15
1 FILIPINO 1 GIFTED/TALENTED DOMAIN PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard) PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard) BATAYANG KASANAYAN Kasanayang Ponolohiya naipamamalas ang pag-unawa na ang mga salita ay binubuo ng mga tunog na may katumbas na tiyak na titk sa alpabeto. nakikilala at nagagamit ang mga tunog ng mga titik upang makAbuo ng salita. natutukoy at nabibigkas ang wastong tunog ng bawat letra ng alpabetong Filipino; - (mga titik na hindi naituro sa MT) - Alpabetong Filipino - patinig - katinig - kambal katinig - diptonggo (aw,ew,iw,ow,uw/ay,ey,iy,o y,uy). naiiugnay ang bawat tunog sa letrang kumakatawan nito nakikita ang kaibahan ng mga tunog na napakinggan nabibigkas ang mga salita na binubuo ng mga; - kambal-katinig/klaster - diptonggo. natutukoy ang unahan/ gitna/ hulihang tunog ng mga salita.

Filipino 1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino 1

Citation preview

Page 1: Filipino 1

1

FILIPINO 1 GIFTED/TALENTED

DOMAIN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

(Performance Standard)

BATAYANG KASANAYAN

Kasanayang Ponolohiya

naipamamalas ang pag-unawa na ang mga salita ay binubuo ng mga tunog na may katumbas na tiyak na titk sa alpabeto.

nakikilala at nagagamit ang mga tunog ng mga titik upang makAbuo ng salita.

natutukoy at nabibigkas ang wastong tunog ng bawat letra ng alpabetong Filipino;

- (mga titik na hindi naituro sa MT) - Alpabetong Filipino - patinig - katinig - kambal katinig - diptonggo (aw,ew,iw,ow,uw/ay,ey,iy,o y,uy).

naiiugnay ang bawat tunog sa letrang kumakatawan nito

nakikita ang kaibahan ng mga tunog na napakinggan

nabibigkas ang mga salita na binubuo ng mga; - kambal-katinig/klaster - diptonggo.

natutukoy ang unahan/ gitna/ hulihang tunog ng mga salita.

Page 2: Filipino 1

2

nasasabi ang mga tunog na katinig/ patinig na pinagsama sa napakinggang pantig o salita

nadadagdagan, nababawasan o napapalitan ang isang tunog upang makabuo muli ng panibagong salita ( Add, delete or change target sounds to change words).

o Pagpapalit - baka - saka o Pagdaragdag - baka - a+baka o Pagbabawas - hanay (-h) - anay.

napapantig ang mga salita (may kakayahang bilangin ang pantig ng isang salita) nabibilang ang pantig ng isang salita

natutukoy ang mga salitang magkakasintunog

Palabigkasan at Pagkilala sa Salita

nauunawaan na ang mga nakalimbag na salita ay binubuo ng mga letra na may kanya-kanyang tunog at pinagsama-

nagagamit ang iba't ibang istratehiya sa pag-unawa ng mga salita.

nakikilala at nababasa ang mga salita gamit ang mga;

- palatandaang konpigurasyon - biswal na hudyat

o tunay na bagay o larawan

- palatandaang nagbibigay kahulugan (ayon sa gamit sa pangungusap)

Page 3: Filipino 1

3

sama upang makabuo ng mga salitang may kahulugan.

nasasabi ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay/larawan/titik/pantig /salita Ayon sa anyo/hugis/kulay/kayarian

nababasa sa unang kita ang mga pangalan/label ng mga bagay/larawan sa silid-aralan

nababasa ang mga salitang madalas makita sa paligid tulad ng label/pananda/billboards/logo

nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng nabasang pananda/patalastas/babala/ paalala na nakikita sa mga pribado/pampublikong lugar.

natutukoy ang mga titik,salita, at mga pangungusap sa binasang kuwento/tula/teksto

nakapag-uuri-uri ng mga salita ayon sa kaisipang ipinahihiwatig

nababasa ang mga magkakatulad/ magkakaibang salita sa pangkat

nauunawaan na ang pagkakaayos ng mga titik ng isinulat na salita ay kumakatawan sa pagkakaayos ng mga titik ng binibigkas na salita

nakasasanayang basahin ang mgakaraniwang salita tulad ng ang mga at si

Page 4: Filipino 1

4

nagagamit ang kaalaman sapalabigkasan upang mabasa ang mga hindi kilalang salita

nakikilala ang susing salita sa bawat pangungusap na nabasa

nababasa ang mga salita/parirala/pangungusap nang malakas at may tatas

WIKANG BINIBIGKAS

nauunawaan nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita upang ipahayag ang sariling ideya, kaisipan,

nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita upang ipahayag ang sariling ideya, kaisipan

nakikinig nang mabuti sa nagsasalita: - nauulit at nabibigkas nang wasto ang mga

salitang napakinggan. - natutukoy ang mga mahahalagang

pangyayari sa napakinggang teksto - naiiugnay ang sariling karanasan sa

napakinggang teksto - natutukoy ang damdaming

ipinahihiwatig - nakakasali sa isang usapan - naiipahahayag nang maayos ang mga

sariling pangangailangan at mga kagustuhan

nabibigkas nang may tamang diin at intonasyon ang mga tugma/ tula

Napalalawak ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay-halaga

nasusuri ang mga impormasyon upang maunawan, makapagbigay kahulugan, at mapahalagahan

nakapagbibigay ng maikling panuto. nakapagbibigay ng panuto gamit ang simpleng

mapa

nasasabi ang mensahe ng dipasalitang panuto (pakitang kilos) ng nagsasalita

naisasalaysay muli ang tekstong napapakinggan

Page 5: Filipino 1

5

sa mga kaisipan o paksang napakinggan

ang mga tekstong napakinggan at makatugon ng maayos.

nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig

napag-uusapan ang damdaming ipinahihiwatig ng mga tauhan sa kuwento, dayalogo, tula o awit na napakinggan

nasasabi at napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang kuwento sa tulong ng;

- Character Map - Venn Diagram

napagsusunod-sunod ang mga detalye ng napakinggang teksto sa pamamagitan ng larawan/pamatnubay na mga tanong/timeline/kadenang kuwento

naikukuwento nang pabigkas ang napakinggang teksto sa pamamagitan ng Story Grammar/CABLA – Story.

nailalarawan ang isang tao/ bagay/ lugar/ pangyayari ayon sa larawan/napanood na palabas;

- Maikling video tungkol biodiversity/ climate change

nahuhubog at napa-uunlad ang kasanayang mag-isip at

nakikinig nang may pagsusuri upang ipahayag nang wastong ideya,

napag-uusapan ang mga personal na karanasan nang may tamang pagkakasunod sunod

naibibigay ang sariling ideya

Page 6: Filipino 1

6

kakayahang mangatwiran sa pamamagitan ng pakikinig upang magamitn nang wasto at angkop ang pasalita at di pasalitang pahiwatig.

damdamin, kaisipan at karanasan na may kaugnayan sa napakinggang teksto.

damdamin/pananaw sa napakinggang teksto/balita.

naibabahagi ang mga obserbasyon sa silid-aralan, sa paaralan, sa tahanan at sa pamayanan.

Hal. Climate Change Traffic Safety

naikukuwento/naibibigay ang maaaring epekto ng isang pangyayari (tulad ng Climate Change) sa pamamagitan ng dula-dulaan

Gramatika

Naipakikita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pasalita at di-pasalitang pakikipagtalastasan.

nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pananalita sa mabisang pakikipagtalastasan upang ipahayag ang sariling ideya, damdamin at karanasan.

nakabubuo ng mga wasto at payak na pangungusap kapag pinag-uusapan ang mga personal na karanasan.

nakagagamit ng tamang pangngalan sa pagkukuwento tungkol sa pamilya o kaibigan at isang indibidwal.

naipahahayag ang mga impormasyon tungkol sa sarili gamit ang pangngalan;

- Sarili a. pangalan b. gulang c. tirahan - Pamilya a. tatay, nanay, b. kapatid at iba pa

Page 7: Filipino 1

7

natutukoy ang salitang ngalan; - Tao - Hayop - Bagay - Bahagi ng computer - Gamit sa ICT - Pook - Ngalan ng araw/buwan.

napag-uuri-uri ang mga salitang ngalan

nagagamit nang wasto ang mga panandang ang/ang mga sa pagtukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook.

nagagamit nang wasto ang salitang at sa pag-ugnay ng ngalan ng tao, hayop, bagay at pook.

nagagamit nang wasto ang si/sina sa pagtukoy ng tanging ngalan ng tao.

nagagamit nang wasto ang pandang kay sa pagtukoy ng tanging may-ari ng bagay

nakagagamit ng tamang pananalitang pang direksyon (ng mga tamang directional terms)

nagagamit ang mga salitang ito, iyan, iyon sa pagtukoy ng mga bagay o hayop.

nagagamit sa pangungusap o usapan ang ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo at sila

natutukoy ang mga salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay at pook

nagagamit nang wasto ang mga salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay at pook

Page 8: Filipino 1

8

nasasabi at nagagamit ang mga salitang naglalarawan nghugis,dami at bilang ng mga bagay o tao

nasasabi ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa tulong ng larawan/sitwasyon

naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng paggagagad at pagtukoy sa kilos

nagagamit sa pangungusap o usapan ang angkop na salitang kilos

Pag-unlad ng Bokabularyo

nauunawaan ang isang salita sa pamamagitan ng pagsusuri ng kayarian nito upang magamit nang wasto at angkop sa pakikipagtalastasan

nagagamit ang iba't ibang istratehiya sa pagpapaunlad ng talasalitaan at magamit ang mga ito sa pakikipagtalastasan

nakagagawa ng tanong tungkol sa mga di kilalang salita upang malaman ang kanilang kahulugan

natutukoy ang kahulugan ng di-pamilyar/ bagong salita batay sa;

- kumpas o galaw - ekpresyon ng mukha - paggagagad - ugnayang salita-larawan - gamit ng mga salita

kayarian - salitang-ugat at panlapi

katangian - kasingkahulugan - magkasalungat na kahulugan - homonyms.

naiuugnay ang mga salita at mga kaisipan na

Page 9: Filipino 1

9

napag-aralan sa aklat sa dating kaalaman.

nagagamit ang angkop na salita sa pakikipagtalastasang pasalita o pasulat

Kaalaman sa Aklat at Limbag

nagkakaroon ng kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang limbag ay nakakatulong sa wasto at naayon sa teksto.

nasusuri ang mga nakalimbag na teksto bilang paghahanda sa pormal na pagbabasa.

natutukoy ang pamagat, awtor at may guhit ng teksto/kuwento

nauunawaan ang gawain ng mga awtor at illustrator

naituturo ang simula at katapusan ng pangungusap/talata/kuwento

nasusundan ang teksto ayon sa tama nitong pagkakaayos: bawat pahina, mula kaliwa hanggang kanan, mula itaas pababa.

nauunawaan at nagagamit nang tama ang mga salitang tumutukoy sa kalakaran ng paglimbag: aklat, pabalat, panumila, katapusan, pahina, salita, titik, linya.

nasusundan ang pagkakasulat ng teskto, mula sa kaliwa papunta sa kanan at mula sa itaas pababa.

nauunawaan ang ugnayan ng teksto at ng mga larawan sa aklat

nauunawaan na ang mensahe ng aklat ay nasa teksto at hindi nasa larawan.

nakikilala ang malaki at maliit na titik sa isang hanay ng teksto

natutukoy ang mga salita sa teksto

natutukoy ang mga pangungusap sa isang teksto

natutukoy ang simula at katapusan ng pangungusap

Page 10: Filipino 1

10

naipaliliwanag ang gamit ng malaking titik sa isang pangungusap

nasasabi ang kahalagahan ng bantas sa isang teksto

nakilala ang letter order

natutukoy ang ayos at estruktura ng tugma at ng mga nakaayos na teskto kapag nagsasalaysay o tumutula.

maunawaan na ang mga nakalimbag na teksto ay may kahulugan at kumakatawan sa mga binibigkas na wika

Pag-unawa sa Pinakinggan

Napapalawak ang kasanayan sa pakikinig, pagsusuri ng mga napakinggang teksto upang makatugon nang mabilis at wasto.

nakikinig at nauunawaan ang mga pasalita o di-pasalitang pagpapahayag upang makatugon nang naayon.

Ang mag-aaral ay…

naiuugnay ang mga personal na karanasan sa mga napakinggang kuwento.

Nakikinig nang mabuti sa mga aklat/tekstong binasa upang

- Maisalaysay sa sariling salita ang napakinggan - Maiulat nang malinaw ang napakinggan

nakasusunod sa maikling panutong napakinggan may 2 o higit pang pangungusap

nahuhulaan ang nilalaman ng teksto batay sa pabalat/pamagat ng aklat.

nagtatanong at sumasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan.

nagagamit ang mga naunang kaalaman sa pag-unawa ng pinakikinggang kuwento.

nakagagawa ng tuwirang ugnayan sa pagitan ng nakasulat at binibigkas na salita.

nailalarawan ang mga tauhan sa kunwentong narinig (ayon sa kanilangmga katangian, mga

Page 11: Filipino 1

11

pagkakapareho at pagkakaiba).

Naibibigay ang paksa ng kuwento/impormasyong napakinggan

nakapagbibigay ng sariling hinuha bago, habang at pagkatapos mapakinggan ang teksto.

nakapagbibigay ng sariling hula sa maaring mangyari sa kuwentong napakinggan

naiguguhit ang paboritong parte ng napakinggang teksto.

naisasakilos ang tula/awit/tugma na napakinggan

Pag-unawa sa Binasa

naipamamalas ang maayos na pagbasa upang maunawaan ang mensaheng ipinahihiwatig ng tekso.

nababasa ang mga teksto upang makatugon nang naaayon

nakasusunod sa mga panutong nakalimbag.

Nabibigyang kahulugan ang mga pananda/logo/babala na mababasa

naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan

nasasabi ang diwang nakapaloob sa binasang pangungusap/maikling talata o kuwento.

nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto.

natutukoy at nailalarawan ang mga tauhan sa kuwento ayon sa sinabi/ikinilos

napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong binasa sa pamamagitan ng mga larawan/pangungusap

nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa maikling talatang binasa

nakapagbibigay ng sariling wakas sa kuwentong binasa.

napag-uugnay ang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang talata/teksto.

Page 12: Filipino 1

12

Tatas nakikinig nang wasto at nakatutugon nang angkop at wasto

naipapahayag ang ideya/kaisipan/damdamin nang may wastong tono at diin

nababasa ang mga salita/pangungusap/maikling talata nang may tamang bilis, diin at intonasyon

naisusulat nang malinaw at wasto ang mga titik/salita/parirala/ pangungusap

napahahalagahan ang wastong pagbaybay ng mga salita para sa malinaw na paglalahad ng mensahe.

naisusulat ang mga salita ng may wastong baybay.

naisusulat ang mga bagong salita sa pamamagitan ng invented o developmental spelling.

naisusulat nang wasto ang mga pantig/salita/pangungusap na idinikta.

naisusulat ang mga salita na may wastong baybay - tatlo o apat na apat na pantig - batayang talasalitaang pampaningin - natutunang salita mula sa mga Aralin

Pagsusulat Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat at paggamit sa mga pamantayan sa pagsulat.

Nagkakaroon na panimulang kasanayan sa maayos na pagsulat ng palimbag at sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat.

naisusulat ang mga titik ng alpabeto(mga hindi naituro sa MT) nang may wastong porma o hugis

nasisipi ang malaki/maliit na titik

naisusulat ang label, captions sa mga larawan, tsart at mga bagay.

nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na titik at mga bantas sa pagsulat ng;

- impormasyon tungkol sa sarili

Page 13: Filipino 1

13

Komposisyon nauunawaan kahalagahan ng pagsulat ng isang komposisyon ay may iba't ibang layunin.

Naipamamalas ang kakayahang maisulat nang wasto at maliwanag ang damdamin, ideya, kaisipan at sariing karanasan sa mga tiyak na layunin.

naiintindihan na may saysay ang tekstong nakasulat.

nakapagbabahagi ng kaugnay napangungusap sa kuwentong isinusulat ng klase

naiguguhit ang kuwentong ginawang klase/paboritong pangyayari sa kuwentong napakinggan o nabasa.

nasisipi ang salita/mailking pangungusap mula sa huwaran

nakasusulat ng mga salita ng may sapat na ispasyo

nakasusulat ng isang talaan/maikling pangungusap/talata upang maipahayag ang sariling damdamin at ideya.

nakakapagpahayag ng sariling karanasan, damdamin at ideya sa pamamagitan ng maikling pangungusap o talata.

nagagamit ang angkop na salita at bantas sa pagpapahayag ng ideya, karanasan, kaalaman, damdamin

nakagagamit nang angkop na salita upang maipahayag ang sariling ideya, karanasan, kaalaman o damdamin.

nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang bagay/ larawan/pangyayaring nasaksihan/napakinggan/nabasa

Pakikitungo sa Wika, Literasi at Panitikan

napapahalagahan ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag ng damdamin, karanasan, kultura at kaalaman.

nagagamit ang kaalaman kaalaman sa wikang binibigkas at literasi upang maipahayag ang sariling kaisipan, karanasan at damdamin at maiugnay ang

mapahalagahan ang mga mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng maayos na pakikinig

nakapipili ng angkop na aklat batay sa sariling pangangailangan

naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang maisaloob, patuloy na maisagawa at maitaas ang antas ng ang pakikipagkapwa-tao

Page 14: Filipino 1

14

mga nabasa/narinig sa sariling iskima.

naipamamalas ang paggalang sa edad, kasarian at kultura ng awtor nang narinig/nabasang awit/tula/kuwento

naipakikita ang pagkahilig s pagbasa sa pamamagitan ng

- pagpili ng sariling aklat na babasahin - paggamit ng mga resources sa silid-aklatan

makagawa ng portfolio ng mga drowing at mga sulatin upang magamit sa pakikipagtalastasan

Mga istratehiya sa Pag-aaral

Naipapamalas ang lubusang pagkaunawa na may mga istratehiya sa pag-aarla na magagamit upang makakuha ng mga bagong impormasyon at mapalawak ang dating kaalaman

Napipili ang gagamiting pamamaraan/mga pamaaraan ng pagtuklas ng bagong kaalaman o pagpapayaman ng dating kaalaman

natutukoy ang mga bahagi ng aklat at ang kahalagahan ng bawat isa - Talaan ng Nilalaman - (Talahuluganan)Glossary

nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng aklat upag matugunan ang pangangailangan

Nakasusunod nang wasto sa mga panuto

Napagsunud-sunod ang mga salita batay sa alpabeto

Naibibigay ang kahulugan ng mga pictograph

Nabibigay ang kahulugan ng mga simpleng mapa ng mga pamilyar na lugar

Nakagagamit ng graphic organizers pagtatala ng mga impormasyon mula sa tekstong napakinggan/nabasa

Page 15: Filipino 1

15

Natutukoy ang mga nakikita sa silidaklatan at ang kahalagahan ng bawat isa

Nakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatan

MEMBERS:

PAQUITO A. FIGUERO JR. MERLE C. FONTANILLA RONALDO B. BOLLOSA

ANTONIA P. ARIAS MA. LENY T. BALLESTEROS