culture Migration” Magmula pa noong dekada 70, ang pilipinas — isang bansang

may humigit kumulang 7,000 isla na may iba-ibang mga etno-lingwistikong grupo —

ay nagpapadala na ng lahat ng uri ng trabahador sa iba't-ibang mauunlad na rehiyon sa

daigdig —“skilled” at “low-skilled”. Noong Disyembre 2004, tinatayang 8.1 milyong

mga Filipino - halos 10 porsiyento ng 85 milyong populasyon ng bansa -- ang nagta-

trabaho o naninirahan sa hindi bababa sa 200 bansa o teritoryo sa labas ng Pilipinas.

Sa isang pelikulang ipinalabas noong 2005 na pinamagatang "La Visa Loca",

ipinakita dito ang masidhing pagsisikap ng isang ordinaryong Filipino para sa

pagkakaroon ng US visa, ang pinaniniwalaang tiket para sa mas magandang buhay. Sa

tunay na buhay, ang pagsisikap na makakuha ng pasaporte ay hindi lamang limitado

sa Estados Unidos. mayroon pang ibang maituturing na lupang pangako sa ibang

rehiyon — ang Middle East, Asia, Europe, Africa, and Oceania — ay kasama na rin

8

3 Florencia C. Domingo, Araling Panlipunan: Batayang Aklat(Pasig City: EdCrisch International, Inc.), 95

Page 13: Tisis Sa Filipino 200

sa mga pinapangarap ng ibang mga Filipino.

Sa nakalipas na 30 taon, umusbong ang tinatawag na "culture of migration",

kung saan hindi lamang libo kung hindi milyong mga Filipino ang may masidhing

pagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa, sa kabila ng mga panganib o peligro na

maaari nilang harapin. Sa isang sarbey na ginawa sa 1,200 mga adult respondents

noong 2002, lumalabas na isa sa bawat limang Filipino ang nagpahayag ng pagnanais

na magtrabaho sa ibang bansa.4

Ang konseptong ito ang naging batayan ng mga mananaliksik upang isagawa

ang pag-aaral na ito, ginamit ito upang ikumpara ng mga mananaliksik kung ang mga

magsisipagtapos ng kolehiyo sa napiling pamantasan ay may kaparehong pananaw sa

iba pang mna mamamayang Filipino na nagging pokus ng mga naunang pag-aaral at

upang patunayan kung mayroon nga talagang “culture migration”.

“Brain Drain” Ang “human capital flight”, o mas mdalas tawagin bilang "brain drain",

ay ang malawakang pag-alis ng malaking bilang o grupo ng mga indibidwal na may

teknikal na kakayahan o kaalaman. Ang dahilan nito ay kadalasang may dalawang

aspeto, ito ay maaaring dahil sa bansa at sa mismong indibidwal. Sa isang bansa, ang

mga dahilan ay maaaring ang sosyal na kapaligiran (social environment) halimbawa

nito ay: kakulangan ng mga oportunidad, hindi matatag na gobyerno, depresyon sa

ekonomiya, mga panganib sa kalusugan, atbp. Samantala, ang ilan naman sa mga

9

4 http://www.google.com/poeareportonmigration

Page 14: Tisis Sa Filipino 200

indibidwal na kadahilanan ay: pamilya, sariling kagustuhan, para makapag-lakbay sa

ibang lugar, para sa ambisyong mapabuti ang kalagayan sa buhay, atbp.

Bagama’t ang terminolohiyang ito ay orihinal na tumutukoy sa pag-alis ng mga

teknolohikal na manggagawa ng isang bansa, mas lumawig ang kahulugan nito

bilang: “ang pag-alis ng mga edukado o mga propesyunal na tao mula sa isang bansa,

sector ng ekonomiya, o larangan para sa ibang oportunidad, na ang kadalasang

dahilan ay para sa mas mataas na kita at mas magandang buhay”. Tinawag itong

“human capital flight” sapagkat kasabay ng pag-alis ng mga indibidwal ay ang

pagkawala din ng halagang katumbas ng mga pagsasanay na naidulot sa kanila ng

bansang kanilang pinag-mulan.5

Naging batayan din ang teoryang ito sa pananaliksik. Sapagkat, ang mga

tagatugon ng mga mananaliksik ay mga magsisipagtapos na siyang magiging mga

bagong propesyunal ng ating bansa. Ito din ang naging batayan sa pag-pili ng mga

tanong sa ipinamigay na mga sarbey kwestyoneyr sa mga tagatugon.

10

Sakop at Limitasyon ng pag-aaral

5 http://www.google.com/braindrainanditseffects

Page 15: Tisis Sa Filipino 200

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Kolehiyo ng Pangangalakal at Palatuusan

(CBAA) na kinapalooban ng mga magsisipagtapos sa taong panuruan 2011-2012.

Binubuo ito ng 20 mag-aaral ng Bastilyer ng Agham sa Palatuusan (BSA) at 80 piling

mag-aaral mula naman sa Bastilyer ng Agham sa Pangangalakal (BSBA). Sa

kabuuan, ang pag-aaral na ito ay kinapalooban ng 100 mga magsisipagtapos sa

nasabing Kolehiyo ng Pamantasang Baliuag.

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga bagay na nakaka-apekto sa

pagpapasya ng mga magsisipagtapos ng kolehiyo ukol sa lugar na mas nais nilang

pagtrabahuhan. Isinaalang-alang din ng mga mananaliksik ang ilang mga bagay sa

pangangalap ng mga datos, tulad ng kasarian ng mga tagatugon. Nag-pokus lamang

ang mga mananaliksik sa mga magsisipagtapos ng kolehiyo sapagkat ang napiling

paksa ng mga mananaliksik ay may kinalaman sa pagpili ng lugar ng hanap-buhay na

isa sa mga bagay na pinag-dedesisyunan ng mga magsisipagtapos bago pa man

dumating ang araw ng kanilang pagtatapos. Kung kaya naniniwala ang mga

mananaliksik na sila ang pinaka-angkop na maging tagatugon ng pag-aaral na ito.

11

Katuturan ng mga Talakay

Page 16: Tisis Sa Filipino 200

Brain drain – Ito ang pag-alis ng mga propesyonal sa isang bansa upang

magtrabaho sa ibang bansa.

Colonial Mentality – Ito ay ang mentalidad na ang kultura ng ibang bansa ay

mas maganda at mas nakaka-angat kay sa kultura ng sariling bansa

Foreign Citizenship – Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng pagkakataon na

maging isang legal na mamamayan ng isang dayuhang bansa. Maari itong makuha ng

isang tao sa pamamagitan ng matagal na paninirahan sa isang dayuhang bansa, pag-

aasawa ng banyaga, o kapag isinilang sa dayuhang bansa.

Migration – ito ang pag-lipat ng tirahan ng isang tao mula sa isang lugar

patungo sa isa pang lugar.

OFW – Overseas Filipino Worker o mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang

bansa.

POEA – Philippine Overseas Employment Agency, isang ahensyang

responsable sa pag-tanggap ng mga trabahador sa ibang bansa.

Pasaporte - Ito ay isang dokumento na inisyu ng gobyerno na nagpapatunay sa

nasyonalidad at pakay ng pag-alis ng may hawak nito. Ilan sa mga impormasyong

makikita ditto ay ang pangalan, kapanganakan, edad, kasarian, at tirahan ng may-ari

nito.

Page 17: Tisis Sa Filipino 200

Pulse Asia – Isa itong organisasyon na itinatag upang masuri kung ano ang

reaksyon ng publiko ukol sa mga isyung politikal, pang-ekonomiya, at kultural.

Skilled laborers – Ito ang tawag sa mga taong may natatanging kakayahan sa

pisikal at teknolohikal na gawain, (hal. welder).

Tubong lugaw – Ito ang tawag kapag ang isang negosyo ay kumikita lamang

ng maliit na halaga.

Under-employed – Ito ang tawag sa mga taong may trabaho na mas mababa sa

lebel kumpara sa kurso niyang pinagtapusan.

Visa – ito ang tawag sa dokumento na nagbibigay pahintulot sa isang tao na

pumasok sa isang teritoryo. Ang pahintulot na ito ay maaaring kinakatawan ng isang

dokumento o ng tatak sa pasaporte ng taong binigyan nito.6

6 http://www.google.com/wikipediafreeencyclopedia

Page 18: Tisis Sa Filipino 200

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura.

Ang mga simulaing ito ay nagsilbing patnubay ng mga mananaliksik sa pagsusuri at

pangangalap ng mga datos na siyang naging daan upang maisagawa at

mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Helen Ramos, sa kanyang pag-aaral na pinamagatang “NSAT

Performance of the Fourth Year Students of Western Tarlac”, ang pangunahin sa

mga kailangang bigyan ng pansin ay ang paglinang ng mga mahuhusay na

mamamayan sa isang bansa. Para sa kanya, ang mga kabataan na may malaking

posibilidad na abutin ang pangarap ng isang bansa ay ang mga nasa kolehiyo.

Gumawa siya ng isang pag-aaral upang: (1.) Matulungan ang mga kabataan na

maging handa para harapin ang mga pagsubok sa mundo ng paghahanapbuhay as

pamamagitan ng “career development program”. (2.) Maging basihan ng mga mag-

aaral para sa kanilang pipiliing hanap-buhay upang mapaunlad ang kanilang saloobin

sa paghahanapbuhay na kinakailangan ng isang kontribyutor sa pagpapaunlad ng

kaniyang buhay at komunidad. (3.) Magkaroon ng pag-intindi at saloobin sa kanilang

14

Page 19: Tisis Sa Filipino 200

15

magiging hanap-buhay at mga kapwa trabahador. (4.) Tulungang malinawan ang mga

estudyante sa iba’t ibang halaga at saloobin ng isang indibidwal at malaman ang

posibleng epekto nito sa kanyang mga desisyon at pagpipilian. (5.) Makapag-bigay ng

mga paraan kung saan maaaring matulungan ng mga guro ang kanilang mga

estudyante sa paghahanda ng epektibong gabay sa pag-unlad ng kanilang saloobin sa

paghahanapbuhay. (6.) Malaman ng mga otoridad at tauhan ng mga kolehiyo at

unibersidad ang kanilang responsibilidad sa paghahanda ng kanilang mga estudyante

para sa kanilang pipiliing propesyon.7

Ayon kay Zenaida M. Martinez, mahalagang malaman kung gaano kalaki ang

pakikipagkumpitensiya ng isang tao sa kanilang hanapbuhay. Kaya sa pamamagitan

ng kaniyang pag-aaral na pinamagatang “Competency of the Graduates of

Katipunan-Based Nonformal Education Program”. Isa sa mga inalam niya ay ang

kaugnayan sa pagitan ng hanap-buhay ng mga nagsipagtapos at sa kanilang naging

pagsasanay. Dapat na pagtuunan ng pansin ng mga tagapagsanay kung paano pa nila

pag-iibayuhin ang kanilang pagtuturo upang mas maging handa ang kanilang mga

estudyante sa mga pagsubok na kanilang kakaharapin sa mundo ng paghahanapbuhay.

At kung hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang pagsasanay sa mga

16

7 Helen Ramos, “NSAT Performance of the Fourth Year Students of Western Tarlac” (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)

Page 20: Tisis Sa Filipino 200

estudyante, kailangan gumawa ang mga tagapagsanay ng mga polisiya na mas

makakatulong sa kanilang mga estudyante.8

Sa mga may balak na magtrabaho sa ibang bansa, anu-ano ang mga programa

ng ating gobyerno para kanila at sa kanilang pamilya? Iyan ang inalam ni Jones A.

Gas-Ib sa kaniyang ginawang pag-aaral na may pamagat na “Government

Programs for Overseas Contract Workers and Their Dependents in the

Cordillera Administrative Region”. Ayon sa kanya, may pagkakaiba sa pagitan ng

pananaw ang mga tagapagpatupad, mga manggagawa sa ibang bansa, at sa mga

pamilya nito. Ang mga ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng mga programang

ito ay ganap ang pakikisangkot sa pagpapatupad ng mga ito. Ang mga programa na

ipinapatupad sa ating bansa ay bahagya lamang na nakakatulong sa komunidad.

Lahat ng programa na kinakailangang madama ang pakikisangkot ng gobyerno ay

mas kailangan ng mga manggagawa sa ibang bansa. At meron ding mga malalaking

problema na nakakaapekto sa pagpapatupad ng mga programang ito.9

17

Kaugnay na Literatura8 Zenaida M. Martinez, “Competency of the Graduates of Katipunan-Based Non-formal

Education Program” (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)

9 Jones A. Gas-Ib, “Government Programs for Overseas Contract Workers and Their Dependents in the Cordillera Administrative Region” (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)

Page 21: Tisis Sa Filipino 200

Ang hanap-buhay ay mahalaga at kadalasang ginugustong parte ng ating

buhay. Higit pa pagpunan ng pangangailangan sa pagkain, masisilungan at iba pang

mahalaga sa ating buhay ang naging tungkulin nito. Pinupunan din nito ang

kahulugan ng layunin, pagsubok, katuparan sa sarili at pagkalinang, kasama din ang

kailangang kita para makapagpartisipa ang isang tao sa ikot ng buhay. Marami sa

mga kalalabasan ng paghahanapbuhay at karera na kakaharapin ng isang tao ay

nakadepende sa kung paano nila gagawin ang kailangan nilang gawin sa kanilang

trabaho; hindi ito tungkol sa kung ano ang bokasyon, propesyon, trabaho o karera na

kanilang pipiliin. Ito ay kung gaano kahalaga ang hanapbuhay para sa kanila, bilang

bahagi ng kanilang buhay.10

Sa isang blog spot sa internet na Answers.com-tagalog, tinalakay ang

katanungan na: “Bakit dapat magtrabaho ang mga Pilipino sa ibang bansa?”

Ayon sa nasabing blog spot, Maraming Pilipino ang nakakapag-isip na

mangibangbayan o maghangad na makapagtrabaho sa ibang bansa dahil sa maraming

bagay. Una dito ang pagkakaroon ng mas mataas na sahod. Marami silang maibibigay

na tulong sa kanilang pamilya. Kaya mas titiisin nalang na malayo sa kanilang mga

mahal sa buhay. Importante mabigyan sila ng maginhawa at magandang kinabukasan.

Pero hindi ko sinasabi na pabor ako na dapat magtrabaho ang mga Pilipino sa ibang

18

10Yehuda Baruch, “Manging Career: Theory and Practice”,_____________, 2004

Page 22: Tisis Sa Filipino 200

bansa kung may pagkakataon din lang sana na makahanap ng magandang trabaho dito

sa ating bansa. Mataas na pasahod na kayang bigyan ng magandang buhay ang

pamilya.11

Lahat tayo ay gustong umasenso, pero ang kahulugan ng asenso ay iba’t iba

para sa iba’t ibang tao at nagkakaiba ang mga ito ayon sa sirkumtansiya. At palaging

nauugnay sa layuning personal, propesyonal, at organisasyonal ang kahulugan nito.

Upang suriin ang tagumpay ng karera mula sa personal na kuru-kuro, maaaring

maging batayan ang “objective measures” o “subjective measures”.

11 http://tl.answers.com/Q/Bakit_dapat_magtrabaho_ang_mga_Pilipino_sa_ibang_bansa

Page 23: Tisis Sa Filipino 200

KABANATA III

Pamamaraan at Pinagkunan ng Datos

Ang kabanatang ito’y inilalahad ang pinanggalingan ng mga datos, ang

pamamaraang ginamit sa pangangalap nito ang disenyo ng pananaliksik at ang

pagtutuos na pang-istatistika o tritment na ginamit sa mga datos na nalikom.

Pinanggalingan ng mga Datos

Ang mga datos na ginamit sa pananaliksik na ito ay nagmula sa mga mag-aaral

na magsisipagtapos sa kursong Bastilyer na Agham sa Palatuusan (BSA) at

Pangangalakal (BSBA) sa Pamantasang Baliwag sa kasalukuyang taong panuruan

2011-2012.

Page 24: Tisis Sa Filipino 200

Binubuo ito ng 182 na mag-aaral: 27 na BSA at 155 na BSBA. Mula dito ay

kumuha ang mga mananaliksik ng 20 BSA at 80 BSBA sa pamamagitan ng random

sampling. Sa kabuuan, mayroong 100 na tagatugon ang pag-aaral na ito.

Kumunsulta din ang mga mananaliksik ng mga aklat sa Araling Panlipunan,

mga di-nalimbag na tisis sa silid aklatan ng Pamantasaang Baliwag at sa Internet

upang mas maging makabuluhan ang pananaliksik na ito.

Pamamaraang Ginamit

Ang sarbey-kuwestyoneyr ang napiling gamitin ng mga mananaliksik

sapagka’t ito ang pinaka-epektibo, pinakamadali at pinakakumbinyenteng paraan ng

pagkuha ng impormasyon.

Ang pamanahong papel na ito ay ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib

analisis. Ang metodololohiyang ito ay isang paraan upang makahanap o makakalap

ng mga impormasyon at makapagbigay ng maayos na interpretasyon ng mga resulta.

Dahil pagpili ng lugar ng hanap-buhay ang napiling paksa ng mga mananaliksik, na

tumatalakay sa kung anu-ano ang gusto at batayan ng mga magsisipagtapos ng

kolehiyo sa pagpili ng lugar kung saan sila magtatrabaho, ang pamamaraang ito ang

pinakaangkop ng gamitin. Ito ay dahil makapagbibigay ito ng maayos na

paglalarawan sa mga nalikom na impormasyon.

Page 25: Tisis Sa Filipino 200

Istatistikal na Tritment ng mga Datos.

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan lamang ng simpleng istatistikal na

pamamaraan. Nagkaroon ng masusi at maingat na pagta-tally ng mga impormasyong

mula sa mg sagot ng mga tagatugon.

Upang mas maging mabisa, gumamit ang mga mananaliksik ng pie-chart at bar

graph bilang representasyon kung saan ang bawat tugon ay may katumbas na

porsiyento.

Sa pagkuha ng porsiyento ng mga tugon ginamit ng mga mananaliksik ang

pormulang ito:

% = n/D 12

Kung saan: % = porsiyento12 http://www.google.com/basicmathformulas

Page 26: Tisis Sa Filipino 200

n = bilang ng tugon

D = kabuuang populasyon

KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat ukol sa impormasyon sa

mga pangunahing dahilan na nakaka-apekto sa pagpapasya ng mga magsisipagtapos

kung saan nila mas nais magtrabaho. Sentro ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na

nasa ika-apat at ika-limang antas ng Bastilyer ng Agham sa Palatuusan (BSA) at

Pangangalakal (BSBA) sa Pamantasang Baliwag.

Nagpakalat ng 100 kopya ng palatanungan ang mga mananaliksik sa Kolehiyo

ng Pangangalakal at Palatuusan (CBAA). Partikular sa mga nasa ika-apat at ika-

limang taon. Gamit ang mga datos na nakalap mula sa mga tagatugon, matagumpay

na nasagot ang mga katanungan ng mga mananaliksik tulad ng mga sumusunod:

Page 27: Tisis Sa Filipino 200

1. Saan mo mas gustong magtrabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral?

Ayon sa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik, lumalabas na mas

malaking porsiyento ng mga tagatugon ang nagsabi na mas nais nilang manatili sa

Pilipinas upang ditto na lamang maghanap-buhay kay sa mangibang-bansa. Sa 100 na

tagatugon, 65 ang nagsabi na mas nais nilang manatili sa Pilipinas. Hindi hamak na

mas malaki ang bilang na ito kumpara sa 35 na nagsabi na mas nais nilang sa ibang

bansa maghanap-buhay. Sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang mga nakuhang

sagot at napag-alaman na 36 sa 65 na pumili sa Pilipinas ay pawing mga babae,

habang 29 naman sa mga ito ay mga lalaki. Samantala, sa 35 naman na mas piniling

sa ibang bansa na lamang magtrabaho, 24 sa kanila ay mga babae at 11 lamang ang

mga lalaki.

Sa unang tingin, masasabi na mas marami ang mga kababaihan na pumili sa

Pilipinas bilang lugar kung saan mas nais nilang magtrabaho kay sa mga kalalakihan.

Page 28: Tisis Sa Filipino 200

Subalit, natural lamang ito sapagkat hindi hamak na mas madami din ang bilang ng

mga kababaihan kay sa mga kalalakihang tagatugon. At kung susuriin lamang ng

mabuti, ay masasabi na mas madami talaga ang bilang ng mga kalalakihan na nag-

nanais na manatili sa ating bansa kaysa mga kababaihan at ito ay masasalamin sa tsart

sa itaas. Kung mapapansin, ang 29 na bilang ng mga lalaki na pumili sa Pilipinas ay

mahigit doble kumpara sa 11 lalaki lamang na pumili sa ibang bansa, habang ang

isang beses lang ang lamang ng mga kababaihan na pumili sa Pilipinas kay sa ibang

bansa.

2. Sa mga pumili ng Pilipinas, narito ang mga bagay na naka-apekto sa desisyon

ng mga tagatugon.

GRAP 2

Page 29: Tisis Sa Filipino 200

Ayon sa pagsisiyasat ng mga mananaliksik, lumagay sa unang pwesto ang

PAGIGING-MAKABAYAN na may 83% na tugon, nangangahulugan lamang ito na

marami pa rin sa mga magsisipagtapos ang makabayan at naniniwala na mas dapat

bigyang prayoridad ang pagsisilbi sa bayan kay sa dayuhang bansa. Pumangalawang

pwesto naman ang PAGIGING-KONTENTO SA SIMPLENG PAMUMUHAY, nag-

tala ito ng 65% na tugon, nangangahulugan lamang ito na kahit paano ay mayroon pa

ring mga kontento na sa mga oportunidad na kayang ipag-kaloob ng ating bansa o

hindi naman kaya ay makapag-tayo ng negosyo kahit tubong-lugaw lamang basta ang

mahalaga ay nakakaraos sa araw-araw. Pumangatlong pwesto naman ang

KAKULANGAN SA KAKAYAHANG MAKIPAGTALASTASAN GAMIT ANG

BANYAGANG WIKA. Nag-tala ito ng 60% na tugon. Base sa resulta,

ipinagpapalagay ng mga mananaliksik na dahil sa kakulangang ito sa kasanayan sa

pag-gamit ng wikang banyaga tulad ng Ingles ay nakaka-bawas sa kompiyansa sa

sarili ng isang estudyante na siyang nagiging dahilan upang maisip nila na wala din

silang pagkakataon na magkaroon ng magandang hanap-buhay sa ibang bansa kahit

tapos siya ng pag-aaral at kahit pa hindi maikakailang mas madaming mga

oportunidad sa ibang bansa kumpara sa ating bansa, kung kaya naman mas pinipili na

lamang nila na manatili sa Pilipinas.

Page 30: Tisis Sa Filipino 200

3. Sa mga pumili ng Ibang Bansa, narito ang mga bagay na naka-apekto sa

desisyon ng mga tagatugon.

GRAP 3

Page 31: Tisis Sa Filipino 200

KABANATA V

Lagom, Kongklusyon at Tagabilin

Ang kabanatang ito ay inilalahad ang kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng

mga mananaliksik. Dito makikita ang pag-bubuod ng kabuoang pag-aaral at ang mga

kongklusyon at tagubilin ng mga mananaliksik.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung saan mas nais

magtrabaho ng mga magsisipagtapos sa Pamantasang Baliwag partikular sa Kolehiyo

ng Pangangalakal at Palatuusan (CBAA) ng taong akademiko 2011-2012 at upang

malaman kung anu-ano ang mga bagay na kanilang isinasaalang-alang sa pagde-

desisyon ukol dito.

Page 32: Tisis Sa Filipino 200

Gumamit ng disenyong deskriptib-analitik ang mga mananaliksik at nagsagawa

ng sarbey sa mga kapwa mag-aaral. Sa kabuuan, mayroong 100 na tagatugon ang

pananaliksik na ito.

Narito ang mga kasagutang nabuo ng mga mananaliksik base sa mga nakalap

na datos:

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, napag-alaman ng mga mananaliksik na

mas marami pa rin sa mga magsisipagtapos ang nais na manatili na laman sa sariling

bansa kay sa makipag-sapalaran sa ibang bayan. Pinatutunayan lamang nito na

marami pa rin ang makabayan sa panahon ngayon. Maliban dito napatunayan din ng

mga mananaliksik na may iba pang mga kadahilanang nakaka-apekto sa kanilang

pagde-desisyon. Una, marami pa rin sa mga magsisipagtapos ng kolehiyo ang hindi

sapat ang kakayahan sa pakikipag-talastasan gamit ang ibang lenguahe kung kaya

nakakabawas ito ng kanilang kompiyansa sa sarili na siyang pangunahing kailangan

sa paghahanap ng trabaho. Ikalawa, mahalaga sa kanila ang relasyon sa pamilya na

isa sa mga katangian nating mga Pilipino kung kaya hindi sila sanay na mapalayo sa

mga ito. Ikatlo, hindi sila sang-ayon sa posibilidad na maging “under-employed” sa

ibang bansa o magkaroon ng hanap-buhay na mas mababa sa kanilang pinagtapusan.

Gayun pa man, may mga nagnanais pa din na mangibang-bansa upang doon

magtrabaho. Sa tulong ng pag-aaral na ito, napag-alaman namin na:

Una, karamihan sa mga tumugon na nais nilang sa ibang bansa magtrabaho ay

may mga kamag-anak na nasa ibang bansa din na maaaring makatulong sa kanila sa

pag-aaplay ng trabaho. Ikalawa, ang paghahangad nila na magkaroon ng mas

Page 33: Tisis Sa Filipino 200

malaking kita at magkaroon ng mas maraming opurtunidad na hindi makikita sa

Pilipinas ay isa din sa kanilang isinasaalang-alang. At ikatlo, bagama’t maliit na

porsiyento lamang, mayroon pa rin ang nagsabi na gusto nila na magkaroon ng

“foreign citizenship” na nagpapatunay laman na may “colonial mentality” talaga ang

mga Pilipino.

Sa kabuuan, naging makabuluhan ang pananaliksik na ito. Napatunayan ng

mga mananaliksik ang ilang mga bagay at nabigyang kasagutan din ang mga

katanungan at suliranin.

Kongklusyon

Sa pagtatapos ng makabuluhang pag-aaral na ito ay nasagot ang aming mga

suliranin. Dahil sa mga pagsisiyasat, napag-alaman namin na mas nakararami pa rin

sa mga magsisipagtapos mula sa CBAA ang nag-nanais na manatili sa ating bansa

upang magtrabaho. Pinatunayan lamang nito na kahit paano ay marami pa rin sa atin

ang makabayan. Napatunayan din ng pag-aaral na ito na mahalaga sa ating mga

Pilipino ang relasyon natin sa ating pamilya kung kaya’t kahit limitado lamang ang

mga oportunidad sa ating bansa kumpara sa iba ay kontento pa rin tayo sa pananatili

sa ating bansa kasama ang mga nagpapasaya sa atin. Isinasaalang-alang din ng

marami sa mga magsisipagtapos ang kanilang kasanayan sa pakikipag-talastasan

gamit ang wikang banyaga kung kaya’t iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

pagpapalawig sa paraan ng pag-tuturo ng mga asignaturang kaugnay nito.

Page 34: Tisis Sa Filipino 200

Sa kabilang dako, mayroon din naming mga nagnanais pa din na mangibang-

bansa upang doon magtrabaho at kapansinpanis na karamihan sa kanila ay may mga

kamag-anak na sa ibang bansa kung kaya ito ang kanilang naging pasya bukod pa sa

kadahilanan na mas naghahangad sila ng mas magagandang opurtunidad at mas

malaking kita. Mayroon din naming nagnanais na makatagpo ng mapapangasawang

banyaga at magkaroon ng “foreign citizenship” bagaman maliit na porsiyento lamang.

Sa kabuuan, mas maraming bilang pa rin ng mga magsisipagtapos sa CBAA

ang ayaw makipag-sapalaran sa ibang bansa sapagka’t batid nila na walang

kasiguraduhan na may magandang bukas nga na naghihintay sa kanila sa dayuhang

lupa. At hindi din sila sang-ayon sa posibilidad na magkakaroon ng mas mababang

uri ng hanap-buhay sa ibang bansa kumpara sa tinapon nilang kurso dito sa ating

bansa. Subalit, mayoon din naming handing sumugal para sa mas malaking kita at

mas magandang opurtunidad na mapaganda ng antas ng kanilang pamumuhay at sa

kanilang pananaw ay sa ibang bansa nila ito matatagpuan.

Page 35: Tisis Sa Filipino 200

Mga Tagubilin

Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

ilang tagubilin:

Sa mga Mag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ng

Pangangalakal at Palatuusan (CBAA). Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

pagsasagawa ng kaparehong pag-aaral na kapapalooban ng mas malaking populasyon

para sa mas makabuluhang resulta.

Iminumungkahi din ang pagsasagawa ng mga kaugnay na pag-aaral para sa iba

pang departamento at kolehiyo ng Pamantasang Baliwag para maikumpara kung

Page 36: Tisis Sa Filipino 200

mayroon mang kapansin-pansin na pagkakaiba o pagkakatulad pagdating sa kanilang

pagpapasya.

Page 37: Tisis Sa Filipino 200

MGA DAHONG DAGDAG

Page 38: Tisis Sa Filipino 200

TALASANGGUNIAN

TALASANGGUNIAN

AKLAT

Michael DC. Rama et.al., PILIPINAS: Isang Sulyap at Pagyakap,(Makati City: EdCrisch International, Inc.), 46

Florencia C. Domingo, Araling Panlipunan: Batayang Aklat(Pasig City: EdCrisch International, Inc.), 95

TISIS

Helen Ramos, “NSAT Performance of the Fourth Year Students of Western Tarlac” (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)

Zenaida M. Martinez, “Competency of the Graduates of Katipunan-Based Non-formal Education Program” (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)

Page 39: Tisis Sa Filipino 200

Jones A. Gas-Ib, “Government Programs for Overseas Contract Workers and Their Dependents in the Cordillera Administrative Region” (di-nalimbag na tisis: Baliuag University, Baliwag, Bulacan)

MAGASIN

Yehuda Baruch, “Manging Career: Theory and Practice”,_____________, 2004

INTERNET

http://www.migrationinformation.org

http://www.google.com/poeareportonmigration

http://www.google.com/braindrainanditseffects

http://www.google.com/wikipediafreeencyclopedia

http://www.google.com/basicmathformulas

http://tl.answers.com/Q/Bakit_dapat_magtrabaho_ang_mga_Pilipino_sa_ibang_bansa

Page 40: Tisis Sa Filipino 200

KURIKULUM BAYTA

Jerome Paguio Dela CruzAddress: Zone 6 Masalipit, San Miguel, BulacanNumero: 09099630670 | Email: [email protected]

PANSARILING TALA

Araw ng Kapanganakan: Hulyo 23, 1993Kasarian: LalakiRelihiyon: Katoliko

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL

KOLEHIYOBALIUAG UNIVERSITY 2009 – KasalukuyanBaliwag, Bulacan BS in BUSINESS ADMINISTRATIONMajor in Management Accounting

Page 41: Tisis Sa Filipino 200

SEKONDARYAJOHN J. RUSSELL MEMORIAL HIGH SCHOOL 2005 – 2009San Miguel, Bulacan 3rd Honorable Mention

ELEMENTARYASIBUL ELEMENTARY SCHOOL 1999 – 2005San Miguel, Bulacan 4th Honorable Mention

KARANGALAN

3rd Honorable Mention – John J. Russell Memorial High School 20094th Honorable Mention - Sibul Elementary School 2005

AKTIBIDAD

Management Accounting Society (MAS) 2011 - KasalukuyanMiyembro

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) 2009 - KasalukuyanMiyembro

Business Administration and 2009- KasalukuyanAccountancy Students Association (BAASA) Miyembro

JEROME P. DELA CRUZ Mag-aaral

Raymond Tubangui AbalosTirahan: 155 Purok 2 Barit, Candaba, PampangaNumero: 09351598660 | Email: [email protected]

PANSARILING TALAAraw ng Kapanganakan: Disyembre 12, 1992Kasarian: LalakiRelihiyon: Katoliko

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL

KOLEHIYOBALIUAG UNIERSITY 2009 – KasalukuyanBaliwag, BulacanBS in BUSINESS ADMINISTRATIONMajor in Management Accounting

Page 42: Tisis Sa Filipino 200

SEKONDARYASAINT JOSEPH SCHOOL OF CANDABA 2005 - 2009Tenejero, Candaba, PampangaSalutatorian

ELEMENTARYABARIT ELEMENTARY SCHOOL 1999 - 2005Barit, Candaba, PampangaValedictorian

KARANGALAN

Salutatorian - Saint Joseph School Of Candaba 2009Valedictorian - Barit Elementary School 2005

AKTIBIDAD

Business Administration And Accountancy 2011-KasalukuyanStudents Association (BAASA)Miyembro

Management Accouting Society 2011-KasalukuyanP.R.O.

Sangguniang Kabataan 2010-KasalukuyanKagawad

RAYMOND T. ABALOS Mag-aaral

Marvin Morella VillangcaTirahan: 206 Dr. Guizano St., Capihan, San Rafael, BulacanNumero: 09231610168 | Email: [email protected]

PANSARILING TALA

Araw ng Kapanganakan: Agosto 26, 1992Kasarian: LalakiRelihiyon: Iglesia Ni Cristo

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL

KOLEHIYOBALIUAG UNIVERSITY 2009 – KasalukuyanBaliwag, BulacanBS in BUSINESS ADMINISTRATION

Page 43: Tisis Sa Filipino 200

Major in Management Accounting

SEKONDARYAMARIANO PONCE NATIONAL HIGH SCHOOL 2005 – 2009Baliwag, Bulacan

ELEMENTARYASAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL 1999 – 2005San Rafael, Bulacan Salutatoriyan

KARANGALAN

Dean’s Lister (2011 – 2012) - Baliuag University March 17, 2011Salutatoriyan - San Roque Elementary School 2005

AKTIBIDAD

Management Accounting Society (MAS) 2011 - KasalukuyanMiyembro

Students In Free Enterprise (SIFE) 2011 - KasalukuyanMiyembro

Business Administration and 2009-KasalukuyanAccountancy Students Association (BAASA)Miyembro

MARVIN M. VILLANGCA Mag-aaral

Edgardo Abantodela Cruz Jr.Tirahan: 672 Aguilar St.,Caingin, San Rafael, BulacanNumero: 09279483983| Email: [email protected]

PANSARILING TALA

Araw ng Kapanganakan: August 15,1993Kasarian: LalakiRelihiyon: Baptist

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL

KOLEHIYOBALIUAG UNIERSITY 2009 – KasalukuyanBaliwag, BulacanBS in BUSINESS ADMINISTRATIONMajor in Management Accounting

Page 44: Tisis Sa Filipino 200

SEKONDARYAGRACE CHRISTIAN ACADEMY 2005 - 2009Sabang, Baliwag, Bulacan

ELEMENTARYAGRACE CHRISTIAN ACADEMY 1999 - 2005Sabang, Baliwag, Bulacan

KARANGALAN

Salutatoriyan - Grace Christian Academy 2009

AKTIBIDAD

Management Accounting Society (MAS) 2011-KasalukuyanMiyembro

Business Administration and Accountancy 2009-KasalukuyanStudents Associtaion (BAASA)Miyembro

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) 2009 - KasalukuyanMiyembro

EDGARDO A. DELA CRUZ JR. Mag-aaral

Mark Anthony Robles LazaroTirahan: 047 Rose St., Sulivan, Baliwag, BulacanNumero: 09261318077| Email: [email protected]

PANSARILING TALA

Araw ng Kapanganakan: Pebrero 8, 1993Kasarian: LalakiRelihiyon: Katoliko

IMPORMASYON UKOL SA PAG-AARAL

KOLEHIYOBALIUAG UNIERSITY 2009 – KasalukuyanBaliwag, BulacanBS in BUSINESS ADMINISTRATIONMajor in Management Accounting

Page 45: Tisis Sa Filipino 200

SEKONDARYAMARIANO PONCE NATIONAL HIGH SCHOOL 2005 - 2009Baliwag, Bulacan

ELEMENTARYATILAPAYONG ELEMENTARY SCHOOL 1999 - 2005Baliwag, Bulacan

AKTIBIDAD

Business Administration And Accoutancy 2011-KasalukuyanStudents Association (BAASA)Pangalawangingat-Yaman

Sangguniang Kabataan 2010-KasalukuyanKagawad

Mnistry Of Altar Servers 2006-KasalukuyanMiyembro

MARK ANTHONY R. LAZARO Mag-aaral