Click here to load reader

Ortograpiyang filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Ortograpiyang Filipino

Ortograpiyang Filipino

Mga LayuninMailahad ang uri ng palabaybayan at mga tuntunin nito.Maibigay ang maikling kaalaman hinggil sa Filipino bilang wikang pambansa.Matukoy ang mga makabagong alpabetong Filipino.Maisa-isa ang mga gabay tungo sa ortograpiyang Filipino.Mabigyang-kahulugan ang pantig at pagpapantig.

Mga Tuntunin sa PagbabaybayPagbigkas na PagbaybayAng pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig.Ang ispeling o pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham at iba pa.

3

Halimbawa:Salitaboto = /bi-o-ti-o/plano =/pi-el-ey-en-o/Fajardo=/Kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/

Pantiga = /ey/la = /el-ey/bra= /bi-ar-ey /kon=/ key-o-en/

DaglatBb. (Binibini) = /Kapital bi-bi/Gng. (Ginang) = /Kapital ji-en-ji/

Inisyal ng TaoMAR ( Manuel A. Roxas) = /em-ey-ar/LKS(Lope K. Santos) = /el-key-es/

AkronimGAT(Galian sa Arte at Tula)= / ji-ey-ti/LIRA ( Lirika, Imahen, Retorika at Arte)= /el-ay-ar-ey/

Inisyal ng SamahanKWF /key-dobolyu-ef/NGO /en-ji-o/

Simbolong Pang-agham/PangmatematikaFe (iron) = /ef-i/Lb (pound) = /el-bi/

Pasulat na PagbaybayMananatili sa pagsulat at pagbasa ng mga karaniwang salita ang isa-sa-isang tumbasan ng letra at makabuluhang tunog na ang ibig sabihin, isa lamang ang tunog sa pagbigkas ng bawat letra kapag naging bahagi ng karaniwang salita.

Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na naasimila na sa sistema ng pagbaybay sa Wikang Pambansa ay susunod na rin ang kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

Halimbawa:bapor (vapor)kotse (coche)bangko (banco)kahon (cajon)Sentro (centro)sigarilyo (cigarillo)

b. Ang dagdag na walong letra: C,F,J,N,Q,V,X,Z ay ginagamit sa mga:

1.Pantanging ngalanHalimbawa:TaoLugarCarmelitaCanadaQuirinoTexasExequilNueva Vizcaya

Pantanging ngalanHalimbawa;GusaliSasakyanTwin TowersVictory LinerGrand Villa HotelThai AirlinesCerteza BLDG.JAM Line

2. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa PilipinasHalimbawa:KahuluganHadji ( lalaking Muslim na nakarating sa Mecca)Vakul (panakip sa ulobilang pananggalang sa ulan at init ng araw na yari sa isang uri ng palmera o dahon ng saging)Ifun( pinakamaliit na banak)Azan(unang panawagan sa pagdarasal)

Panumbas sa mga Hiram na SalitaPinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng Filipino, Nililimitahan nito ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na letra(C,F,J,N,Q,V,X,Z) doon lamang sa mga sumusunod ;

Pantanging ngalanSalitang katutubo mula sa ibang wika sa PilipinasSalitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa pagbigkas na kapag binaybay ang orihinal na ispeling nito.Salitang pang-agham at teknikalSimbolong pang-agham

Kung kayat napapanahon lamang ang pagrebisa sa mga tuntunin sa ispeling. May mahalagang kraytirya para matamo ang episyenteng sistema ng ispeling:

1.Kasimplehan at ekonomiya na kaugnay ng isa-isang tumbasan ng tunog at letra, at

2.Fleksibilidad ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga wika.

Sa paghanap ng panumbas sa mga salita buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin ang mga sumusunod na paraan:Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang Filipino.Halimbawa:Hiram na salitaFilipino ruletuntuninAbilitykakayahanEastsilangan

b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.

Hiram na salitaFilipinoImageryharaya(tagalog)Husband bana(hiligaynon)Muslim priestimam(tausug)

c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles, at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.

KastilaFilipinoChequetsekeLitrolitroLiquidlikido

InglesFilipinoCentripetalsentripetalCommercialkomersyalAdvertisingadvertayzing

Iba pang wikaFilipinoCoup detat(French)kudetaGlasnost(Russian)glasnostBlitzkrieg(German)blitzkrieg

d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi nauunawaan ng nakakarami, hinihiram nang tuwiran ang katawagang Ingles at binabaybay ito ayon sa sumusunod na paraan:

1.Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.halimbawa:Salitang BanyagaFilipinoReporterreporterSopranosopranoMemorandummemorandum

2.Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa simulain kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

Halimbawa:Salitang HiramFilipinoControlkontrolMeetingmitingTeachertitser

Gayunpaman,may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.

Halimbawa:KongregasyonkonggregasyonKongresistakonggresista

3.May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di-konsistent ang ispeling o lubhang malayo ang ispeling sa bigkas na:

a.) Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling sapagkat kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas ang orihinal na ispeling nito.Halimbawa:

CoachrendezvousSandwichsausageClutchchampagne

Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayunpaman, sa pagpili ng salitang gagamitin isaalang-alang din ang mga sumusunod:

1. Kaangkupan ng salita2. Katiyakan sa kahulugan ng salita3.Prestihiyo ng salita

FILIPINO Bilang WIKANG PAMBANSA

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 19737, ipinahayag ng Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng Pilipinas batay sa Tagalog.

1940 sinimulang ituro ang wikang pambansa sa paaralang publiko at pribado.

1959 ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay sa Tagalog.

Konstitusyon ng 1986 ang Wikang Pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino gaya ng nasasaad:

Artikulo XIV, Sek. 6 . Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Bilang pag-alinsunod sa nasabing batas, Filipino ang ngalan ng wikang pambansa sa kasalukuyan.Ito ay batay sa Pilipino, na siyang umiiral na wika.

Deskripsyon ng Filipino ayon sa KWF:Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng ibat ibang barayti ng wika para sa ibat ibangsaligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Bokabularyo mula sa mga wika ng ating bansa jihad(muslim)Buang(bisayas)Gurang(bisaya)Manong/manang(Ilocano)Pinakbet(Ilocano)

Kaibahan ng Filipino sa Tagalog at Pilipino

Ang tagalog ay isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita.

Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistik na grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog(Constantino, sa Bernales,et al. 2002)

1959- Pumasok ang pangalang Pilipino bilang wikang pambansa .Bunga ito ng kalituhang ibinunga ng pagbatay sa awikang pambansa sa Tagalog noong 1937.

Kautusang Pangkagawaran Bilang 59-itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.

Kaya sa mga eskwelahan noon, mas tama ang aklat kaysa libro; ang takdang aralin kaysa asaynment; ang pamantasan kaysa unibersidad; ang dalubhasaan kaysa kolehiyo; ang mag-aaral kaysa estudyante.Tinatawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog Imperialismna nagbunga ng mga negatibong reaksyon sa mga di-tagalog.

Sa kasalukuyan, hindi na tama ang argumentong ang Filipino ay Tagalog din.Wika nga ni Almario( sa Bernales, et al. 2006), hini lamang natin inintinding mabuti.Samantala, may mga miskonsepsyon pa rin sa wikang Filipino na kailangan nating linawin.

Ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi galing sa Ingles na Filipino na tawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas.Hindi rin isang akomodasyong pampulitika ang pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino sa Filipino.

Ano ag pinakaesensya ng konsepto ng wikang Filipino?

- Pagiging pambansang LINGUA FRANCA

Bilang isang lingua franca, ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan saisat isa lalo na sa mga syudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang katutubo at unang wika gaya ng Cebuano, Ilocano,Pampanggo,Tausug,Kalinga at iba pa.

Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa sanyata at rang-ay ng Iloco, sa usuang at bihud ng Visaya, sa Santing ng mga Kapampangan, sa suyad ng Manobo. Smantalay hindi ito hadlang sa madaliang pagpasok ng shawarma, sashimi, shabu, odd-eve, at iba pang idargasa ngsatelayt at fax ng globalisasyon.- Dr. Virgilio Almario ( sa Bernales: 2006)

Ang Filipino ay higit pang palalawakin at payayabungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy na makaagapay sa pag-unlad ng bansa, at maging epektibong kasangkapan sa ating pakikipagtalastasan.

Makabagong Alpabetong Filipino

Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8)Dagdag na Letra

A. Letrang CPanatilihin ang letrang C kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.Halimbawa:Calculus ChlorophyllCarbohydrates

2. Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay )/s/ at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C.Halimbawa:Participant = partisipantCentral = sentralCard = kard

B. Letrang FGamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.

Halimbawa:TofuFotoFrench friesfutbol

C. Letrang JGamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.

Halimbawa:JamJaketSabjekObjek

D. Letrang n(enye)1.Panatilihin ang letrang kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Halimbawa:El NioMalacaangNio

D. Letrang n(enye)2. Palitan ang letrang ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang .

Halimbawa:Pia = pinyaCariosa = karinyosaBaera = banyera

E. Letrang QPanatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Halimbawa:Quo vadisQuantumOpaque

E. Letrang Q2. Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/ at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.Halimbawa:Quarter = kwarterQuorum = korumQuerida = kerida

F. Letrang VGamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.

Halimbawa:VerbatimVaraytiVideoVertebrate

G. Letrang XPanatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Halimbawa:AxiomXylemExodus

G. Letrang X2. Palitang ang letrang X ng letrang KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X.

Halimbawa:Experimental = eksperimentalTaxonomy = taksonomiExam = eksam

H. Letrang ZGamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.Halimbawa:ZebraZincZooBazaarMagazine

Pantig at Palapantigan

1.PantigAng pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ngtinig sa pagbigkas ng salita.Halimbawa:

A-kosam-boti-i-wanmang-ya-ya-riIt-logma-a-a-ri

2.Kayarian ng PantigAng pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.Halimbawa:KayarianHalimbawaPu-paKPma-liPKis-da

KayarianHalimbawaKPKhan-daKKPpri-toPKKeks-per-toKKPKplan-tsaKPKKtrans-por-ta-syonKKPKKshorts

3. Paraan ng PagpapantigAng pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.

a.Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal, midyal at final na salita, ito ay hiwalay na mga patinig.

Halimbawa:Aalisa-a-lisMaaga ma-a-gaTotooto-to-o

B. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.Halimbawa:Buksanbuk-sanPintopin-toSobresob-reKopyakop-ya

c. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa:Eksperimentoeks-pe-ri-men-toTranskripsyontans-krip-syon

d. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl,br,pl,tr ang unang katinig (m o n) sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay susunod sa patinig.Halimbawa:Asembleyaa-sem-ble-yaAlambrea-lam-breBalandraba-lan-dra

e. Kapag may apat na magkakasunud-sunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa:Esktradisyonesk-tra-dis-yonEksklusiboeks-klu-si-bo

4.Pag-uulit ng Pantiga.Kapag ang unang tunog ng salitang ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit.

Halimbawa:A-lisa-a-lisAm-bona-am-bon

Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.

Halimbawa:Mag-a-lismag-a-a-lisUmam-bonuma-am-bonUmeks-trau-me-eks-tra

b. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (Katinig-Patinig) , ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.

Halimbawa:Ba-saba-ba-samag-ba-ba-saLa-kadla-la-kadni-la-la-kadTak-bota-tak-bonag-ta-tak-boNarsmag-na-nars

c. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster ng katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin.

1.Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.

Halimbawa:pisopi-pi-soSampusa-sam-pu

2. Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig .

Halimbawa:Plan-tsapla-plan-tsa-hinPri-topri-pri-tu-hinKwen-tokwe-kwen-tu-han

Maraming salamat sa pakikinig at kooperasyon!