PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA GAWI AT KILOS
NG MGA KABATAANG PILIPINO
Isang pananaliksik na iniharap kay Gng. Jennette Lozano, Bilang bahagi ng
pagtupad sa mga kinakailangan sa pag-aaral ng asignaturang
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik
(FILIPINO 102)
Espinar, Dianna Rose P.
Gumarao, Emilyn B.
Nebab, Gerome O.
Perocho, Mary Jane L.
Ursal, Kimberly V.
Velarde, Jasmine B.
Marso 30, 2012
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PAMAGAT : ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA GAWI AT KILOS
NG MGA KABATAANG PILIPINO
PASASALAMAT …………………………………………………………………. i
PAGHAHANDOG ………………………………………………………………... ii
KABANATA I
Panimula at Sandigan ng Pag-aaral
Rasyunal ……………………………………………………………. 1 - 3
Layunin …………………………………………………………….. 3 - 4
Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………….. 4 - 5
Saklaw at Delimitasyon ………………………………………….... 5
Pagpapakahulugan sa mga Terminong ginamit …………………… 6
Kaugnay na Literatura …………………………………………...... 7 - 9
Metodolohiya …………………………………………………….... 9 - 10
KABANATA II
Pagtalakay ng mga Suliranin ……………………………………………………. 11 - 20
KABANATA III
Pagbubuod, Konklusyon at Rakomendasyon
Pagbubuod …………………………………………………………. 21
Konklusyon ………………………………………………………… 22 - 23
Rekomendasyon ……………………………………………………. 23 - 24
APENDIKS ………………………………………………………………………... 25 - 26
BIBLIOGRAFI ………………………………………………………………........ 27
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga tumulong, sumuporta at gumabay
sa paggawa ng tesis na ito.
Una, sa ating Poong maykapal, sa kanyang pagkanlong at pag-gabay. Sa kanyang pagbibigay ng
sapat na katalinuhan at kakayahan, maging sa mga pagpapalang aming natatanggap sa lahat ng oras. Kay
Gng. Jennette Lozano, na aming propesora sa asignaturang ito, sa kanyang walang sawang paggabay,
pagtuturo at pagbibigay suhistyon upang maging tama at maayos ang pananaliksik na aming isinagawa.
Kay Dr. Wendeline Sacramento ang Dekana ng Kagawaran ng Sining at Agham na sumuporta at
sumang-ayon sa suliraning ito.
Para sa aming mga magulang na walang sawang sumuporta sa pinansyal at pagbibigay pangaral
sa amin. Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik na ito, kaya
tanggapin po ninyo an gaming taos pusong pasasalamat.
Mga Mananaliksik.
Dianne
Emzs
Rhome
Emjhay
Khim
Jhazs
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
PAGHAHANDOG
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga kapwa mag-aaral upang magbigay ng karagdagang
kaalaman at inspirasyon sa kanilang pag-aaral.
_________________________________
Diana Rose P. Espinar
Inihahandog ko ang tesis na ito sa mga kapwa ko kabataan upang maipabatid ang napapanahong
paksa kung saan sila ay kasangkot.
________________________________
Emilyn B. Gumarao
Inihahandog ko ang tesis na ito sa Panginoon, sa aking mga magulang at mga kapatid na aking
nagging inspirasyon. Inihahandog ko rin ito sa aking mga guro at mga kaibigan sa kanilang walang
sawang pag-suporta.
_______________________________
Gerome O. Nebab
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga ka-grupo, kamag-aral, sa aking mga magulang at
higit sa lahat sa aking sarili.
______________________________
Mary Jane L. Perocho
Inihahandog ko ang tesis na ito sa ating Poong maykapal, sa aking magulang, sa aking mga guro,
mga ka-grupo at kapwa ko kabataan at mga kamag-aaral.
______________________________
Kimberly V. Ursal
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga ka-henerasyon upang higit nilang maunawaan ang
salitang “NASYONALISMO” at siyempre handog ko rin ito sa ating Inang Bayan.
______________________________
Jasmine B. Velarde
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
KABANATA 1
Panimula at Sandigan ng Pag-aaral
1.1 Rasyunal
Ang bansang Pilipinas ay maituturing na mayamang bansa kung ang pagbabatayan ay ang mga
likas-yamang taglay nito. Kung susumahin ang maaaring nakapaloob na yaman sa pitong libo, isang
daan at pitong (7,107) pulo kasama ang malalawak na anyong tubig nito ay mapatutunayang hindi aba
ang bansa. Kung titignan rin ang kultura ng Pilipinas ay sadyang mayaman at makulay ito. Ang mga
bagay na ito marahil ang dahilan kung bakit nagkaroon ng interes ang mga dayuhan na ipaisailalim ang
bansa sa kanilang kapangyarihan. Maraming lahi ng dayuhan ang kabilang sa listahan ng mananakop ng
bansa, kabilang dito ang Estados Unidos, Espanya at Hapon.
Ang panahon ng pagkasailalim ng bansa sa kamay ng mga dayuhan noong mga nagdaang siglo
ay maituturing na kolonyal, o ang pananakop sa aspeto ng paraan ng pamumuno at pagpapaunlad ng
sinasakop na bansa. Sa kasalukuyan, bagama’t itinuturing ng malaya ang bansa ay mayroon pa ring
pananakop ang dito ay nagaganap. Ito ay hindi tuwirang pananakop na tinatawag na neo-kolonyalismo.
Sa pag-aaral ng agham-pampulitika, ang neo-kolonyalismo ay patungkol sa pananatili ng kontrol ng
isang dating kolonyalista. Ito ay sa pamamagitan ng mas malumanay at patagong (subtle) pamamaraan
at pagmamanipula sa isang bansa. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng
tunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita mula sa negosyo. Pinalalakas pa nito ang
imperyalismo sa usaping pang-ekonomiya, pulitika, ideolohiya, at militar na paninindigan ng isang
bansa. Ang mga bansang Estados Unidos at Hapon ay larawan ng neo-kolonyalismo sa mga bansa sa
Asya lalo na sa larangan ng ekonomiya at kultura.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Napakalaki ng epekto ng impluwensiya ng mga dayuhang mananakop sa bansang gaya ng
Pilipinas. Ayon sa ilang mga mananaliksik ay mas nabibigyang pansin ang pag-aaral ng mga bagay mula
sa mga dayuhan. Binigyang diin ito sa pag-aaral ni Boras-Vega (2010), Ang Patakarang Pangwika sa
Pilipinas at mga Pag-aaral Kaugnay Nito, kung saan sinasabing ng dahil sa globalisasyon ay tumataas
ang bilang ng mga bansang nagpapahalaga sa kanilang wika at pagkakakilanlan. Subalit ng dahil sa iba’t
ibang patakaran at tuntunin sa ating bansa ay mas napapahalagahan ang dayuhang wika, ang Ingles, at
kaunting pagpansin naman ang naibibigay sa wikang Filipino. Makikita na sa wika pa lamang ay may
malaking epekto na sa pagkakalianlan ng isang bansa, ano pa kaya kung pati sa pagpili ng mga
produkto ay nabahiran na rin ng maka-dayuhang kaisipan?
Ang kapitalismo ng iba’t ibang produktong dayuhan ay naging laganap lalo pa’t nakasalalay ang
ekonomiya ng bansa sa tulong mula sa mga bansang nagtataglay ng sapat na pinagkukunan. Maging ang
kultura ng mga dayuhan ay madaling naipasok sa industriya ng bansa. At mabilis itong naka-apekto sa
mind setting ng mga Pilipino. Kapansin-pansing sa paglipas ng mga taon mula ng matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagama’t masasabing malaya na ang Pilipinas, ay lukob pa rin ito ng
impluwensiya ng Estados Unidos at Hapon. Napapangibabawan ng mga impluwensiya ng kanilang
bansa ang mga bagay na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas. Mas nabigyang pansin
ang mga palabas na gawang dayuhan. Ang mga babasahing gaya ng komiks at mga manga ay mas
tinangkilik. Ang mga awitin mula sa ibang bansa ay mas pinaboran. Maging sa mga ini-idolong artista
ay pumatok ang mga dayuhan. Ayon nga sa libro nina M. N. Francisco and F.M.C. Arriola (1987), “The
History of the Burgis”, nang dahil sa mga impluwensiya ng mga Amerikano ay nagkaroon ng
pagbabago sa pamamaraan ng pagkonsumo ng mga Pilipino, lumaganap ang kolnyal na mentalidad.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan sa bansa gaya ng Estados Unidos, Hapon at Korea ay
nagkakroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga kabataang Pilipino. Nagbabago ang
kanilang mga gawi at mga ikinikilos. Kapansin-pansin ang mga pagbabagong naganap sa mga kabataan
ngayon. Una, kakikitaan ang mga kabataan sa kasalukuyan ng pagkahilig sa mga bagay na ‘instant’ gaya
ng pagkain at marami pang iba. Bukod pa rito ay ang nag-iba na rin ang panlasa ng mga kabataan
pagdating sa pagpili ng mga tatangkiliking pelikula, babasahin at mga awitin. Isa pa ay ang pagkahilig
nila sa mga ‘computer games’ at mga ‘social networking sites’, na pansin na pansin kapag bumisita ka
sa mga computer shop. At ito ay maituturing na dahilan kung bakit tila napababayaan na ang mga larong
likhang Pilipino. Maging ang istilo ng pag-aayos at pananamit ng mga kabataan ay nagbago na,
kakikitaan sila ng pakikiuso o pagsabay sa kung ano ang nasa ‘trend’. Dahil dito ay nakabuo ang mga
mananaliksik na magsasagawa ng isang mahusay at maayos na pananaliksik na may paksang “Ang
Epekto ng Neo-kolonyalsmo sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino”.
1.2 Layunin
Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang epekto ng neokolonyalismo sa gawi at kilos
ng mga kabataang Pilipino. Naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondent?
1.1 Edad
1.2 Kasarian
2. Anu-ano ang mga epekto ng panggagaya ng mga kabataang Pilipino sa kanilang;
2.1 Pananamit
2.2 Wika
2.3 Mga salitang ginagamit
2.4 Tinatangkilik na mga produkto
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
3. Paano nakakaapekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino?
3.1 Paggamit ng produkto
3.2 Pagtangkilik ng mga artista at mga mang-aawit
3.3 Pagtangkilik sa mga awit, sayaw at pelikula
3.4 Paraan ng paglilibang
3.5 Paraan ng pagbati
1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral tungkol sa epekto ng neokolonyalismo sa mga kabataang Pilipino ay mahalaga sa
mga:
Mag-aaral
Upang kanilang matukoy at mapagtanto ang mga kaakibat na kilos, gawi, personalidad at pag-
iisip na kanilang nakukuha sa mga impluwensyang dayuhan. Isa pang kadahilanan ay upang
kanila ring malaman ang epekto ng neokolonyalismo sa kultura at pagkakakilanlan ng bansa. Ito
rin ay upang ipabatid ang katuturan ng pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
Administrasyon
Upang kanilang mabatid ang suliraning dulot ng impluwensya ng mga dayuhan sa bansa.
Makatutulong rin ito upang kanilang magawan ng karampatang aksyon at pagsu-sulosyon
ang suliraning naidulot ng neokolonyalismo. Ito rin ay upang kanilang bigyang pansin ang
pagpapahalaga sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa mga kabataang naakupan nito.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Mga susunod na mananaliksik
Upang sa kanila’y maipabatid na mayroong suliranin na kailangang gawan ng naaayong
pag-kilos. Maaari rin silang mabigyan ng ideya kung ano pa ang mga posibleng pag-aaral na
isagawa na mayroong kaugnayan sa paksa. Ito rin ay upang mapalawak ang posibilidad na
makagawa sila ng kaukulang mga pananaliksik na makatutulong pa sa mga susunod sa
kanila.
1.4 Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Epekto ng Neokolanyalismo sa sa Gawi at Kilos ng mga
Kabataang Pilipino”. Sa pag-aaral na ito ay tutukuyin ang dulot ng impluwensyang dayuhan sa mga
bansang nasasakop nito. Iisa-isahin ang mga panggagaya ng mga kabataan sa impluwensyang dayuhan
sa iba’t-ibang aspeto gaya ng; pananamit, kilos at gawi, istilo ng pag-aayos, mga tinatangkilik na bagay
at iba pang bagay na may kaugnayan dito.
Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa mga mag-aaral sa Unang Taon mula sa Pamantasan ng
Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong Sikolohiya. Maaaring sila ay nasa edad labinganim
(16) hanggang labingsiyam (19). Kung saan sa ganitong gulang ay mas higit silang apektado sa pang-
iimpluwensya ng mga dayuhan. Sila ay mas madalas kakitaan ng panggagaya. Sila rin ang mas madaling
ma-engganyo sa mga bagay na nauuso at pinasisikat ng mga dayuhang bansa.
Ang mga mananaliksik ay kumuha ng apatnapung (40) respondente mula sa nabanngit na mga
deskripsyon ng mga taong pokus ng pag-aaral. Ang mga respondente ay kakatawan sa kabuuang bilang
ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa kursong Sikolohiya.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
1.5 Pagpapakahulugan sa mga Terminong ginamit
Aba – mahirap, pulubi, hikahos.
Epekto – sanhi at bunga ng isang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Globalisasyon – ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o
pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan.
Ideolohiya – mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos.
Impeyalismo – isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
Kapitalismo – isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan at pagbukas
ng komunikasyon.
Kultura – kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang
pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Manga – mga cartoons at komiks mula sa bansang Hapon.
Mind Setting – paniniwala at pagtanggap sa mga bagong pag-uugali, mga pagpipilian at mga
kasangkapan dahil sa mga pinanghahawakang palagay, paraan at notasyon ng isang indibidwal.
Neo-kolonyalismo – di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang
bansa.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
1.6 Kaugnay na Literatura
1.6.1 Literaturang Pangbanyaga
Maging sa ibang bansa ay nagging malaking usapin ang paksa tungkol sa neo-
kolonyalismo. Ayon sa ilang mga historyador, na kinabibilangan nila Noam Chomsky at Jean-Paul
Saarte, ang neo-kolonyalismo ay paraan ng ilang mga mangongolonya upang mapalago ang
kanilang negosyo at ito ay sa paraan ng pagpapalaganap ng kanilang kultura, wika at media sa
bansang tinutumbok nito. Kumbaga, ito ang kabuuang resulta ng ekonomikong interes ng mga
dayuhan na nagdudulot ng pagkasira ng sariling kultura ng bansang sakop.
"As long as imperialism exists it will, by definition, exert its domination over other countries. Today that
domination is called neocolonialism."
— Che Guevara, Marxist revolutionary, 1965
Ang paksa ng neo-kolonyalismo ay masusing tinalakay at inilahad sa mga akdang “The
Motorcycle Diaries”, kung saan ito ay naisapelikula noong taong 2004, at “A Small Place” ni
Jamaica Kincaid (1988). Isiniwalat sa akdang “The Motorcycle Diaries” ang talambuhay ng
Marxist na si Ernesto “Che“ Guevarra na nagnais na lakbayin ang Timog Amerika gamit ang isang
motorsiklo. Ang paglalakbay na iyon ay nagdulot ng pagbabago sa kanyang pananaw sa
pakikitungo sa mga mahihirap sa kabila ng pagiging kabilang niya sa medyo naka-aangat na klase.
Sa “A Small Place” naman ay inilahad ng may akda ang kanyang pananaw patungkol sa kanyang
kinalakihang lugar, ang Antigua at naglalaman rin ang akda ng mga katanungang may kaugnayan sa
kung papaanong maaaring maka-apekto sa pananaw ng isang tao ang paglipat sa isang lugar at kung
papaanong na-iimpluwensyahan ng mga dayuhan ang mga lokal sa isang lugar.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
1.6.2 Panglokal na Literatura
Ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino ay tinalakay sa “The History of the
Burgis” nina Maril N. Francisco at Fe Maria Arriola (GCF Books, 1987). Mayroong porsyon sa
aklat kung saan inilahad ang ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad gaya
ng mg sumusunod:
Ang pagkakaroon ng mga plastik na mansanas, ubas at peras sa mga hapag tuwing
piging.
Pagpapa-retoke o pagpapa-ayos ng ilang parte ng katawan gaya ng ilong at puwet.
Imitasyon ng mga bagay na imported gaya ng mga bag at mga damit.
Pagbibigay paalala sa mga kasambahay na kausapin ang mga bata gamit ang wikang
Ingles.
1.6.3 Kaugnay na Pananaliksik
Sa pag-aaral na “Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend na Nakakapagpabagsak
ng Ekonomiya ng Bansa” nina Kimberly Ofrecio, Anna Michaela Idio, Ralph Reizon Santisteban,
Ruey Daylenn Inoc, Kayemar Lopez, Larra Monica Ventura ng Unibersidad ng Santo Tomas ay
inilahad na ang mga Pilipino ay likas na mabilis maimpluwensyahan at mahilig makisunod sa uso
kaya ang pagdating ng Korean Trend sa Pilipinas ay mabilis tinangkilik ng mga Pilipino. Ang
bansang Korea, bagamat maliit lamang na bansa ay hindi naman nagpapahuli pagdating sa galing
nila sa pagbuo ng bagong kagamitan mapasa anumang larangan ito. Marami ng mga
establishamento sa Pilipinas na nagpapakilala sa Kultura ng Korea gaya ng mga Korean restaurant
na pumatok sa panlasa ng karamihan sa mga Pilipino. Pati ang pananamit ng mga Koreano ay
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
naibigan din ng ibang Pilipino at pilit nila itong ginagaya kaya dumadami na din ang mga Korean
Surplus sa bansa na nagtitinda ng mga produkto ng Korea sa murang halaga. Ang Korean hairstyle
ay dinala na din ng mga Koreano sa Pilipinas kaya may mga pagupitan na purong hairstyle lamang
ng mga Koreano ang gupit na pumatok naman lalo na sa mga kabataan. Ang Pilipinas ay isang
tropikal na bansa kaya marami itong mga resort, ngunit hindi nagpatalo ang Korea. Nagtayo din sila
ng resort sa Pilipinas na halintulad sa mga resort sa Korea na tinangkilik din ng mga Pilipino.
Napatunayan ng pananaliksik na ito na sa labis na pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend
kaysa sa sarili nilang produkto ay napataas nito ang ekonomiya ng Pilipinas.Ngunit, dahil sa
sobrang pagtangkilik ng mga Pilipino sa “Korean trend” unti-unti din nitong sinisira ang industriya
ng Pilipinas.
1.7 Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibo at analitikong pamamaraan ng pananaliksik.
Ang deskriptibong pamamaraan ay tumutukoy sa pagbibigay ng kahulugan sa mga nakalap na datos sa
estadistikong paraan. Tumutukoy naman ang analitikong pamamaraan sa masusing pagbuo at pag-iisip
ng mga bagay na angkop para sa binubuong tesis, maaaring kumalap ang mga mananaliksik ng
impormasyon gamit ang mga aklat at website bilang suporta sa kanilang mga ideya. Ang mga
pamamaraan na ito ang gagamitin ng mga mananaliksik upang maging batayan sa pagpili ng mga
respondent upang malaman at maintindihan kung may epekto ang neo-kolonyalismo sa mga gawi at
kilos ng mga kabataang Pilipino. Ang napiling anyo ng pananaliksik ay masusing pinag-aralan ng mga
mananaliksik. Sa deskriptibong metodo nakapaloob ang kasalukuyang nangyayari, ang mga
instrumentong gagamitin, at mga paraan ng pagpapanayam at pagtatanong sa taong binibigyan ng talaan
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
ng mga mananaliksik. Sa paraan ding ito naaangkop ang suliraning pinili ng mga mananaliksik kaya
madaling magamit at maipaliwanag ng maayos.
Ang gagamitin ng mga mananaliksik ay ang pagpapasagot sa mga tagatugon sa isang
palatanungan. Ang pasasagutan ay naglalaman ng sampung (10) katanungan at kasama na rin dito ang
kanilang personal na pagkakakilanlan na kinapapalooban ng mga sumusunod:
Edad
Kasarian
Tirahan
Ang mga nasabing pagkakakilanlan ay magiging patnubay at pagpapatotoo sa ginawang
pananaliksik. Ang mga datos na makukuha sa pangangalap ng datos ay ikaklasipika, itatali at aanalisahin
upang malaman ang kapasidad ng impormasyon.
Sa apatnapung (40) kwestyoneyr na ipinamahagi sa mga mag-aaral sa Unang Taon mula sa
Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong Sikolohiya, lahat ay nakabalik. Ang
kwestyoneyr ay nag-pokus sa mga epekto ng neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang
Pilipino.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
KABANATA II
Pagtalakay ng mga Suliranin
Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng resulta ng mga nakalap na impormasyon sa “Ang
Epekto ng Neo-kolonyalismo sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino”.
Sa mga sumusunod na pahina ay nakapaloob ang mga tala ng resulta ng kasagutan ng mga
respondente. Ang unang talahanayan ay tungkol sa pansariling pagkakakilanlan ng mga taga-tugon. At
ang mga sumusunod pang talahanayan ay kinapapa-looba na ng mga sagot ng mga taga-tugon sa mga
katanungang hinahain ng mga mananaliksik, kalakip nito ang porsyento ng mga kasagutan. Sa ilalim ng
talahanayan ilalahad ang interpretasyon ng mga kasagutan batay sa nakalap ng mananaliksik.
1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondent?
1) Ayon sa Edad
Edad Bilang Porsyento16 15 37.5%17 14 35%18 8 20%19 3 7.5%
KABUUAN 40 100%TALAHANAYAN 1 Edad ng Respondente
16
17
18
19
0.00% 10.00% 20.00% 30.00% 40.00%
38%
35%
20%
8%
GRAPH 1 Edad ng Respondente
Porsyento
Bilang
EDAD
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Ang talahanayang ito ay nagpapakita sa edad ng mga taga-tugon. Makikita na ang may
pinakamataas na bilang na taga-tugon ay edad na 16 na may kabuuang bilang na labinglima (15) o
tatlumpu’t pito at limang bahagdan (37.5%). Ang pangalawa ay edad na 17 na may labing apat na taga-
tugon o tatlumpu’t limang bahagdan (35%). Sinusundan ito ng taga-tugon na may edad na 18, kung saan
ang bilang ay walo (8) o dalawampong bahagdan (20%). Ang pinaka-kaunti ay edad 19 na may bilang
na tatlo (3) o bahagdang pito at lima (7.5%). Sa kabuuan ay may apatnapung (40) taga-tugon.
2) Ayon sa Kasarian
KASARIAN Bilang PorsyentoBabae 25 62.5%Lalaki 15 37.5%
KABUUAN 40 100%TALAHANAYAN 2 Kasarian ng mga Respondente
63%
37%
GRAPH 2 Kasarian ng mga Respondente
Babae Lalaki
Makikita sa talahanayang ito na mas marami ang taga-tugon na babae sa bilang na dalawampu’t
lima o bahagdang animnapu’t dalawa at lima (62.5%). Samantalang ang mga lalaking taga-tugon ay
binubuo ng bilang na labinglima (15) o tatlumpu’t pito at limang bahagdan (37.5%). At ito ang bumubuo
sa apatnapung respondent o isang-daang bahagdan (100%).
2. Ano-ano ang mga epekto ng panggagaya ng mga kabataang Pilipino sa kanilang;
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
2.1 Pananamit
Katanungan SAGOT BILANG PORSYENTO3) Ang iyo bang pananamit ay batay sa mga
nakikita mong kasuotan sa mga banyagang artista?
OO5 12.5%
HINDI16 40%
MINSAN19 47.5%
TALAHANAYAN 3 Epekto sa Pananamit
0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50
12.5
40
47.5
GRAPH 3 Epekto ng Pananamit
MINSANHINDI
OO
Sa talahanayang ito ay pinapakita na sa apatnapung respondent ay labingsiyam (19) o apatnapu’t
pito at limang (47.5%) bahagdan ang minsang naapektuhan ng ng impluwensya ng mga dayuhan
pagdating sa pananamit. Labinganim (16) naman o apatnapung porsyento (40%) ang nagsasabing hindi
sila naapektuhan. Samantalang lima (5) o labingdalawa at limang bahagdan (12.5%) ang tuwirang
nagsabi na sila ay apektado ng impluwensyang dayuhan pagdating sa kanilang pananamit.
2.2 Wika
Katanungan SAGOT BILANG
PORSYENTO
5) Mas gusto mo ba ang wikang Ingles kaysa
Filipino?
OO2 5%
HINDI20 50%
MINSAN18 45%
10) Mas may interes ka ba sa mga babasahing OO3 7.5%
HINDI18 45%
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
banyaga kaysa sa mga panulat ng mga Pilipino? MINSAN19 47.5%
TALAHANAYAN 4 Epekto sa Wika
OO HINDI MINSAN0
10
20
30
40
50
60
5
5045
7.5
45 47.5
GRAPH 4 Epekto sa Wika
Tanong 5Tanong 10
Sa talahanayang ito ay makikita na mas mataas ang bilang ng nagsasabing mas gusto pa rin nila
ang wikang atin. Sa unang tanong ay dalawampu (20) ang nagsabing hindi, may katumbas itong
limampung (50) bahagdan. Labingwalo (18) o apatnapu’t limang (45) bahagdan ang nagsabing minsan.
At dalawa (2) o limang (5%) porsyento ang nagsabing oo. Sa ikalawang katanungan ay labingsiyam (19)
o apatnapu’t pito at limang (47.5%) bahagdan ang nagsabing paminsan ay nahihilig sila sa babasahing
Ingles. Labingwalo (18) o apatnapu’t limang (45%) bahagdan ang nagsabing hindi. At tatlo (3) lamang
ang sumagot ng oo, ito ay may katumbas na pito at limang (7.5%) bahagdan.
2.3 Salitang ginagamit sa paggalang
Katanungan SAGOT BILANG
PORSYENTO
7) Ayoko nang gumamit ng po at opo sa
pagsasalita.
OO1 2.5%
HINDI34 85%
MINSAN5 12.5%
TALAHANAYAN 5 Paggamit ng Po at Opo
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
0 10 20 30 40 50 60 70 80 90
2.5
85
12.5
GRAPH 5 Paggamit ng Po at Opo
MINSANHINDI
OO
Ipinakikita ng talahanayang ito na marami pa rin ang gumagamit ng po at opo na bahagi ng ating
wika at tanda ng paggalang sa mga nakatatanda. Sa bilang na tatlumpo’t apat (34) na nagsabing hindi ay
bumuo ito ng walumpo’t limang (85%) bahagdan. Lima (5) ang nagsasabing minsan ay ayaw nilang
gamitin ang po at opo, ito ay may labingdalawa at limang (12.5%) bahagdan. Isa (1) lamang ang
nagsabing ayaw niya ng gamiitin ang mga ito, dalawa at limang (2.5%) bahagdan ang sakop nito.
2.4 Tinatangkilik na mga produkto
Katanungan SAGOT BILANG
PORSYENTO
8) Mas gusto ko ang mga instant food at pagkaing
banyaga kaysa sa mga lutong pinoy.
OO2 5%
HINDI25 62.5%
MINSAN13 32.5%
TALAHANAYAN 6 Paggamit ng Produkto
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
0 10 20 30 40 50 60 70
5
62.5
32.5
GRAPH 6 Paggamit ng Produkto
MINSANHINDI
OO
Ayon sa ipinapakita ng talahanayang ito, mas marami pa rin ang mga kabataan na nagsasabi na
mas gusto pa rin nila ang lutong Pinoy sa pagsagot nila ng hindi sa katanungan, binubuo sila ng
animnapu’t dalawa at limang (62.5%) bahagdan o bilang na dalawampu (25). Labingtatlo (13) ang
nagsabi na minsan, katumbas nito ay tatlumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan. Dalawa (2) lamang
o limang (5%) porsyento ang mas gusto ang instant food.
3. Paano nakaka-apekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino?
3.1 Paggamit ng produkto
Katanungan SAGOT BILANG
PORSYENTO
8) Mas gusto ko ang mga instant food at pagkaing
banyaga kaysa sa mga lutong pinoy.
OO2 5%
HINDI25 62.5%
MINSAN13 32.5%
3) Ang iyo bang pananamit ay batay sa mga
nakikita mong kasuotan sa mga banyagang artista?
OO5 12.5%
HINDI16 40%
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
MINSAN19 47.5%
TALAHANAYAN 7 Epekto sa Paggamit ng mga Produkto
OO HINDI MINSAN0
10203040506070
5
62.5
32.5
12.5
4047.5
GRAPH 7 Epekto ng Paggamit ng Produkto
Tanong 8Tanong 3
Sa talahanayang ito, mas marami ang mga kabataan na nagsasabi na mas gusto pa nila ang lutong
Pinoy sa pagsagot nila ng hindi sa katanungan, binubuo sila ng animnapu’t dalawa at limang (62.5%)
bahagdan o bilang na dalawampu (25). Labingtatlo (13) ang nagsabi na minsan, katumbas nito ay
tatlumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan. Dalawa (2) lamang o limang (5%) porsyento ang mas
gusto ang instant food. Ito ay bilang tugon sa unang katanungan.Ang resulta sa ikalawang katanungan ay
nagpapakita na sa apatnapung respondent ay labingsiyam (19) o apatnapu’t pito at limang (47.5%)
bahagdan ang minsang naapektuhan ng ng impluwensya ng mga dayuhan pagdating sa pananamit.
Labinganim (16) naman o apatnapung porsyento (40%) ang nagsasabing hindi sila naapektuhan.
Samantalang lima (5) o labingdalawa at limang bahagdan (12.5%) ang tuwirang nagsabi na sila ay
apektado ng impluwensyang dayuhan pagdating sa kanilang pananamit.
3.2 Pagtangkilik ng mga artista at mga mang-aawit
Katanungan SAGOT BILANG
PORSYENTO
4) Mas iniidolo mo ba ang mga kilalang banyaga
sa larangan ng musika at pag-arte kaysa sa mga
Pilipinong artista?
OO5 12.5%
HINDI15 37.5%
MINSAN20 50%
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
TALAHANAYAN 8 Epekto sa Pagtangkilik sa mga Artista
0 10 20 30 40 50 60
12.5
37.5
50
GRAPH 8 Epekto sa Pagtangkilik ng mga Artista
MINSANHINDI
OO
Ang talahanayang ito ay nagpapahayag ng minsang mas pagtangkilik ng mga kabataan sa mga
banyagang mga personalidad. Sila ay binubuo ng dalawampu (20) o limampung (50%) bahagdan.
Labinglima (15) o tatlumpu’t pito at limang (37.5%) bahagdan ang nagsabing mas iniidolo nila ang mga
lokal na artista. Lima (5) naman ang nagsabi ng oo, mayroon itong labing dalawa at limang (5%)
bahagdan.
3.3 Pagtangkilik sa mga awit, sayaw at pelikula
Katanungan SAGOT BILANG
PORSYENTO
1) Mas nahuhumaling ka ba sa mga panuoring
banyaga kaysa sa mga palabas na sariling atin?
OO13 32.5%
HINDI5 12.5%
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
MINSAN22 55%
2) Mas marami ba ang alam mong kantang
banyaga kaysa sa mga orihinal na pinoy na
musika?
OO13 32.5%
HINDI16 40%
MINSAN11 27.5%
TALAHANAYAN 9 Epekto sa Awit, Sayaw at Pelikula
OO HINDI MINSAN0
102030405060
32.5
12.5
55
32.540
27.5
GRAPH 9 Epekto sa Awit, Sayaw at Pelikula
Tanong 1Tanong 2
Ang talahanayan ay nagsasaad ng kung alin ang mas tinatangkilik ng mga kabataan pagdating sa
mga awitin, sayaw at pelikula. Sa unang katanungan ay natukoy na mas marami sa mga kabataan ang
paminsang nahihilig sa pelikulang banyaga. Sa dalawampu’t dalawa (22) nilang bilang ay mayroon
itong limampu’t limang (55%) bahagdan. Labing tatlo (13) ang sumagot ng oo, talumpu’t dalawa at
limang (32.5%) bahagdan ang sakop nito. Lima (5) o labingdalawa at limang bahgdan ang nagsabing
hindi. Ang ikalawang katanungan ay tumutukoy sa mas hilig ng mga kabataan pagdating sa awitin.
Labinganim (16) ang nagsabing mas marami pa rin silang alam na OPM songs sa pagsagot ng hindi,
apatnapung (40%) bahagdan ang katumbas nito. Labingtatlo (13) naman ang sumagot ng oo, talumpu’t
dalawa at limang (32.5%) bahagdan ito. Labingisa (11) o dalawampu’t pio at limang (27.5%) bahagdan
ang sumagot ng minsan.
3.4 Paraan ng paglilibang
Katanungan SAGOT BILAN PORSYENTO
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
G9) Mas gusto ko ang mga larong banyaga mula sa
computer games kaysa sa mga larong pinoy.
OO9 22.5%
HINDI8 20%
MINSAN23 57.5%
TALAHANAYAN 10 Epekto sa Libangan
0 10 20 30 40 50 60 70
22.5
20
57.5
GRAPH 10 Epekto sa Libangan
MINSANHINDI
OO
Tinutukoy sa talahanayang ito na mas marami ang bilang ng minsang naglilibang sa paglalaro ng
computer games. Dalawampu’t tatlo (23) o Limampu’t pito at limang (57.5%) bahagdan ang sakop nila.
Siyam (9) o dalawampu’t dalawa at limang (22.5%) bahagdan ang nagsabing oo. At walo (8) o
dalawampung (20%) ang sumagot ng hindi.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
3.5 Paraan ng pagbati
Katanungan SAGOT BILANG
PORSYENTO
6) Mas gusto ko ang humalik kaysa magmano. OO8 20%
HINDI19 47.5%
MINSAN 13 32.5%TALAHANAYAN 11 Epekto sa Paraan ng Pagbati
0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50
20
47.5
32.5
GRAPH 11 Epekto sa Paraan ng Pagbati
MINSANHINDI
OO
Marami pa rin ang bilang ng sumusunod sa nakasanayang pagmamano. Sa bilang na labingsiyam
(19) o apatnapu’t pito at limang (47.5%) bahagdan na sumagot ng hindi ay mapatutunayan ito.
Sinusundan ang bilang na ito ng mga sumagot ng minsan, sa bilang na labingtatlo (13) o may katumbas
na tatlumpu’t dalawa at limang (32.5%) bahagdan. Walo (8) lamang ang nagsabing oo, mas gusto ng
dalawampung (20%) porsyento ng taga-tugon ang humalik.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
KABANATA III
Pagbubuod, Konklusyon at Rekomendasyon
3.1 Buod
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang “ Epekto ng Neokolonyalismo sa Gawi at
Kilos nga mga Kabataang Pilipino”. Layunin ng pag aaral na malaman ang epekto ng Neokolonyalismo
sa; Pananamit, Wika, Mga salitang ginagamit, Tinatangkilik na mga produkto at kung paano
nakakaapekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino.
Ang mga pananaliksik ay naglalahad ng mga maaaring paraan sa pagpapalaganap ng
nasyonalismo sa mga kabataang Pilipino. Dapat ay mas tangkilikin ang mga bagay na sariling atin o
gawang Pilipino upang mapanatili ang pagkakakilanlan ng bansa.Kailangan ay isa-puso at isa-diwa ang
pagkakaroon ng paggalang at pagmamamahal sa sariling bansa.
Ang suliraning pinag-aaralan ay kinuha sa mga mag-aaral sa Unang Taon mula sa Pamantasan
ng Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong Sikolohiya. Sila ay nasa edad labinganim (16)
hanggang labingsiyam (19) na kinuha ng mga mananaliksik upang malaman kung paano nakakaapekto
sa mga kabataang Pilipino ang impluwensyang dayuhan. Ginamit sa pagaaral ang pamaraang diskriptib
– analiktik.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
3.2 Konklusyon
Ayon sa mga pinagbasihang datos na nakalap, naanalisa at nabigyang interpretasyon ay natatamo
sa mga sumusunod na paliwanag ay porsyento ng kabuuang taga-tugon ay isang daang porsyento
(100%) na may bilang na apatnapu (40). Ang personal na pagkakakilanlan ay nahahati sa dalawa. Una
ay ang edad, ang mga taga-tugon na edad labinganim(16) ay 37.5%. Ang mga nasa edad labingpito (17)
ay 35%, 20% ang edad labingwalo (18) at ang mga nasa edad labingsiyam (19) naman ay may 7.5% na
100% sa kabuuan. Ikalawa ay ang kasariaan ng mga taga-tugon. Ang mga babaeng taga-tugon ay
binubuo ng 62.5%. Samantalang ang mga lalaki naman ay 37.5% at 100% sa kabuuan.
Naapektuhan ang mga kabataang Pilipino sa iba’t- ibang aspeto ng dahil sa impluwensya ng mga
dayuhan, 47.5% ang nagsabing minsang naapektuhan ang kanilang pananamit dahil dito. Malaking
porsyento naman ang nagsasabing mas pinahahalagahan pa rin nila ang wikang Filipino, sila ay binubuo
ng 50% at 47.5% naman ang nagsasabing minsan ay mas nahuhumaling silang basahin ang mga akda ng
dayuhan. At pinatunayan ng 85% na taga-tugon ang pagkakaroon pa rin ng paggalang ng mga kabataang
Pilipino sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng wikang kanilang ginagamit. 62.5% ang nagsasabing
mas gusto nila ang lutong Pinoy kaysa sa mga instant.
Ang ikatlong basehan ay kung papaanong nakaapekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng
mga taga-tugon. Malaking porsyento ang nagsasabing hindi naapektohan ang pagpili nila ng mga
produktong gagamitn, marami ang nagsasabing mas gusto nila ang sariling atin. Minsan namang
naapektuhan ang isipan ng mga respondent pagdating sa mga tatangkiliking personalidad. Hati naman
ang kanilang pananaw pagdating sa mga tatangkiliking awitin at mga pelikulang panuorin. Malaki rin
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
ang posibilidad na hindi mabigyang pansin ang mga larong Pinoy dahil sa mga computer games. Subalit
talagang hindi maaalis sa mga kabataang Pilipino ang paggalang sa mga nakatatanda, malaking
porsyento ang nagsabi na mas gusto pa rin nila ang magmano kesa sa impluwensyang dayuhan na
paghalik o pagbeso.
3.3 Rekomendasyon
1. Maaring magsagawa ng iba pang pag-aaral kaugnay ng ginawang pananaliksik.
2. Maaring bigyan daan ang pananaliksik tungkol sa industriya ng kulturang kolonyalismo.
3. Ang susunod na mananaliksik ay maaring palawakin pa ang isinagawang pag-aaral sa antas
naman ng elementarya o sekundarya.
4. Karagdagang pananaliksik kung papaanong mas nahihilig ang mga kabataan sa mga
impluwensyang dayuhan.
5. Nararapat na hikayatin ng mga guro at administrador ang mga mag aaral na matutong
tumangkilik ng sariling atin.
6. Kinakailangang bigyang prayoridad ang pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino kaysa sa mga
gawang dayuhan.
7. Magkaroon ng isang malawakang seminar tungkol sa pagmamahal sa bayan.
8. Hanggat maaari ay nararapat na iwasan ang pagpapalaganap ng mga impluwensya ng mga
dayuhan lalong-lalo na sa mga kabataan.
9. Ipakita sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagtangkilik natin sa ating sariling produkto.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
10. Magkaroon ng mga programa na tutulong sa mga kabataan upang makilala pa ang mga bagay na
sumi-simbolo sa ating pagkakakilanlan.
11. I-mulat ang mga kabataan sa kulturang pansarili ng bansa.
12. Mga kaukulang aksyon upang maiwasan ang unti-unting paglaho ng mga kinagisnan n gating
mga ninuno.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
APENDIKS
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Talatanungan para sa Mga Mag-aaral
Epekto ng Neo-Kolonyalismo sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino
Pangalan (Opsyonal): _____________________________ Kasarian: _______________
Tirahan: ________________________________________ Edad: ___________________
PANUTO: Tsekan ang kahon na tumutugon sa iyong kasagutan para sa mga katanungan.
OO HINDI MINSAN
1) Mas nahuhumaling ka ba sa mga panuoring banyaga kaysa
sa mga palabas na sariling atin?
2) Mas marami ba ang alam mong kantang banyaga kaysa sa
mga orihinal na pinoy na musika?
3) Ang iyo bang pananamit ay batay sa mga nakikita mong
kasuotan sa mga banyagang artista?
4) Mas iniidolo mo ba ang mga kilalang banyaga sa larangan ng
musika at pag-arte kaysa sa mga Pilipinong artista?
5) Mas gusto mo ba ang wikang Ingles kaysa Filipino?
6) Mas gusto ko ang humalik kaysa magmano.
7) Ayoko nang gumamit ng po at opo sa pagsasalita.
8) Mas gusto ko ang mga instant food at pagkaing banyaga
kaysa sa mga lutong pinoy.
9) Mas gusto ko ang mga larong banyaga mula sa computer
games kaysa sa mga larong pinoy.
10) Mas may interes ka ba sa mga babasahing banyaga kaysa
sa mga panulat ng mga Pilipino?
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
BIBLIOGRAFI
Francisco, Mariel N., and Fe Maria C Arriola. The History of the Burgis. Quezon City [Philippines] : GCF Books, ©1987.
Guevara, Ernesto, and Anne Wright. The Motorcycle Diaries: A Journey Around South America. Melbourne ; New York : Ocean Press ; [Havana, Cuba] : Centro de Estudios Che Guevara, ©2003. (http://en.wikipedia.org/wiki/The_Motorcycle_Diaries_(film))
Kincaid, Jamaica. A Small Place. New York : Farrar, Straus and Giroux, 2000. (http://en.wikipedia.org/wiki/A_Small_Place)
Ofrecio, Kimberly, et al. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend na Nakakapagpabagsak ng Ekonomiya ng Bansa. Unibersidad ng Santo Tomas : Kolehiyo ng Komersyo, 2009-2010. (http://impluwensyangkoreano.blogspot.com/)
Vega, Sheilee B. 2010. Ang Wikang Filipino Bilang Wikang Panlahat, Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa Tungo sa Pagpaplanong Pangwika. Komisyon sa Wikang Filipino. (http://www.kwf.gov.ph/wp-content/gallery/Ang%20Patakarang%20Pangwika%20sa%20Pilipinas.pdf)
http://202.91.162.20/barobonhs/makabayan.pdf
http://bayan-natin.blogspot.com/2008/10/neo-colonialism.html
http://en.wikipedia.org/wiki/Neocolonialism
http://e-turo.org/files/Modyul%2010%20-%20Neo-Kolonyalismo%20Ang%20Bagong%20Uri%20o%20Pamamaraang%20Ko.pdf
http://science.jrank.org/pages/10793/Postcolonial-Studies-Decolonization-Postindependence-Neocolonialism.html
http://www.bse.portal.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20III/Modyul%2020%20-%20Neo-Kolonyalismo.pdf
http://www.bse.portal.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20II/Modyul%2010%20-%20Neo-Kolonyalismo%20Ang%20Bagong%20Uri%20o%20Pamamaraang%20Ko.pdf
http://www.google.com.ph/url?url=http://images.anakbayanhq.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/SYSvswoKCsQAABHVHOw1/Historikal%2520na%2520Pagsusuri%2520sa%2520Edukasyong%2520Pilipino.doc%3Fnmid%3D187647123&rct=j&sa=U&ei=FmMxT5r2AqWCmQWTzIDjBQ&ved=0CF4QFjAI&q=epekto+ng+neokolonyalismo+sa+kabataan&usg=AFQjCNHyRlUADY8IKvxfm43qaifZOZ_1Jg
http://www.writework.com/essay/effects-neo-colonialism