29
ARALIN 27 Ang Rebolusyon g Industriya l

Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Rebolusyong Industriyal T. S. CRUZ HIGH SCHOOL LAS PINAS CITY

Citation preview

Page 1: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

ARALIN 27

Ang Rebolusyong Industriyal

Page 2: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Ang mga kinakailangang salik para sa pagkakaroon ng Rebolusyong Industriyal ay unti-unti nang naitatag simula pa noong ika-15 siglo.

Page 3: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Pag-usbong ng Reboulusyong Industriyal sa Great Britain

Ang terminong Rebolusyong Industriyal ay iniuugnay sa mga kaganapang panlipunan at pang-ekonomiya na humantong sa pagbago mula sa lipunang agrikultural at komersiyal tungo sa modernong lipunang industriyal.

Nakasalalay ang rebolusyong ito sa paggamit ng makinarya sa halip na mga tool o kagamitan.

Naganap ito sa Great Britain noong kalagitnaan ng ika-18 siglo hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 siglo.

Page 4: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Lumaganap ito sa ibang bahagi ng Europe hangggang sa malaking bahagi ng daigdig.

Marami itong taglay na likas na yaman tulad ng deposito ng uling at bakal.

Bukod dito, mahalaga ring salik na hindi napasailalaim sa puwersa ni Napoleon ang Great Britain sa paggamit ng makinarya sa mga pabrika upang dumami at bumilis ang produksiyon.

Page 5: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Mga Salik sa Pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal

Ang pag-unlad ng sistemang pabrika ang siyang pangunahing katangian ng Rebolusyong Industriyal. Iba’t - ibang salik:

paglaki ng populasyon enclosure movement Rebolusyong Agrikultural Katangian ng ekonomiya , mga

imbensiyong teknolohikal at sistema ng transportasyon at komunikasyon.

Page 6: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Paglaki ng Populasyon

Ang paglaki ng populasyon sa Great Britain ay lubhang nakatulong sa pagsasakatuparan ng Rebolusyong Industriyal.

Naganap ito sa panahong malaki ang pang-ngailangan ng Great Britain sa lakas paggawa upang matugunan ang ekonomiyang nakabatay sa industriya at makinarya.

Ang paglaki ng populasyon ay may ibat-ibang salik. Bumaba ang bilang ng mga namatay (mortality rate) at hindi tumaas ang bilang ng mga ipinanganak (birth rate).

Page 7: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Ang paglaki ng populasyon ay may ibat-ibang salik. Bumaba ang bilang ng mga namatay (mortality rate) at hindi tumaas ang bilang ng mga ipinanganak (birth rate).

Nakatulong sa paglaki ng populasyon ang pagbuti ng pagkain ng mga British dahil sa pagdami ng sariwang gulay at karne sa panahon ng taglamig.

Ito ay dahil sinimulan nilang pakainin ng halamang –ugat (root crops) tulad ng singkamas.

Page 8: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Gumamit sila ng mga mumurahing sabon at damit panloob na yari sa bulak kaya naiwasan ang mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran.

Ang mga bagong tuklas sa medisina , lalo na pag-oopera ay lubhang nakatulong sa pagbaba ng bilang ng mga namatay.

Ang paggamit ng ladrilyo at tisa sa paggawa ng bahayay naging hadlang sa pagkakaroon ng mga pesteng may dalang sakit.

Page 9: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Enclosure Movement

Ang enclosure movement ay isa sa mga nagdudulot ng malaking pagbabago sa kapaligiran (landscape) ng mga kabukiran sa Great Britain. Sa pamamagitan ng prosesong ito, ang sistema ng regulasyon at pagsasamantala sa mga lupain ay napalitan ng sistema ng pamahalaang pribado sa lupain. Dumaan ito sa legal at pisikal na pagbabago.

Page 10: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Sa pamamagitan ng nito, pitong milyong ektarya ng lupaing dati ay bukas sa publiko ang binakuran o pinaderan at naging pagmamay-ari ng mayayaman.

Pinasimulan ni Charles Townshead , isang may-ari ng lupa at may kaalaman sa pagsasaka, ang pagtatanim ng singkamas at trebol (clover) upang magbigay ng sustansiyasa lupa, tumaas ang produksiyon at may makain ang mga hayop sa panahon ng taglamig.

Page 11: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Rebolusyong Agrikultural

Ito ay nagbigay-diin din sa Rebolusyong Industriyal.

Ito ang nagsasalarawan sa panahon ng pag-unlad sa Britain sa pagitan ng ika-17 hanggang ika-19 na siglo kung kailan nagkaroon ng matinding pagdami ng produksiyong agrikutural at kita.

Nakatulong din sa Rebolusyong Agrikultural ang pagkakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka tulad ng pagpapaunlad sa ararong yari sa bakal, seed drill, at McCormick Reaper.

Page 12: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Ginagamit ang seed drill para magtanim ng maliit na binhi tulad ng wheat, oats, at barley. Sa tulong din nito, maayos na maitatanim ang binhi nang may tamang lalim sa lupa at agwat sa isa’t isa.

Samantala, pinabilis ng McCormick reaper ang pag-ani ng pananim. Pinalitan nito ang pag-ani gamit ang kamay.

Page 13: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Katangian ng Ekonomiya

Ang pagkatatag ng Bank of England noong 1694 ay nakatulong din nang malaki sa tagumpay ng Rebolusyong Industriyal.

Ang pagkakaroon ng stock exchange ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtatatag ng London Stock Exchange noong 1773.

Ang kaakibat na pagbaba ng interest rate sa Great Britain dahil sa pagdagsa ng kapital ay humikayat sa pagsigla ng gawaing pangnegosyo.

Page 14: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Mga Imbensiyong Teknolohikal

Simula noong ika-17 siglo ay mayroon ng sistema ng pagprotekta sa imbensiyon ang Great Britain. Tinawag itong patent system kung saan nahikayat ang mga imbentor sa malaking premyo para sa mahusay na imbensiyon.

Mahalaga sa Rebolusyong Industriyal ang paggamit ng steam para sa pagbibigay ng enerhiya sa mga makinarya.

Malaki ang naitulong ng steam engine (1769) ni James Watt na nagbigay-daan upang mapalitan ng makinarya ang mga hand tool.

Page 15: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Steam Engine

Page 16: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Ang mga ss. ay ilan pa sa mga imbensiyon noon sa industriya ng

paggawa ng tela:

Cotton gin – naimbento ni Eli Whitney noong 1793 na nakatulong sa madaliang paghihiwalay ng buto ng bulak mula sa hibla nito.

Flying shuttle – naimbento ni John Kay noong 1733 na nagpabilis sa pag-ikid ng sinulid.

Spinning jenny – naimbento ni James Hargreaves noong 1764 ay nagpabilis nang walong beses sa pag-ikid ng sinulid. (higit na maraming sinulid na ang nagagawa)

Page 17: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Cotton gin

Page 18: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Flying Shuttle

Page 19: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Water frame – naimbento ni Richard Arkwright noong 1769 na nakapaghabi nang mas manipis subalit mas matibay na sinulid. Gumagamit ito ng enerhiya o lakas mula sa tubig upang mapatakbo ang mga spinning wheel.

Spinning mule – naimbento ni Samuel Crompton noong 1779 ay nagpasama ang katangian ng spinning jenny at water frame.

Power loom – ni Edmund Cartwright na binigyan ng patent noong 1783 na nagpabilis naman ng pagtaas ng produksiyon.

Page 20: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

McCormick Reaper

Page 21: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Spinning Jenny

Page 22: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Water Frame

Page 23: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Spinning Mule

Page 24: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Power Loom

Page 25: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon

Naimbento ni Richard Trevithick noong 1804 ang unang steam-powered locomotive na nagbigay-daan sa pagbubukas ng riles.

Mas mabuting makina ang nabuo ni George Stephenson at kanyang anak (Robert Stephenson) na unang ginamit sa pampublikong riles ng tren noong 1830. Sila din ay nagpagwa ng unang komersiyal na riles, ang linyang Stockton-Darlington noong 1825.

Kasunod nito ang pagbukas din ng linyang Manchester at Liverpool.

Page 26: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Gayunpaman, naging laganap ang pagpapagawa ng riles ng tren sa iba’t ibang bahagi ng Europe.

Kaugnay nito, ang imbensiyon ni Samuel F.B. Morse na telegraph noong dekada 1830 na nagpaunlad naman sa sistema ng komunikasyon.

Nagkaroon din ng pagbabago sa mga sasakyang pandagat.

Noong 1845, nagawa naman ang unang steamship na may iron hull o steamship na ang katawan nito ay bakal.

Page 27: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Epekto ng Rebolusyong Industriyal

Nagbago ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Lumaki at bumilis ang paglaki ng populasyon ng Europe.

Umunlad maging ang bilang at laki ng mga lungsod malapit sa mga pabrika, minahan, at daungan.

Nagsimula ang pagsasamantala sa mga manggagawa na karamihan ay mga kabataan at kababaihan.

Page 28: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubong ng araw, nagtatrabaho sila sa mga pabrika sa mas mababang kita.

Gayunpaman, marami ring patakarang ipinatupad ang pamahalaan na nagpabuti sa kondisyong pangkapaligiran tulad ng maayosna kalsada, tubig, at sewerage system.

Dalawang uri ng panlipunan na nakilala dahil sa Rebolusyong Industriyal – ang proletariat o mga manggagawa at ang gitnang uri o bourgeoisie na binubuo ng mga mangangalakal, may-ari ng pabrika, mananalapi, abogado, at iba pang propesyonal.

Page 29: Aralin 27 Rebolusyong industriyal

Lumaki ang agwat ng mayaman at mahirap.

Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo lumaganap ang Rebolusyong Industriyal sa Belgium, France, Germany, United States at Japan .

Dahil din sa Rebolusyong Industriyal, nahikayat ang mga Kanluranin na pag-intingin ang panakop ng mga kolonya.

Isinagawa nila ang ikalawang yugto ng imperyalismo sa huling bahagi ng ika-19.